Share

Kabanata 6

"Rhaenyra, lunch."

Bahagya akong  napaigtad nang marinig ang boses niya sa intercom. Hindi pa rin ako sanay sa paggamit niya ng malumanay ma boses sa akin.

Ibinaba ko ang binabasang dokumento bago ko kinalkal ang bag ko para hanapin ang compact mirror na dala ko. I rolled my eyes at myself when I saw how pale my lips are.

Dali-dali kong kinuha ang lip balm ko na bigay pa sa akin ni Mindy noong dinalaw niya ako noong isang araw dahil nga pabalik-balik pa ang sinat ko. Kaso saka lang niya ako naisipang dalawin kung kailan gumaling na ako. Ilang beses ko tuloy siyang pinagtutuktukan noong araw na iyon dahil pagkatapos niya akong lasingin sa The Bar at iwanan sa mga pinsan niya ay hindi na siya nagparamdam pa sa akin maliban na lang noong inindian niya ulit ako noong isang araw dahil na naman sa boyfriend niya.

Tuloy ay nito ko lang naikwento sa kanya lahat ng naging kaganapan sa buhay ko. At ayon ang gaga, siya pa ang galit dahil wala man lang daw siyang kaalam-alam na najombag na pala ang perlas ng silangan ko. She didn't let me leave any details and even stayed in my house for a night just to hear my story. She was very happy for me for finally having an experience on sex. Natawa na lang ako sa mga naging reaksyon niya. She even promised to visit me here on this company to see Ajax but i know for sure that she can't because of her stupid possessive boyfriend.

Nag apply pa ako ng cheek tint bago ko napagpasyahang tapusin na ang pag-aayos dahil baka mainip siya sa paghihintay.

Nang madatnan ko siya ay nakaupo na siya sa table at nakalatag na rin ang mga pinggan at kubyertos. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang agad niyang naramdaman ang presensya ko.

He welcomed me with a warm smile and I felt like my heart just dropped because of it. Shit! kung gwapo na siya kahit nakabusangot ang mukha ay walang sinabi ang kagwapuhan niya pag ngumingiti siya. 

"I already called a restaurant, they'll be here in 3 minutes." he said cheerfully.

Umupo ako sa tapat niya habang tumatango-tango sa sinabi niya. Anong restaurant naman kaya ngayon? Last last day Chinese, tapos Japanese and then Korean, baka mamaya Russian cuisine naman hahaha.

Pinigilan ko ang pagngisi sa naiisip. Nagugulat na lang kase ako sa mga pinakakain niya sa akin lalo pa at galing sa isang mamahaling restaurant. Kahit naman lumaki akong may golden spoon sa bunganga ay bihira lang akong kumain sa mga mamahaling restaurant, mas gusto ko kase ang lutong bahay ni manang.

Nang itaas ko ang tingin sa kanya ay nakaramdam ako ng pagkahiya dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin. He's looking at me intently as if he's been doing that ever since I came here. 

I bit my lip as I looked away from him. He must be stopped from doing that all the time cause it's literally driving me nuts.

"Fuck! Please stop doing that."

Aligaga akong napalingon sa kanya ng marinig siyang magsalita sa nahihirapang boses. Nakakunot ang noo niya habang umiigting ang kanyang panga. Bigla akong kinabahan sa inaasta niya.

"W-what?" tanging nasabi ko.

He closed his eyes tightly before releasing a  heavy sigh.

"Biting your lips Rhaenyra, stop doing it cause it's not helping." ani niya sa ngayon ay malumanay ng boses.

Taka akong tumitig sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. May sinabi pa siya ngunit mahina lang iyon kaya hindi ko na narinig pa. Does it bother him when I bite my lips? I mean how?

Muli niyang naagaw ang atensyon ko nang ngumisi siya habang iniiling ang ulo na parang bigla lang natauhan.

"You're really innocent huh, I like that." he said in a hoarse voice. Napaawang ang labi ko dahil para akong hinehele ng nakakaakit niyang boses. Naputol lamang ito nang tumunog ang cellphone niya kaya't pasimple kong kinurot ang sarili. I shouldn't let him see me lust on him for god's sake! Have a shame on yourself Rhaenyra.

He picked up the call immediately and placed the phone on his ear. Mabilis lang ang tawag na 'yon dahil agad niya itong ibinaba bago tumayo sa upuan niya at humakbang papunta sa pinto. Dumating na siguro ang inorder niyang pagkain.

Pagkakuwan ay may hawak na siyang dalawang malaking paper bag pabalik sa direksyon ko. I saw the logo of a famous Thai restaurant on the paper bags. I mentally laughed at the thought that he wants to explore the world by eating different country food every damn day.

Inilapag niya ang ang paper bag bago isa-isang inihain ang mga pagkain sa harap ko. Tutulungan ko sana siya ngunit kagaya nitong mga nakaraang araw ay sinasaway niya ako at sinasabihang maupo na lamang. I protested that it was unfair because he's my boss ang I shouldn't let him do me service because that's just wrong but he insisted that it's just fine. Wala na akong nagawa pa at hinayaan na lamang siya sa gusto niya.

Simula noong may mangyari ulit sa amin ay nag-iba na ang pakikikitungo niya sa akin. Ang dating madilim na awra niya ay napalitan na ng maaliwalas at palaging nakangiting mukha. Halos hindi pa nga ako makapaniwala sa mga inaasta niya noong pumasok ako sa kompanya matapos may mangayari sa aming dalawa. He became caring and cheerful around me, kaya't ang plano kong mag resign ay hindi na natuloy pa.

Nang makauwi ako ng umagang 'yon ay labis ang paghahyperventelate ko tuwing naaalala ang mga nangyari. Halos hindi na ako nakakain buong araw sa kakaisip sa naging usapan namin bago ako umalis. At pagdating ko nga sa kompanya kinabukasan ay laking gulat ko ng agad niya akong tawagin sa opisina niya para lamang tanungin kung kamusta ako. I can still remember how he intently looked at me while sitting on his table and both hands were inside his pockets.

He announced to me that we will always have our lunch together starting from that day. Simula rin nang araw na iyon ay kakaunti na ang natatanggap kong trabaho at halos puro appointing na lang ng mga schedules niya ang ginagawa ko. Labis-labis ang pagtataka ko sa mga inaasta niya ngunit agad ko itong iwinaksi dahil mas lamang ang kasiyahan ko sa mga pinapakita niya.

Sa tingin ko ay nahuhulog na ang loob ko ng tuluyan sa kanya. Lalo na at tuwing lalabas ako ng opisina niya kada may inuutos siya ay lagi niya akong sinusunggaban ng halik na hindi ko naman mapigilang hindi sagutin. It was like my body has its own mind everytime my skin touches his. Parang pag-aari niya ako na sumusunod sa bawa't galaw niya tuwing hinahaplos niya ako. And I will not protest to that as I like the feeling of being near him, kahit pa hindi klaro kung ano ang pagtingin niya para sa akin.

Pumikit ako ng mariin para iwaksi ang naisip. I don't want to ruin the perfect mood around us.

"Let's eat." ani niya ng mailapag ang platong puno ng pagkain sa harap ko. Napaamaang ako sa nakikita. How am I supposed to eat these all? Does he think of me as a heavy eater?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at natagpuan ko siyang nakaangat ang kilay sa akin. It's like his saying that I can't protest on his decision kaya't wala na akong nagawa pa kundi simulang sumandok sa plato ko upang agad na mabawasan ito.

Nakasimangot lang ako habang ngumunguya dahil hindi ko alam kung papaano uubusin ito. Pakiramdam ko ay mananaba ako kapag ilang araw pa akong sumabay ng lunch sa kanya. Palagi ba namang punuin ng pagkain ang plato ko tsk tsk tsk.

Napatigil ako sa pagnguya ng marinig ko ang pagngisi niya. Nang tignan ko siya ay hindi pa nagagalaw ang pagkain niya at nakatingin lamang siya sa akin kaya't hindi ko mapigilang makaramdam ng pagka-ilang. Kanina pa ba niya ginagawa 'yon? At saka tinatawanan niya ba ako?

"What?" he said innocently.

"A-are you laughing at me?" I said in a small voice. Tuloy ay gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa panonood niya sa akin habang kumakain ako.

"Ofcourse not, I actually find you so cute." he smirked and tilted his head. He bit his inner cheeks to suppress the smile from his lips, but damn! he looks so hot while doing it.

Pakiramdam ko ay namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya, idagdag pa ang postura niya na nakakaakit.

Me? cute? Oh common, I'm sure I looked dumb while eating that's why he's laughing at me.

Ibababa ko na sana ang plato ko para tumayo ngunit agad niya akong pinigilan bago ko pa magawa ito.

"No Rhaenyra don't you dare put your food down, I won't stare at you anymore I promise. Just eat." he said in a now serious tone.

I sighed and do as he said. Bumalik na rin naman kaagad siya sa plato niya at hinintay ko pang hawakan niya ang kubyertos niya bago ko muling ibinaling ang atensyon ko sa plato ko.

Dahan-dahan kong sinubo ang sinandok kong pagkain habang nakikirandam pa rin sa kanya. I can still feel the smile on his face even though I'm not turning my gaze up at him. Tuloy ay hindi ko rin mapigilang mapangiti sa inaasta niya. Napailing na lang ako habang patuloy na kumakain.

Kahit papaano ay naninibago pa rin talaga ako sa ganitong side niya. I didn't expect that he has this fun side of him because he always looks serious and intimidating, especially on my first weeks in this company.

"How's your brother?" biglang tanong niya.

Agad na napaangat ang tingin ko sa kanya. Wala sa akin ang atensyon niya ngunit bakas sa mukha mukha ang paghihintay niya ng sagot. Ilang segundo ko pang nirekolekta ang sarili bago tuluyang nahanap ang boses ko.

"Uh he's good. He's in Singapore right now for some business matter." kaswal na sagot ko. Tanging tango lamang ang naging sagot niya at hindi na umimik pa.

"Uhm do you guys know each other?" I asked in a curious tone. Nabigla kase ako ng bigla na lang siyang magtanong sa kuya ko out of nowhere. I'm sure he knows him cause they're both businessmen and in the same business line but I I'm curious why he suddenly asked about him.

"We went to the same university and been in the same business line for decades so technically yes." pagpapaliwag niya na ngayon ay nakatingin na sa akin.

I nodded as a response to him. Ofcourse it's pure business, silly me.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain at ganoon din ang ginawa niya. Halos mag kakalahating minuto na ako dito ngunit hindi pa rin nangangalahati ang kinakain ko. Busog na rin ako at pakiramdam ko ay pag pinagpatuloy ko pa ang paglunok ay sasabog na ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. 

Napatigil ako sa pagnguya ng maramdaman ko ang papalapit na presensya niya sa akin. Hindi nga ako nagkakamali nang pag-angat ko ng tingin ay bahagya siyang nakaliyad papunta sa direksyon ko at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kamay niya sa may malapit sa labi ko.

He wiped the food on my mouth.

Bahagyang napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Kahit malayo ang mukha niya sa akin ay ramdam ko ang mabangong hininga niya na humahaplos sa mukha ko. Parang nanlambot ang paghawak ko sa kutsara ko kaya't mabilis ko itong naibaba ng hindi na namalayan.

Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko ng lumipat ang paghaplos niya sa gitna kong labi at pakiramdam ko ay nagsisimula na akong mag-init nang biglang pumungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

Kapagkuwan ay agad na bumaba ang mga mata niya sa labi ko at hindi ko mapigilang mapapikit sa presensya at sensasyong ibinibigay niya sa akin.

Ilang segundo pa ang lumipas nang tuluyan nang lumapit ang mukha niya sa direksyon ko at naramdaman ko na lang ang pag sunngab ng malalambot niyang labi sa akin.

Agad kong ipinulupot ang kamay ko sa leeg niya habang sinasabayan siya sa pagtayo upang umalis sa maliit na table na humaharang sa amin.

Halos nakatiad na ako habang patuloy pa rin sa pakikipag palitan ng halik sa kanya. Ilang beses kong naitagilid ang mukha ko sa magkabilang direksyon sa sarap ng ginagawa niyang paghalik sa akin.

He sucked my lower lip that gave me an access to release my moans. At nang mapakawala ko na ang tinatagong halinghing ay mas lalo pang naging madiin  at mapusok ang mga halik niya na agad ko namang sinasabayan.

Naging matagal kami sa posisyong iyon at naghihiwalay lamang kapag kinakapos na ng hininga ang isa sa amin. Ilang beses pa naming nilasap ang labi ng isa't-isa bago kami tuluyang humiwalay sa pagpapalitan ng halik.

Parehas kaming habol hininga nang matapos kami sa sitwasyong iyon. Pakiramdam ko ay bigla akong nanlambot ng makawala ang braso ko sa leeg niya kaya't itinuon ko ito sa mga braso niya para sa suporta.

Nang iangat ko ang tingin sa kanya ay mapupungay ang mga matang niyang nakatingin na sa akin ng madatnan ko ito.

"We should go back and finish our food." he said in a hoarse voice.

"Yeah." I said in response, still in awe of our kiss.

Sabay kaming bumalik sa lamesa at ipinagpatuloy na ang pagkain. Halos hindi na ako makasubo dahil hindi ko maiwaksi sa isip ang naganap na halikan namin, habang ang kasama ko ay kaswal lang na bumalik sa pagkain ngunit hindi natatanggal ang nagbabadyang ngisi sa labi.

Palaging ganoon ang nagiging tagpo namin sa araw-araw tuwing sabay kaming nag lulunch. Minsan pa ay nauuwi ito sa pag memake-out namin ngunit hanggang doon lang iyon at hindi na lumalalim pa. Nang minsang iinsist ko na may mangyari sa amin ay agad niya akong pinigilan kaya't halos panawan na ako ng kaluluwa sa pagkapahiya sa pagtanggi niya. Ngunit nang ipaliwanag niya sa akin kung bakit ayaw niyang may mangyari ulit sa amin ay parang mas lalo akong nahulog sa kanya nang marinig ko ang rason niya.

Ayaw niya raw kaseng gawin namin iyon sa opisina niya at kapag may trabaho dahil ayaw niyang isipin ko na katulad lang din ako ng mga nagdaan niyang sekretarya. At kung gagawin raw namin iyon ay sa tamang lugar dapat at hindi lang basta sa opisina niya.

I felt so special that time and didn't bother to ask more questions to savor the feeling. Kahit pa madalas ay sumasagi na sa isip ko kung ano nga ba kami dahil wala namang label ang ginagawa namin. He consistently act sweet and caring around me at madalas pa ay nauuwi sa halikan lahat ng oras namin sa isa't-isa ngunit walang kahit anong kumpirmasyon siyang sinasabi kung anong meron kaming dalawa.

Ngunit dahil sa assurance na hindi ako katulad ng mga sekretarya niya ay nakukuntento na lang ako sa kung anong meron kami kaya't ang pagtatanong ko tungkol sa amin ay madalas na nauudlot. Nauunahan din kase ako ng kaba kahit ramdam ko naman sa sarili ko na parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa, kaya napagdesisyunan kong hintayin na lang siyang sabihin sa akin kung anong meron kami at lasapin na lang muna ang bawat oras namin sa isa't-isa.

I mean I'm not rushing anything and I want to know him better so it's just fair to not ask for more yet right?

I am typing on my laptop when someone knocks on my door. Bukas na ito kaya't malaya ko ng nasisilayan ang mukha ni Ross na naghihintay ng permiso ko upang pumasok.

"Oh come in, do you need anything Ross?" bungad kong tanong sa kanya habang iminumwestra ang upuan sa harap ko.

He's all smiles when he entered the room and I feel like he somehow lightened up the mood in our sorroundings.

"Uh I just want to know if you already have the files of the company in your hands?" he asked while scratching his nape.

"Oh yeah, I just received it last week. What do you need so I can prepare it right?" aligagang tanong ko. He immediately wave his hands when he saw how I fast I move my hands on my laptop, ready to find the file he will need.

"No, no, no I don't need it today, naitanong ko lang para sa susunod eh sayo na lang ako hihingi." he said while chuckling. Napatango-tango ako sa pagpapaliwanag niya.

"Ah okay. Don't hesitate to ask me ha kung kailangan mo." pag-uulit ko pa sa kanya.

"Yeah sure." ngumiti siya sa akin na ginantihan ko naman pabalik.

Iniikot niya ang paningin sa kwarto bago malakas na tumikhim, senyales ng paghahanda niya ng bagong sasabihin. Pagkakuwan nga ay humarap ulit siya sa akin ng may ngiti pa rin sa labi ngunit seryoso ng awra.

"Saan ka pala naglulunch, kase these past weeks bihira na kitang makita kase usually naaabutan pa kita rito pag lunch na." mabilis na tanong niya. Hindi ko mahanap ang boses ko para sagutin siya dahil hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko sa kanya kung saan ako naglalalagi kapag lunch.

Bakas sa mukha niya ang paghihintay ng sagot kaya't lumunok muna ako bago tuluyang buksan ang bibig ko. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Ajax dahilan para maagaw nito ang atensyon ko.

Sabay kaming napalingon ni Ross sa lalaki na ngayon madilim ang awrang ipinagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa tinuran niya. Kitang-kita ko pa sa gilid ng mata ko kung paano tumungo ng ulo si Ross upang magpakita ng respeto sa lalaking nasa harap namin, ngunit hindi ko na ito mapagbalingan pa ng atensyon dahil nakapako na ang mga mata ko kay Ajax.

Kakaiba ang awrang ipinapakita niya ngayon kaya't agad akong tinubuan ng pagkabahala. Dahil ganitong ganito rin ang reaksyong ibinibigay niya sa akin noong mga unang araw ko pa lang sa kompanya niya.

Nakapukol lang ang atensyon niya kay Ross na ngayon ay seryosong-seryoso na rin ang mukhang nakikipag sukatan ng tingin sa kanya. Naputol lang ito ng tumikhim si Ross at agad na bumaling sa akin.

"Thank you Rhaenyra, alis na 'ko... sir" he said before nodding his head at us. Tumalikod na siya sa amin at mabilis na nilisan ang opisina ko kaya't kaming dalawa na lang ni Ajax ang naiwan.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at pakiramdam ko ay kukumbulsyunin ako ng maabutan ko ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Bahagya pa akong napaatras ng makita ko ang paghakbang na ginawa niya.

Naging tuloy-tuloy ang paglapit niya sa akin kaya't pigil-pigil ko ang hininga ko dahil sa nagbabadya niyang presensya. Nag iwas din ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay napapaso ako kapag hinaharap ko ang mga mata niyang seryoso at malamig ang ekspresyon.

Nang makalapit na siya sa harap ko ay ilang beses akong napalunok sa malakas na presensyang ibinibigay niya sa katawan ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at halos panawan ako ng kaluluwa dahil matiim niya akong pinagmamasdan.

Napakurap ako ng hindi ko na makayanan pa ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Ngunit kaba ko ay mabilis na napalitan ng ang pagkagulat ng bigla na lamang niya akong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi.

Para akong napako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. Paano kung may makakita sa amin? Shit!

Nanlalambot kong itinulak ang balikat niya palapit sa akin at nang magawa ko iyon ay halos maghabol ako ng hininga kahit sa maikling sandali lang na pagsiil niya ng halik sa labi ko. Kunot na kunot ang noo niya habang nagtatakang nakatitig sa akin.

"B-baka may makakita sa atin---" 

"Then let them watch." pagpuputol niya sa sasabihin ko. Napaawang ang bibig ko sa sagot niya. What?

"Are you sure?" nag-aalangang tanong ko. Mas lalong kumunot ang noo niya ng sabihin ko iyon.

"Yes Rhaenyra, infact I want them to know that you're mine, understood?" he said in a hoarse voice. Pakiramdam ko ay sasabog sa saya ang puso ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay gusto niyang malaman ng lahat ang namamagitan sa amin? Palihim akong napangiti sa isiping iyon.

Ngunit agad ding nabura ang saya ko ng maalala na hindi pa klarong-klaro kung ano ang relasyon namin. If he wants us to be seen kissing each other then it means he wants everyone to know that we're a thing right? But he's not confirming anything yet.

Napakurap-kurap ako sa naiisip. Maybe now is the right time to ask him about it. Yes, I definitely should ask him now habang pinag uusapan pa namin ito.

Huminga ako ng malalim upang bumwelo ngunit agad akong napatigil ng biglang tumunog ang cellphone niya. I saw the name "Lander" on the screen but he immediately rejected the call.

"I have to go now. I'll just fixt some matters with my friend." he said before giving me another kiss on the lips.

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. I guess I'll just save my questios for now. Tumango ako sa kanya at saka siya nginitian.

"Okay, ingat ka." ani ko bago siya tuluyang pumihit patalikod sa akin.

Napatitig na lang ako sa nilabasan niyang pinto. I should really ask him about us, I mean we're kissing and making out everyday but there's no clarification about our relationship at all, how's that right? tsk tsk.

Bumalik ako sa ginagawa ko habang iniisip pa rin ang mga katanungan tungkol sa amin. Mabilis ko lang na natapos ang mga dokumentong hinihingi niya kaya't napagpasyahan ko na rin na ilagay ito sa table niya.

I get up from my seat and walk towards his door. Deretso kong ipinatong ang mga papeles sa table niya at inayos ko pa ang ibang papeles na nakalagay sa table niya dahil magulo ito.

Nang masiyahan sa naging resulta ay pumihit na ulit ako papunta sa pinto ngunit agad din akong napatigil nang mahagip ng mga mata ko ang bukas na pinto sa kwarto niya dito sa loob ng opisina. Bahagya itong nakaawang kaya't kitang-kita ko ang kalahati ng itsura ng kwarto.

Biglang sumidhi ang kyuryoso sa akin at parang may mga sariling utak ang mga paa ko dahil sa halip na sa pinto papalabas ang direksyon ko ay dinala ako ng mga ito sa kwarto ni Ajax. Kahit minsan ay hindi pa ako nakakapasok dito dahil hindi naman ako inaanyayahan ni Ajax, nakakahiya kung basta-basta na lang ako papasok.

But this is wrong, I shouldn't prey on his property without his consent. I stopped from walking and think for a second. Kahit anong pigil ko ay nananalaytay pa rin talaga ang kagustuhan kong masilip ang loob ng kwarto niya. Para bang may humihila sa akin papunta room. Hays, okay I would just repent to God after this.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at huminto lang ako nang marating ko na ang pinto sa kwarto. Ngayong mas malapit ako ay malaya ko ng nakikita ang kabuuan nito. Lumingon pa ako ng isang beses sa pinto ng opisina bago tuluyang pinasok ang kwarto ni Ajax.

Bumungad agad sa akin ang panlalaking amoy niya. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto at puros gray at white lamang ang nakikita ko. Sakto lang ang laki ng kama niya na kapag humiga ka ng patagilid ay kitang-kita mo ang city view at daloy ng sasakyan sa ibaba.

Patuloy kong nilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya hanggang sa napatigil ako nang mahagip ng mga mata ko ang nag-iisang picture frame sa bedside table niya.

Parang bigla akong napako sa kinatatayuan ko ng maaninag kung sino ang nakapaloob sa litratong iyon.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa may table. Nang nasa tapat na ako ay unti-unti ko itong inabot bago mataman na pinagmasdan.

It was a picture of him while hugging girl whom I can't see the face cause her back is on the camera. Bakas ang saya sa mukha niya habang mahigpit na nakapulupot ang mga kamay sa bewang ng babae.

Parang may punyal na tumarak sa puso ko habang pinoproseso ang nakikita. At mas lalo lang akong nanlumo nang makita ang nakasulat sa ibaba ng litrato nila.

"With my love."

Agad na nanubig ang mga mata ko matapos mabasa ang mga katagang iyon. Dali-dali kong ibinaba ang picture frame at agad na nilisan ang kwarto niya.

I guess my questions has just been answered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status