Share

Kabanata 4

Pasado alas nueve na nang makarating si Karisma sa unit ni Nathan. Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha nito.

Agad niyang niyakap ang leeg nito. “Hey!”

Tumawa ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “You’re still in your uniform?”

“Well, obviously. .” Umikot ang kanyang mata dahil halata naman. “So, nasaan na?”

Kuminang ang mata ng kaharap at hinawakan siya sa kamay saka hinila papasok sa loob, sa may salas ay nandoon ang makinang na dress.

Namilog ang mata niya. “Oh my gosh! This is so cute!”

“I know!” Kinuha ni Nathan ang dress at itinapat sa katawan ni Karisma, tapos ay pinagmasdan siyang saglit. “Bagay na bagay sayo ‘to! Try it already!”

Hindi na siya nagdalawang isip at hinubad ang suot niyang uniporme sa harapan nito. Nathan is gay and they’ve been friends for years. He wanted to be a fashion designer, at ang mga damit na dinedisenyo nito ay sa kanya nito pinapasuot.

Suminghap si Nathan nang matapos siyang magbihis. “Really, girl. . your body is to die for!”

“Oh well, thank you.” Napangiti siya habang pinagmamasdan ang sarili sa full body mirror. Bagay na bagay nga ito sa hugis ng katawan niya.

It is a shiny backless dress, with a transparent strap. Para lang itong nakapatong sa katawan niya, ang haba ay hanggang kalahati lamang ng kanyang hita. Kulay ginto ito na bumagay sa kulay ng morena niyang balat.

“As expected from my model!” Nathan clapped. “Now, for the makeup?”

She laughed. “I want it dark, please.”

Ginawa nito ang gusto niya. A smokey eye and dark red lips. Walang ginawa si Nathan sa buhok niyang natural nang maalon, kulay dark-brown ito na lumagpas na sa kanyang bewang.

Hinatid pa siya ni Nathan sa labas pagkatapos. Halos alas-onse na rin nang makarating siya sa party.

Bago siya bumaba ng taxi ay hinanap niya muna ang phone niya sa clutch niya at pinatay iyon. Alam niyang tatawagan siya ng mommy niya kaya niya ginawa iyon, bahala na ang magiging dahilan pagkauwi niya.

She just wants to have fun tonight.

“Kari! Oh my!” Lumapit agad sa kanya ang pinsan niyang si Cade, hindi ito makapaniwala na nandoon siya. “Gosh, you really made it!”

Pilyo siyang ngumiti. “Pwede ba naman na wala ako?”

Maya-maya ay iniwan din siya ng pinsan, nagsasaya itong mag-isa. Siya ay gano’n din, nagpunta siya sa bar at humingi ng alak sa bartender. Tapos ay sumayaw siya sa dance floor habang hawak ang kanyang whiskey.

Maraming lalaki ang lumalapit sa kanya ngunit niya pinapansin ang mga iyon at pasimpleng nilalayuan. Gusto niya lang mag-enjoy! Siguradong pag-uwi niya ay pagagalitan siya ng husto ng mommy niya, kailangan niyang sulitin ang gabing ito.

Kumunot ang noo niya nang may humawak sa bewang niya at hinila siya, napaangat siya ng tingin sa isang lalaki na malagkit na nakatitig sa kanya. Hindi niya iyon kilala, ngunit tantya niya na kaedad niya ito.

Ang malala ay halatang lasing na ito.

Napapikit siya ng mariin at nagbuntong-hininga. Tinulak niya ito ng malakas at tinalikuran, narinig niya pa itong nagsalita pero hindi niya na pinansin.

Nainis lang siya. Naglakad siya patungo sa restroom para ayusin ang sarili.

Ngunit bago pa siya makapasok sa restroom ay may humila bigla sa braso niya, gulat na napaangat siya ng tingin habang iniinda ang braso niyang hawak ng taong nasa harap niya.

Si Dice Ferrer!

“I told you, we’re not yet done, princess.”

Napasinghap siya at masama itong tinitigan. Wala ba itong kaibigan? Bakit ayaw siya nitong tigilan? Wala na bang ibang babae?

“Let go of me, Dice.” Mariin niyang sabi saka hinila ang braso niya pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya’t napangiwi siya.

Nilibot niya ang tingin sa paligid para manghingi ng tulong pero walang tao dahil nasa pinakadulong bahagi sila.

Nanlaki ang mata ni Karisma nang bigla na lang nitong siilin ng halik ang kanyang labi. Pumulupot ang isang braso nito sa bewang niya kaya’t hindi niya nagawang pumalag.

She gasped for air. His left hand is on her bare back and the other took its way down to her butt.

“Let go of me, you fucker!” sigaw niya at tinulak ito ng buong lakas. Ngunit masyado itong malakas, malaking tao ito at malaki ang katawan.

“Stop, Dice. .” Her voice trembled as he slid his hand inside her dress.

Ang malas niya lang dahil walang lumiliko sa parte na iyon, maybe because the people thought that they’re just making out. She cursed under her breath when he slid her strap down to her elbow.

“Stop!” sigaw niya ulit at inipon ang lahat ng lakas niya tinulak ito. Nagtagumpay siya, napalayo ito sa kanya kaya’t agad niyang inayos ang dress na suot niya.

Dice grinned and his pair of drunk eyes were full of lust. “Stop playing hard to get, alright? You did this to me, you made me want you.”

Hindi na siya nakapagsalita. Parang kasalanan niya pa? Sa sobrang galit niya ay hindi na niya napigilan at sinampal ito ng malakas. She turned her back to him to get out of there, but he pulled her and pinned her hard on the wall. Her  back and knees hurt so much that her eyes started to water, mabuti na lang ay hindi siya nauntog.

Sinimulan muli nitong halikan ang kanyang leeg. Nanghihina siyang sumuko, pakiramdam niya ay wala talaga siyang laban. Pumikit siya at tumulo ang luha niya.

Kahit nakapikit ay naaaninag niya pa rin ang paligid, kaya’t nang makita niya ang anino malapit sa kanila ay mabilis siyang napadilat ng mata.

Magsasalita na sana siya nang biglang pumasaere ang hawak na bote ng dumating, nabasag ito sa ulo ni Dice na agad na napayuko at napaupo sa sahig. Mabilis na dumapo ang kamay nito sa duguang ulo.

Napatakip sa bibig si Karisma dahil sa gulat, hindi siya makagalaw ng ilang segundo dahil doon. Dice lost all of his attention to her and looked at the guy that just whacked a bottle on his head.

“Damn. .” Dice shook his head, obviously trying to get back at his consciousness.

Hindi pa rin nakakagalaw si Karisma, nakatakip ng kamay ang bibig habang nakasandal pa rin sa dingding.

“What the fuck is your problem?!” sigaw ni Dice sa lalaki.

The man did not answer. Lumingon lamang ito kay Karisma at tumalikod kaya nagmamadali siyang sumunod, sumasakit ang paa niya pero wala siyang pakialam. Tinulungan siya nito at sa tingin niya’y magiging ligtas siya sa tabi nito.

Nanginginig ang buong katawan niya, lahat ng nakakasalubong nila ay napapatingin sa kanya.

“Karisma?” Hinarang siya ng isa niyang kakilala, pinagmamasdan siya. “Ayos ka lang?”

Tumango siya nang hindi lumilingon sa nagtanong, pilit niyang sinisilip ang likuran no’ng lalaking tumulong sa kanya. Dire-diretso iyon sa paglalakad.

“Are you sure? What happened to you?”

“Uh, I’m okay. .” sagot niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking palayo nang palayo sa kanya.

Naramdaman ni Karisma ang pagtigil ng tibok ng puso niya nang tumigil ang lalaki sa paglalakad at lumingon, nagsimulang gumala ang mata nito sa paligid hanggang sa tumigil ang tingin nito sa kanya.

Nagsalubong ang mata nilang dalawa. And she swore, she almost gasped when she realized who the man was all along. Hindi niya kasi ito nakikita masyado kanina dahil madilim.

His jaw clenched as he started to go back to get her and she has never been so thrilled in her whole life.

It’s that man, Tobias Ortega.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
pemaci5861
Tobiassssss ............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status