Share

Six Weeks After Midnight
Six Weeks After Midnight
Author: GennWrites

CHAPTER 1

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-07-14 19:14:49

CHAPTER 1 –

Mabagal ang bawat hakbang ni Luna habang paakyat siya sa service stairs ng Blackwell Grand Hotel. Dalawang palapag lang ang pagitan mula sa staff lounge hanggang sa ballroom, pero pakiramdam niya'y parang tinakbo niya ang buong lungsod. Nakatali sa isang bun ang kanyang buhok, pawisan ang batok, at may paltos na ang sakong sa suot niyang itim na sapatos.

Alas-onse pa lang ng umaga pero parang ilang araw na ang lumipas sa pagod na nararamdaman niya.

Pagkarating sa storage room, mabilis siyang nagsuot ng gloves at isinabit ang apron sa baywang. Sa paligid, maririnig ang kaluskos ng mga kasamahan niyang nag-aayos ng mga wine glass, nagpapalit ng table napkins, at sumisilip sa checklist ng room assignments.

“Luna, please assist sa room 805, may VIP check-in. Pakilagay na rin ‘yung complimentary fruit basket,” sabi ng isa sa mga senior staff habang abalang nagbibilang ng inventory.

“Copy po,” mabilis niyang sagot kahit na ang totoo’y gusto na niyang umupo sandali.

Bakas sa mukha niya ang pagod, pero wala siyang reklamo. Sa loob ng isang taon bilang part-time room attendant sa hotel na ito, sanay na siya sa sunod-sunod na trabaho, matagalang nakatayo, at paulit-ulit na ngiti para sa mga guest na bihirang ngumiti pabalik.

Hindi niya pinili ang trabahong ito dahil gusto niya—pinili niya ito dahil kailangan.

---

Pag-uwi ng alas-dos ng madaling araw, dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng kanilang apartment sa Pasay. Maliit lang ang espasyo—isang silid, may lumang electric fan, folding bed, at maliit na lutuan sa sulok. Mahimbing na natutulog si Nanay Rina, nakayuko ang katawan sa mesa, may sinulid pa sa kamay. Malamang ay hindi na naman ito natapos magtahi ng quota ngayong linggo.

Lumapit si Luna at marahang tinakpan ng kumot ang ina.

“Sorry, Nay…” mahinang bulong niya, kahit alam niyang hindi siya maririnig.

Nagpalit siya ng damit, naghilamos, at saka naupo sa dulo ng kama habang hinihimas ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang maliit na sobre mula sa loob ng bag—sulat mula sa registrar ng university.

Alam na niya ang laman. Pero binasa niya pa rin.

“Reminder: Your outstanding tuition balance is ₱18,450.00. Please settle before March 25 to complete your graduation clearance process.”

Napahawak siya sa noo.

Dalawang linggo na lang.

---

Kinabukasan, habang nasa loob ng university lounge, tahimik na nakaupo si Luna sa pinakasulok, malapit sa bintana. Hawak niya ang thesis draft na tinatapos niya habang hinihintay ang susunod na klase. Sa paligid niya ay rinig ang tawanan ng mga kaklase.

“Girl, sa Shangri-La tayo mag-grad shoot ha!” tawanan ng isa. “Gastos na lang ni Papa!”

“Grabe ‘yan, baka sa yacht pa mag-after party!” biro pa ng isa.

Luna forced a smile habang pinupunit sa isip ang inggit na pilit lumulutang. Wala siyang pake sa glamor, pero minsan, hindi mo maiiwasan. Sila—may pambili ng toga, ng class ring, ng bagong heels. Samantalang siya, iniisip kung may sapat ba siyang baon hanggang weekend.

Pagdating ng prof nila, naglabasan na ang mga laptop. Si Luna, naglabas ng luma niyang tablet na may basag sa gilid. Mahina na ang battery nito kaya todo tipid siya sa paggamit.

“Uy, Luna,” lapit ni Bea, isa sa mga kaklase niya. “Sa rehearsals bukas ha? Required daw ang lahat, sabi ni Ma’am.”

“Oo, sisipot ako kung walang conflict sa schedule,” sagot niya, mahinahon.

“Wait... may part-time ka pa rin ba ngayon?” tanong ni Bea, kunwari casual pero ramdam ni Luna ang kutob sa tono.

“Konti lang. Sa tutorial center lang. Online,” mabilis niyang sagot.

Hindi niya masabing nagtatrabaho siya bilang room attendant sa isang hotel.

Ayaw niyang makaranas ng awa, o worse—pagtawanan siya.

---

Pagkatapos ng klase, dumiretso siya sa locker room ng hotel para mag-ayos. Kinuha niya ang uniporme, mabilis na nagpalit, at inayos ang buhok sa harap ng salamin.

“Pagod ka na ba?” tanong ni Jessa, isa sa mga kapwa part-timer.

“Hindi pa,” sagot niya, kahit alam niyang hindi iyon totoo.

“Kasi ‘yung under-eye mo parang estudyante sa thesis season,” biro ni Jessa, pero may lambing.

Ngumiti si Luna. “Thesis season nga kasi ako.”

Tahimik silang naglakad palabas ng locker room, bitbit ang tray ng linen at mga towel.

“Graduate ka na, ‘di ba?” tanong muli ni Jessa.

“Oo. Konti na lang. Kailangan ko na lang bayaran ‘yung balance para sa clearance.”

“Good luck. Nakakabilib ka. Hindi madali ‘tong ginagawa mo, ha.”

Hindi na siya sumagot. Hindi dahil ayaw niyang makipag-usap, kundi dahil ayaw niyang umiyak.

---

Pagkauwi kinagabihan, nadatnan niyang naghihintay sa kanya si Nanay Rina na may dalang nilagang kamote.

“Pasensya na anak, ‘yan lang naabutan ko sa palengke.”

“Perfect po ‘yan, Nay,” sagot ni Luna, sabay upo sa tapat nito.

Habang kumakain, tinanong siya ng ina, “Kamusta ang klase mo? Kailan ang graduation?”

“Next month po. Pero may babayaran pa akong balance. Konti na lang po naman.”

Tumango lang si Nanay, pero nakita ni Luna ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Hindi kita kayang tulungan ngayon, anak,” bulong ng ina. “Pero kapag may overtime ako sa Sabado, baka kahit papaano—”

“Nay,” putol niya agad. “Ako na po bahala. Kakayanin ko.”

Tahimik silang kumain. At sa bawat subo, naramdaman ni Luna ang bigat ng pangarap na ilang ulit na niyang kinakapitan. Gusto niyang makapagtapos. Gusto niyang mapagsuot si Nanay Rina ng toga sa araw ng graduation. Gusto niyang ipagmalaki ng ina na ang anak niya, kahit mahirap, ay lumaban hanggang huli.

At kahit na kailangan niyang itago sa mundo ang totoo niyang trabaho—kahit pagod, kahit nasasaktan—wala siyang planong tumigil...

Para sa kanyang future, para sa kanyang Nanay Rina...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gerard
kdmhfmkidcnjdjskcjfmkjddmhdmsdmkdsmmjddmiekhfjrdshfmdkidkjsiskjddhsmsidskhfmemskikdkdjhfdmjdmkdkikhekidjddiskuejejudjekkiddjjhfjrjdijufjrjdidjjuekskdkejdjdjdjudjehdke
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
wala ka nman dapat ikahiya sa work mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 115: "Accomplice?”

    NANG matapos ang dinner kay Cassandra, kaagad na ring umalis si Damon sa resto. Hindi na siya nagprisinta pa na ihatid ang babae dahil ayaw niyang magkaroon pa muli ng ingay sa pagitan nila. Habang nakaupo sa backseat ay nakapikit ang mga mata ni Damon. From 6AM until 9:PM, gising na gising pa rin siya dahil sa sunod-sunod na meetings, appointments, at mga papeles na kailangang pirmahan. Sa totoo lang, exhausted na siya at pagod na pagod, kaya kung p'wede lang sanang umuwi na ay ginawa na niya. Pero malaking project ang Cebu mall expansion kaya hindi niya pwedeng basta iwan iyon sa mga tauhan niya lalo pa't may malaking problema na kinahaharap ito.Ilang minuto pa lang na nakapikit si Damon nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga siya saka dinukot ang aparato sa bulsa ng suot niyang coat. Nang tingnan niya kung sino iyon, si Chase ang lumabas sa caller ID.“Yes?” malamig na tugon niya, halatang pagod.Sa kabilang linya, si Chase, ramdam ang kaba sa boses. “Sir Damon,

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 114: "Quiet Deals, Powder Shadows.”

    CHAPTER 114: MAINIT ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng hotel conference room nang matapos na ang halos tatlong oras na meeting ni Damon kasama ang kanyang core team. Mga papeles, blueprint, at revisions ay nakakalat pa rin sa mesa. Nakatayo siya, bahagyang nakasandal sa gilid ng lamesa, hawak ang cellphone habang pinapakinggan si Chase na nag-uulat tungkol sa latest compliance report.“Sir, the city engineer accepted the revised structural plan. But may pending pa sa environmental office. They’re asking for supporting documents.”Pinisil ni Damon ang tungki ng ilong niya. Halos isang linggo na siyang lumalaban sa technicalities. “Who has the originals?”“Unfortunately, nasa kabilang kampo, Sir. They’re holding it for cross-checking.”Sa tabi, naglinis ng lalamunan si Cassandra, na kasama pa rin bilang legal representative ng opposing side. Naka-blazer ito, prim and proper, pero ang tono ng boses niya ay mas banayad kaysa kahapon. “Damon… if you want, I can provide copies for

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 113: “First Light."

    MAAGA pa, bahagya pang madilim ang langit sa Forbes Park nang magising si Luna. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan at huni ng mga ibon ang maririnig. Hawak niya ang cellphone, nakapatong sa mesa katabi ng malamig na tasa ng kape na hindi niya naubos kagabi.Tahimik siyang nakahiga habang nakatingin sa puting kisame. Mabigat pa rin ang kanyang dibdib, pero muling niyang in-on ang cellphone hindi para muling magbasa ng mga mapanirang article kundi i-check kung may message ang asawa sa kan'ya.Pagkabukas niya ng tawag, sunod-sunod na notifications ang pumasok sa cellphone niya. Texts, chats, at maya-maya pa'y tawag mula kay Damon.Awtomatikong kumabog ang kanyang dibdib. Mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone. Pagpindot niya ng answer button halos mapikit siya. “Hello…”“Love.” Boses ni Damon, paos, mababa, halatang galing sa puyat pero puno ng pag-aalala. “Finally. Thank God you answered.”Naramdaman ni Luna ang biglang pagsikip ng lalamunan. Hindi siya agad nakasa

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 112: “Under The Skin.”

    MALAMIG ang simoy mula sa garden, pero mainit ang dibdib ni Luna paggising kinaumagahan. Maaga pa, maaliwalas ang langit sa labas, at ang mansyon ay may amoy ng bagong timplang kape. Nakatitig siya sa telepono, nakabalandra ang dose-dosenang notification mula sa group chats at work threads, pati mga unknown numbers.Hindi pa niya ito binubuksan, kumapit muna siya sa sandalan ng upuan at humugot ng malalim na hininga. “Good morning,” bulong niya sa sarili, parang ritwal laban sa kaba. Sa may pinto, sumulpot si Callyx, bitbit ang backpack at ang paboritong dinosaur.“Mommy, can I bring two snacks? Promise I’ll share!” Kumislap ang mata nito.“Deal,” sagot ni Luna, marahang tinapik ang ulo ng anak. “And be kind to your seatmate.”Tumakbo si Callyx palabas para hanapin si Mariel. Saka pa lang binuksan ni Luna ang telepono. Naka-pin ang message ni Kate.“Bestie, breathe. I’m here. Don’t open comments. Call me when ready. 💛”Sumunod naman ang link tungkol sa blind-item page na kilala sa ma

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 111: ”CEBU SCANDAL."

    NARATING si Damon sa Mactan-Cebu International Airport bitbit ang bigat ng problema. Hindi gaya ng inaasahan niyang tatlong araw lang na business trip, mabilis niyang napagtanto na magiging mas komplikado ang lahat.Paglapag pa lang, sinalubong na siya ng abogado ng kumpanya nila, si Atty. Romero, dala ang makapal na folder ng documents.“Sir Damon,” bati nito habang inaabot ang mga papeles. “The local government discovered several inconsistencies sa environmental clearance. May signature na hindi tugma, at may missing annexes. It looks like someone forged certain approvals.”Napatingin si Damon, seryosong nakakunot ang noo. “Are you saying someone inside tampered with our papers?”“Possible, sir. And the opposing counsel is pushing for a full investigation. This could delay the expansion indefinitely if not handled properly.”Humigpit ang hawak ni Damon sa folder. Ramdam niya ang kirot ng galit sa ilalim ng kanyang dibdib. “Set a meeting with their legal team tomorrow. I want to know

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 110: "First Night.”

    MAAGA ring nagising si Damon kinabukasan, bago pa man sumikat ang araw. Nakahiga siya, nakayakap kay Luna, habang marahang humihinga ang babae sa tabi niya. Pinagmasdan niya ito sandali—ang maayos na buhok na nakalugay sa unan, ang banayad na paggalaw ng dibdib habang natutulog.Napangiti siya, at marahang hinalikan ang sentido nito. “Good morning, love,” bulong niya kahit alam niyang hindi pa ito gising.Maya-maya’y nagmulat din si Luna, medyo antok pa. “Hmm, ang aga mo.”“Couldn’t sleep,” sagot ni Damon, hinahaplos ang buhok niya. “Too many things on my mind.”Nagtaas ng kilay si Luna. “Work?”“Always,” sagot niya, pero sabay halik sa labi ng asawa. “But you come first.”Umiling si Luna, pinisil ang kamay niya. “Kaya mo ’yan. Just don’t forget na hindi ka mag-isa ngayon.”---Habang nag-aalmusal sila kasama si Callyx, tumunog ang cellphone ni Damon. Isang tawag mula kay Chase. Pinilit niyang manatiling composed, pero ramdam ni Luna na may bigat ang tawag.“Excuse me,” sabi ni Damon,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status