LOGINALEXANDRA POINT OF VIEW
Halos hindi ako nakatulog semilya kagabi. Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ni Dominic sa ilalim ng mga palad ko. Sino ba namang mag-aakala na ang isang lalakeng kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang salita lang ay ganoon karupok kapag pinatayan ng ilaw?
Pero mas nangingibabaw pa rin ang inis ko. Pagkatapos ko siyang tulungan, tinakot pa ako na idadamay si Papa. Napaka-walang utang na loob.
Alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako. Pagkababa ko sa dambuhalang kusina ng mansyon, sinalubong agad ako ni Manang Saling na may dalang listahan na halos umabot sa sahig sa haba.
"Alexandra, gising na si Sir Dominic. At masungit siya lalo ngayon," bulong ni Manang Saling habang nag-aayos ng kape. "Ito ang mga gagawin mo ngayong araw. Sabi niya, ikaw lang daw ang dapat gumawa ng lahat ng ito. Bawal kang tulungan ng ibang staff."
Kinuha ko ang listahan at binasa ang mga nakasulat. Linisin ang buong library, pakainin ang mga aso sa likod, ihanda ang gym pagkatapos niyang mag-workout, at ayusin ang walk-in closet niya.
Seryoso ba siya? Ang laki-laki ng mansyon na ’to tapos mag-isa lang ako? Halata namang gumaganti ang bilyonaryong ’yon dahil nakita ko ang kahinaan niya kagabi. Gusto niya akong pahirapan para siguro kusang sumuko ako o kaya para mapatunayan na hawak niya ako sa leeg.
"Kaya ko ’to, Manang. Sanay ako sa gawaing bahay," nakangiti kong sabi, kahit ang totoo ay parang gusto ko nang maiyak sa rami ng gagawin.
Inuna ko ang pagdadala ng kape sa garden kung nasaan si Dominic. Nakita ko siyang nakaupo sa isang puting silya, nakasuot ng simpleng gray na t-shirt at shorts habang may binabasang mga papeles sa tablet niya. Mukha siyang fresh at walang bahid ng panic attack kagabi. Parang napanaginipan ko lang ang lahat.
"Ang kape niyo po, Sir," sabi ko sabay lapag ng tasa sa mesa niya.
Hindi siya tumingin sa akin. Uminom siya ng isang s****p bago nagsalita. "Masyadong matamis. Palitan mo."
Huminga ako nang malalim. Tatlong butil lang ng asukal ang nilagay ko, gaya ng turo ni Manang Saling. "Opo, Sir."
Binalikan ko ang kape at gumawa ng bago. Pagkalapag ko ulit sa harap niya, tiningnan niya lang iyon. "Masyadong matabang. Gawin mo ulit."
Aba, ginu-goodtime talaga ako ng lalakeng ’to. Nararamdaman ko na ang init ng ulo ko pero pinilit kong ngumiti. Kung akala niya maiiyak ako sa kape, nagkakamali siya. Sanay ako sa mga masusungit na customer sa mga part-time jobs ko noon. Mas malala pa rito ang mga nakaharap ko sa Maynila.
"Sige po, Sir Dominic. Gagawa ako hanggang makuha ko ang tamang timpla ng perpektong panlasa niyo," sarkastiko kong sabi bago kinuha ang tasa.
"Gawin mo nang mabilis. Marami ka pang lilinisin," malamig niyang sagot, tuluyan nang nag-iwas ng tingin.
Buong umaga akong pabalik-balik sa kung saan-saang sulok ng mansyon. Pagkatapos ng isyu sa kape, dinala ako sa likod ng bahay para pakainin ang dalawang dambuhalang aso niya—mga Doberman na mukhang handa akong lapain anumang oras. Medyo natakot ako noong una, pero nang lapitan ko at kausapin nang mahinahon, naging maamo naman sila. Mas mabait pa nga sila kaysa sa amo nila.
Hingal na hingal ako nang matapos ko ang library bago mag-tanghali. Papunta na sana ako sa kusina para uminom ng tubig nang biglang sumulpot si Dominic sa tapat ng hagdanan. Nakabihis na siya ngayon ng mamahaling suit. Mukhang may pupuntahang importanteng meeting o business event.
"Alexandra, ihanda mo ang sarili mo. Sasama ka sa akin," utos niya habang inaayos ang relo niya.
Napatigil ako at napatingin sa sarili kong uniporme na may dumi na ng alikabok mula sa library. "Po? Sasama ako? Pero katulong niyo po ako rito, bakit kailangang sumama ako sa business niyo?"
"May lunch meeting ako kasama ang isa sa mga share-holders ng Alorte Group sa main island. At kailangan ko ng magdadala ng mga papeles ko. Ayaw kong nagbubuhat ng mabigat pagkatapos kong mag-workout," diretsong sagot niya na parang napakababaw ng dahilan.
"May mga bodyguard naman kayo ah? Bakit hindi sila?" pagpupumilit ko pa. Seryoso, pagod na pagod na ang mga binti ko at gusto ko na lang maupo kahit tatlumpung minuto lang.
Lumapit sa akin si Dominic. Ang bango ng pabango niya, amoy mayaman na may halong panganib. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata, yung titig na parang binabasa ang bawat takbo ng utak ko.
"Sabi ko sa ’to kagabi, ayaw ko ng mabagal at ayaw ko ng maraming tanong. Kung ano ang iutos ko, susundin mo. Maliwanag?" mababa pero mariin niyang boses.
Wala akong nagawa kundi tumango. "Opo, susunod na po."
"Magpalit ka ng maayos na damit. Iwanan mo muna ang apron mo. May dalawampung minuto ka," sabi niya bago naglakad palabas ng pinto patungo sa nakaparadang chopper sa labas.
Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng isang simpleng black dress na dinala ko mula sa lumang bag ko at tinalian ang buhok ko. Paglabas ko ng mansyon, naghihintay na si Dominic sa loob ng chopper, suot ang kanyang shades habang seryosong nakatingin sa labas ng bintana.
Sumakay ako at umupo sa tapat niya. Sa buong biyahe, walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ugong ng elise ng chopper. Maya-maya pa, lumapag kami sa isang mamahaling resort sa kabilang isla. Pagkababa namin, dinala kami ng mga waiter sa isang private dining area na nakaharap sa dagat.
Doon ay may nakaupo nang isang matandang lalake na may kasamang magandang babae na mukhang halos kasing-edad ko lang.
"Dominic, my boy! Sa wakas, nakarating ka rin," bati ng matandang lalake habang tumatayo para makipagkamay.
"Pasensya na, Mr. Villafuerte. Medyo nagka-delay lang sa biyahe dahil sa lagay ng panahon kagabi," sagot ni Dominic habang nauupo.
Napatingin sa akin ang kasamang babae ng matanda. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri, lalo na nang makita niyang hawak-hawak ko ang mabigat na folder ni Dominic.
"Sino siya, Dominic? New secretary? I didn't know you hire people who look so... ordinary," maarteng sabi ng babae sabay irap sa akin.
ALEXANDRA POINT OF VIEWHawak ko ang mamahaling leather jacket ni Vanessa, at halos manginig ang mga kamay ko—hindi dahil sa lamig ng aircon o ng hangin mula sa labas, kundi sa nagpupuyos na galit at gulat na nararamdaman ko ngayon.Seryoso ba 'to? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng tatay niya kay Papa sa Maynila, pagkatapos ng muntikang pagpatay at pananakot, heto siya ngayon sa harap ko. Naka-pulang dress, mukhang lalong gumanda ang kutis, at mayabang na nakatitig sa akin na parang ako ang pinakamababang uri ng basura sa ilalim ng sapatos niya."Vanessa," malamig na boses ni Dominic ang bumasag sa katahimikan ng sala. "Cut the drama. Gabo, dalhin mo ang mga gamit niya sa dulo ng guest wing."Hindi kumilos si Atty. Gabo agad. Tumingin muna siya sa akin na may halo ng awa at paumanhin sa kanyang mga mata. Alam kong wala rin siyang magagawa kung anuman ang naging desisyon ng kliyente niya. Kung ano man ang pinagkasunduan nina Dominic at Vanessa doon sa
ALEXANDRA POINT OF VIEWMabilis ang tibok ng puso ko habang pababa ng hagdan. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa tapat ng library. Si Dominic... inililipat ang ilang assets niya sa pangalan ko? Para sa proteksyon ko kung sakaling may mangyari sa kanya o sa kumpanya niya?Bakit niya ginagawa 'to?Galit siya sa akin. Malinaw ang pagkakasabi niya kaninang umaga na ibalik ang pader sa pagitan namin. Ipinamukha niya sa akin na katulong lang ako na narito para magbayad ng utang. Pero sa likod ng mga matatalim niyang salita at malamig na pakikitungo, palihim niya pa rin akong sine-secure. Palihim niya pa ring inaayos ang buhay namin ni Papa para siguraduhing hindi na kami aapihin ng kahit sino.Mas lalo akong nakaramdam ng matinding guilt. Para akong sinasaksak ng sarili kong konsensya. Gusto kong umakyat muli sa library, pumasok sa loob nang walang katok, at yakapin siya para magpasalamat. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya kailangang gawin 'yon, na
ALEXANDRA POINT OF VIEWHalos hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko yung lamig ng boses ni Dominic bago siya inatake ng panic attack niya kagabi. Gawin mo ang trabaho mo, at gagawin ko ang sa akin. Masakit, pero alam kong wala akong karapatang magreklamo. Ako ang sumira sa tiwalang dahan-dahan nang nabubuo rito sa isla, kaya normal lang na ibalik niya ang pader na naghihiwalay sa aming dalawa.Nang tumunog ang alarm ko ng alas-singko ng umaga, mabilis akong bumangon. Nilagay ko sa gilid ang lahat ng personal kong nararamdaman. Kailangan kong patunayan sa kanya na kahit anong mangyari, handa kong tapusin ang kontrata ko nang maayos at propesyonal.Pagkababa ko sa kusina, sinalubong ako ng amoy ng bagong brewed na kape at sinangag. Naka-set up na rin ang ilang plato sa mesa."O, Alexandra, gising ka na pala," bati sa akin ni Manang Saling habang nag-aayos ng mga prutas sa gilid. "Maaga rin nagising si Sir Dominic. Mukhang hindi
ALEXANDRA POINT OF VIEWTinitigan ako ni Dominic, at sa isang saglit, nakita ko ang galit na humalo sa gulat sa mga mata niya. Imbes na ituloy ang pagsasara ng pinto, hinablot niya ang pulso ko at marahas akong hinila pumasok sa loob ng study room. Padabog niyang isinara ang pinto sa likod ko."Are you out of your mind?!" sigaw niya, halos mayanig ang mga dingding sa tindi ng boses niya. Binitawan niya ang pulso ko na parang napapaso. "Kung hindi ko pinigilan ang sarili ko, naipit na iyang kamay mo! Gusto mo ba talagang dagdagan ang mga problema ko?"Akala ko talaga maiipit na ako. Pero mas masakit pala yung paraan ng pagbitaw niya sa akin ngayon—malamig, walang pakialam, at puno ng disgusto.Napahawak ako sa pulso ko habang pilit na pinatitigil ang panginginig ng mga tuhod ko. Tiningnan ko siya nang diretso. Nakatayo siya sa tapat ko, mabilis ang pagbaba-taas ng dibdib niya habang hawak pa rin ang baso ng alak."Sorry," mahina kong simula. "Sorry kung naging padalos-dalos ako. Sorry
ALEXANDRA POINT OF VIEW"Alexandra, sumakay ka na sa kotse," mahinang utos sa akin ni Atty. Gabo habang tinapik ang balikat ko.Hindi ako makakilos. Nakatitig lang ako sa dulo ng sapatos ko, basang-basa ng luha ang pisngi ko, at pakiramdam ko ay pinakamaliit akong tao sa buong mundo ngayon. Tiningnan ko si Papa na isinasakay sa ambulansya. May benda na ang ulo niya at binibigyan siya ng paunang lunas ng mga paramedic, pero kahit doon ay panay pa rin ang sulyap niya sa akin na parang nagmamakaawa. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin dahil tatay ko pa rin siya, pero parang may mabigat na kadena sa mga paa ko na pumipigil sa akin.At higit sa lahat, hindi ko kayang lingunin ang lalaking nakatayo sa likod ko.Si Dominic.Walang salita, nilagpasan niya ako na parang isang hangin lang. Sumakay siya sa SUV nang hindi man lang ako tinapunan ng huling tingin. Ang bawat hakbang niya palayo ay parang sampal sa akin—isang paalala na ang tiwalang dahan-dahan naming binuo sa isla ay tu
ALEXANDRA POINT OF VIEWBingi ang buong paligid ko habang nasa loob kami ng chopper. Ang lakas ng ugong ng elise, pero mas maingay ang sarili kong mga isip. Nakatingin lang ako sa bintana, pinapanood ang unti-unting pagliit ng pribadong isla ni Dominic hanggang sa maging tuldok na lang ito sa gitna ng asul na karagatan.Galit na galit siya.Nakasandal si Dominic sa tapat kong upuan, nakakrus ang mga braso at nakapikit. Kahit may suot siyang aviation headset, ramdam ko pa rin ang mabigat na pader na itinayo niya sa pagitan naming dalawa. Sobrang lamig ng aura niya, mas matindi pa sa aircon ng chopper. Sinulyapan ko si Atty. Gabo na nasa tabi ko, abala sa pag-type sa kanyang tablet habang seryoso ang mukha. Gusto kong magtanong, gusto kong humingi ng pasensya kung nagpadalos-dalos ako, pero tikom ang bibig ko. Natatakot ako na baka kapag nagsalita ako, mas lalo lang siyang sumabog. Isang malaking sugal ang ginawa ko nang pagdudahan ko siya, at mukhang talo a
ALEXANDRA POINT OF VIEWPauwi sa isla, walang umiimik sa aming dalawa sa loob ng chopper. Tumingin ako sa bintana, pinagmamasdan ang asul na dagat sa ilalim, pero ang utak ko, parang sasabog na. Kalahating milyon para lang sa isang damit? Designer brand nga, pero tela pa rin ’yon! At ang malala, id
ALEXANDRA POINT OF VIEWNanigas ako sa pwesto ko. Ang tanging naririnig ko na lang sa buong kwarto ay ang hampas ng ulan sa bintana at ang gipit na paghinga ni Dominic. Parang bawat segundo, paubos nang paubos ang hangin sa paligid niya.Kinapa ko ang bulsa ng apron ko. *Salamat sa Diyos, dala ko a
ALEXANDRA POINT OF VIEW"Ayan... ayan na. Bayad na ako, ’di ba?" nanginginig ang boses ni Papa, nakatingin sa lalaking naka-barong na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa.Nasa loob kami ng isang VIP room sa isang sikat na underground casino sa Manila. At ang lalaking kaharap namin? Si Dominic Alorte.
ALEXANDRA POINT OF VIEWGrabe, ang sarap dukutin ng mga mata ng babaeng ’to. Kung makatingin siya sa akin, parang may nakita siyang basahan sa sahig. Ordinary? Masama na ba ang maging simple ngayon? At least ako, natural ang mukha, hindi katulad niyang mukhang binabad sa gluta at highlighter ang pi







