CHAPTER 2 –
Isang selyadong pinto sa ika-limang palapag ng Blackwell Empire Building ang biglang bumukas, at halos kasabay no’n ang marahas na pagbagsak ng crystal paperweight sa sahig. Crash. Isang matinis na tunog ang pumuno sa conference room. Tahimik. Walang gustong gumalaw. Walang gustong magsalita. Dahil sa harap nila, nakatayo ang lalaki na minsang tinawag ng media bilang “The Heir with Ice in His Blood.” Si Damon Blackwell. Suot ang dark gray na three-piece suit, maayos ang style ng buhok, hindi rin namumula ang mata. Pero kahit anong ingat sa panlabas na itsura, hindi kayang itago ang galit na naninigas sa kanyang panga at ang nanlilisik na tingin. “I asked for projections, not excuses,” malamig na sabi ni Damon, habang dahan-dahang inilapag ang laptop lid na kanina lang ay muntik na rin niyang ibagsak. Sa tabi ng conference table, halos hindi makahinga ang isang mid-level executive habang inaayos ang files sa harap niya. “I—I apologize, Mr. Blackwell,” pautal na sabi ng lalaki. “The numbers from the Luzon expansion are still being consolidated—” “I gave you a week. If one more department head comes in here without answers, you won’t even have a desk left to defend your job from,” putol ni Damon. Tumingin siya sa paligid. Lahat ng miyembro ng board ay tahimik. Ang iba’y nakayuko, ang ilan ay nagkukunwaring may binabasa sa tablet nila. Pero wala ni isa ang sumasabat. Hanggang sa isa lang ang tumikhim. “My dear brother,” mahinang tawag ng boses mula sa dulo ng mesa. “Maybe you’re being a bit too... sharp today.” Tumaas ang tingin ni Damon. At nandoon si Marcus Blackwell, naka-recline ang upuan, kalmado ang ekspresyon, at may bahagyang ngisi sa sulok ng bibig. Nakasuot ito ng navy suit na masyadong perpekto sa katawan, at sa likod ng mapagkumbabang ngiti ay naroon ang tahimik na paghahamon. "Sharp is what built this empire," sagot ni Damon sa pareho pa ring tono—malamig. "Sure," ani Marcus habang pinipihit ang singsing sa daliri. "But it’s also what might break it." Isang iglap ng katahimikan. Isang iglap ng tensyon. Hanggang sa dahan-dahang lumakad si Damon pabalik sa kanyang upuan. Hindi na siya tumingin kay Marcus. Sa halip ay muli siyang umupo at binuksan muli ang laptop, saka nagsalita sa malamig na tono. “Meeting adjourned. Come back when you’re capable of leading something bigger than your shadows.” At isa-isang nagsitayuan ang mga director, tahimik na lumabas ng kwarto, kapwa umiiwas-tingin, umiiwas-kibo. --- Sa labas ng conference room, naghihintay si Chase Yu, ang personal secretary ni Damon. Laging pormal, laging mahinahon, at laging may tablet na hawak sa kaliwang kamay at may suot na eyeglasses na nagbibigay dito ng sharp and intelligent look. Pagbukas ng pinto, sumunod agad siya sa likod ng boss na si Damon. “Mr. Blackwell, your 3PM appointment with the development team is rescheduled to tomorrow, per your request,” sabi ni Chase. “Also, the legal department sent over an internal complaint report from a dismissed contractor. No name, anonymous source. I’ve flagged it as low priority, unless you’d like to see it personally.” “No need,” sagot ni Damon, dire-diretso ang lakad. “Have Marcus’s accounts audited. Every project he touched in the last six months. Quietly.” Chase didn’t ask why. He simply nodded. “Consider it done, Sir.” Pagkarating sa opisina, diretsong pumasok si Damon sa loob at isinara ang pinto. Mula sa glass wall ng opisina, tanaw ang buong city skyline ng Makati—mga ilaw, gusali, at mga buhay na gumagalaw nang hindi alam kung sino ang tunay na may kontrol sa likod ng bawat negosyo. And Damon, amidst the silence of the office, stood still without a word. He was not angry about losing. He did not fear rebellion. But what he despised the most... was betrayal. Especially when it came from family. --- Si Damon Blackwell, chief executive officer at majority shareholder ng Blackwell Empire, ay hindi isang taong mahilig sa pakikitungo. Wala siyang pakialam sa social media. Hindi rin siya nagpapainterview. At kung may press man na nakalapit sa kanya, kadalasa’y naglalabas ito ng headline na tumatagal sa trending list ng isang buong linggo: “Blackwell Heir Walks Out of Board Meeting Over Missed Deadline” “CEO Damon Blackwell Refuses to Comment on Alleged Temper Tantrum” “Cold-Blooded or Just Focused? Inside the Mind of the Ice King” Pero sa likod ng headlines, ng pera, ng kapangyarihan—ay isang lalaking hindi nakakatulog nang mahimbing. Si Damon ay produkto ng corporate war ng kanyang sariling pamilya. Anak siya sa unang asawa ni Gregory Blackwell, ang founder ng kumpanya. Samantalang si Marcus, anak ng pangalawang asawa, ay halos kapantay niya sa lahat ng bagay—maliban sa respeto. Habang lumalaki silang dalawa, tila naging larong pangmatagalan ang lahat. Sino ang unang maka-graduate, sino ang unang makakapag-launch ng project, sino ang mas mahal ng shareholders. At kahit palaging nananalo si Damon, palaging may panibagong plano si Marcus. Tahimik. Marahas. Palihim. ——— Sa loob ng kanyang opisina, binuksan ni Damon ang email na galing kay Mr. Lontoc, ang kanilang PR consultant. Subject: Urgent – Re: Image Stability Post-Gala Damon, Please confirm if you’ll be attending the Blackwell Foundation Gala this Friday. Media will expect a statement from you regarding your current leadership direction, especially after your recent absence in the Asia-Pacific roundtable. If you’re not ready to speak to press, please allow us to prepare a formal narrative. – JL Napairap si Damon. PR. Image. Control. The things he hated most. He wasn’t interested in being understood. He was interested in results. At kung ang image niya bilang malamig at walang pusong CEO ang kinakailangan para mapanatiling buo ang imperyo, then so be it. Tumayo siya mula sa mesa at muling tumingin sa bintana. Sa ibaba, tanaw niya ang mga empleyado ng kumpanya, mga sasakyang dumadaan, at ang magulong mundo na gustong-gusto siyang husgahan sa bawat kilos. Hindi niya alam kung ilang taon na siyang ganito. Laging nag-iisa. Laging nasa taas. Pero minsan, kahit gaano kataas ang lipad mo, nararamdaman mo pa rin ang lamig ng hangin sa loob. Ilang sandali pa'y tumunog ang intercom. Boses ni Chase ang nagsalita “Mr. Blackwell, Sir Marcus is requesting a meeting with you. Says it’s important.” Damon closed his eyes. “Tell him I’m busy,” malamig na sagot niya. “And Sir… media already confirmed your attendance at the gala.” This time, Damon didn’t respond. Pumikit lang siya at bahagyang hinilot-hilot ang sentido. Ayaw niya ng bagay na iyon— media, interviews, social gathering— pero wala siyang magawa kundi gawin iyon para raw sa kanyang “image.” --- At sa dulo ng araw, habang naglalakad si Marcus palabas ng elevator, nakausap nito ang isa sa mga senior consultants sa hallway. Tahimik ang boses. Discreet. Mabilis. “Keep leaking the footage from last quarter’s sales drop,” bulong ni Marcus. “Make it look like Damon’s losing his grip. By the time the board votes for next quarter restructuring, they’ll be begging for someone new.” “Understood, Mr. Blackwell,” sagot ng lalaki. At sa ilalim ng malamig na ilaw ng hallway, bahagyang ngumiti si Marcus. Hindi dahil masaya siya—kundi dahil alam niyang malapit na siyang manalo...CHAPTER 10 – “Ano po’ng tawag dito, Mommy?”Napangiti si Luna habang isinara ang cellphone at lumapit sa dining table kung saan abala si Callyx sa pagsusulat gamit ang makukulay na lapis. Hawak ng bata ang isang notebook, at ginuguhit nito ang mga pabilog na pattern.“That’s called a mandala, anak,” sagot niya habang naupo sa tabi. “Ginagamit ‘yan sa therapy minsan para makatulong sa relaxation.”“Ahh, parang sa ginagawa mo sa clinic mo po?” tanong ng bata habang nilalagyan ng kulay ang gitna ng bilog.“Exactly. Art therapy ‘yon. Ang galing mo, ha.” Yumuko si Luna at hinalikan ang ulo ng anak.Anim na taong gulang na si Callyx.Parang kailan lang, inihiwa siya ng sakit sa ospital habang pinipilit niyang iluwal ang batang hindi niya pinangarap pero buong puso niyang tinanggap. At ngayon, heto ito—matanong, malambing, at nakakagulat minsan sa mga salitang binibitawan.May mga araw na parang ordinaryo lang ang lahat. Homework. Breakfast. Kwentuhan. Pero paminsan-minsan, may tanong na bi
CHAPTER 9 – Makulimlim ang langit nang unang sumakit ang tiyan ni Luna.Alas-nuwebe ng umaga, nasa wellness clinic siya at abala sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng papasok. Nakaupo siya sa front desk habang sinasaayos ang forms nang bigla siyang napahawak sa balakang, parang may pumipisil sa loob, mahigpit at matalim.“Luna? Okay ka lang ba?” tanong agad ng head nurse na si Ate Gemma, lumapit at nilapag ang clipboard sa mesa.Nagpilit siyang ngumiti. “Okay lang po… baka napagod lang po ako sa pag-akyat kanina.”Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, muling bumalot ang kirot—mas matagal, mas malalim. Napakapit siya sa desk, at sa ilalim ng mesa, ramdam niya ang mainit na likidong pumatak sa hita niya.“Luna, pumutok na ang panindigan mo!, sabi ni Ate Gemma, agad lumapit. “You’re in labor. Kailangan ka nang isugod sa ospital.”Sa ambulansyang sinakyan nila, nakaupo si Luna sa stretcher habang si Nanay Rina ay nasa tabi niya, mahigpit ang kapit sa kamay ng anak.“Ako na ang kasama mo, ana
CHAPTER 8 – “Sigurado ka ba talaga, anak?”Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a
CHAPTER 7 – Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si N
CHAPTER 6 —Mainit ang sikat ng araw, pero ang puso ni Luna, tila ba nagyeyelo sa lamig.Nakatayo siya sa gitna ng field ng kanilang university, suot ang itim na toga, may medalya sa leeg, at may bitbit na bouquet ng bulaklak mula sa best friend niyang si Kate. Palakpakan, tawanan, at hiyawan ng mga magulang at kaibigan ang maririnig sa paligid. Pero ang ngiti sa labi ni Luna ay hindi man lang umaabot sa mga mata.Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong gabing iyon sa hotel. Pero pakiramdam niya, parang ibang tao na siya ngayon. Parang sa bawat hakbang niya papunta sa entablado, may bahagi ng pagkatao niya ang naiwan sa 17th floor ng Blackwell Grand Hotel.“Grabe, Luna! Ang ganda mo tingnan, promise!” bungad ni Kate, masigla at kumpleto ang make-up, pero kita sa mga mata ang pag-aalala.Napangiti si Luna ng tipid. “Thanks, Kate.”“Hoy, ikaw ha… 'wag mong sabihing hindi ka masaya? Graduate ka na, girl! Degree holder ka na!”Degree holder.Mabigat pakinggan kung ang pagbabatayan ay an
CHAPTER 5 – After the Door ClosedTulirong isinara ni Luna ang pinto nang marahan, halos walang ingay. Hawak niya ang tray na walang laman, at sa ilalim ng madilim ng hallway, hindi na niya alam kung saan siya dadaan.bAng ilaw sa corridor ng 17th floor ay malabo, naninilaw, at para bang mas malamlam kaysa dati.Dahan-dahan siyang naglakad. Mabagal. Hindi dahil sa pagod— kundi dahil sa nararamdaman niyang may kung anong nasira sa loob niya, parang may nabasag na hindi na kaya pang ibalik.Pagdating sa staff elevator, halos hindi niya makita ang button sa panel. Nanginginig ang daliri niya habang pinipindot ang "G" para sa ground floor. Pagpasok niya, agad siyang napasandal sa likod. Ang tray ay nalaglag sa sahig pero hindi niya pinulot.Napapikit si Luna. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ang dibdib niya’y para bang sasabog. Ang sikmura niya’y parang babaliktad. At ang balat niya—parang pinipiga ng malamig na hangin.Naramdaman niyang may kung anong bumagsak sa loob