Share

Kabanata 34

Diamond.

Ang sakit ng buong katawan ko kinabukasan. Kung hindi ko lang kailangang magluto para sa mag-ama, hindi ako babangon. Iika-ika ako nang humakbang ako palabas ng kwarto.

Naririnig ko na ang tili ni Ayla. Mukhang may pinagkakaabalahan silang mag-ama. Napanguso ako nang makita ang portrait naming tatlo no'ng birthday ni Ayla. Mukhang kakalagay lang.

"Ayla, malalagot tayo kay Mommy," humalakhak si Cartier.

Kunot-noo kong sinundan ang boses nila. Halos malaglag ang panga ko nang makitang kalat na kalat ang gamit sa kusina. Ang asukal ay nasa sahig, kinakalat ni Ayla. Si Cartier ay nasa lababo, naghuhugas. Mukhang nagluto siya dahil may nakasalang sa kalan.

"Ayla!" Malakas na sigaw ko nang ibuhos niya ang asukal sa sahig.

Gulat niya akong tiningnan bago nagmamadaling tumayo at tumakbo papunta sa ama. Yumakap pa siya sa hita nito, nagtatago. Inis kong sinamaan ng tingin ang ama niya na humalakhak lang.

"Sabi ko sa'yo lagot ka kay Mommy e," tumatawang sabi ni Cartier.

"Next time na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status