Dance.
I don't know how and what happened to our relationship. Lahat naman sa amin noon ay maayos. It feels like we're perfect for each other, like we're destined to be together. I can still remember how we met before. It was my 18th birthday...It was my first time having a party on my birthday. Nasanay ako sa simpleng pagluluto sa akin ni Mama ng Carbonara noon tuwing birthday ko. Minsan may cake, minsan wala pero okay lang 'yon dahil hindi ko rin naman ito hilig.Ang importante lang sa akin noon tuwing birthday ko ay kasama si Mama.Siya na kasi ang kasama ko noon pa man. Nang maghiwalay sila ni Papa, wala akong ibang naging kakampi sa buhay kundi si Mama lang.Ngayon, walang mapaglagyan ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin. Umikot pa ako habang ngiting-ngiti na hawak ang aking gown na pinagawa para sa akin."Dalaga na ang anak ko," ani Mama habang nangingilid ang luhang nakatingin sa akin.Napatingin tuloy ako sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit."Sobrang saya ko ngayon, Ma. Thank you for this," sabi ko.Sa tapat ng magandang dagat ginanap ang birthday ko. Tabi lang kasi iyon ng mansyon ng De Dios, kung saan nagta-trabaho si Mama, kaya roon ko sinuggest na gawin.Hindi man ito kasing engrande ng ibang debut pero masaya ako rito. Kuntento na ako rito. Sobrang saya ko rito kahit na wala si Papa.I only have two friends-Cha and Rei. Hindi ko alam kung anong ginawa ng dalawang iyon at naging puno ng schoolmates namin ang venue. Hindi naman din kasi ako friendly kagaya nina Cha at Rei kaya walang malapit sa akin bukod sa kanila.Charlynn Andrea De Dios became my friend when we're elementary. Naalala kong binully ako noon dahil sobrang payat at puti ko. They call me names at dahil transferee ako, wala akong kakilala. But then, Cha saved me.Sumigaw siya nang paglakas-lakas at ang sabi niya no'n..."Ang kakapal ng mga mukha ninyo para manglait e kayo nga pangit na nga, bobo pa!"Lahat ng bata no'n ay walang nagawa kundi ang lumayo sa amin. Hindi nila kayang patulan ang nag-iisang babaeng anak ng De Dios, na kilalang pamilya rito sa Pontevedra...at sabi ni Mama, kilala rin sila sa Pilipinas.Kung gaano ka-wholesome ang unang pagkikita namin ni Cha, iyon naman ang kabaliktaran ng unang pagkikita namin ni Rei.Reisha Vaness Moran was my bully back then. Hindi ko alam kung bakit sobrang init ng ulo niya sa akin to the point na araw-araw yata akong nauwi nang may pasa dahil sa pananabunot o pangtatapilok niya sa akin.But then, naging friends din kami kalaunan after niyang mag-explain sa akin."Happy birthday, Gab! Crush na crush kita jusko!" ani Giselle na kaklase ko nang yumakap sa akin.Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko kaya natawa na lang ako.Almost all of my girl classmates gave me message for my 18 candles. Including Cha, Rei, and of course, Mama."Happy birthday, Gabby! Ang tagal na kitang kasama halos magkamukha na tayo pero it's fine! Maganda naman tayong parehas, walang lugi. Naalala ko kung paano ka ibully noon dahil ang payatot mo but look at the curves now..." Sumipol pa ito na nagpatawa sa amin ng mga bisita."Hindi ko na pahahabain pa ang message ko. I love you, Gabbi!" Sabi ni Cha na nagflying kiss pa sa akin.Ngumiti ako sa kaniya nang lumapit siya sa akin para b****o. Mahigpit kong hinawakan ang panyo na hawak ko para pigilan ang pagluha ko."Gab, I'm sorry for bullying you back then. I know I explained everything na pero you know I'm still guilty. I know naman na lahat kayo alam kung pa'no ko inaway-away si Gab without any reason. I just hate her kasi ang lampa niya," sabi ni Rei."Tita Ayla, I'm sorry pero all of the pasa and scars of Gab back then were from me," ani Rei na nagpeace sign pa kay Mama at ngumuso, nagpapaawa.Nilingon ko si Mama na ngumiti lang sa kaniya. Alam naman ni Mama ang lahat dahil wala akong inililihim sa kaniya."Happiest birthday, Gab! We'll make our dreams come true!" Dugtong nito.Elegante itong naglakad papunta sa akin saka b****o. Nagtawanan pa ang mga tao sa paligid namin dahil maarte nitong pinunasan ang kaniyang pisngi na alam namang naming lahat na joke ito."Gabbi anak, ang laki-laki mo na. Noon, umiiyak ka pa kapag wala ako sa tabi mo, tapos ngayon pakiramdam ko kaya mo nang wala ako..."Nangilid ang luha ko sa mensahe ni Mama. Umiling ako habang nakatingin sa kaniya.No, Mama! Hindi ko kayany wala ka sa akin. Kahit siguro tumanda ako, ikaw pa rin ang kailangan ko.Paano ko naman makakayang mawala sa akin ang nag-iisang tumaguyod sa akin?"Hindi marunong magreklamo si Gab. Kahit sira ang tsinelas niya, hindi niya sinasabi sa akin dahil ayaw niyang gumastos ako para sa kaniya. No'ng iniwan kami ng Papa niya, hindi niya sinabi na, 'Mama, paano ako? Wala na akong Papa'. Ang sinabi niya sa akin no'n, 'Ma, hindi kita pagkakaitan na umiyak o malungkot dahil sa ginawa ni Papa pero nandito ako sa tabi mo bilang sandalan mo. Hindi mo lang ako anak, kakampi mo rin ako'..."Hindi ko nagawang alisin ang tingin ko kay Mama. Pinunasan ko ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Kahit hindi ako nakatingin sa mga tao sa paligid ko, alam kong may umiiyak o may natouch sa sinabi ni Mama."Twelve years old si Gab nang maghiwalay kami ng kaniyang ama pero wala siyang reklamo roon. Maswerte ako dahil sa murang edad, naintindihan ng anak ko ang aming sitwasyon."Mahigpit kong niyakap si Mama nang makalapit ito sa akin. The program went like that. Matapos ang makadamdaming mga mensahe na iyon, sumunod ang 18 roses ko na hindi ko alam kung sinu-sino ang mga inimbita nina Cha at Rei. Basta ang alam ko, ang crush ko noong Grade Eleven ako ang last dance ko.Tahimik akong pumunta sa madilim na bahagi ng dalampasigan nang magsimula ang kainan. Mahigpit kong hawak ang aking cellphone saka ito tinutok sa aking tenga nang matawagan ang tamang numero."Ang akala ko, pupunta ka ngayon? Puro ka talaga kasinungalingan, Pa," puno ng panunumbat kong sabi nang sagutin ni Papa ang aking sagot.Sa nagdaang taon na iniwan kami ni Papa, last year lang ako nagkaroon ng contact sa kaniya. Hindi ko alam kung paanong nakuha niya ang number ko pero roon nagsimula ang communication namin. Iyon nga lang, hindi siya laging nagpapakita sa akin, laging tawag."Hello, Gab? This is your Tita Janah..." ani ng babae sa kabilang linya.Mabilis na nag-init ang ulo ko nang marinig ang boses ng babaeng iyon. Ang kabit ni Papa. Ang babaeng sumira sa aming pamilya."Ha? Ikaw ba ang kabit ng tatay ko? Alam mo? Napakalandi mong babae ka dahil nangabit ka sa lalaking alam mong may pamilya! Karmahin ka sana, bitch!" Malakas kong sigaw bago ibaba ang tawag.Inis kong sinipa ang buhangin sa tapat ko bago sumalampak sa puting buhangin. Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa dagat.Malakas akong sumigaw bago inis na binato ang cellphone ko sa malayo. Akma ko nang huhubarin ang gown ko para lumangoy nang may maramdaman na naglalakad papunta sa akin."It's your birthday. You're supposed to be happy," ani ng lalaki sa likod ko na nakapagpalingon sa akin.Napaismid pa ako nang mapagtanto ko na hindi ko siya kilala, na hindi siya mula sa aming school."At sino ka naman? Anong ginagawa mo rito sa party ko!" Inis kong tanong.Wala sa utak ko ngayon ang maging mabait dahil naubos ang pasensya ko sa babaeng kausap ko kanina. Nakakairita siya!"Woah! Chill there, pretty woman..." sabi nito na itinaas pa ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko."Your friends described you as a cool woman but it seems different," ani nito na para bang inaasar ako.Umirap ako at umismid sa kaniya, "At anong gusto mong palabasin?"Magkasalubong ang kilay ko na kahit alam kong sobrang dilim sa kinalalagyan ko, alam kong nakapinta ang galit at irita ko sa mukha ko."I heard half of the messages for you and I quite have an idea why are you acting like that," sabi ng lalaki.Saglit akong tumingin sa kaniya bago siya irapan. Para siyang namangha sa ginawa ko. Umawang ang labi niya bago mahinang tumawa.Sino ba ang lalaking ito at bakit napakadaldal niya?Sure naman din akong hindi siya De Dios dahil bihira lang mapunta sa Pontevedra ang mga ito ayon kay Cha."Is that your father?"Napanguso ako sa tanong niya. Mukhang nakuha niya naman ang sagot ko kaya natawa siya nang bahagya."I won't say that 'it's fine' cause I know that it's not. But you know, you have friends that you can talk to if you have problems..." Sabi nito."I'm here, too. For you," mahinang sabi nito.Inilahad nito ang kaniyang palad sa akin kaya napatingin ako roon."May I dance you?" Seryosong tanong nito.Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang ginawa niya sa akin at nagawa kong tanggapin ang kamay niya habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, gano'n din siya sa akin. Inaaral ko ang kabuoan ng kaniyang mukha habang tahimik na sumasabay sa bawat galaw niya. Bahagya itong natawa nang pagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.Oo na! Walang hiya na ako sa lagay na ito.Matangkad naman ako pero parang nanliliit ako sa lalaking ito. Hanggang balikat niya lang kasi ako.Pero may isang bagay na nagsink in sa akin...Ang gwapo niya!Hindi ko alam kung sapat ba iyon para ilarawan siya pero sobrang gwapo niya.Kung alam ko lang na gwapo siya, hindi ko sana siya sinungitan kanina.Gusto kong tumitig sa kaniya buong oras kung hindi ko lang narinig ang mga boses na papalapit sa amin.Napayuko ako nang marinig ang ilang bisita na nagpapaalam na kay Mama. Mukhang wala namang nakapansin sa aming dalawa dahil nasa pinakamadilim na sulok kami kaya tahimik naming tinuloy ang sayaw.The night is perfect for me. With a stranger who's dancing me slowly in the dark. It feels like a Disney's fairytale story. Pakiramdam ko nasa isa akong movie. Parang may mga alitaptap na lumilipad sa paligid tapos kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Iyon ang nararamdaman ko.Gusto kong kutusan ang sarili ko sa naisip. Gano'n ba ako kahopeless romantic para mainlove agad sa lalaking kakakilala ko lang?"Andreux!" Sigaw ng babae sa kung saan.Nagulat ako nang huminto ang lalaking ito saka nilingon ang pinanggalingan ng boses."I'm sorry. My friend is calling me," ani nito bago guluhin ang aking buhok.Tumango ako sa kaniya bago tipid na ngumiti. Patakbo itong nagtungo sa kung saan habang nananatili ang tingin ko sa kaniyang papalayong bulto.Andreux. Iyon pala ang pangalan niya. Mukhang narinig ko na ito sa kung saan ngunit hindi ko matandaan.Lord, hindi ako nakapagwish para sa birthday ko pero sana makita ko siyang muli.Beautiful.Gusto kong sisihin ang sarili ko nang kinabukasan ay lahat kaming magkaka-klase ay may hangover. Maski ang mga schoolmates namin ay mukhang hindi makamove on sa party kagabi dahil bukambibig nila ito. Maliit na bayan lang ang Pontevedra kaya tuwing may salo-salo, alam na agad ito ng lahat. Kilalang pamilya rin kasi sina Cha dahil isa sila sa bilang na mayayaman dito."Mukhang enjoy ang debut mo last night, Ms. Bernal," ani Mrs. Flores nang pumasok ito sa classroom namin.Sabay-sabay kaming nagtayuan nang malaman ang presensya niya.Napayuko ako dahil sa guilt na nararamdaman, "Sorry po, Ma'am."Humalakhak lang ito saka umiling sa akin, "No, it's fine. Isang beses lang sa buhay natin ang debut at dapat lang na i-enjoy mo iyan. Wala rin naman tayong gagawin ngayon kundi ang kaunting reviews dahil sa final examination next week."Binigyan niya lang kami ng kaunting review at iilang reviewers. Pati na rin ang mga topic na kailangan naming aralin at pagtuunan ng pansin. "Goodl
Awkward."Inis na inis talaga ako sa bwisit na Alexander na 'yon. Akala mo naman gwapo e mukha namang unggoy," reklamo ni Cha habang naglalakad papunta sa canteen.Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Natapos ang reporting namin kay Ms. Reyes pero pinaulanan kami ng tanong ng senior namin. Nasagot naman namin ito lahat ng walang kahirap-hirap. Iyon nga lang, napikon si Cha dahil tumagal ang break time dahil sa mga tanong nito.Absent na naman kasi si Ms. Reyes dahil may emergency sa kanilang bahay. Pinatawag na lang ang practicing teacher na si Alexander. Vinideohan niya lang ang reporting namin para ipakita ito kay Ma'am. Bawal na kasing maantala ulit ang reporting namin dahil nga kailangan namin itong ireview para sa exams next week.Minsan talaga wala sa hulog ang utak ni Ms. Reyes. Absent kasi nang absent..."Kapag nakita ko 'yan sa farm namin, ingudngod ko 'yan sa tae ng kalabaw!" gigil nitong sabi habang umaarte pa na may sinasabunutan sa
Watch.Our senior high school ended like that. Cha, Rei, and I graduated with honors and we celebrated it in a near bar. Dapat nga ay sa bahay na lang nina Cha, kaso ayaw ni Cha roon dahil nakauwi na ang dalawa niyang Kuya. Yes, nakilala ko na si Kuya Carlo na mas mabait at palangiti. Hindi gaya ng panganay na parang pinagbasakan ng langit at lupa."Cheers!" Malakas naming sigaw habang nakataas sa ere ang aming alak.Nirentahan ni Rei ang buong bar para sa aming lahat. Kasama namin ang mga batchmates namin na tuwang-tuwa na nakikisabay sa malakas na tugtog."Ang trio!" Malakas na bati sa amin ng isa sa kilalang basagulero ng aming batch."Hoy, Henry!" Singhal sa kaniya ni Cha saka ito tinuro gamit ang hawak na baso. "Hindi ko pa nakakalimutan na nilagyan mo ng bote ng empi ang bag ko last year!"Nagtawanan kami kasama ang ilang mga nakarinig no'n. Naalala ko kung paanong galit na galit si Cha kay Henry noon. Muntik niya na itong isumbong sa principal ngunit nagmakaawa ito kaya hindi
Compliment."Finally! After years of planning, we're finally in one roof!"Tumili si Rei nang makapasok kami sa apartment na nilipatan namin. Matapos ang graduation namin, ilang linggo lang kaming nanatili sa Pontevedra bago lumuwas ng Manila.Pare-parehas kasi kaming natanggap sa university na gusto namin kaya agad kaming naghanap ng apartment malapit doon. Kahit ilang buwan pa bago ang aming pasukan, lumuwas agad kami para malibot ang Manila. "Sa susunod, iyong coffee shop naman natin ang itatayo natin without the help of our parents," ani Cha.Cha and Rei were both fan of coffee. Feel ko nga hindi na dugo ang dumadaloy sa kanila, kundi kape na. Well, not me. Kapag nagco-coffee kasi ako, nagkaka-lbm ako. Dalawang palapag ang apartment na nilipatan namin. Tatlo ang bedroom with bathroom sa second floor. Sala, kitchen, common bathroom, at isang maid's room sa baba. Mamaya raw ay pupunta kaming mall para mamili ng mga gamit para sa bahay. Alam ko namang barya lang ang gastos namin k
Regular.Hindi ko alam kung paano kami mag-aadjust sa college life namin. Pumasok ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa university. Mabuti na lang at natanggap sila ng working students kaya naging madali sa akin ang schedule rito, iyon nga lang pagod ako lagi pag-uwi.Si Rei naman ay mas dumami ang natatanggap na gig kaya may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Kaya si Cha lang ang laging nasa bahay na nagpa-practice naman magluto. Iyon na lang daw pagkakabusyhan niya. Ang pag-aralan ang recipe book ko na galing kay Mama.Dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang college life namin pero daig pa namin ang mga graduating sa sobrang stress."Kapag day off mo, Gab, magbar naman tayo," sabi ni Cha nang mahiga ako sa sofa pag-uwi ko."Once every two weeks lang ang day off ko," sagot ko."Nakakapagod naman 'yan," sabi ni Cha.Pumikit ako at hinayaan siyang magreklamo tungkol sa ginagawa ko. "Pwede bang pasahurin na lang kita sa pag-eentertain sa akin araw-araw?" Pabirong ta
Fiancee.Kulang na lang ay takbuhin ko ang pagitan ng higaan ko at ng bathroom nang magising sa tawag ni Cartier na nasa labas na siya ng apartment. Nawala sa isip ko ang usapan namin na susunduin niya ako ngayon."Nako, ang sungit naman ng manliligaw mo. Hindi bumababa ng sasakyan," ani Cha na nakaupo sa kama ko.Ngumuso na lang ako sabay kuha ng damit ko at muling pumasok sa bathroom. Sigurado akong nakita niya na naman ang sasakyan ni Cartier sa labas. "Mayaman iyon 'no? Pabago-bago ang sasakyan," sabi ni Cha nang makalabas ako.Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal habang tinutuyo ko sa harap ng salamin ang buhok ko."Naalala ko si Kuya Cartier..."Malakas akong naubo nang banggitin ni Cha ang kapatid. Tangina naman!"Mahilig din sa sasakyan iyon. Kapag nakilala ni Kuya 'yang manliligaw mo, magkakasundo sila," si Cha pa rin.Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal doon. Baka kung ano pa ang masabi ko at mahuli ako sa sarili kong bibig."Ch
Gift.Sabay-sabay kaming tumili habang nakatingin sa malaking billboard ni Rei sa kahabaan ng EDSA. Nagtatatalon pa kami sa tuwa bago sabay-sabay na nagyakapan."We're so proud of you, Rei!" Sabay naming sigaw ni Cha habang yakap-yakap si Rei."This is just the beginning, okay? Sa susunod nasa New York na ako," tuma-tawang sabi ni Rei.Para kaming proud parents ni Rei habang pinapanood ang pagfa-flash sa billboard ng iba't iba niyang pose suot ang isang pares ng two-piece.Kakauwi ko lang galing sa restaurant at sinundo ako ng dalawang ito para sabay naming tingnan ang billboard ni Rei. Nagpicture pa kami sa tapat ng billboard bago kami tuluyang umuwi. At gaya ng nakagawian kapag may achievement kami, nag-inom kami."Dapat kahit busy ka sa shoots mo, hindi mo pababayaan ang study mo," paalala ko kay Rei.Nilapag ko ang ginawa kong nachos sa gitna ng lamesa sa sala habang nananatiling nakaupo sa sahig ang dalawa, nanonood."Nandiyan naman kayo ni Cha para ipaalala sa akin araw-araw at
Tears.Nagpababa ako kay Cartier sa labas ng venue. Papasok pa kasi ng gate bago tuluyang makapasok sa mismong venue. Marami-rami rin akong nakitang mga media sa labas na nasisiguro kong nag-aabang sa mga papasok na bisita.Kilalang pamilya sa bansa sina Cha. Malaki ang kompanya at iba-iba ang business. Narinig ko nga rin noon na shareholders din sila sa maraming kompanya sa ibang bansa. Kaya tuwing may ganito silang event, asahan mong maraming media na gustong magcover ng party nila.Kabado pa ako nang maglakad ako palapit sa kanila. Mabuti na lang at nakita nila ang sasakyan ni Cartier na siyang dinumog nila. Halos takbuhin ko ang pagitan ng gate at ng malaking hall habang pinagkakaguluhan si Cartier.Kumaway ako kay Cha nang makita ko siyang nakabusangot sa lamesa. Nakaupo sa tabi niya si Kuya Carlo na masama ang tingin kay Rei.Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang ito? Tuwing nakikita ko sila, lagi silang nag-aaway kahit sa tingin lang."S-sorry! Medyo marami ang inutos ni S