Share

Kabanata 8

KABANATA 8 :: BOREDOM

Nakailang balikwas na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Halos alas otso na ng gabi pero ang diwa ko ay gising na gising pa din.

Asan na kaya si Kleindro?

Tiningnan ko ang bagong cellphone na ibinigay niya sa akin kanina matapos kaming mag lunch at saka lamang naisipang kalikutin iyon.

Ang default wallpaper ay pinalitan ko ng litrato ng aking paa. Nang makontento ay saka ako nagpunta sa contacts at dalawang numero lamang ang nandoon; pangalan ni Klein at ang kay Roy na may caps lock pang warning, kausapin lang daw kung emergency.

Baliw talaga, nakabuntot nga si Roy hanggang sa hapagkainan mukha bang makikipag text mate ako?

Ako:

Anong oras ka uuwi?

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya imbis na magpaka bad trip ay nagbihis na lamang ako ng two piece at pinatungan iyon nang makapal na bathrobe.

Nagsitayuan ang dalawang bodyguard na nasa sofa at parehong nakatingin sa aking itsura, nagtataka.

"Dito na lang kayo sa loob, maliwanag naman sa may pool magsiswimming lang ako pampaantok."

Nagsitanguhan sila, tila naintindihan na ayokong pinapanood habang naliligo.

Parang gusto kong magtatakbo pabalik sa loob dahil sa unang pagtapak ko sa labas ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin.

Sino nga ulit ang nakaisip nito, Vanna?

"S***a ng lamig..." sambit ko habang nangangatog papalapit sa infinity pool.

Inilagay ko ang tuwalyang bitbit sa sun lounger at saka hinubad ang suot na robe.

Pakiramdam ko literal ang kanta ni Elsa sa Frozen dahil kakahiwalay pa lamang ng bathrobe sa aking katawan ay napapasinghap na ako bawat hampas ng malamig na hangin.

Walang pagdadalawang isip akong nagdive at nakontento sa maligamgam na tubig.

Kung puwede lang na manatili sa ilalim ay ginawa ko na dahil muli na namang hinampas ng hangin ang aking mukha.

Unti-unti, nasanay ako sa lamig hanggang sa nakalutang na lang ang katawan ko sa tubig.

Napatitig ako sa mga bituin.

Madalas sabihin sa akin ni Nana Maring noon na kung may gusto kang hilingin, tumingala ka sa mga bituin at magkakatotoo ang bagay na ibubulong mo sa kanila. Mali sya. Bingi ang mga tala dahil kung naririnig nila ang bulong bakit hindi nila tinutupad ang hiling ko? Wala akong ibang gusto kundi ang maramdaman na pamilya ako ng mga taong kinalakihan ko pero hanggang ngayon, hanggang mapunta ako sa sitwasyong ito... Wala pa din.

Noon, akala ko normal sa mga nanay ang bulyawan at saktan ang mga anak nila. Sabi nila, kapag mas mahal ng magulang mas sinasaktan? Katangahan. Paano naging katumbas ng sakit ang pagmamahal? Kung mahal, aalagaan imbis na saktan.

Umahon ako at muling nag dive ulit para alisin ang mga negatibong iniisip.

Hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod dahil siguro sanay akong lumalangoy parati. Ang pamilyar na haplos ng tubig ay ang pwresang humihila sa akin pabalik sa mga patagong pag eensayo at laban ko. Bawal kase.

"Gabing-gabi na, baka sipunin ka."

Mula sa masayang pagtatampisaw ay napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Klein malapit sa akin.

Nakasuot pa siya ng puting polo na nakatupi hanggang balikat at itim na slacks. Mukhang dito dumiretso.

"K-Kanina ka pa?"

Umiling siya at naglakad palapit sa sun lounger na pinagbabaan ko ng mga gamit.

"Umahon ka na, bukas ka na lang ulit lumangoy."

Dahan-dahan akong umahon at imbis na lamig ay init at pagkailang ang naramdaman ko nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko.

Simula pa noon ay hindi ako confident sa aking katawan. Model kase si Mocha at madalas na ikumpara. Hindi ako katangkaran pero papasa naman sa average height ng isang Filipina. Hindi rin ganoon kakinis dahil sa ilang lamat na naiwan ng masalimuot kong pagkabata.

"A-Akin na..."

Napailag ako agad nang isuot niya sa akin ang bathrobe pero wala ring nagawa dahil hindi nya yun binitawan.

Napaiwas ako ng tingin dahil imbis na itali ay hinaplos niya ang isang mahabang peklat sa may tiyan ko.

Hindi ko na matandaan kung paano at saan ko nakuha ang latay na iyon dahil sa tagal ngunit hindi na iyon naalis kagit ng derma.

"Kung nakilala kita ng mas maaga..."

Napasinghap ako ng haplusin niya ng marahan ang parteng iyon.

"H-Hindi mo ako makikilala nang mas maaga. Nasa Baguio ako, nasa Maynila ka..." sinubukan kong magbiro pero lalo lamang nagsalubong ang kilay niya.

"Vanilla Leticia, maganda ka."

Napakurap-kurap ako at pilit ngumiti kahit nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko.

"Alam ko noh!"

Kinabig niya ako palapit at hinalikan ang aking noo.

"Pasensya na, kailangan kong mag trabaho sa labas. Kamusta ang araw mo?"

Nagkibit-balikat ako at hinayaan siyang ipulupot ang tuwalya sa katawan ko matapos ibuhol ang bathrobe.

"Ayun, boring pa din. Araw-araw bang ganito? Baka hindi ako umabot ng six months kung nakakamatay ang boredom!"

"Hindi ka nagpasaway kina Roy?"

"Hindi noh!" humalukipkip ako at sumabay lamang sa paglalakad niya.

Hindi ako makalapit dahil mababasa kaming pareho.

"Bakit muntik ka na daw tumakas kanina pagkaalis ko after lunch?"

Nanlaki ang mata ko.

How could you, Roy! Lagit ka talaga sa akin!

"Hindi ako tatakas! Maghahanap lang ako ng ice cream sa labas! A-At..."

"At?"

Inunahan ko siya sa paglalakad at mabilis na umakyat sa hagdan.

Hindi naman ako tatakas. Natakam lang ako sa ice cream kaya nang makita kong walang stock sa ref ay lalabas sana ako sa kitchen backdoor para maghanap sa labas. Nakita ako ng isang bodyguard at inakalang tatakasan ko sila. Hindi ba puwedeng hindi lang ako sanay magpaalam kapag lalabas? Saglit lang naman!

"Ituloy mo!" tatawa-tawa niyang habol habang sumasabay sa akin.

"Wala!"

Sa banyo ako dumiretso para makapaligo. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa shower.

Agad akong tumapat doon nang mai-adjust sa temperaturang gusto ko.

Nakapikit ako dahil sa sabong pumasok sa aking mata habang naghahagilap ng shampoo.

Buwiset na body wash masakit pa rin sa mata.

Patuloy ako sa pagkapa dahil kahit wala na ang sabon ay mahapdi pa rin kapag idinidilat ko.

"Eto ba?"

"K-Klein?"

Kahit iniinda ang sakit ng mata ay mabilis pa sa alas kuwatro ang naging pagmulat ko.

"Mukhang nahihirapan ka, tulungan lang kita."

"Lumabas ka nga!"

Itinulak-tulak ko siya palabas pero hindi man lang natinag ang loko.

"Basa na ako."

"Maghintay kang matapos ako! O di kaya sa guestroom ka maligo! My goodness!"

Unang araw pa lang ito sa anim na buwan partida!

Humalakhak siya at saka nagtaas ng dalawang kamay.

"Chill, lalabas na. Wag kang mapikon."

Patawa-tawa siya hanggang sa muling pagsara ng banyo.

"Shit ka..."

Hindi ko alam kung para ba iyon kay Kleindro o para sa puso kong wala namang kakonpetensya pero kanina pa takbo ng takbo.

Mabilis kong tinapos ang paliligo at agad akong nagbihis.

"Kumakalam na ang sikmura ko," reklamo ko kay Klein kahit ang totoo'y halos hindi pa bumababa ang ice cream na kinain ko.

"Saglit lang," aniya at agad na pumasok sa walk in closet.

Ilang sandali lamang ay nakalabas na siya at kahit tumutulo pa ang tubig sa buhok ay dumiretso na sa akin.

"Oh bat ka nagmadali?"

"Akala ko ba gutom ka na?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Izzaprank!"

Humalakhak ako kahit siya ay nakasimangot na bumalik sa loob ng walk in closet.

Hindi natagalan at lumabas siya doon nang maayos na ang itsura.

"Pinahanda ko na ang mga kailangan mo. Bukas, para hindi ka mabored rito pwede kang mag shopping."

"Kompleto naman ang mga gamit ko dito."

"Maglibang ka, bumili ka nang magustuhan mo—"

"Payagan mo na kase akong mag bar..."

"Hindi pwede Vanilla Leticia, hindi mo ako kasama."

"Eh di si Roy tsaka yung iba! Gabi naman yun. Promise magpapakabait ako—"

"Hindi."

"Kahit ilang shot lang ng alak?"

"Hindi."

"Sige na... Hindi ako sasayaw!"

"Hindi."

"Bakit ba ayaw mo! Nakakainis ka na!"

Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Seryosong galit ka nyan?"

"Wag mo kong kausapin! Gagu!"

Inis akong umayos nang pagkakahiga. Hinablot ko ang comforter at tumalikod sa kanya.

Narinig ko ang pag untong hininga nya.

"Ayoko naman talaga nang kinukulong ka dito... Baby, tumingin ka sa akin..." aniya sa mahinahong tinig.

Hindi ako nagpatinag kahit pa bumuntong hininga sya ulit.

"Ngayong asawa na kita, una hindi na ligtas ang lumabas mag-isa dahil marami ang kaaway ko. Hindi na ligtas para sayo. Isa pa, natatandaan mo ba na sa bar tayo nagkakilala?"

Natigilan ako.

"Vanilla..."

Bumalikwas ako ng bangon at hinarap siya.

"Fine. Pero dahil abala ka sa trabaho anong gagawin ko dito? Hindi puwedeng araw-araw akong mag shopping, Klein!"

"Hmm..." tumigil siya na parang nag iisip pagkuwan ay muli akong hinarap. "Sumama ka kaya sakin?"

Pabagsak akong nahiga ulit. Ipinikit ko na lang ulit ang mata dahil sa walang kwenta nyang sagot pagkuwan ay muling nagmulat st dinungaw siya.

"Paano kung gusto kong magtrabaho?"

Hindi siya sumagot at base sa magkasalubong na kilay ay parang nakuha ko na ang sagot sa tanong ko.

"Klein... Ayokong maging pabigat sayo."

"Paano ka magiging pabigat? Mas gusto ko ngang nandito ka lang sa kama maghapon, naghihintay sa pagdating ko—"

"Hindi ako patabaing baboy! Anong akala mo sakin? Napaka boring kaya dito!"

Iniyakap niya ang kamay sa akin at nagsumiksik sa aking leeg.

Mukhang tapos na kaming mag-usap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status