Share

Chapter 61

Savina Pov

Dinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas.

"Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit.

"Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco.

"Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa.

"Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao.

"Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status