LOGIN"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap," bulong ni Tyler sa akin nang maupo ako sa kaniyang tabi.Nginitian ko siya at marahang inilagay ang aking kamay sa kaniyang hita. "Pumunta lang ako sa chapel."Pinaningkitan niya ako ng mata, tila sinusuri ang bawat anggulo ng aking mukha bago kinuha ang kamay ko at inangkla iyon sa kaniyang braso."You look different," puna niya na nagpatigil sa akin. "I mean... you look happy. Genuinely."Ako? Masaya?"Really?" tanong ko habang napatitig sa kaniyang mga mata.Tumango si Tyler at unti-unting lumitaw ang isang banayad na ngiti sa kaniyang mga labi. "I was so worried about you nang umalis ka para magpaalam na pupunta sa restroom. Pinuntahan kita roon nang hindi ka agad bumalik, pero wala ka naman. May nangyari ba?""Nothing happened, love," malambing kong sagot. "I just met an adorable girl inside the chapel. Nagkwentuhan kami. Hindi ko rin alam, pero... napasaya niya ako kahit ilang minuto lang iyon."Bago pa man makapagsalita uli si Ty
Natigilan ang bata at namilog ang magaganda niyang mga mata nang pagtayo ko ay mabalingan niya ako na nakaupo rito sa likuran. Halatang nahihiya nga siya, pero banayad pa ring ngumiti."Hi," ako na ang unang bumati sa kaniya. "Anong pangalan mo?""S-Snow po," tugon niya at marahang bumalik sa kaniyang kinauupuan, pero bahagyang iniharap sa akin ang kaniyang buong katawan.Mahina akong natawa habang kinukunot ang noo. "Snow? Dahil ba maputi ka na parang snow?"Parang binabad sa gatas ang kutis niya. Napakaganda ng kaniyang mukha. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maalala si Athena. Ganitong-ganito rin ang makinis at maputi nitong kutis."Tama po kayo," magiliw niyang pagkwento. "Hindi kasi nila alam kung ano po ang ipapangalan sa akin noon. At dahil parang gatas daw po ang balat ko noong baby pa ako nang matagpuan nila sa labas ng bahay ampunan, Snow ang ipinangalan nila sa akin. Parang si Snow White."Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga m
ROWANNakatanaw ako sa dalampasigan. Pinapanood ko ang dahan-dahang paglubog ng araw sa kanluran habang mariing nakakuyom ang aking mga kamao.Limang taon. Limang mahabang taon na akong nagtatago at nananatili sa liblib na islang ito gamit ang pekeng pangalang Gabo, simula noong huling engkwentro ko kina Sophia, Tyler, at sa mga pulis sa rest house. Apat na bala ang tumama sa dibdib ko noon bago ako tuluyang nahulog sa dagat, pero mukhang malakas pa rin ang kapit ko sa impyerno dahil nabuhay pa ako.Hindi ako makagalaw o makalabas sa lugar na ito sa nakalipas na mga taon dahil alam kong nakaabang ang mga awtoridad sa bawat pampang at daungan. Pero nitong nakaraang buwan, ibinalita sa akin ni Clinton na itinigil na ng mga pulis ang paghahanap sa akin. Pinaniwalaan na nilang patay na ako matapos matagpuan ang napunit kong damit at wala nang bangkay na lumilitaw. Isinarado na rin ang kaso laban sa akin.Isang malamig na ngisi ang gumuhit sa mga labi ko habang nakatitig sa umaalon na tubi
"Are you alright?" tanong ni Tyler at agad akong iniharap sa kaniya.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bumaba ang tingin niya at yumuko para dahan-dahang punasan ang basang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Sinubukan kong magsalita at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, pero walang gustong lumabas na tunog mula sa lalamunan ko.Sa halip, isinubsob ko na lang ang mukha ko sa kaniyang dibdib at yumakap nang mahigpit. Isinandal niya ang kaniyang katawan para italikod ako sa mga bata sa hall, para walang makakita sa pag-iyak ko."I... I can't do this, Tyler," pabulong kong pakiusap habang nanginginig ang boses ko. "Hindi ko... Hindi ko kayang humawak ng ibang bata dahil si Athena lang at si Athena pa rin ang nasa isip at nakikita ko. Hindi ko kaya. I just want our daughter back."Halos limang minuto ako na nasa balikat niya at doon ibinubuhos ang emosyon ko."Kung hindi mo talaga kaya, hindi na natin itutuloy," bulong ni Tyler sabay haplos sa likod ng ulo ko
"Dahan-dahan lang sa pagbababa ng mga kahon. Baka masira ang mga laruan sa loob," suway ko sa mga tauhan ng simbahan na tumutulong kina Axel sa pagbababa ng mga gamit para sa mga bata.Bandang ala-una y media na kami ng hapon nakarating sa St. Vincent Children's Home. Alas-tres pa naman daw ang simula ng opisyal na programa. Maya-maya pa ay darating na rin ang pamilya ni Tyler. Sadyang inagahan lang talaga namin ang pagpunta rito para magkaroon kami ng sapat na oras na makipaghalubilo sa mga bata. At para na rin makapag-observe kami nang maayos kung sino sa kanila ang bukas ang puso na maging bahagi ng aming tahanan.Hinapit ni Tyler ang bewang ko at dahan-dahang iginaya papasok sa gate ng bahay-ampunan. Nakatanaw at nakangiting naghihintay sa amin si Father Dan, kasama ang dalawang madre sa tabi niya."Mr. and Mrs. Santibañez," masayang bati ni Father Dan nang makalapit kami.Mabilis kaming nagmano ni Tyler bilang paggalang."Biruin mo nga naman. Sinong mag-aakala na kayo rin pala an
Kakatapos ko lang mamili ng mga damit, laruan, at iba pang kagamitan na magagamit ng mga bata sa bahay-ampunan sa susunod na araw. Malapit lang din naman sa kumpanya ng Santibañez Group ang pinuntahan ko kaya naisip kong bisitahin si Tyler sa kaniyang opisina."Ma'am Sophia!" gulat pero magiliw na bati ng guard sa akin nang makita ako sa lobby. "Good morning po!""Good morning," sagot ko habang bahagyang ngumingiti.Hindi lang siya ang bumati sa akin. Halos lahat ng empleyadong nakakakilala o nakakasalubong ko sa hallway ay napapahinto at napatitingin. Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling bumisita rito. Sa nakalipas na limang taon, nakasanayan ko nang magkulong sa bahay at umiwas na magpakita sa ibang tao.Papasok na sana ako sa elevator nang bumukas iyon at iniluwa si Anya. Agad din siyang napangiti nang makita ako."Sophia!""Anya," nakipagbeso ako sa kaniya. "Binibisita ko lang si Tyler. Busy ba siya ngayon?""I think he's in a meeting with the new managers. Pero p
TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b
"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati
"Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t







