Share

Kabanata 16

Cousin.

Masyadong nakakapagod ang bisperas ng bagong taon. Tinulungan ko sina Mama na ayusin ang lahat ng kailangan sa handaan. Sa malawak na bakuran ng mga De Dios ginanap ang salo-salo. Ang lahat ng tao sa Pontevedra ay imbitado kaya masyadong maraming tao. Nagkaroon pa ng palaro kaya mas nakakatuwa.

"Grabe, Gabriella! Amoy New York ka," humalakhak si Giselle nang makita akong inaayos ang ilang pagkain.

"Oo nga! Nakita ko mga posts niyo nina Rei sa IG at Facebook. Lahat kayo mukhang yayamanin," si Mariz.

"Pero grabe! Bigatin na si Reisha 'no? International model na," kinikilig na sabi ni Olivia.

"Wala pa kayong isang taon nawala rito sa Pontevedra pero pakiramdam ko ang daming nabago sa buhay niyo sa Manila."

Halos isang oras kaming nagkwentuhan. Tinanong nila kung ano-ano ang mga ginagawa namin sa Manila. Kinwento ko naman sa kanila kung paanong nakuha si Rei bilang model. Pati ang iilang gala namin sa New York ay inalam nila. Kung hindi lang ako tinawag ni Mama, hindi kami matatap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status