Share

Kabanata 6

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-08-06 10:46:50

KINABUKASAN...

Maagang umalis si Drake patungong Taguig para sa isang emergency board meeting kaugnay ng BGC property acquisition. Nagsialis din sina Maris at Dianne patungong Rockwell para sa isang all-day spa at shopping schedule.

Bago tuluyang sumakay ng sasakyan si Maris, inihagis nito ang isang susi sa ibabaw ng maliit na mesa sa foyer.

"Aria," malamig at pautos na boses ni Maris habang isinusuot ang kanyang mamahaling sunglasses. "Linisin mo ang study room ni Drake ngayong umaga. Make sure you dust every shelf and vacuum the rug. Alam mo namang ayaw ng asawa mo na may sumasaling kasambahay sa opisina niya. Siya lang, kami ni Dianne, at ikaw ang pwedeng humawak sa silid na 'yan."

"Opo, Mama," nakatundong sagot ni Aria.

"At siguraduhin mong nakalock 'yan pagkatapos mo," banta pa ng matanda. "Kapag may nawalang dokumento o nagalaw man lang sa desk niya, alam mo na kung ano ang mangyayari."

Nang makalabas ang SUV ng mga Sterling sa malaking gate ng Forbes Park, nakahinga nang maluwag ang mga kasambahay. Pero para kay Aria, panibagong mabigat na tungkulin na naman ito. Ang study room ni Drake ay parang isang sagradong templo,.isang silid sa ikalawang palapag na nakatago sa dulo ng kanang wing ng mansyon, kung saan nakatago ang mga pinaka-sensitive na papeles ng Sterling Group.

Kinuha ni Aria ang susi, ang feather duster, at ang mga panlinis. Dahan-dahan siyang humakbang paakyat ng hagdan, hindi namamalayang sa labas ng bakuran, may ibang matang naghihintay sa pagkakataong ito.

---

SA LIKOD ng mansyon, sa may lumang maintenance ladder na patungo sa second-floor balcony ng West Wing, maingat na kumikilos si Zane. Bilang bahagi ng kanyang pagpapanggap bilang bagong hardinero, tatlong araw niyang pinag-aralan ang architectural plan ng Sterling mansion na nakuha ng kanyang intelligence team sa Thorne Enterprises. Alam niyang kapag umalis ang buong pamilya Sterling sa umagang ito, maiiwan ang silid na may pinakamababang security patrol sa loob ng isang oras.

Gumamit si Zane ng isang maliit na electronic lock pick, isang specialized high-tech tool na pinalabas ng advanced tech division ng Thorne para buksan ang French doors sa balcony ng study room. Sa loob lamang ng tatlong segundo, narinig ang mahinang click.

Mabilis, tahimik, at walang bakas na pumasok si Zane sa loob ng opisina ni Drake. Ang study room ay napapalibutan ng matataas na bookcase na gawa sa solid mahogany, isang malaking leather chair, at isang malawak na executive desk kung saan nakalagay ang mga encrypted laptops at leather-bound folders. Amoy mamahaling cigar at lumang papel ang buong silid.

Inilabas ni Zane ang isang maliit na flash drive mula sa kanyang bulsa at mabilis na lumapit sa malaking filing cabinet sa gilid ng desk. Narito ang target niya tulad ng mga lumang ownership deeds at financial ledgers mula noong 2023 at 2024, mga papel na magpapatunay na ang mga shipping terminals sa Batangas na hawak ngayon ng Sterling Group ay ilegal na inagaw mula sa kanyang ama pagkatapos itong ipapatay.

Nagsimulang maghalungkat si Zane gamit ang kanyang manipis na leather gloves. Bawat galaw niya ay kalkulado, mabilis, at walang nalilikhang ingay. Subalit, hindi niya kalkulado ang isang bagay, ang bilis ng pag-akyat ni Aria mula sa main hallway.

Nakatayo si Aria sa tapat ng mabigat na p***o ng study room. Inilagay niya ang susi sa keyhole, pinalikot ito, at dahan-dahang itinulak ang p***o.

"Gagawin ko na lang nang mabilis para makapahinga—"

Napatigil si Aria. Ang mga salita sa kanyang bibig ay parang natuyo. Sa gilid ng malaking filing cabinet, ilang pulgada lang ang layo sa pribadong desk ni Drake, nakatayo ang bagong hardinero. Nakasuot pa rin ito ng kanyang kupas na utility shirt, may dumi ng lupa sa balikat, at kasalukuyang nakahawak sa isa sa mga bukas na drawer ng cabinet.

Nalaglag ang hawak na feather duster ni Aria sa polished floor.

"J-Jay?" gulat at puno ng takot na sambit ni Aria. Nanlaki ang kanyang mga mata, nanginginig ang mga labi habang nakatingin sa lalaki. "Anong... anong ginagawa mo rito?!"

Mabilis na isinarado ni Zane ang drawer gamit ang kanyang siko. Walang bakas ng gulat o takot sa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at kontrolado, pero sa loob-loob niya, mabilis na nag-isip ang kanyang utak ng pinakamagandang alibi.

Hindi siya pwedeng mabulgar ngayon. Hindi sa harap ng babaeng ito. Humakbang si Zane nang bahagya pabalik, ibinaba ang kanyang mga kamay sa gilid, at tumingin nang diretso kay Aria.

"Ma'am Aria," mababa at garalgal ang boses ni Zane, walang anumang panginginig. "Inutusan po ako ng Head Butler kanina."

"N-Ng butler?" napapaatras na tanong ni Aria, hawak pa rin ang handle ng p***o. "Bawal ang kahit sinong kasambahay o trabahador dito! Mahigpit si Drake! Si Mama Maris lang ang—"

"May amoy sunog po kasi na lumalabas mula sa aircon vent sa labas ng balcony kanina," mabilis at deretsong putol ni Zane, ang kanyang boses ay puno ng kombiksyon at awtoridad na tila hindi nagmumula sa isang simpleng hardinero. "Sabi ng butler, suriin ko raw po ang mga ducting at bintana sa study room bago baka magkaroon ng short circuit at madamay ang buong West Wing."

Napatingin si Aria sa itaas, sa aircon vent na nasa ibabaw ng cabinet. "Amoy sunog?"

"Opo," patuloy ni Zane habang maingat na ipinapasok ang flash drive sa loob ng kanyang palad patungo sa bulsa. "Tiningnan ko lang po kung may lumalabas na usok sa likod ng mga cabinet o sa gilid ng mga wiring. Ayoko rin pong mapagalitan kapag may nasunog na gamit ng Don.”

Lumingon-lingon si Aria sa paligid. Ang puso niya ay patuloy na tumitibon nang mabilis sa matinding kaba. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Drake kapag nalamang may pumasok na ibang tao sa silid na ito. Puputulin nito ang pagsuporta ng kanyang ina sa ospital nang walang alinlangan, at baka ipahamak pa ang simpleng hardinerong ito.

"Jay... kailangan mong lumabas na rito. Ngayon din," nanginginig at pabulong na pakiusap ni Aria, habang nakatingin sa hallway para siguraduhing walang ibang kasambahay na nakakakita. "Kapag nalaman ni Drake o ni Mama Maris na pumasok ka rito, hindi lang ikaw ang tatanggalin. Papatayin nila ako sa galit."

Tinitigan siya ni Zane. Nakita niya ang matinding takot sa mga mata ni Aria, hindi takot para sa sarili lang, kundi takot din para sa kanya. Ang babaeng ito, na ginagawang basahan ng pamilya Sterling araw-araw, ay mas nag-aalala pa sa kapahamakan ng isang simpleng hardinero kaysa sa sarili nitong kaligtasan.

Isang kakaibang pakiramdam ang dumaan sa dibdib ni Zane. Pinalambot nito nang bahagya ang matigas na pader sa kanyang puso, kahit sa loob lamang ng isang saglit.

"Sige po, Ma'am," mahinang tugon ni Zane, dahan-dahang humahakbang patungo sa p***o kung saan nakatayo si Aria. "Lalabas na po ako."

Nang mag-abot sila sa may pintuan, pumasok ang amoy ng usok, lupa, at malamig na hangin mula sa labas na dala ni Zane. Huminto ang lalaki nang ilang pulgada mula kay Aria. Ibinaling nito ang tingin sa nasugatang daliri ng babae na nakabalot pa rin sa bandages na ibinigay niya kagabi.

"Ma'am," pabulong na sabi ni Zane, halos malapit sa tainga ng babae.

Napatingin si Aria sa kanya. "A-Ano 'yon?"

"Siguraduhin niyo pong nakalock ang balcony door bago kayo maglinis," malamig at seryosong paalala ni Zane. "Maraming mabibilis pumasok kapag nakawagayway ang p***o."

Bago pa makasagot si Aria, mabilis nang lumabas si Zane sa hallway at dahan-dahang bumaba sa backstairs na patungo sa servant's exit.

Naiwang nakatayo si Aria sa pintuan ng study room, hawak ang kanyang dibdib na hindi magkandatuto sa bilis ng tibok. Tiningnan niya ang balcony door, nakabukas nga ito nang bahagya, nagpapasok ng malamig na hangin sa mainit na silid.

Lumapit siya sa bintana para isara ito. Pero habang nakatitig siya sa ibaba, nakita niya si Zane na naglalakad na pabalik sa garden, bitbit ang kanyang mga gamit sa paghahalaman na parang walang anumang nangyari.

‘Sino ka ba talaga, Jay?’ tanong ni Aria sa kanyang sarili. Bakit sa tuwing naroroon ang lalaking 'yon, pakiramdam niya ay may kakaiba nitong itinatago sa likod ng kanyang mga malamig na mata?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 17

    PAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 16

    KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 15

    ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 14

    KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 13

    LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 12

    NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status