Savina's Pov
Pagkatapos kong makatakas sa kuwarto na pinagdalhan sa akin ni Alpha Desmond ay hinanap ko saan nito ikinulong ang kaibigan kong si Julie kasama ang pamilya niya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa kanila. Dahil sa akin ay nalagay sa panganib ang buhay nila kaya nararapat lamang na iligtas ko sila at sama-sama kaming umalis sa lugar na ito na puno ng aking mga kaaway.
Alpha Desmon. Ipinapangako kong babalikan kita at papatayin kasama ang ama mo, nagngingit ang kalooban na pangako ko sa aking sarili. Ngunit bigla akong natigilan nang may pumasok sa aking isip. Kung si Desmon na ang alpha ngayon ay nasaan ang kanyang ama na siyang unang alpha bago ito? Bakit hindi ko yata narinig ang pangalan ng ama ni Desmon bilsbg alpha? Inagaw ba niya ang titulo ng kanyang ama? Sabagay, hindi na ako magtataka kung totoo ang aking naisip na inagaw ng anak ang trono ng kanyang ama dahil pare-pareho lamang silang masasama. At sa aking mga mata ay lahat ng mga lobo masasama.
Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang bagay na iyon sa aking isipan. Wala akong pakialam kung may namamagitan bang sigalot sa kanilang mag-ama. Mabuti ngaa iyon para ma-away sila at kung sino ang panalo ay ako naman ang papatay. Ngunit magagawa ko lamang iyon kung malakas na ako. Kaya kailangan kong makatakas sa lugar na ito para makapagpalakas ako at mapag-aralan ang mga kapangyarihan naming mga witches na nabasa ko sa loob ng itim na libro bago ito nasunog.
"Bilisan natin at hanapin ang nakatakas na alipin ng ating alpha. Kapag hindi natin natagpua ang alipin na iyon ay mananagot tayo sa kanya."
Bigla akong napatago sa likuran ng malaking bato nang marinig ko ang malakas na boses ng isang lalaki na tauhan ni Desmon. Halatado sa boses nila ang malaking takot sa kanilang alpha.
Naisip ko na siguro ay nakapagsumbong na sa mga kauri niya ang babaeng nakalaban ko sa loob ng silid na pinagdalhan sa akin ni Desmon kaya pinaghahahanap nila ako ngayon. Bahagya akong sumilip para tingnan ang mga taong-lobo na naghahanap sa akin. Nakatalikod sila sa akin habang nag-uusap kaya hindi nila ako napapansin. Lihim akong nagdarasal na sana ay hindi sila maghanap sa bandang kinaroroonan ko dahil kapag mangyari iyon ay tiyak na makikita nila ako.
Malalakas ang mga taong-lobo at magaling ang kanilang pang-amoy ngunit hindi tumatalab sa aming mga witches ang kakayahan nilang iyon. Kahit ang kakayahang mabasa ang isip ng kanilang kaharap na siyang isa sa pinakamagaling nilang kakayahan ay hindi rin gumagana sa aming mga witches. Siguro iyon ang dahilan kung bakit pinatay ng ama ni Desmon ang aming buong clan. Dahil hindi nila kami kayang pasunurin sa kanilang kagustuhan. Dahil ayaw nila na may mga nilalang sa mundo na hindi kayang kontrolin ng kanilang kapangyarihan.
"Sa tingin ko ay wala naman dito ang alipin na iyon kaya umalis na tayo. Sa ibang lugar tayo maghanap," suhestiyon ng isang taong-lobo sa mga kasamahan nito. Sila ay ang mga taong-lobo na tinatawag na omega. Ang pinakamababang uri ng mga taong-lobo sa kanilang lahi. Kaya sila ang mga utusan at ginagawang kawal ng mga nagiging alpha.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong umalis na ang mga kawal na omega. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko para ipagpatuloy ang paghahanap sa kaibigan ko at sa pamilya niya. Ngunit kahit anong hanap ko sa kanila ay hindi ko sila natagpuan hanggang sa nakarating ako sa isang madilim at masikip na pasilyo. Sa pag-asang iyon na ang daan patungo sa kinaroroonang kulungan ng mga taong hinahanap ko ay lakas-loob na tinalunton ko ang madilim at makipot na pasilyo na iyon. Ngunit nagulat ako nang sa halip na kulungan ang dulo ng pasilyo ay masukal na gubat ang aking nabungaran. Dahil labas na pala ang bahaging iyon. Isa palang secret passage ang pasilyong dinaanan ko.
Wala akong inaksayang oras at agad akong sumuot sa masukal na gubat para makalayo sa napakalaking mansion ni Alpha Desmon. Kailangang makatakas ako sa lugar na ito. Una kong gagawin ay puntahan ang bahay nina Julie para tiyakin kung hawak nga sila ni Desmon. Hindi ko kasi sila natagpuan kaya baka hindi totoong hawak ng alphang iyon ang kaibigan ko at ang pamilya niya.
Hindi ko kabisado ang gubat na nilalakaran ko kaya nagkandaligaw ako. Mukhang napunta pa yata ako sa pinaka-gitna ng gubat sa halip na makalabas. Tagaktak na ang pawis ko sa kakalakad at pagod na rin ako kaya ipinasya kong umupo muna at magpahinga sa isang tuyo at nakatumbang malaking puno. Init na init ako kaya ipinaypay ko ang aking mga kamay sa aking mukha at leeg habang nakapikit ang mga mata. Bigla akong napadilat nang marinig ko ang tunog ng pagkabali ng isang tuyong sanga na tila naapakan ng kung sino man. Nilingon ko ang aking likuran kung saan nanggaling ang narinig kong tunog. Isang matangkad na lalaki na may kulay silver na mga mata ang nakita kong palapit sa akin. Dahan-dahan akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kahoy at napatitig sa mukha ng lalaki. Hindi ko na kailangan pang magtanong sa kanya kung sino o ano siya dahil nahuhulaan kong isa rin siyang taong-lobo ngunit nagmula naman sa ibang pack. Dahil sa mga mata niyang kulay silver ay nahuhulaan kong mula siya sa Silver Wolf clan. Ang pinakamatinding kaaway ng wolf clan ni Desmon.
Ang malas ko talaga. Sa dinami-rami ng mga clan na makakakita sa akin ay ang clan pa na kilala rin sa pagiging malupit ang mga miyembro. Hindi lamang ang clan ni Desmon ang kilalang malupit na wolf clan kundi pati na rin ang Silver Wolf clan. Mababa ang pagtingin nila sa mga babaeng miyembro ng clan nila kahit pa anak ito ng isang alpha o beta. Para sa kanila ay malas magkaroon ng anak na babae. Dahil ang babae sa kanila ay palahian lamang ng mga anak na magiging lalaki. Sila ang wolf clan na hindi naniniwala sa luna na mate ng isang alpha.
"Hindi ka isang taong-lobo dahil hindi ko naaamoy mula sa katawan mo ang amoy naming mga taong-lobo. Kung ganoon ay isa kang tao," kausap sa akin ng lalaki.
"Tao man ako o ano ay wala kang pakialam. Huwag mo na lamang akong pakialaman dahil hindi rin naman kita pakikialamanan," matapang kong sagot sa kanya. Ngunit ang totoo ay nagtatapang-tapangan lamang ako. Ayoko kasing mahalata ng kaharap ko na nanginginig na pala ang katawan ko dahil sa takot ko sa kanya. Paano naman ako hindi matatakot, eh, tiyak na mas malakas siya sa akin? Mabuti sana kung may alam na ako kahit na man lang isa sa mga kapangyarihan naming mga witches para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit kahit ang simoleng pag-kontrol ng tubig ay hindi ko pa kayang gawin. Kaya hindi ko alam kung paano ko maipagtatanggol ang aking sarili kapag ginawan ako ng masama ng lalaking ito.
"Iyan ang gusto ko sa mga babaeng palahian. Iyong maganda at matapang," nakangising wika ng lalaki habang nangingislap sa mga mata ang matinding pagnanasa. Nakakaramdam sila ng pagnanasa sa mga babae ngunit hindi sapat sa kanila iyon para gawing kapantay nila ang isang babae.
"Huwag kang lalapit sa akin," babala ko sa kanya nang unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. "Hindi man ako taong-lobo na kagaya mo ay mahalagang alipin naman ako ni Alpha Desmon at mananagot ka sa kanya kapag ginawan mo ako ng masama," pananakot ko sa kanya. Baka sakaling matakot siya kapag marinig niya ang pangalan ni Desmon.
"Mahalagang alipin ka ni Alpha Desmon? Mas dapat lamang nna patayin kita. Tiyak na matutuwa sa akin ang aming alpha kapag nalaman niyang nakapatay ako ng isang mahalagang alipin na babae ng kaaway naming alpha," nakangising sagot nito sa akin.
Hindi ko maiwasan ang lalong makaramdam ng inis kay Alpha Desmon. Akala ko pa naman ay makakatulong ang pagbanggit ko sa pangalan niya para makaligtas ako iyon pala ay mas lalong nakasama pa yata.
"S-Sinabi kong huwag kang lumapit sa akin! Hanggang diyan ka lang! Talagang mananagot ka kay Alpha Desmon kapag sinaktan mo ako!" nagpapanic na sigaw ko nang biglang bumilis ang paglalakad ng lalaki palapit sa akin. Ngunit bigla na lamang itong huminto sa paglalakad at nanlaki ang mga mata. Nakaramdam ako ng tuwa dahil inisip ko na natakot yata ito sa pangalan ni Desmon. Akala ko talaga ay walang epekto sa kanya ang aking mga sinabi iyon pala ay mayroon.
"A-Alpha Desmon?" hintakot na sambit ng lalaki habang namumutla ang mukha. Napalunok pa ito na tila sobrang takot na takot ito.
"Oo. Tama ang narinig mo. Alipin nga ako ni Alpha Desmon kaya hindi mo ako maaaring saktan," nakapamaywang sabi ko sa kanya. Napahinto ako at napakunot ng noo nang makita kong tila lagpas sa akin ang kanyang paningin. Nang lumingon ako para alamin kung ano ang tinitingnan niya nanlaki rin ang mga mata ko nang makita ko si Desmon na nasa likuran ko at madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin sa taong-lobo na mala sa kaaway nitong clan. Akala ko pa naman ay natakot ang taong-lobo na kaharap ko sa ginawa kong pagbanggit sa pangalan ni Desmon iyon pala ay hindi.
"A-Alpha Desmon," kandangiwing sambit ko sa pangalan niya.
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.