Compartir

Chapter 183

last update Fecha de publicación: 2026-10-04 18:58:46

Pumasok muli si Tyler sa silid dala ang isang tray ng mga binili niyang pagkain. Bahagya niyang inilipat ang bedtable patungo sa ibabaw ng kama ko at maingat na inihanay roon ang sabaw ng baka, dalawang plato ng kanin, at iba pang ulam.

"Kumain ka ng marami," bilin niya habang nilalagyan ng sabaw at karne ang plato ko.

Nakatitig lang ako sa dami ng pagkaing inihain niya. "Saluhan mo ako. Hindi ko naman mauubos lahat ito."

Tumango si Tyler. Kumuha siya ng sarili niyang plato at umupo sa gilid ng
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 187

    MARIEL"Ano'ng sabi mo?"Malamig ang boses ko nang lumabas ako ng sasakyan matapos niyang ipatay ang tawag. Nakatayo lang si Rowan sa ilalim ng madilim na langit, bahagyang nagulat nang makita akong nakatitig sa kaniya."Mariel, gising ka na pala. Tumawag lang si mom para kumustahin—""Hindi iyon ang narinig ko na lumabas sa bibig mo, Rowan!" sigaw ko habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. "Narinig ko ang pakikipag-usap mo sa mommy mo! Narinig ko kung paano mo ako tinawag na pantakip-butas lang... na gagamitin mo ako habang kailangan mo pa ako!""Mali ang dinig mo, Mariel," mabilis na pautal na depensa ni Rowan habang humahakbang palapit. "Nagkakamali ka. Mag-uusap lang kami ni Sophia para tapusin ang lahat ng ito nang tuluyan. Walang iba.""Huwag mo na akong utuhin! Hindi mo na ako maloloko! Hindi na ulit!"Napahabol ako ng hininga dahil sa matinding sikip sa dibdib ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at pagsisisi."Sinira ko ang buong buhay ko para sa 'yo!" sumbat k

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 186

    MARIEL"Where are we heading?"Kunot-noong tanong ko kay Rowan nang mapansin kong ang highway na tinatahak namin ay papuntang South. Niyugyog ko nang kaunti si Athena sa mga braso ko para hindi ito magising. Kakatulog lang kasi ng bata pagkatapos ng mahabang pag-iyak dahil sa ginagawang pagpalo ni Rowan sa kaniya kanina. Lahat ng 'yon para lang iparinig kay Sophia ang patatangis ng anak nito sa cellphone."Sa bahay-ampunan," walang ganang tugon ni Rowan bago humithit ng sigarilyo.Mabilis kong inilayo ang sarili ko at umisog sa may pintuan ng passenger seat. Masama sa bata ang amoy ng usok. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para hayaang masira ang kalusugan ng isang sanggol habang hawak ko siya."Bahay-ampunan saan? Lumabas na tayo ng lungsod. Wala na tayo sa Manila," pag-uusisa ko sa kaniya. "Saang bahay-ampunan mo ba balak dalhin ang bata?"Kahit inis na inis na ako sa kaniya dahil wala man lang akong kaalam-alam sa mga totoong plano niya, pinilit kong kontrolin ang boses ko. Maga

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 185

    Alas onse ng gabi nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog ni Tyler mula sa sofa. Dahan-dahan akong bumangon at iniiwasan ang anumang ingay habang inaalis ang kumot para makababa sa kama."Tyler," mahina kong tawag.Hindi siya gumalaw. Ngayon lang kasi siya nakatulog nang maayos simula nang makabalik kami sa Pilipinas kaya bagsak na bagsak ang katawan niya sa matinding pagod at pag-iisip.Mabilis akong lumapit sa duffle bag na naglalaman ng mga damit ko na dinala kanina ng ina ni Tyler. Kumuha ako roon ng simpleng paitaas at pantalon bago pumasok sa banyo para magpalit. Nang makapagbihis, lumabas na ako ng VIP room. Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway para maiwasang mapansin ang mukha ko. Sumakay ako ng elevator pababa at mabilis na nagpara ng taxi sa lobby.Hindi ko dinala ang cellphone ko. Binura ko na rin ang text ni Rowan doon kagaya ng utos niya. Anuman ang mangyari ngayong gabi, kailangang mabawi ko si Athena. Kahit pa ako ang maging kapalit niyon, mas gugustuhin kong a

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 184

    Pagkalabas na pagkalabas ni Tyler ng kwarto, mabilis akong bumangon mula sa kama at kinuha ang cellphone sa tabi ko.Palipat-lipat ang tingin ng mga mata ko sa screen ng cellphone at sa pintuan ng kwarto. Sumasakit ang dibdib ko sa matinding kaba at takot na baka biglang magbago ang isip ni Tyler at agad na bumalik. Baka mahuli niya akong may inililihim na naman sa kanya. Nanginginig ang mga daliri ko habang itina-type ang numero ni Rowan. Kagat-kagat ko ang kuko sa kabilang kamay habang itinatapat ang cellphone sa tainga ko.Sa unang ring pa lang, agad nang may sumagot sa kabilang linya, para bang nakahawak na talaga ang kamay nito sa cellphone at hinihintay lang ang pagtawag ko."Sophia," pang-uuyam na boses ni Rowan mula sa kabilang linya.Marinig ko pa lang ang tinig niya ay nasusuklam na agad ang buong katawan ko. Naikuyom ko nang mahigpit ang kamay ko habang pilit na pinipigilan ang sariling sumigaw."Rowan, nasaan ang anak ko?" mariin kong tanong sa mababang boses. "Nasaan si A

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 183

    Pumasok muli si Tyler sa silid dala ang isang tray ng mga binili niyang pagkain. Bahagya niyang inilipat ang bedtable patungo sa ibabaw ng kama ko at maingat na inihanay roon ang sabaw ng baka, dalawang plato ng kanin, at iba pang ulam."Kumain ka ng marami," bilin niya habang nilalagyan ng sabaw at karne ang plato ko.Nakatitig lang ako sa dami ng pagkaing inihain niya. "Saluhan mo ako. Hindi ko naman mauubos lahat ito."Tumango si Tyler. Kumuha siya ng sarili niyang plato at umupo sa gilid ng kama para sabayan ako. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, naramdaman ko ang gutom kaya dahan-dahan akong nagsimulang kumain."Every checkpoint has installed police to check every vehicle passing by the South," pag-update sa akin ni Tyler ng sitwasyon. "Nararamdaman kong malapit na natin makasama ang anak natin."Sinusubukan niyang palakasin ang loob ko. Gusto kong hawakan ang bawat salitang sinasabi niya para hindi ako tuluyang mawasak."Sana nga, Tyler," pabulong kong sagot bago umino

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 182

    Nang imulat ko ang mga mata ko, napatingin ako sa kisame ng kwarto. Doon ko lang narealize na nasa ospital ako. Mabilis kong naalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.Bahagyang nakabukas ang pinto at nakita ko si Tyler sa labas na kausap ang doktor. Inalis ko ang tape at swero sa kamay ko para makaupo sa kama. Ilang sandali pa’y tinapik ng doktor ang balikat ni Tyler at naglakad na palayo.Nang humarap si Tyler patungo sa pinto, nagtama ang mga paningin namin. Mabilis siyang pumasok at lumapit sa akin."Sophia," bungad niya sabay hawak sa mga kamay ko. "Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?""I... I passed out?"Tumango siya. "You were unconscious for two days."Napatitig ako sa kaniya. Dalawang araw? Mabilis kong kinapitan ang braso niya, kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng dibdib ko."Kung ganon, anong nangyari sa loob ng dalawang araw na narito ako? May balita na ba? Natunton na ba si Rowan? Nasaan na ang anak ko?" sunod-sunod kong tanong.Bumuntong-hininga

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 77

    TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 5

    "Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 2

    Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 1

    "Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status