LOGINLion,, iyak ka talaga ng balde-balde mamaya ಠಗಠ
"You're dreaming, Belleza. Only death will do us part." Kuyom pa rin ang mga kamao ni Belleza sa panlalaban pero hindi na siya gumalaw. Matalim niyang tiningnan sa mata si Lionzo, pilit na nilalabanan ang takot. If she keeps provoking Lion, he could snap her neck in one move if he wanted to. Nakakainis lang isipin na nagagawa pa rin siya nitong ikulong at gawin ang gusto sa kaniya sa kabila ng sitwasyon nito. Kahit siguro ibaon pa ito sa lupa ay magagawa pa rin siya nitong gapusin, o kaya ay patayin. Is there ever a moment when this man doesn't hold all the power? "Pwes, papatayin kita," mariin niyang sambit. "Kung kamatayan ang magiging daan para sa kalayaan ko, papatayin kita. Mabigyan lang ako ng pagkakataon, hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang nanunuyo mong utak, Lionzo Mancini!" Pinaghalong pagkamangha at hindi mapangalanang emosyon ang biglang sumilay sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. Sa sulok ng mata nito, makikita ang sakit at pait. "My Belleza." Ilang
Sa loob ng madaming buwang pagkakabihag, tila ngayon lang nakakapagpahinga nang totoo si Belleza.Rozz made sure of it. He took care of her, let her rest properly, made sure no one disturbed her, made sure she didn't have to think about anything. But the moment she woke up, isang pangalan lang ang kaagad na rumerehistro sa isipan niya. Lionzo. Tatlong araw na niyang hindi nasisilayan sa mansion si Lion. Walang bakas, ni boses nito ay hindi niya narinig sa hallway. Tila nasanay na sa siya na sa pagmulat ay boses kaagad nito ang naririnig, mukha ang kaagad na nabubungaran. She doesn't want to admit, pero may parte sa kaniya ang namiss ang mga araw na iyon. The morning kiss, the greetings, the breakfast he prepared..."Bwisit!" angil niya sa sarili. Gusto niyang sampalin ang sariling mukha para tuluyang magising. Hindi siya dapat nakakaramdam nang ganoon. Hindi siya dapat nangungulila sa presensya ng lalaki. Ang dapat niyang isipin ay kung paano gamitin ang pagkakataon na iyon para m
Ang labi na pag-aari niya, inaangkin na ngayon ng ibang lalaki. At hindi lang basta kung sinong lalaki. Kundi si Rozzwell... Sa bestfriend niya pa. Hindi agad nakagalaw si Lionzo. Nakatayo lang siya sa may p***o, pinapanood ang dalawa. Si Rozzwell na nakapikit at ninanamnam ang bawat pagsiil nito sa labi ni Belleza. At si Belleza na hindi pumalag at hinayaan lang na angkinin ito ni Rozzwell. Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Lion. Tawang walang laman. Pero mabigat. Malamig. Delikado. Na parang babala na anumang oras, makakapatay na siya. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang dalawa. Si Rozzwell nang makita siya ay biglang natigilan, namutla. Samantalang si Belleza ay sandali lang na nagulat. Pagkaraan ay parang wala nang pakialam sa presensya niya. Tinitigan lang siya. Wala man lang takot na makikita sa blanko nitong mga mata. Walang bahid ng guilt. Walang paliwanag. At iyon ang unti-unting pumapatay sa kanya. Kumuyom nang mahigpit ang palad ni Lion. Pakiramdam niya ay big
Belleza came down the stairs with a busted lip.Nakasalubong niya si Rozz. One glance at kaagad nitong napansin ang nanuyong dugo sa labi niya. "Is that blood?" Hindi niya ito pinansin at nilagpasan, pero mabilis siya nitong napigilan sa siko."Belleza! Tell me what happened! Did Lion hurt you again?" Tamad siyang humarap dito. "You sound like you care, Rozzwell. Para ba sa akin o kay Lionzo?" Napakunot-noo si Rozzwell. Binigyan naman niya ito ng sarkastikong ngiti. "Malamang sa kaibigan mo," sagot niya sa sarili. Yung pamilyar na lasa ng pait, humahalo na naman sa laway niya at gusto niyang idura iyon sa mukha nito. "Ikaw... Si Lion. Si Caliste. Kayong tatlo lang dapat mula umpisa hanggang dulo, tama? Kaya kapag may pumagitan sa inyo, pinapapatay ninyo. Pare-pareho kayong basura lang ang tingin sa akin. Pare-pareho kayong laruan lang ang turing sa buhay ko. Gusto niyo akong mamatay, gusto niyo akong mawala..." May gusto pa siyang idugtong pero nanginig bigla ang labi niya. She b
PAK! Muntik nang sumadsad sa sahig si Belleza matapos na makatanggap ng malutong na sampal mula kay Lion. Nagawa pa niyang ibalanse ang katawan at hindi tuluyang natumba. Ngunit napuruhan ang labi niya.Pumikit siya, kapagkuwan ay dumilat. Mahapdi. Nakakapanghina 'yung hapdi ng sugat mula sa pumutok niyang labi pero matapang niyang ininda.Nang mabawi ang lakas ay dahan-dahan siyang tumayo nang tuwid suot ang malamig na ngiti. Tiningnan niya si Lion na tila natuod sa kinatatayuan. Panay ang pag-alon ng lalagukan nito at namumutlang napatitig sa kanya. "Belleza, I-I didn't mean it..." She just scoffed. Hindi na siya nagulat. Lagi namang ganoon. Kapag nasa harap nila si Caliste, siya ang palaging nasasaktan. At si Lion, magso-sorry lang sa kanya pagkatapos. Sumulyap siya kay Caliste na kunwaring nagtatago sa likod nito. Bumalik sa pagkulo ang dugo niya nang mahuli ang ngisi nito.Naikuyom niya nang mahigpit ang sariling palad at gigil na napasigaw sa isip, 'Gusto mong sumali sa laro
Caliste had fulfilled her promise. And Lionzo hadn't. Tumingin si Lion sa maliit na mukha ni Belleza. Bawat sulok ng magandang mukha nito ay isa-isa niyang pinagmamasdan, pinag-aaralan. Maga ang mga mata, may bakas pa ng luha sa makinis nitong pisngi. Ang kamay naman nito ay nakakuyom pa rin sa damit nito kahit tulog na, na para bang hanggang sa panaginip ay nanggigigil ito at gusto siyang saktan. Nakatulog si Belleza sa mga bisig niya kaiiyak. Hindi niya lubos maisip ang halu-halong emosyong nararamdaman nito habang inaakala nito na pinaglalaruan lang niya ito. Malamang ay iniisip ni Belleza na handa siyang ipagpalit ito kay Caliste. Parang piniga ang puso niya sa tuwing naaalala ang mga paghihirap nito nang dahil sa kagagawan niya. Bakit ba siya nasasaktan para sa babae? "Damn it!" Kumalas sya sa pagkakayakap kay Belleza at tumihaya. Matagal na rin siyang hindi nakakaramdam nang paglambot. Ang buong akala niya ay bato na siya, pero ang totoo, nabalot lang pala ng yelo an
"BELLEZA..." She froze at the dining room entrance, her eyes locking with Lionzo's intense gaze that seemed to strip her bare. "Stunning," nakangiti nitong sabi. She was wearing a v-cut sleeveless dress in fiery red, complemented by the bold red stilettos that elevated her presence. Bagay sa kani
Pumikit siya at huminga ng malalim. Kailangan niyang tanggalin ang nakabaon sa talampakan niya bago pa man siya mahuli ng mga humahabol sa kaniya. "Ahhck!" Napadaing siya sa sakit pero kailangan niya itong tiisin. Narinig niya ang kaluskos. Sa takot niya ay bigla niyang nabunot ang bubog sa paa n
TAKBO BELLEZA! Iyon ang isinisigaw ng isip niya. Pero paano pa siya makakatakbo kung naninigas na ang mga paa niya? Wala pa man ay hinihingal na siya. Parang nakikipaghabulan na siya kay kamatayan. Para nang nilulunod ang kaniyang puso ng mabilis na pagtibok no'n. Matatakasan pa ba niya ang mga la
TANGHALING tapat ngunit hindi masisilayan ang araw dahil sa makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Nagpakawala ito ng malakas na buhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat. Sa kabila ng nakababahalang panahon at nakakatakot na talim na gumuguhit sa kalangitan ay tumungo pa rin si Belleza sa







