CHAPTER 5 – After the Door Closed
Tulirong isinara ni Luna ang pinto nang marahan, halos walang ingay. Hawak niya ang tray na walang laman, at sa ilalim ng madilim ng hallway, hindi na niya alam kung saan siya dadaan.bAng ilaw sa corridor ng 17th floor ay malabo, naninilaw, at para bang mas malamlam kaysa dati. Dahan-dahan siyang naglakad. Mabagal. Hindi dahil sa pagod— kundi dahil sa nararamdaman niyang may kung anong nasira sa loob niya, parang may nabasag na hindi na kaya pang ibalik. Pagdating sa staff elevator, halos hindi niya makita ang button sa panel. Nanginginig ang daliri niya habang pinipindot ang "G" para sa ground floor. Pagpasok niya, agad siyang napasandal sa likod. Ang tray ay nalaglag sa sahig pero hindi niya pinulot. Napapikit si Luna. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ang dibdib niya’y para bang sasabog. Ang sikmura niya’y parang babaliktad. At ang balat niya—parang pinipiga ng malamig na hangin. Naramdaman niyang may kung anong bumagsak sa loob ng bag niya. Pagtingin niya, iyon ang isang bungkos ng pera na ihinagis sa kan'ya ni Damon Blackwell. “Take that and leave!” Paulit-ulit na naririnig ni Luna iyon sa kanyang isipan. Para bang sirang plaka na patuloy lang sa pag-ikot. “Take that and leave...” Apat na salita lang iyon pero sapat na para maramdaman ni Luna kung gaano siya kababa, kung gaano siya karumi, at kung gaano siya kawalang-kwenta. Pagkarating sa locker room, wala siyang nadatnang staff. Tahimik ang buong lugar. 3AM na. Shift change. Wala nang ingay, wala nang announcements. Dito, pwede na siyang huminga, pwede na siyang umiyak, pwede na siyang humingi ng tulong— pero hindi pa rin niya magawa. Nagpalit siya ng uniform. Mabilis. Walang tingin-tingin sa salamin. Hindi na niya inayos ang buhok. Hindi na niya pinunasan ang pawis. Basta ang gusto lang niya ay makaalis sa impiyernong iyon. Nang maisara na niya ang locker, huminto siya sa harap ng pinto. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, isang patak ng luha ang bumagsak mula sa mata niya. Isa lang, pero napakabigat. Parang lahat ng tinik na kinimkim niya sa kanyang dibdib ay bumulusok pababa sa sahig. “Wala ka nang dapat sabihin, Luna...” bulong niya sa sarili. “Wala na. Tapos na...” ——— Kinabukasan, sa VIP suite kung nasaan isang mahinang ugong lang ng air-conditioning ang naririnig, ay naroon si Damon. Nakahiga sa kama, magulo ang buhok, pawisan ang leeg. Ang kanang kamay niya ay nakabukas sa gilid na para bang may hinahanap. Ang kaliwang mata naman niya ay dahan-dahang bumukas, habang ang noo ay bahagyang nakakunot. Parang biglang nabuhay ang katawan niya mula sa pagkakabaon sa buhangin. Malalim ang hinga at nanunuyo ang lalamunan. Mabigat ang katawan niya, at higit sa lahat—wala siyang maalala. Pagtingin niya sa paligid, kilala niya ang silid. Blackwell Grand Hotel, VIP Suite 1702. Pero bakit siya naroon? Pinilit niyang tumayo kahit masakit ng kanyang ulo. Napansin niyang hindi nakabutones ang longsleeve polo niya, maging ang kanyang slacks. Nalaglag dim ang tie sa sahig. At sa kama— may mantsa ng dugo sa bedsheet. Pulang-pula at malalim ang kulay. Napakunot ang noo ni Damon. Marahan niyang inangat ang bedsheet para tiyakin kung saan nanggaling ang dugong iyon. Pero walang sugat sa katawan niya. Walang hiwa. Walang galos. Pero may dugo. At wala siyang maalala. Ilang minuto pa, dumating si Chase Yu, hawak ang clipboard at tablet. Dahan-dahang binuksan ang pinto ng suite. Nakita niya ang boss na si Damon na nakatayo sa gilid ng kama, hawak ang bedsheet. “Mr. Blackwell?” tawag ni Chase, dahan-dahan ang tono. Damon didn’t answer at first. Nilingon niya lang ang secretary, malamig ang mata pero halatang naguguluhan. “What the hell happened?” mahina niyang tanong. Tumango si Chase. Pumasok sa loob at sinarado ang pinto. “You collapsed at the gala,” mahinahon niyang paliwanag. “Security brought you here around two. You were unresponsive. No one entered after.” Damon's jaw clenched. “Why is there blood?” Chase paused, saka tumingin sa bedsheet na tinutukoy ng lalaki. “I don’t know, Mr. Blackwell.” “Do you remember anything, Sir?” tanong ni Chase. Damon closed his eyes. Flashes. Isang malabong imahe ng mahabang buok. Amoy ng wine. May humihikbi. O baka tunog lang ng aircon. He didn’t know anymore. “No. Nothing,” sagot niya. Chase nodded, calm and efficient. “I'll have the sheets removed and replaced. We'll check the CCTV footage for who last entered. But for now, you need to rest, Sir. The media's already picking up on the outburst.” “What are they saying?” “That you're unstable. Emotional. Possibly drunk, Mr. Blackwell.” Damon gave a dry, humorless chuckle. “Are they wrong?” Chase didn’t answer. Instead, he picked up the bloody sheet, folded it, and placed it inside a black garment bag. “This never happened, Sir. Understood?” Damon looked at him. Long. Hard. Cold. “Fine.” ——— The same day, nagising si Luna sa kama sa kanilang maliit na apartment sa Pasay. Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi dahil wala siya sa sarili. Tila automatic lang na dinala siya ng katawan niya pauwi habang ang isipan niya ay naiwan sa loob ng hotel. Sa tabi niya, tulog pa si Nanay Rina, pagod mula sa overtime sa pananahi. Tahimik lang si Luna habang najatiysa kawalan. Tahimik. Pero gising. Gising na gising na. Sa tabi ng kama, naroon pa rin ang isang bungkos ng pera. Binilang niya ito ₱25,000. Malulutong at amoy bago. Sapat na para bayaran ang natitirang tuition niya. Sapat para sa graduation. At sapat para manahimik siya. Pinikit niya ang mga mata. Mahigpit. Parang kung pipilitin lang niyang pumikit, mawawala ang lahat. Pero hindi. Hindi ito panaginip. At kahit ilang beses pa siyang huminga ng malalim, hindi nito mabubura ang katotohanang siya lang ang nakakaalam. Siya lang ang nakararanas. At sa mundo kung saan pera ang sandata ng makapangyarihan, siya lang ang walang tinig. ——— Sa loob ng opisina ni Damon, dalawang araw matapos ang insidente, nakaupo siya habang binabasa ang isang balita sa tablet. > “Damon Blackwell Spirals at Foundation Gala – Concerns Rise Over Mental Fitness” “Sources Confirm CEO was Drunk, Possibly Under the Influence” He didn’t react. He just stared. Sa isip niya, isang tanong lang ang paulit-ulit; "What did I do?"CHAPTER 10 – “Ano po’ng tawag dito, Mommy?”Napangiti si Luna habang isinara ang cellphone at lumapit sa dining table kung saan abala si Callyx sa pagsusulat gamit ang makukulay na lapis. Hawak ng bata ang isang notebook, at ginuguhit nito ang mga pabilog na pattern.“That’s called a mandala, anak,” sagot niya habang naupo sa tabi. “Ginagamit ‘yan sa therapy minsan para makatulong sa relaxation.”“Ahh, parang sa ginagawa mo sa clinic mo po?” tanong ng bata habang nilalagyan ng kulay ang gitna ng bilog.“Exactly. Art therapy ‘yon. Ang galing mo, ha.” Yumuko si Luna at hinalikan ang ulo ng anak.Anim na taong gulang na si Callyx.Parang kailan lang, inihiwa siya ng sakit sa ospital habang pinipilit niyang iluwal ang batang hindi niya pinangarap pero buong puso niyang tinanggap. At ngayon, heto ito—matanong, malambing, at nakakagulat minsan sa mga salitang binibitawan.May mga araw na parang ordinaryo lang ang lahat. Homework. Breakfast. Kwentuhan. Pero paminsan-minsan, may tanong na bi
CHAPTER 9 – Makulimlim ang langit nang unang sumakit ang tiyan ni Luna.Alas-nuwebe ng umaga, nasa wellness clinic siya at abala sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng papasok. Nakaupo siya sa front desk habang sinasaayos ang forms nang bigla siyang napahawak sa balakang, parang may pumipisil sa loob, mahigpit at matalim.“Luna? Okay ka lang ba?” tanong agad ng head nurse na si Ate Gemma, lumapit at nilapag ang clipboard sa mesa.Nagpilit siyang ngumiti. “Okay lang po… baka napagod lang po ako sa pag-akyat kanina.”Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, muling bumalot ang kirot—mas matagal, mas malalim. Napakapit siya sa desk, at sa ilalim ng mesa, ramdam niya ang mainit na likidong pumatak sa hita niya.“Luna, pumutok na ang panindigan mo!, sabi ni Ate Gemma, agad lumapit. “You’re in labor. Kailangan ka nang isugod sa ospital.”Sa ambulansyang sinakyan nila, nakaupo si Luna sa stretcher habang si Nanay Rina ay nasa tabi niya, mahigpit ang kapit sa kamay ng anak.“Ako na ang kasama mo, ana
CHAPTER 8 – “Sigurado ka ba talaga, anak?”Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a
CHAPTER 7 – Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si N
CHAPTER 6 —Mainit ang sikat ng araw, pero ang puso ni Luna, tila ba nagyeyelo sa lamig.Nakatayo siya sa gitna ng field ng kanilang university, suot ang itim na toga, may medalya sa leeg, at may bitbit na bouquet ng bulaklak mula sa best friend niyang si Kate. Palakpakan, tawanan, at hiyawan ng mga magulang at kaibigan ang maririnig sa paligid. Pero ang ngiti sa labi ni Luna ay hindi man lang umaabot sa mga mata.Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong gabing iyon sa hotel. Pero pakiramdam niya, parang ibang tao na siya ngayon. Parang sa bawat hakbang niya papunta sa entablado, may bahagi ng pagkatao niya ang naiwan sa 17th floor ng Blackwell Grand Hotel.“Grabe, Luna! Ang ganda mo tingnan, promise!” bungad ni Kate, masigla at kumpleto ang make-up, pero kita sa mga mata ang pag-aalala.Napangiti si Luna ng tipid. “Thanks, Kate.”“Hoy, ikaw ha… 'wag mong sabihing hindi ka masaya? Graduate ka na, girl! Degree holder ka na!”Degree holder.Mabigat pakinggan kung ang pagbabatayan ay an
CHAPTER 5 – After the Door ClosedTulirong isinara ni Luna ang pinto nang marahan, halos walang ingay. Hawak niya ang tray na walang laman, at sa ilalim ng madilim ng hallway, hindi na niya alam kung saan siya dadaan.bAng ilaw sa corridor ng 17th floor ay malabo, naninilaw, at para bang mas malamlam kaysa dati.Dahan-dahan siyang naglakad. Mabagal. Hindi dahil sa pagod— kundi dahil sa nararamdaman niyang may kung anong nasira sa loob niya, parang may nabasag na hindi na kaya pang ibalik.Pagdating sa staff elevator, halos hindi niya makita ang button sa panel. Nanginginig ang daliri niya habang pinipindot ang "G" para sa ground floor. Pagpasok niya, agad siyang napasandal sa likod. Ang tray ay nalaglag sa sahig pero hindi niya pinulot.Napapikit si Luna. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ang dibdib niya’y para bang sasabog. Ang sikmura niya’y parang babaliktad. At ang balat niya—parang pinipiga ng malamig na hangin.Naramdaman niyang may kung anong bumagsak sa loob