Share

Slow Dancing in the Dark
Slow Dancing in the Dark
Author: Reianne M.

Simula

Simula

Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa batang hawak ko. Malakas itong umiiyak habang nasa braso ko. Tumingala ako kay Tita Janah, nanghihingi ng tulong ngunit alam kong wala rin siyang alam sa ganitong bagay.

"Maybe she's h-hungry, Hija," natatarantang sabi nito sa akin habang nakaalalay sa braso kong nanginginig dahil sa pagkakabuhat sa bata.

Sinunod ko ang sinabi niya. At gaya ng sinabi niya, mukhang gutom nga ito dahil agad itong tumahimik nang padedein ko. Napangiti pa ako nang hawakan nito ang daliri ko na humahaplos sa kaniyang pisngi.

Hindi ko kailanman pinangarap maging ina pero masaya ako sa kung anong binigay na sigla ng anak ko sa buhay ko.

"I know this is hard for you that's why I'm telling you na I'm so proud of you, Gab."

Napapikit ako nang haplusin ni Tita Janah ang aking buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

I missed Mama.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama. Pinagawa ko talaga ito para kasama ko siya lagi. Mapait akong ngumiti sa naisip. Sigurado akong magiging masaya si Mama kung nakilala niya si Ayla.

This is really hard for me. Kinailangan kong i-give up ang pag-aaral ko dahil sa anak ko. Sa tingin ko naman, tama ang desisyon ko na buhayin siya dahil kailangan ko ng kasama sa buhay, kailangan ko ng lakas matapos ang mapait na pinagdaanan ng buhay ko.

Marahan kong binaba si Ayla nang makatulog siya nang mahimbing. Inalalayan pa ako ni Tita Janah tumayo na para bang buntis pa ako.

Napangiti tuloy ako. Hindi ko akalain na kahit sobrang bastos ko sa kaniya dati, ganito niya ako alagaan ngayon.

"Are you sure that you're going back to school? Mas mahirap ito lalo na ngayong may anak ka, Gab. I mean, sure we have maids that can take care of Ayla but how about you? Baka mabinat ka," nag-aalalang sabi nito.

Nilingon ko si Tita Janah na nakamasid sa monitor ng aking laptop. Inaayos ko kasi ang ilang papers ko para sa pagta-transfer.

Tumango ako.

"I want to finish this, Tita. Dalawang taon na lang naman po," sagot ko.

"If that's what you want, then I'll support you."

Nginitian ko siya bago muling ibalik ang tingin ko sa monitor ko. Kanina kasi ay dumating na ang verification na tinatanggap nila ang application ko kahit na late enrollee ako. Pakiramdam ko nga ay may kinalaman si Papa sa magkakatanggap ko.

Inaasikaso naman na ni Papa ang ilang papeles ko sa Manila kaya mabilis kong napasa ang mga kailangan ko sa university.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko sina Cha at Rei, ang mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila? Sigurado akong kaunti na lang at ga-graduate na sila habang ako ay ito, magsisimulang muli. Sabay-sabay naming plinano na gagraduate kami nang magkakasama at tutuparin namin ang mga pangarap namin ngunit nahiwalay ako.

"Are you sure that you don't want to be a model? I swear to you that you'll be a huge one."

Napaismid ako nang magsalita si Maxi.

"May anak ak—"

"So, what?"

Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Priority ko ang pag-aaral ko at ang anak ko, Maxi."

Ngumuso ito bago sumimsim sa kaniyang kape, napangiwi tuloy ako.

Maxi is one of those manager who's trying to look for a model in different universities. Ilang beses niya akong kinulit nang kinulit pero hindi niya ako napapayag. Sa huli, naging magkaibigan na lang kami.

"I'm just saying 'no. Maraming model ngayon na may mga anak na."

Mukhang wala pa rin siyang balak na tumigil sa kakadaldal kaya pinabayaan ko na.

"I want to be a journalist, Maxi, not to be a model."

Umismid ito, "Weh? Akala ko ba Architect ang gusto mo?"

Sinamaan ko siya nang tingin dahil alam ko na ang kasunod nito.

"O baka misis ng isang Architect ha?"

Halos tumirik ang mata ko sa diin ng pag-irap ko sa kaniya. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa ginagawang assignment. Actually, ang due date nito ay next week pa pero hindi ko ugaling nagpapatambak ng gawain kaya tinatapos ko agad.

"You know Reisha Moran?"

Napaangat ako ng tingin kay Maxi nang banggitin niya ang pangalang ito. Si Rei? Anong mayro'n sa kaniya?

"Bakit? Anong mayro'n sa kaniya?" Interesadong tanong ko.

Umangat ang kilay nito nang mapansin na interesado ako rito.

"So, you know her nga?"

"Bakit nga? Anong mayro'n?" Ulit kong tanong.

Sumisimsim muna ito sa kaniyang kape bago inilapit ang kaniyang ulo sa akin, napalapit din tuloy ako.

"May chismis na nakita raw siya sa Palawan na may buhat na baby. Hindi nga lang sure kung anak niya ba iyon o pamangkin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi mahilig sa bata si Rei," wala sa sariling sabi ko.

"Hmm chismis iyon from a civilian there. You know naman na I have some sources about sa mga models and artists," sabi nito.

Napasimsim ako sa Mango juice ko habang iniisip ang sinabi na iyon ni Maxi.

I know Rei, of course. Ayaw na ayaw niya ng mga bata. She once told us that she doesn't want to have a child because she can't stand the loud voice of babies when they cry.

"Thank you, Manang," tipid akong ngumiti kay Manang nang makapasok ako sa kwarto namin ni Ayla.

"Ang lakas dumede ni Ayla, Hija. Nakakatuwa..." ani Manang habang marahang dinuduyan si Ayla.

"Kailangan mo na ulit magpump dahil paubos na ang dede niya."

Nilingon ko ang mga bote ni Ayla at napangiti ako nang makitang paubos na nga ito.

Nasisiguro kong sa tatay niya nakuha ang katakawan niya.

Napailing ako sa isipang iyon.

Mula nang umalis kami sa Pontevedra, hindi na ako nakibalita pa sa kanila. Mahigpit na pinagbabawal ni Papa ang kahit na sino na banggitin ang sino mang mula sa Pontevedra.

Mabilis kong kinuha ang laptop ko nang maalala ang sinabi ni Maxi kanina. Ano nga kayang mayro'n kay Rei?

Napatakip ako ng aking bibig nang makita ang articles at haka-haka tungkol kay Rei...at sa anak niya.

'Sikat na modelo na si Reisha Moran totoo nga bang nanganak kaya nawala sa harap ng camera?'

Iyon ang caption ng larawan ni Rei na may tulak-tulak na stroller habang nakangiti sa batang nakasakay roon. Hindi kita ang mukha ng bata dahil si Rei ang nakaharap sa camera.

@_spreadlove: Nako talaga mga tao kapag walang magawa sa buhay, pag uusapan ang iba para may libangan

@imissyoubalikkanaplsmahaluwu: e ano kung anak niya yan? dagdag magandang lahi rito sa mundo yan

@angsaketmagmahal: Let's just respect Ms. Reisha and the baby.

Karamihan doon ay positive comments. Kung mayro'n mang negative roon ay tungkol iyon sa mamamana raw ng anak ni Rei ang kasamaan ng ugali niya. Natawa naman ako roon.

Kung anak nga ni Rei iyong baby, sino naman ang ama no'n? Hindi kaya si...

Kabado ako habang inaayos ang laptop ko sa loob ng malaking conference hall. Kasama ko ang mga kaklase ko na busy rin sa kanilang laptop. Sana pala sinuggest ko na lang na sa event na lang nina Daddy ang gawan namin ng article.

Iyon nga lang ang sabi kasi nila, ito raw ang talk of the town kaya maraming maeengganyong basahin ang article namin. Hindi ko rin maintindihan 'tong prof ko. Hindi pa naman namin dapat 'to ginagawa ha?

"I heard this is the first time she'll talk about the issue," rinig kong sabi ng babae sa likod ko.

Napanguso ako. Akala ko ba naman ay pinatay na nila ang issueng iyon pero muli pala nila itong bubuhayin nang makitang may kasamang lalaki si Rei sa isang restaurant. Kumalat kasi na iyon daw ang asawa o tatay ng anak ni Rei. And knowing Rei, nasisiguro kong napikon siya sa mga ito.

Halos malagutan ako ng hininga nang marahas na bumukas ang pintuan ng conference hall at pumasok doon si Rei suot ang itim na dress.

"Let's end this nonsense issues..."

Sabi nito nang makuha ang microphone na nakapatong sa malawak na lamesa.

"First of all, yes! I do have a son. He's already one year old and yes, he's the reason why I chose to leave this industry for our privacy because I already know you people..."

Tuloy-tuloy ang pagtitipa ko habang nakatingin kay Rei na seryosong nakatingin sa camera sa harap. Nagulat ako nang ilibot nito ang kaniyang paningin at nagkatinginan kami.

Nanlaki ang mga mata nito, gano'n din ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang paninitig niya kahit na wala sa kaniya ang paningin ko. Pinagpawisan tuloy ako nang malamig.

"A-and now na alam niyo ang existence ng anak ko, ayaw kong kwestyunin niyo kung sino ang ama niya because he doesn't have one!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

What?

"I am his father and mother. So, please respect that— please, respect me."

Bahagyang nangilid ang luha ko sa sinabing iyon ni Rei. Wow! Hindi naman namin pinag-usapan na gawing goal ang pagiging single parent but look at us now...

"And please, hindi lahat ng lalaking kasabay ko kumain ay boyfriend ko o fiancé ko. I also have a guy friends so please respect our privacy. And lastly, I will leave this industry na. I won't ever comeback as a model. Thank you."

Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko. Alam kong nakita ako ni Rei at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko kapag ako ang tinanong niya.

"Miss Bernal?"

Napapikit ako nang may isang bodyguard na lumapit sa akin. Mukhang alam ko na ito...

"Pinapatawag ka po ni Ms. Moran sa waiting room niya."

Humugot ako ng hininga bago tumango sa kaniya, "Sige po."

"You know her?" Tanong ng kaklase ko na napahinto sa pagligpit ng kaniyang gamit.

Nagkibit-balikat ako.

Kabado ako nang kumatok ako sa waiting room ni Rei. Marahan ko itong binuksan. Nakita ko siyang nakasandal sa sofa roon at nang makita ako ay mabilis na tumayo.

"OMG KA!" Malakas itong tumili saka ako niyakap nang mahigpit.

Binaba ko ang gamit ko saka siya niyakap pabalik. Gosh, I missed this woman. Kinalas nito ang pagkakayakap sa akin saka ako hinatak sa sofa roon.

"Namiss kita! Saan ka nagpunta?" Tanong nito sa akin.

"Nagtago," natatawang sagot ko.

"Galit na galit si Cha kay Tito Carlos. She said na nawalan siya ng friend because of Tito," pagku-kwento nito.

"Hindi naman ako galit kay Cha," sabi ko.

"E bakit ka umalis sa apartment? Iyak nang iyak si Cha no'n. She blamed her family when you left. Alam ko hanggang ngayon galit siya," sabi nito.

Nagulat ako roon.

"Akala niya galit ka rin sa kaniya. Saka kasi bigla kang nawala."

Umiling ako roon. Hindi ko alam na iyon pala ang iniisip ni Cha. Oo, umiwas ako sa pamilya niya dahil sa ginawa kay Mama, pero hindi ko magagawang talikuran si Cha nang gano'n lang. She's my best friend.

"Do you still have communication with her?" tanong ko.

Cha is my closest friend. May nagawa man sa akin ang pamilya niya, labas siya roon.

Tumango ito, "Oo. Can I tell her ba na we met? I'm sure she'll comeback here kapag nalaman na nagkita tayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Comeback? Nasaan ba siya?"

Bumuntong-hininga ito bago sumandal sa sofa.

"After you left, umalis siya ng Philippines and nagstay sa Italy."

Rei and I catch-up for hours. Lumipat pa kami sa isang restaurant para matuloy ang kwentuhan. Kung hindi lang tumawag ang Daddy niya na hinahanap na siya ni Rouge, ang anak niya, malamang aabutin kami ng umaga kakakwentuhan.

Days passed like that. Halos araw-araw kaming nagkikita ni Rei. Dapat nga ay aalis kami ngayon kaso kailangan kong tapusin ang pag-eedit ng final output ko para sa compilation ng articles na project namin. Nagkasundo na lang kaming magquick lunch. At ngayon, hinihintay ko ang babaeng iyon sa restaurant malapit sa university.

"G-Gab?"

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses na iyon. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumayo. Handa na sana akong tumakbo, kung hindi lang niya hinawakan ang kamay ko at hatakin ako pabalik.

"Let's talk, please?"

Napapikit ako at malakas na binawi ang kamay ko sa kaniya. Kasunod no'n ang malakas na pagsampal ko sa kaniya.

"Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa sa akin matapos mo akong lokohin!" Madiin kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Mabilis ko rin namang iniwas ang tingin ko roon.

Tangina! Dapat galit ako, ha? Bakit parang mas lamang ang pangungulila ko sa kaniya?

"W-What are you saying? I won't cheat on yo—"

Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon. Mga lalaki nga naman.

"Shut the fuck up, Cartier. Cha told me!"

Nagulat siya roon. Ngumisi ako at sarkastikong humalakhak. Tama nga talaga si Cha. Akala ko hindi. Nananalangin pa man din ako na sana nagkamali lang si Cha.

"S-she told you, what?"

Marahas kong dinuro ang kaniyang dibdib saka siya tinulak nang paulit-ulit.

"'wag kang magmaang-maangan, Cartier. Really? Nagkaroon kayo ng family dinner with your fiance? May fiance ka habang ako ang girlfriend mo?"

Pilit nitong hinahawakan ang braso ko na pilit ko namang iniiwas sa kaniya. Malakas ko muli siyang sinampal. Sa sobrang lakas, pakiramdam ko buong linggo mamamanhid ang palad ko.

"Sa mismo pang araw ng libing ni Mama 'no? Ni hindi ka nagpakita sa libing ng nanay ko na ikaw naman ang may kasalanan kung bakit namatay! Ang kapal kapal ng pagmumukha mo!"

Sunod-sunod ko siyang pinagsasampal hanggang sa manghina ako. Napaupo ako sa sahig. Lumuhod naman siya sa harapan ko habang pilit akong pinapakalma.

"Gab, ple—"

"Don't fucking come near me. Let's just pretend that we don't know each other."

Sabi ko bago tumayo at tuluyan siyang iwan doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status