Share

CHAPTER 10

ILANG SEGUNDO PA lang silang naglalakad nang may kung anong nagtulak kay Shanelle na i-angat ang mga kamay. Pinagsalikop niya iyon at walang pasabing pinukpok niya sa likod ng binata. Natumba ito kaya iyon ang pagkakataon niya para makatakbo palayo rito.

"Shit, Lane! Bumalik ka rito! Go back here or else... I'll do what I said to you!" nanggagalaiting sigaw ni Elvin pero hindi iyon alintana para siya'y tumigil.

Kailangan, kailangan niyang makaalis sa lalong madaling panahon. Takbo lang siya nang takbo at wala na siyang pakialam sa naaapakan niya. Wala na rin siyang paki sa suot niya basta't ang iniisip niya ay kaligtasan niya. Kahit na may naapakang mga bato, bubog, o kung ano man, hindi iyon naging dahilan para tumigil siya sa ginagawa.

"Go back here kung ayaw mong masaktan!" muli na namang sigaw ni Elvin.

Hindi niya ito binalingan basta't patuloy pa rin siya sa pagtakbo patungo sa gubat na nasa harapan niya. Nang makarating sa loob ng gubat, ni isang segundo ay wala siyang sinayang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status