Share

Kabanata 7

I sighed as I listen to a crying voice over the phone.

"I love him! You know how much I love him Rhaenyra." her voice becomes soft when she said my name. I mentally nodded at her whims even though she's not able to see it.

"I know honey, I know." pag aalo ko pa sa kanya. Tiningnan ko ang laptop sa harapan ko upang malaman kung saan ba ako natapos bago siya tumawag. Patuloy pa rin siya sa paghagulhol kaya't hindi ko maiwasang mapailing sa sitwasyon niya.

"Just cry okay? It will help you heal. Just make sure that this would be the last time you're gonna cry over that jerk hmm?" tanging iyak lang ulit ang naisagot niya sa akin. Mindy has again, for the hundredth time been dumped by his boyfriend. It came as no surprise to me at all because the guys was a total jerk, real jerk. God! I don't even know why Mindy is still pushing herself to a man who never see her as a gem. I guess that's what love really does, it makes us crazy.

Muli akong napabuntong hininga sa naisip, wala na sa ala-ala ang umiiyak na kaibigan sa kabilang linya.

"I can't lose him Rhaenyra, he's my lifeline. I-i just can't." pagkatapos niyon ay muli na naman siyang humagulhol ng iyak kaya't inilayo ko na ng kaunti ang phone sa tenga ko dahil masakit na sa pandinig ang iyak niya. Hindi ko rin mapigilang hindi mapaluha nang naging sunod-sunod na ang pag-hagulhol sa kabilang linya. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing naririnig ang basag na boses ni Mindy. She doesn't deserve this, and she doesn't deserve a guy like him.

"Okay that's it, I'll go there in your condo just give me 20 minutes." hindi na ako nakapag pigil pa. Hindi ko kayang makita siyang ganito kamiserable and I will do everything just to help her get through it.

"N-no, no, no. You have work, I'll do just fine hahaha. It's just that I feel so fucking hurt right now and I need someone to talk to. This is enough, I don't want to bother you---"

"No Mindz, pupuntahan kita. This is not enough, you need someone by your side right now." pagpuputol ko sa kanya.

"Do not leave your work for me Rhaenyra! You can go here later, I can wait." pangungmbinsi niya sa akin. I looked at my wrist watch and it's only 11:20 in the morning. Maybe I could go there at lunch and work half day today since I only need to check the documents needed for the presentation next week, and  it's not that much of work.

"Okay, I'll just take a half day and that's final! You need someone to comfort you and that would be me so just cry your feelings out for now and wait for me okay?"

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago tuluyang nagpaalam. Tinapos ko na ang dapat tapusin para sa araw na ito dahil kakaunti lang naman iyon. Nang mag alas-dose na ay nag-imis na ako ng mga gamit saka nag ayos ng sarili.

I still have to go in there to tell him about my plans this afternoon, and the thought made me felt tension. I've been avoiding him these past few days and making a move to talk to him would be a terrible idea.

Matapos kong makita ang litrato sa kwarto niya ay parang natauhan ako sa kung ano nga bang relasyon ang meron kami. I was also left confused about the girl he's hugging on the picture. The fact that it was placed on his bedside table says a lot on whatever relationship he has with that girl. She must be really special cause as far as I can recall, that's the only picture frame that was displayed on his room.

Tuloy ay parang bumalik muli ang inggit at selos na naramdaman ko nang araw na iyon. Wala naman akong nababalitang girlfriend niya ngunit dahil sa litratong iyon ay nagsimula na ako ng paghihinala. It was so dumb of me to believe his wordless actions towards me, or maybe I was really that pathetic to even think that his actions has meaning.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ay huminga muna ako ng malalim upang kalmahin ang sarili bago ko napagpasyahan na lumakad na papunta sa pintuan ng opisina niya. Kumatok muna ako kagaya ng ginagawa ko noong mga unang araw ko pa lang dito bago tuluyang pumasok.

Naabutan ko siyang nakatutok ang mga mata sa pintuan na tila nakaabang, tuloy ay aga na nagtama ang mga tingin namin. Mabilis kong ibinaling ang tingin sa likod niya kung saan kitang-kita ang overview ng syudyad.

I walked towards him in a fast manner without blinking an eye. As soon as I reached his table, I cleared my throat to prepare myself from talking.

"Do you need anything Rhaenyra?" ani niya na tila naaaligaga. Malambot ang ekspresyon niya na nag-aabang sa maari kong sabihin.

I gulped once more before releasing a sigh.

"Mr. Hidalgo I---"

"What did you say?" he said after cutting me off.

Pinatigas ko ang ekspresyon ko habang nakikipag sukatan ng tingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang bakas ang kalituhan sa mukha.

"Did you just call me Mr. Hidalgo?" ani niya sa hindi makapaniwalang boses.

"Is there something wrong about it? That's how I should address you right?" pagbalik ko sa kanya ng tanong. I saw him sighed heavily before clenching his jaw. I gulped as he looked away from me after that.

"Magpapaalam lang ako na mag hahalfday ngayon, I have to attend to my friend's emergency sir that's why. Tapos ko na rin naman lahat ng trabaho ngayong araw." pagpapaliwanag ko sa kanya.

He just stared at me with confusion in his eyes. Tumango-tango siya na parang iniintindi ang aking sinabi.

"Okay." ani niya habang malamlam ang ekspresyon na ngumiti sa akin. Mabilis akong tumungo at pumihit paalis sa silid niya bago ko pa mapigilang ang sarili ko na bumigay sa pagmamatigas sa kanya. Walang lingon kong nilisan ang opisina niya saka nag ayos ng gamit para umalis na.

I hate that my heart still flutter whenever he acts soft around me. Parang unti-unti nitong binubura ang mga agam-agam at sakit na nararamdaman ko kahit hindi naman dapat.

And I hate myself even more for not having the courage to ask him about us... about the picture. God I hate my life!

Agad akong sumakay ng taxi habang kinakalma ang sarili. I noticed that ever since I met him I slowly became a different person. I was not an over thinker nor a kind of person who feel anxious around men. I just became like this when I met him and I feel like I'm a different person now.

Nagbuntong hininga ako bago iwinaksi ang naiisip, I need to get rid of his presence for awhile.

Nang makarating ako sa condo ni Mindy ay naabutan ko siyang nakalugmok sa sahig at nakasandal sa sofa niya habang kumakain ng ice cream. Nang makita niya ako sa pinto ay agad siyang napaiyak na parang bata. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan na tumuloy ang mga luha sa mata niya.

It's true that love can make you feel like you're in heaven but it can also make you feel like hell. Seeing Mindy like this is just wrenching my heart. She's a very beautiful soul and she doesn't deserve to be treated this way lalo na kung isang gago lang naman din ang gagawa nito.

"I stayed with him on his lowest, but I guess it wasn't still enough." she said with a sad smile. I continuously patted her back while remembering the times when she's miserable because of him. I realized that I would never want to be in Mindy's place. My thing with Ajax was already a big mess and if I would go through what she's been into right now then I don't know what would have happened to me anymore.

"I know hun, I know" I said, trying to ease her pain.

I stayed with her for hours, listening to her cries and comforting her in the best ways I know. Nang kumalma na siya ay agad niya rin akong pinaalis dahil nag-aalala siyang nakakaabala na ko sa kanya. Nito niya pa talaga naisip yon eh halos dilim na nang makaalis ako sa unit niya, tss.

Sinigurado kong maayos-ayos na ang pakiramdam niya at ipinagluto ko na rin siya bago ako umalis, dahil alam kong hindi na naman siya kakain kapag napangunahan siya ng lungkot.

Sakto lang ang dating ko sa bahay dahil kaluluto pa lamang ni manang ng hapunan. Pagkatapos kumain ay dumeretso na agad ako sa silid ko at saka ko lamang naalala na low batt na nga pala ang phone ko kaya't dali-dali ko itong chinarge.

Nang maiopen ko ito ay halos tumalon na ang cellphone ko sa kamay ko dahil sa sunod-sunod na pagtunog nito. Natutop ko ang bibig ko nang makitang halos lahat ng notification ay nakapangalan kay Ajax. 58 messages and 23 missed calls. Shit, may nangyari ba?

Dali-dali kong binuksan sa takot na baka may emergency at hindi man lang ako nakasagot sa kanya. Ngunit ang takot ko ay napalitan ng pagkalito nang mabasa ko ang ilang sa mga messages niya.

From: Ajax

I miss you.

From: Ajax

What are you doing?

From: Ajax

Are you busy? let's talk.

From: Ajax

Why are you not answering baby?

From: Ajax

Text me when you're already home.

Pigil-pigil ko ang ngiti nang mabasa ang Ilan sa mga text niya. Mabilis kong sinampal ang sarili sa nararamdaman, I shouldn't feel this way damn it!

I bit my lip while thinking if I should reply to him. Oh god, this shouldn't even be a question!

Agad kong pinower off ang phone ko bago ako pumasok sa bathroom. I need to take a quick shower to clear mind up before I dive in to sleep.

Masyado na niyang inookupa ang isip ko. Halos hindi na nga siya maalis, and it's unhealthy. Hindi rin naman kase ako pinapatigil ng pag-iisip ko kung ano nga lang ba ako sa kanya. Hindi rin maalis sa isip ko kung sino yung babaeng kasama niya sa litrato. Masyado ng magulo at mabigat ang naging takbo ng buhay ko simula nang makilala ko siya. And I honestly don't know what to think anymore.

I sighed as I feel the waters pouring down on my body. I felt tears streaming down on my face. I really like him, I really do. He was my first in everything, and yet I am not even sure what we are. Sumabay pa yung nakita ko sa kwarto niya.

Hindi ko maiwasang isipin na ganoon kahalaga ang babae sa kanya dahil naka display pa ito sa kwarto niya.

Hindi rin ako nagtagal sa shower at agad na nagbihis ng makaramdam ng antok at pagod. Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw pero parang nag overtime ang pakiramdam ko.

I blow dried my hair first before climbing up to my bed.

Para akong nakasakay sa alapaap ng maramdaman ng likod ko ang malambot kong kama. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaang dalawin ng antok.

Hinalo ko pa ng isang beses ang kapeng hawak ko bago ko tuluyang pinasok ang silid ng lalaki. He is playing with his pen when I entered the door but immediately stoppedd when he saw me. Nakita ko ang pagtuwid niya ng upo bago binasa ang pang ibabang labi.

Deretso lang ang tingin ko sa lamesa niya, hindi hinahayaang lumagpas ang mga mata sa kanya. Nang mailapag ko na ang kape niya sa table ay saka ko lang siya tinapunan ng tingin. Bagahagya pa akong natigilan ng magtama ang mga mata namin.

He is looking at me intently with questions in his eyes. Dahil dito ay mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanya.

"Do you still need anything Mr.Hidalgo?" I asked in a formal tone.

He cleared his throat before standing up form his seat. Bigla tuloy akong naging aligaga sa ginawa niya. Lumakad siya papunta sa akin ng ganoon pa rin ang ekspresyon.

Nang nasa tapat ko na siya ay hindi ko na napigilang mapatingin sa kanya kaya't wala akong nagawa kung hindi labanan ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Ilang segundo lang kaming nakatayo at nakaharap sa isa't-isa nang bigla niyang tawirin ang distansya sa pagitan namin at naramdaman ko na lang ang malambot niyang mga labi na dumadampi sa akin.

He held my waste as he deepen his kiss to me but I barely respond to it.

Aaminin ko na iba pa rin talaga ang epekto ng mga halik niya sa akin, at kahit kailan ay hindi natanggal ang kakaibang epekto nito ngunit ayokong mas lumalim pa ang kahulugan nito sa akin.

Nang maramdaman niya na hindi ako ako tumutugon sa mga halik niya ay agad niyang pinakawalan ang mga labi ko. Ang kaninang nagtatanong na mukha ay napalitan na ng seryosong awra.

He sighed heavily before stepping an inch away from me.

"I don't understand, you've been avoiding me all this time Rhaenyra. Is there a problem?" he asked in a serious voice.

Tinignan ko siya sa mata ng hindi nagpapakita ng kahit anong ekspresyon bago ako umiling at muling nag iwas ng tingin.

"Nothing Mr.Hidal---"

"Nothing and yet you're on it again, calling me Mr.Hidalgo" pagpuputol niya sa akin. I can see his jaw clenching on my peripheral vision.

"What's wrong Rhaenyra? Fuck it! Tell me Rhaenyra, tell me baby" he said in a pleading voice.

Pinigilan ko ang sarili kong bumigay sa tono ng pananalita niya kaya't iling lamang ang naisagot ko.

"I think I need to get back to my work sir, I still have plenty of work to finish. Excuse me." mabilis kong saad bago umalis sa harap niya.

Para akong nakahinga ng maluwag nang makatalikod na sa presensya niya. Nang makalabas na ng tuluyan sa kanyang silid ay agad akong uminom ng tubig at hinabol ang aking hininga. Ngayon ko lang napagtanto na labis-labis pala ang pagpipigil ko ng hininga habang nasa loob ako ng silid ng lalaki.

I want to clap for myself for having the courage to stop myself from kissing him back like what I always did before.

Hindi dapat ako magpaapekto sa ibinibigay niyang sensasyon sa akin lalo pa at hindi ko alam kung anong katayuan ko sa buhay niya.

I breathed heavily before going back to my laptop. Now I need to focus on this one or else I won't finish anything today.

Mahigit tatlong oras na rin akong nakaupo at nagtitipa sa laptop ko nang makaramdam ako ng pananakit ng mata kaya't tumigil muna ako sa ginagawa ko. I massaged my temple and closed my eyes to relax when I heard a knock on the door.

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakasilip na mukha ni Ross. I smiled at him before raising my eyebrow that earned a heartily laugh from him.

Tuluyan na siyang pumasok sa opisina ko kaya't wala akong nagawa kundi tumayo kahit kumikirot pa rin ang mga mata para lang ientertain siya.

"How you doin'?" he asked in a playful tone.

I shrugged my shoulder before biting my lower lip.

"Don't even ask that." ani ko sa pagod na boses. "Do you need anything?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya na ikipinanliit ng mga mata ko, ngunit agad itong napalitan ng pagtataka ng walang imik niyang inilabas ang dalawang pahabang papel.

Lumapit pa siya sa ng kaunti sa akin nang mapagtantong hindi ko masyadong mabasa ang nakasulat at halos panawan ako ng kaluluwa ng mabasa ang nakasulat dito.

"A VIP ticket of The Script concert!" namamanghang saad ko.

He nodded while wetting his lips.

"Uhuh, clear your schedule this Saturday cause we're going to see that favorite band of yours." dagdag pa niya.

"But how did you know that it's my favorite band? I never told you that before" takang tanong ko sa kanya. Pinanliitan ko siya ng mata ng kibit balikat lang ang isinagot niya sa akin.

"Well, one time when I borrowed your phone to text someone, I kinda went through your Spotify playlist so." ani niya sa nag aalangang boses.

"What????" I can't believe it! That's rude!

"Hey-hey-hey I was just curious, cause the notid popped up and I accidentally clicked it so... yeah." pagpapaliwanag pa niya.

Nagbuntong hininga ako bago muling ibinalik ang tingin sa hawak niyang ticket. I'm dying to see that band perform live pero nang minsang mag concert sila dito ay naubusan pa ako ng ticket. At heto na nga at palay na mismo ang lumalapit sa akin.

Umakto ako na tila nag iisip bago ko dahan-dahang inabot ang ticket niya. He smirked at me again before placing his hands on his pocket.

"So, see you on Saturday evening?" Ross said.

"Yeah, I guess."

We were both laughing when when a loud noise of a door closing interrupted us.

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan nito at bahagya akong napaigtad ng salubingin ko ang nag aapoy na mata ni Ajax. Bakit hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto niya?

Inilipat niya ang tingin kay Ross na ngayon ay seryoso na ring pinanonood siya. Ilang segundo niya itong tinitigan bago bumaba ang mga mata niya sa hawak kong ticket.

Hindi ko alam ngunit parang nag-apoy ang mga mata niya ng makita ito. Para rin akong napapaso dahil biglang nanginig ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na ticket. Agad ko itong pinulot sa sobrang pagkabalisa.

"You can't go with him." ani ni Ajax sa tila galit na tono.

"Excuse me Mr.Hida---"

"I'm not talking to you Ross." pagpuputol ni Ajax kay Ross sa galit at malamig na boses.

Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Anong karapatan niya na pigilan ako sa gusto ko?

"I will go with him and no one can do nothing about it." ani ko sa matapang na boses. Kitang-kita ko ang pagkabigla ni Ross sa sinabi ko ngunit hindi ko na siya inintindi pa dahil sa galit na lalaking nasa harap ko.

Nang sabihin ko iyon ay mas lalong kumunot ang noo niya kasabay ng pag igting ng kanyang panga.

He was silent for a second.

"Well, sorry to burst your bubble but you cannot go with him because you need to go with me in my business trip Rhaenyra." he said in cold voice.

Pagkatapos noon ay agad niyang pinutol ang tingin sa akin saka walang lingon kaming nilampasan. Nang tuluyan na siyang makalabas ay mabilis akong napahawak sa lamesa ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

Wala na naman akong kawala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status