Masuk"Dalhin niyo siya sa Emergency OB Suite," maawtoridad na utos ni Chloe sa mga staff.Nang marating namin ang pinto ng tanging mga doktor lang ang pwede, hinarang na ng mga nurse si Tyler. "Sir, hanggang dito na lang po kayo. Kami na pong bahala sa kanya.""T-Tyler!" umiiyak kong tawag sa kanya habang sapilitan kaming pinaglalayo."Hihintayin kita rito sa labas." Iyon ang huli kong narinig bago sumara ang pinto.Pinaligiran agad ako ng medikal na kagamitan. Kahit nanghihina ang buong katawan ko at ramdam ko ang lamig ng pawis sa aking noo, pinilit kong huwag pumikit. Natatakot ako na baka kapag ipinikit ko ang aking mga mata ay hindi ko na muling mayakap ang anak ko.Mabilis na nagsuot ng surgical gloves si Chloe at lumapit sa gawi ng hita ko, habang ang dalawang nurse ay abala sa pagsaksak ng IV line sa aking kaliwang kamay at pagkabit ng mga monitor sa aking dibdib."Chloe, please.. ang baby ko... huwag mong hayaang mawala siya. Nagmamakaawa ako sa'yo, Chloe, iligtas mo ang anak ko,"
"Fuck..."Maging si Tyler ay tuluyan na ring binalot ng matinding taranta. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura bago niya ako binuhat bridal-style."T-Tyler... ang baby natin... Baka kung ano na ang mangyari sa kanya..." tuluyan na akong napahagulgol sa iyak, sunod-sunod ang pag-iling ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kanyang leeg. Ang dalawa kong kamay ay mahigpit na nakakapit sa kanyang polo shirt.Nagsimulang magtinginan ang mga kostumer sa loob ng restaurant nang mabilis kaming dumaan sa gitna ng bulwagan. Sunod-sunod na bulungan ng kuryosidad at pagkabahala ang umalingawngaw sa paligid, ngunit walang pakialam si Tyler. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa unahan habang halos takbuhin niya ang daan patungo sa parking area.Nang marating namin ang labas, agad kaming dinaluhan ng isang alertong security guard nang mapansin nito ang nanginginig kong katawan at ang dugong patuloy na umaagos sa aking binti."Sir, ano pong nangyari? Kailangan niyo po ba ng tulong?" nag-aalalang t
"Mariel!" mas nilakasan ko pa ang boses ko, umaasa na may makakarinig sa amin sa labas o sinumang papasok sa banyo.Ramdam na ramdam ko sa bawat panginginig at higpit ng pagkakasabunot niya ang naglalagablab niyang galit. Ngunit sa kabila ng tindi ng sakit, binalot din ako ng kalituhan. Ano ba ang sinasabi nitong ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak nila ni Rowan? Kailan at paano ko ginawa yun? Wala akong alam!"You ruined my life! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo lahat!" histerikal na tili ni Mariel, tila tuluyan nang nilamon ng dilim ang kanyang katinuan.Gamit ang buong lakas niya ay marahas niya akong kinaladkad papasok sa loob ng isang cubicle. Dahil sa biglaang puwersa ay nawalan ako ng balanse at napadausos ako sa malamig na sahig. Mabilis kong itinukod ang aking mga palad sa semento, pilit na pinoprotektahan ang aking tiyan dahil doon nakasentro ang buong takot ko, ang kaligtasan ng anak namin ni Tyler.Ngunit bago ko pa man maituwid ang aking katawan, isang malakas
Binuklat ko ang menu ng isang tanyag na restaurant sa lungsod. Narito kami ngayon ni Tyler para sa pormal na pag-turnover at pag-abot ng tseke para sa bagong bahay na napili naming lipatan.Sariwa pa sa aking isip ang nangyari noong isang linggo, saktong matapos ang aking initial hearing. Dinala ako agad ni Tyler sa isang eksklusibong subdivision. Bagaman medyo malayo ito sa dati naming mansyon at inaabot ng halos apatnapu't limang minutong biyahe, mas pabor na rin iyon sa akin para sa katahimikan ng isip ko. Sa unang tingin ko pa lang sa bahay na ipinakita niya ay nahulog na agad ang loob ko. Disenyo itong minimalist, malinis ang mga linya, at hindi ganoong kagarbo o kasakit sa mata kung titingnan. Mayroon na rin itong nakalatag na magandang landscaped garden sa unahan na pwedeng-pwede kong alagaan.Kaya naman narito kami ngayon para tuluyan nang bayaran at pirmahan ang mga dokumento. Bukas na bukas din ay nakaplano na kaming magsimulang mamili ng mga kulang na kasangkapan at dekoras
ROWANSinalubong ako ni Mariel sa may pintuan pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Malawak ang kanyang ngiti at halatang-halata sa kanyang mukha na kanina pa niya ako sabik na inaaabangan. Subalit imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo lamang nag-init ang aking ulo nang masilayan ko ang kanyang mukha.Ang tanga-tanga ko. Isang napakalaking katangahan ang ginawa ko. Bakit ba hindi ko kaagad napagtanto na si Sophia pala talaga ang tunay kong mahal? Nabitay ako sa ilusyon na si Mariel pa rin ang nagpapatakbo ng puso ko, at ngayon... ngayong tuluyan nang makikipaghiwalay sa akin si Sophia, pakiramdam ko ay mababaliw ako sa tindi ng pagsisisi. Gustong-gusto kong ayusin ang relasyon namin. Gusto kong magsama kami ulit tulad ng dati. Handa ko nang kalimutan at patawarin ang ginawa niyang pagkabit kay Tyler, bumalik lang siya sa akin."How's it? Mapapadali raw ba ang annulment case?" excited na tanong ni Mariel, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa habang hinahawakan ako sa magkabilang
Kinaumagahan, binalot ako ng matinding kaba habang nakaupo sa loob ng kotse patungo sa korte. Gustong-gusto talaga ni Tyler na sumama sa akin, kahit man lang daw mag-abang sa labas ng courtroom, pero mariin siyang pinagsabihan ni Anya na huwag na. Mas mabuting iwasan ang anumang iskandalo o anggulo na pwedeng gamitin ng kampo ni Rowan laban sa amin.Nakarating kami sa itinalagang courtroom para sa initial hearing nang mas maaga. Mauupo pa lang kami ni Anya sa unahan nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Rowan. Mag-isa lang siya, walang abogadong kasama. Inaasahan kong kasama niya si Clinton ngayon, pero wala ang kaibigan niya.Ano na naman kayang kahibangan ito para hindi siya nagsama ng abogado niya kahit alam naman niyang kailangan iyon?Napaismid ako sa aking isip. Sigurado ako na tuwang-tuwa na ngayon si Mariel doon sa bahay habang nag-aantay sa pag-uwi ni Rowan, dahil sa wakas ay pormal nang umuusad ang annulment case na matagal na niyang inaasam para masolo si Rowan.Sakton
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







