Cousin.Masyadong nakakapagod ang bisperas ng bagong taon. Tinulungan ko sina Mama na ayusin ang lahat ng kailangan sa handaan. Sa malawak na bakuran ng mga De Dios ginanap ang salo-salo. Ang lahat ng tao sa Pontevedra ay imbitado kaya masyadong maraming tao. Nagkaroon pa ng palaro kaya mas nakakatuwa."Grabe, Gabriella! Amoy New York ka," humalakhak si Giselle nang makita akong inaayos ang ilang pagkain."Oo nga! Nakita ko mga posts niyo nina Rei sa IG at Facebook. Lahat kayo mukhang yayamanin," si Mariz."Pero grabe! Bigatin na si Reisha 'no? International model na," kinikilig na sabi ni Olivia."Wala pa kayong isang taon nawala rito sa Pontevedra pero pakiramdam ko ang daming nabago sa buhay niyo sa Manila."Halos isang oras kaming nagkwentuhan. Tinanong nila kung ano-ano ang mga ginagawa namin sa Manila. Kinwento ko naman sa kanila kung paanong nakuha si Rei bilang model. Pati ang iilang gala namin sa New York ay inalam nila. Kung hindi lang ako tinawag ni Mama, hindi kami matatap
Merge.Nakanguso ako nang buksan ni Cartier ang pintuan ng penthouse niya. Gulat siya nang makita ako. Inis akong nagmartsa papasok sa penthouse niya tapos nilapag na lang sa gilid ang mga pinamili ko."Nakita ko sina Papa kanina," panimula ko."Oh, that's why you're grumpy," natatawang sabi nito.Hinapit niya ang bewang ko tapos hinalikan na naman ako sa noo. Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako ng mall. Ni hindi na ako nagsabi kina Rei at Cha. Nagpaalam lang ako sa kanila na may dadaanan ako nang makasakay na ako ng taxi."Nakakainis. Pinakilala pa ako no'ng asawa niya na pinsan daw ng pamangkin niya. Ew!"Tuloy-tuloy ang pagra-rant ko habang nakahalukipkip. Nakikinig lang siya sa akin. Tumatawa. Sinusulsulan ako. "Nako! Kung ako 'yan mas magagalit pa ako," muli niyang panunulsol.Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak lang siya tapos yumakap sa akin. Doon ko lang napansin na marami palang papeles na nakapatong sa lamesa niya. Mukhang marami na naman siyang tinatrabaho."Bakit di
Denied.Tahimik ang bawat pagpatak ng luha ko nang makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko tinext sina Cha na mauuna na ako sa bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto ko habang umiinom ng beer."The fuck are you doing here, Kuya! Get out!"Malakas na boses ni Cha iyon. Pinunasan ko ang luha ko habang marahang naglalakad palapit sa pintuan."Watch your word—""I don't care if you're my Kuya or what. Sinaktan mo si Gab—""That's why I'm here, right? I will fucking explain myself!" Singhal nito sa kapatid.Sunod no'n ang malakas na pagkalabog ng pintuan ko. Sunod-sunod ang bawat pagkatok. Kulang na lang ay masira ang pintuan ko."Calm your shits, Kuya!" Saway sa kaniya ni Cha."She's not replying, Charlynn. She turn her phone off. How can I fucking calm down?""You deserve it anyway..." Si Cha. "Katukin mo nang maayos. She's not going to open that if you're like that."Saglit na katahimikan ang namayani. Bumalik ako sa kama ko at inubos ang pang-apat na beer. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang
Call.Gusto kong irapan ang ama na nakahiga sa tapat ko. Ngumiti siya nang makita ako. Marahan siyang tumayo habang nananatili ang tingin sa akin."Mabuti naman at nagpunta ka rito, Anak."Hindi ako sumagot. Nilapag ko lang ang dala kong prutas sa lamesa na katabi niya. Kung hindi lang ako pinilit ni Cartier na magpunta rito, malamang hindi ako pupunta. Nakakapagod kaya na pagkagaling ko sa school, dederetso ng Cebu dahil nahospital si Papa."Pwede mo ba akong ipagbalat ng mansanas?" Nakangiting tanong niya.Malakas akong bumuntong-hininga bago tumayo. Nilapag ko ang bag ko sa inupuan ko bago sinunod ang utos niya. Tahimik kong hinahati ang apple nang bumukas ang pintuan. Inirapan ko ang pumasok na asawa ni Papa."Gabriella, I'm so happy that you're here," bati nito sa akin.Well, I'm not! Nilapag ko sa harapan ni Papa ang Apple na inayos ko. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi makapaniwala na narito ako."Uuwi rin ako mamaya dahil may class ako bukas," sabi k
Break.Tulala ako habang nakatingin sa puting kabaong sa harap ko. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga lumalapit sa akin para makipagdalamhati. Blangko ang isip ko. "I'm sorry, Gab," boses iyon ni Cartier.Sa ilang oras ko sa harap ni Mama na nakatulala, siya lang ang nakapagpaalis ng tingin ko roon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Marahan niya akong niyakap habang humahagulgol ako na parang bata sa kaniyang dibdib. Malambing niyang hinaplos ang buhok ko habang hinahayaan akong umiiyak."Si M-Mama na lang ang mayroon a-ako. Hindi k-ko matanggap," humihikbi kong sabi.Marahan niyang hinahaplos ang buhok at balikat ko. Patuloy lang akong umiiyak sa dibdib niya nang kumalas siya sa pagyayakap sa akin at inalalayan akong maupo. Pinunasan niya ang pisngi ko bago lumayo sa akin. Kasunod no'n ang paglapit sa akin ni Papa. Hawak-hawak ni Papa ang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.Yumuko siya habang hawak nang mahigpit ang aking dalawang kamay. Dinala
Pregnant.Sinalubong ang umaga ko ng sunod-sunod na pagduwal. Hinang-hina akong humawak sa toilet bowl para kumuha ng lakas. Naiiyak kong hinawakan ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama.Buong gabi kong pinag-isipan ang desisyon ko. I don't want my child to suffer. I can't give her or him anything because I'm still broken. Mula sa pagkawala ni Mama hanggang sa pagtataksil sa akin ni Cartier. Hindi ko pa kayang bumuhay ng bata kung hanggang ngayon wasak na wasak ako."Papa!"Malakas kong sigaw habang naglalakad ako palabas ng aking kwarto. Mariin pa ang pagkapit ko sa staircase dahil nahihilo pa rin ako."Papa, are you going home?" Tanong ko nang makitang nakaayos siya.Naguguluhan siyang tumingin sa akin. Mabilis akong bumaba ng hagdan at humawak sa kaniya. Nanginginig ako. Ayaw kong maiwan mag-isa. Ayaw kong makita ang kahit na sino sa kanila."Sama ako, Pa. Please?""Gabriella, are you okay?" Marahang hinawakan ni Tita Janah ang braso ko para pakalmahin ako.Inutusan niya ang isa
Chanelle Ayla Bernal.Pinagpatuloy ko ang second year college ko habang buntis. Nag-oonline class nga lang ako at module. Tinutulungan pa ako ni Vincent sa mga subject na hirap ako. Hindi ko nga alam kung nagta-trabaho pa ito dahil halos dito na sa bahay umuwi."Malapit na birthday mo, ha?"Tumango ako sa sinabi nito. Halos nakalimutan ko nang magbi-birthday ako. Mas hinihintay ko pa ang ang panganganak ko na ilang buwan pa."Anong gusto mong regalo?""Mall," mabilis kong sagot."Nako! Kayang-kaya kong bilhin 'yan. Ilang mall ba ang gusto mo?" Mayabang na tanong nito.Inis ko siyang hinampas. "I mean, punta tayong mall. Hindi na ulit tayo lumabas e.""Hindi mo kasi nililinaw..." tumatawang sabi nito. "Baka kasi sabihin ni Tito Gabriel, inaabuso natin. Kaya minsan lang dapat."Tumango ako roon. Oo nga naman. Baka mamaya, mas paghigpitan ako ni Papa. Wala naman sila lagi ni Tita Janah dito sa bahay dahil maraming inaasikaso sa Palawan at Davao. Kaya halos ang mga katulong, at si Vincent
Rouge.Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok doon si Papa na mukhang kagagaling lang sa trabaho. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago lumapit sa crib ni Ayla."Sarap ng tulog ni Itlog," nakangiting sabi ni Papa bago lumapit sa akin. "Kumusta ang pag-aaral?" Napapikit ako nang humalik ito sa aking noo."Okay naman po, Pa. Medyo naghahabol lang kasi late akong nag-enroll."Tumango siya. "Don't pressure yourself. Kapag hindi mo kaya, you can stop. May kompanya tayo, Gabriella. You can sit in every position you like."Umiling ako roon. Wala akong balak magpatakbo ng kompanya dahil hindi ko ito hilig."I can do this, Papa.""If you need anything, don't hesitate to tell me," tumango ako.Nagpaalam din naman siya agad pagtapos no'n. Saglit akong natulala sa pintuan. Muling bumalik ang alaala ko sa pagkikita namin ni Cartier kanina.Ang kapal-kapal ng mukha niyang magpakita sa akin. Ang kapal-kapal ng mukha niya para lapitan ako. Higit isang t