Share

Kabanata 32

Complete.

Saglit kaming tumuloy ni Ayla sa condo ni Papa sa Makati. Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Cartier na sa penthouse niya tumuloy nang matapos niyang iparenovate ang guestroom. Maraming bagay akong naalala nang makapasok akong muli sa penthouse niya.

Gano'n pa rin naman ang penthouse niya. Ang kaibahan lang, may bagong portraits na nakasabit sa sala katabi ng portrait nila ng pamilya niya.

"Matagal na 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa larawan namin no'ng nasa New York kami.

Tipid akong nakangiti sa larawan habang hapit ni Cartier ang bewang ko. Seryoso siyang nakatingin sa larawan habang kapit na kapit sa akin.

Tumango siya. "Sa susunod larawan nating tatlo ni Ayla," sabi niya habang nakatingin sa bakanteng space na nasa pinakagitna.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa kaba ba o nakaramdam ako ng kilig doon.

Masayang naglaro si Ayla sa loob ng kwarto niya. Punong-puno ito ng iba't ibang laruan. May corner pa para sa mga libr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status