/ Romance / Sold To The Ruthless Billionaire / CHAPTER 6: The Price Of Curiosity

공유

CHAPTER 6: The Price Of Curiosity

작가: Nightshade
last update 최신 업데이트: 2026-01-25 19:45:53

Clara Santos POV

Ang mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”

“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”

“Shut up!”

Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.

Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.

“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 6: The Price Of Curiosity

    Clara Santos POVAng mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”“Shut up!”Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 5: The Unexpected Discovery

    Clara Santos POVNagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat.Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy.Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito.“Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.”Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng mau

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 4: The First Night Of Submission

    Clara Santos POVIsang itim na backless gown ang nakalatag sa kama ko. Kasama nito ang isang set ng mga dyamante na tila mas mabigat pa sa kadenang nakagapos sa puso ko. Inutusan ako ni Sebastian na mag-ayos. Ngayong gabi ang charity gala ng Vergel Foundation. Ang gabi kung saan kailangan naming i-flex sa mundo ang aming "masayang" pagsasama.Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng nasa harap ko. Ang dating masayahing Clara ay napalitan ng isang maputlang anino na balot ng karangyaan.Pumasok si Sebastian sa kwarto. Nakasuot siya ng tuxedo na lalong nagpadagdag sa kanyang nakakatakot na karisma. Tumayo siya sa likuran ko at pinanood ako sa pamamagitan ng salamin.“Wear the diamonds, Clara. Ayaw kong isipin ng mga tao na pinapabayaan ko ang asawa ko,” malamig niyang utos.Isinuot niya sa akin ang kwintas. Ang lamig ng metal sa balat ko ay naghatid ng matinding kilabot. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko. “Smile later. If I see even a hin

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 3: The Secret Debt

    Clara Santos POVHindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas ng pinto ay tila babala na babalik si Sebastian para tapusin ang sinimulan niya kagabi. Pero hindi siya bumalik. Pagkatapos niyang iparamdam ang control niya sa akin, iniwan niya akong nanginginig at lito sa gitna ng malawak na kama.Kinabukasan, ang katahimikan ng mansyon ay mas nakakabingi pa kaysa sa kanyang mga sigaw.Lumabas ako ng kwarto. Walang humarang sa akin, pero ramdam ko ang mga mata ng mga CCTV camera na sumusunod sa bawat galaw ko. Pababa ng hagdan, nakita ko si Manang Selya, ang matandang mayordoma na nag-aayos ng mga bulaklak sa living room.“Manang,” tawag ko. Lumapit ako sa kanya, ang boses ko ay puno ng pagbabakasali. “Bakit ganito na lang ang galit ni Sebastian? Hindi lang ito tungkol sa pera, ‘di ba? Hindi lang utang ang dahilan kung bakit niya ako binili.”Napatigil si Manang Selya. Tumingin siya sa paligid bago huminga nang malalim. “Hija, mas mabuting huwag mo nang alamin. Masakit an

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 2: The Cold Welcome

    Clara Santos POVMadilim na nang huminto ang limousine sa tapat ng isang dambuhalang gate. Matapos ang ilang minutong paglalakbay sa gitna ng masukal na kagubatan, bumungad sa harap ko ang isang modernong mansyon. Gawa ito sa glass at black stone. Maganda, oo, pero mukhang walang buhay.Eksakto sa akin. Isang magandang bangkay sa loob ng isang mamahaling kabaong.“Baba,” maikling utos ni Sebastian.Hindi ako kumilos. Nakatitig lang ako sa labas, nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa kandungan ko. Bago pa ako makahinga nang malalim, bumukas ang pinto sa gilid ko. Mariin akong hinila ni Sebastian palabas.“I said, get out,” pag-uulit niya. Walang bakas ng pasensya sa kanyang boses.Dinala niya ako sa loob. Sinalubong kami ng tatlong katulong na nakasuot ng uniporme. Nakayuko silang lahat, tila takot na tumingin sa mga mata ng kanilang amo.“Sir Sebastian, handa na po ang silid,” sabi ng isang matandang babae, ang mayordoma marahil.Tumingin si Sebastian sa akin, mula ulo hanggang p

  • Sold To The Ruthless Billionaire   CHAPTER 1: The Auctioned Daughter

    Clara Santos POV“Clara, patawarin mo ako. Wala na tayong ibang paraan.”Iyon ang mga salitang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Tatlong itim na SUV ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Mukha silang mga kabaong na naghihintay na lamunin ako nang buo.Hinarap ko si Papa. Basang-basa ang mukha niya ng luha. Ang matapang at kagalang-galang na lalaking nagpalaki sa akin ay mukhang basang sisiw na nanginginig sa takot ngayon.“Binenta mo ba talaga ako, Pa?” mahina kong tanong. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.“H-hindi ganoon iyon, anak. Si Sebastian Vergel... siya lang ang makakasalba sa atin sa utang. Siya lang ang makakapigil sa kasong isasampa laban sa akin.”Sebastian Vergel.Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang iyon? He is the 'Ruthless King of Real Estate.' Usap-usapan sa business world na wala siyang awa. Isang pating na handang lumamon ng kahit sino. At ngayon, ako ang nagsisilbing pambayad sa kasalanan ng p

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status