Share

Chapter 12

Savina's Pov

Tahimik lamang ako habang ipinagpapatuloy namin ang aming paglalakad papunta sa ilog kung saan kami sasalok ng tubig. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Desmon sa akin kanina bago nila kami iniwan. Ang sabi niya ay wala akong kuwentang alipin at parurusahan niya ako mamaya pagbalik ko sa bahay niya. Ano naman kayang klaseng parusa ang igagawad niya sa akin? Dahil lamang sa sinagot ko si Allana ay paparusahan na niya ako agad? Totoo nga kaya ang sinasabi nila na gagawin niyang luna ang babaeng iyon pagdating ng tamang panahon? Kapag mangyari iyon ay natitiyak ko na lalo lamang tataas ang tingin ni Allana sa kanyang sarili. Baka maging langgam na lamang ang tinginn niya sa mga kalahi niya lalong-lalo na ang mga omegang alipin.

"Bakit kanina ka tahimik, Savina? Inaalala mo ba ang magiging ksparusahan sa'yo ni Alpha Desmon mamaya?" biglang tanong sa akin ni Susa na isa ring alipin.

"Nakakatakot pa naman kung magparusa ang ating alpha. Naalala niyo ba noong nakaraa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status