Share

Chapter 7

Savina's Pov

Pumasok sa loob ng silid ang babaeng lobo na tinakasan ko kahapon na Moira ng pangalan. Matalim ang kanyang mga titig at kung nakakasugat lamang ito ay tiyak na sugat-sugat na ngayon ang buo kong katawan.

"Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas kay Alpha Desmon," kausap sa akin ni Moira. Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. Salita siya ng salita ngunit nananatiling tikom pa rin ang bibig ko. Sa inis ni Moira ay itinapon niya sa mukha ko ang damit na isusuot ko bilang alipin. "Bingi ka ba o bigla kang naging pipi dahil hindi mo matanggap na hindi ka nakatakas dito?"

Saka ko lamang pinansin si Moira nang marinig ko ang huling sinabi niya. "Obvious naman na hindi mo gusto na narito ako, Moira. Kaya bakit hindi mo na lang ako tulungan na makatakas dito? Nng sa gayon ay hindi mo na makita ang pagmumukha ko?" pangungumbinsi ko sa kanya. At sana ay makumbinsi ko siya. Ayaw niyang narito ako at ayoko rin namang narito ako kaya dapat ay magtulungan na lamang kami.

"Ibig mong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status