Wakas."Who's that kid?" Tanong ko kay Carlo nang makita ang isang maputing bata na naglalaro sa dalampasigan. Nagkibit-balikat siya. "Anak yata ni Ate Ayla," sagot niya.Tumango ako. Kumunot ang noo ko nang makita kung paano siya tumakbo sa dagat. Kamuntikan ko pa siyang takbuhin nang makitang hindi siya umahon pagkasisid pero nakita ko siyang nasa malayong bahagi na ng dagat. Marunong lumangoy..."Where is Gabriella, Tita?" Dinig kong tanong ni Charlynn sa kasam-bahay namin."Baka nasa dalampasigan, Charlynn. Alam mo namang mailap sa tao iyon at takot sa mga kapatid mo," rinig kong sagot niya."Because I always tell her how rude my brothers are. Baka natakot po," sagot ng bunso kong kapatid."Hayaan mo na lang at uuwi rin iyon kapag nagsawa sa dagat," sabi ng kaniyang ina."But, Tita, I wanna play with her," sagot ng kapatid ko.Charlynn is not close to our maids but this new maid, has a special place on her heart. Baka dahil nanay ng kaibigan niya. Kung kaedaran siya ni Cha, bata
SimulaHindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa batang hawak ko. Malakas itong umiiyak habang nasa braso ko. Tumingala ako kay Tita Janah, nanghihingi ng tulong ngunit alam kong wala rin siyang alam sa ganitong bagay. "Maybe she's h-hungry, Hija," natatarantang sabi nito sa akin habang nakaalalay sa braso kong nanginginig dahil sa pagkakabuhat sa bata.Sinunod ko ang sinabi niya. At gaya ng sinabi niya, mukhang gutom nga ito dahil agad itong tumahimik nang padedein ko. Napangiti pa ako nang hawakan nito ang daliri ko na humahaplos sa kaniyang pisngi.Hindi ko kailanman pinangarap maging ina pero masaya ako sa kung anong binigay na sigla ng anak ko sa buhay ko."I know this is hard for you that's why I'm telling you na I'm so proud of you, Gab."Napapikit ako nang haplusin ni Tita Janah ang aking buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I missed Mama.Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama. Pinagawa ko talaga ito para kasama ko siya lagi. Mapait a
Dance.I don't know how and what happened to our relationship. Lahat naman sa amin noon ay maayos. It feels like we're perfect for each other, like we're destined to be together. I can still remember how we met before. It was my 18th birthday...It was my first time having a party on my birthday. Nasanay ako sa simpleng pagluluto sa akin ni Mama ng Carbonara noon tuwing birthday ko. Minsan may cake, minsan wala pero okay lang 'yon dahil hindi ko rin naman ito hilig.Ang importante lang sa akin noon tuwing birthday ko ay kasama si Mama.Siya na kasi ang kasama ko noon pa man. Nang maghiwalay sila ni Papa, wala akong ibang naging kakampi sa buhay kundi si Mama lang. Ngayon, walang mapaglagyan ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin. Umikot pa ako habang ngiting-ngiti na hawak ang aking gown na pinagawa para sa akin."Dalaga na ang anak ko," ani Mama habang nangingilid ang luhang nakatingin sa akin.Napatingin tuloy ako sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit."Sobrang saya ko ngayon
Beautiful.Gusto kong sisihin ang sarili ko nang kinabukasan ay lahat kaming magkaka-klase ay may hangover. Maski ang mga schoolmates namin ay mukhang hindi makamove on sa party kagabi dahil bukambibig nila ito. Maliit na bayan lang ang Pontevedra kaya tuwing may salo-salo, alam na agad ito ng lahat. Kilalang pamilya rin kasi sina Cha dahil isa sila sa bilang na mayayaman dito."Mukhang enjoy ang debut mo last night, Ms. Bernal," ani Mrs. Flores nang pumasok ito sa classroom namin.Sabay-sabay kaming nagtayuan nang malaman ang presensya niya.Napayuko ako dahil sa guilt na nararamdaman, "Sorry po, Ma'am."Humalakhak lang ito saka umiling sa akin, "No, it's fine. Isang beses lang sa buhay natin ang debut at dapat lang na i-enjoy mo iyan. Wala rin naman tayong gagawin ngayon kundi ang kaunting reviews dahil sa final examination next week."Binigyan niya lang kami ng kaunting review at iilang reviewers. Pati na rin ang mga topic na kailangan naming aralin at pagtuunan ng pansin. "Goodl
Awkward."Inis na inis talaga ako sa bwisit na Alexander na 'yon. Akala mo naman gwapo e mukha namang unggoy," reklamo ni Cha habang naglalakad papunta sa canteen.Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Natapos ang reporting namin kay Ms. Reyes pero pinaulanan kami ng tanong ng senior namin. Nasagot naman namin ito lahat ng walang kahirap-hirap. Iyon nga lang, napikon si Cha dahil tumagal ang break time dahil sa mga tanong nito.Absent na naman kasi si Ms. Reyes dahil may emergency sa kanilang bahay. Pinatawag na lang ang practicing teacher na si Alexander. Vinideohan niya lang ang reporting namin para ipakita ito kay Ma'am. Bawal na kasing maantala ulit ang reporting namin dahil nga kailangan namin itong ireview para sa exams next week.Minsan talaga wala sa hulog ang utak ni Ms. Reyes. Absent kasi nang absent..."Kapag nakita ko 'yan sa farm namin, ingudngod ko 'yan sa tae ng kalabaw!" gigil nitong sabi habang umaarte pa na may sinasabunutan sa
Watch.Our senior high school ended like that. Cha, Rei, and I graduated with honors and we celebrated it in a near bar. Dapat nga ay sa bahay na lang nina Cha, kaso ayaw ni Cha roon dahil nakauwi na ang dalawa niyang Kuya. Yes, nakilala ko na si Kuya Carlo na mas mabait at palangiti. Hindi gaya ng panganay na parang pinagbasakan ng langit at lupa."Cheers!" Malakas naming sigaw habang nakataas sa ere ang aming alak.Nirentahan ni Rei ang buong bar para sa aming lahat. Kasama namin ang mga batchmates namin na tuwang-tuwa na nakikisabay sa malakas na tugtog."Ang trio!" Malakas na bati sa amin ng isa sa kilalang basagulero ng aming batch."Hoy, Henry!" Singhal sa kaniya ni Cha saka ito tinuro gamit ang hawak na baso. "Hindi ko pa nakakalimutan na nilagyan mo ng bote ng empi ang bag ko last year!"Nagtawanan kami kasama ang ilang mga nakarinig no'n. Naalala ko kung paanong galit na galit si Cha kay Henry noon. Muntik niya na itong isumbong sa principal ngunit nagmakaawa ito kaya hindi
Compliment."Finally! After years of planning, we're finally in one roof!"Tumili si Rei nang makapasok kami sa apartment na nilipatan namin. Matapos ang graduation namin, ilang linggo lang kaming nanatili sa Pontevedra bago lumuwas ng Manila.Pare-parehas kasi kaming natanggap sa university na gusto namin kaya agad kaming naghanap ng apartment malapit doon. Kahit ilang buwan pa bago ang aming pasukan, lumuwas agad kami para malibot ang Manila. "Sa susunod, iyong coffee shop naman natin ang itatayo natin without the help of our parents," ani Cha.Cha and Rei were both fan of coffee. Feel ko nga hindi na dugo ang dumadaloy sa kanila, kundi kape na. Well, not me. Kapag nagco-coffee kasi ako, nagkaka-lbm ako. Dalawang palapag ang apartment na nilipatan namin. Tatlo ang bedroom with bathroom sa second floor. Sala, kitchen, common bathroom, at isang maid's room sa baba. Mamaya raw ay pupunta kaming mall para mamili ng mga gamit para sa bahay. Alam ko namang barya lang ang gastos namin k
Regular.Hindi ko alam kung paano kami mag-aadjust sa college life namin. Pumasok ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa university. Mabuti na lang at natanggap sila ng working students kaya naging madali sa akin ang schedule rito, iyon nga lang pagod ako lagi pag-uwi.Si Rei naman ay mas dumami ang natatanggap na gig kaya may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Kaya si Cha lang ang laging nasa bahay na nagpa-practice naman magluto. Iyon na lang daw pagkakabusyhan niya. Ang pag-aralan ang recipe book ko na galing kay Mama.Dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang college life namin pero daig pa namin ang mga graduating sa sobrang stress."Kapag day off mo, Gab, magbar naman tayo," sabi ni Cha nang mahiga ako sa sofa pag-uwi ko."Once every two weeks lang ang day off ko," sagot ko."Nakakapagod naman 'yan," sabi ni Cha.Pumikit ako at hinayaan siyang magreklamo tungkol sa ginagawa ko. "Pwede bang pasahurin na lang kita sa pag-eentertain sa akin araw-araw?" Pabirong ta