Share

Kabanata 27

Blood.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang makita ang seryosong tingin niya sa akin. Para bang nakatingin siya sa kaluluwa ko at lahat ng nasa isip ko ay nababasa niya. Sigurado akong narinig niya ang huling sinabi ko at kung anomang iniisip niya, hindi ko alam.

Nanginginig ang paa ko nang bumaba ako ng stage. Kamuntikan pa akong matalisod kung hindi lang ako hinawakan ng student council namin.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong sa akin ni Vincent nang matapos ang program.

"Mauna na kayo, okay lang? I need to talk to M-Maxi," sagot ko.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko ngunit tumango rin siya. Magkakaroon kami ng maliit na salo-salo sa mansyon. Hindi talaga pumayag si Tita Janah na walang magaganap na handaan kaya pumayag na rin ako.

Kaming pamilya lang din naman ang naroon kaya komportable ako. Ang mga bodyguards ay pinaalis ni Tita Janah sa mansyon, sabi ni Papa. Nasa Davao raw sila para malayo sa amin. Tahimik ang ginagawang imbestigasyon nina Papa para wala raw maalarma sa ginagawa nam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status