로그인Clara Santos POV
Nagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat. Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy. Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito. “Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.” Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng maupo na lang dito at maghintay kung kailan niya ulit ako gustong gamitin. Kailangan kong makausap si Papa. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya o kung totoo ba ang mga sinasabi ni Sebastian tungkol sa ebidensya. Sinubukan kong buksan ang pinto. Tama siya—naka-lock ito mula sa labas. Pero nakalimutan niya ang isang bagay. Ang suite na ito ay may connecting door sa isang walk-in closet na luma na, na may isa pang pinto patungo sa kabilang hallway na bihira nang daanan. Dahan-dahan akong pumasok sa closet. Puno ito ng mga coat ni Sebastian. Hinawi ko ang mga damit hanggang sa makita ko ang maliit na pinto. Sa kabutihang palad, hindi ito naka-lock. Marahil ay hindi na nila ito pinapansin dahil akala nila ay sapat na ang mga guards sa main door. Lumabas ako sa hallway. Madilim ang bahaging ito ng mansyon. Walang bintana at tila hindi na nalilinis. Malayo ito sa moderno at makinang na disenyo ng ibang bahagi ng bahay. Habang naglalakad ako, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Bawat yabag ko sa lumang carpet ay tila sumisigaw ng babala. “Papa, kailangan ko lang ng telepono,” bulong ko sa sarili ko. Narating ko ang dulo ng hallway. May isang pintong gawa sa mabigat na kahoy. Hindi ito tulad ng ibang pinto na high-tech. Ito ay luma, may mga ukit na tila mga baging ng rosas. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naramdaman ko ang kakaibang hatak mula sa loob. Parang may bumubulong sa akin na pumasok ako. Pinihit ko ang door knob. May langitngit itong lumikha, sapat para patayuin ang balahibo ko. Pagpasok ko, ang amoy ng luma at tuyong pintura ang sumalubong sa akin. Hindi ito kwarto para sa bisita at hindi rin ito opisina. Isa itong art studio. May mga canvases na nakasandal sa pader, lahat ay nakatakip ng puting tela. May mga brushes at tubes ng pintura na tuyo na sa sahig. Sa gitna ng kwarto, may isang malaking easel. Nakatakip din ito ng tela, pero kakaiba ang dating nito—tila ito ang sentro ng buong silid. Nilapitan ko ito. Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang dulo ng tela. Sa isip ko, baka ito ang portrait ni Diana, ang kapatid niyang pumanaw. Baka dito niya itinatago ang kanyang pangungulila. Huminga ako nang malalim at mabilis na hinila ang tela. Napako ako sa kinatatayuan ko. Ang paghinga ko ay tila tumigil. Hindi si Diana ang nasa painting. Ako. Ito ay isang portrait ko—isang mas batang bersyon ko. Marahil ay noong labing-walong taong gulang pa lang ako. Nakasuot ako ng simpleng puting bestida, nakaupo sa ilalim ng isang puno ng narra, at nakatingala sa langit habang nakangiti. Ang bawat detalye ay perpekto. Ang kurba ng aking labi, ang kislap sa aking mga mata, pati na ang maliit na nunal sa malapit sa aking tenga. Hindi ito basta painting. Ito ay gawa ng isang taong matagal akong pinagmasdan. Isang taong kilala ang bawat anggulo ng mukha ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Paano? Paano nagkaroon si Sebastian Vergel ng painting ko na ipininta maraming taon na ang nakalilipas? Ang sabi niya ay kinamumuhian niya ako dahil sa tatay ko. Ang sabi niya ay bahagi lang ako ng kanyang paghihiganti. Pero ang painting na ito... hindi ito gawa ng galit. Ang bawat haplos ng brush sa canvas ay may halong paghanga, o marahil ay isang bagay na mas malalim pa. “What are you doing here?!” Isang kulog na boses ang bumungad mula sa pinto. Napatalon ako sa gulat at agad na napaharap kay Sebastian. Nakatayo siya doon, gusot ang buhok, at ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit—isang galit na hinaluan ng takot na tila may natuklasan akong hindi ko dapat makita. “S-Sebastian...” ang tanging lumabas sa bibig ko. Mabilis siyang lumapit sa akin. Hinablot niya ang tela at muling tinakpan ang painting, pero huli na ang lahat. Nakita ko na ang katotohanang pilit niyang itinatago sa ilalim ng kanyang Ruthless CEO persona. “Sino ang nagpinta nito?” matapang kong tanong, kahit na nanginginig ang buong katawan ko. “Bakit may painting ka sa akin, Sebastian? Hindi ba't sabi mo ay ngayon mo lang ako nakita nang bilhin mo ako mula kay Papa?” Hindi siya sumagot. Sa halip, hinawakan niya ako sa braso nang mahigpit. “You should have stayed in your room, Clara. Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo sa pagbukas ng pintong ito.” “Sagutin mo ako!” sigaw ko. “Kailan mo pa ako kilala? Is this all a lie? Ang paghihiganti mo... ang utang ni Papa... lahat ba ito ay plano mo para makuha ako?” Tinitigan niya ako nang matagal. Ang kanyang panga ay gumagalaw, pilit na pinipigilan ang anumang emosyong gustong kumawala. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, sapat para maramdaman ko ang lamig ng kanyang boses. “You want the truth, Clara? Yes, I’ve known you for a long time. At ang painting na ‘yan? ‘Yan ang paalala sa akin kung gaano mo ako winasak bago mo pa man nalaman ang pangalan ko.”Clara Santos POVAng mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”“Shut up!”Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug
Clara Santos POVNagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat.Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy.Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito.“Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.”Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng mau
Clara Santos POVIsang itim na backless gown ang nakalatag sa kama ko. Kasama nito ang isang set ng mga dyamante na tila mas mabigat pa sa kadenang nakagapos sa puso ko. Inutusan ako ni Sebastian na mag-ayos. Ngayong gabi ang charity gala ng Vergel Foundation. Ang gabi kung saan kailangan naming i-flex sa mundo ang aming "masayang" pagsasama.Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng nasa harap ko. Ang dating masayahing Clara ay napalitan ng isang maputlang anino na balot ng karangyaan.Pumasok si Sebastian sa kwarto. Nakasuot siya ng tuxedo na lalong nagpadagdag sa kanyang nakakatakot na karisma. Tumayo siya sa likuran ko at pinanood ako sa pamamagitan ng salamin.“Wear the diamonds, Clara. Ayaw kong isipin ng mga tao na pinapabayaan ko ang asawa ko,” malamig niyang utos.Isinuot niya sa akin ang kwintas. Ang lamig ng metal sa balat ko ay naghatid ng matinding kilabot. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko. “Smile later. If I see even a hin
Clara Santos POVHindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas ng pinto ay tila babala na babalik si Sebastian para tapusin ang sinimulan niya kagabi. Pero hindi siya bumalik. Pagkatapos niyang iparamdam ang control niya sa akin, iniwan niya akong nanginginig at lito sa gitna ng malawak na kama.Kinabukasan, ang katahimikan ng mansyon ay mas nakakabingi pa kaysa sa kanyang mga sigaw.Lumabas ako ng kwarto. Walang humarang sa akin, pero ramdam ko ang mga mata ng mga CCTV camera na sumusunod sa bawat galaw ko. Pababa ng hagdan, nakita ko si Manang Selya, ang matandang mayordoma na nag-aayos ng mga bulaklak sa living room.“Manang,” tawag ko. Lumapit ako sa kanya, ang boses ko ay puno ng pagbabakasali. “Bakit ganito na lang ang galit ni Sebastian? Hindi lang ito tungkol sa pera, ‘di ba? Hindi lang utang ang dahilan kung bakit niya ako binili.”Napatigil si Manang Selya. Tumingin siya sa paligid bago huminga nang malalim. “Hija, mas mabuting huwag mo nang alamin. Masakit an
Clara Santos POVMadilim na nang huminto ang limousine sa tapat ng isang dambuhalang gate. Matapos ang ilang minutong paglalakbay sa gitna ng masukal na kagubatan, bumungad sa harap ko ang isang modernong mansyon. Gawa ito sa glass at black stone. Maganda, oo, pero mukhang walang buhay.Eksakto sa akin. Isang magandang bangkay sa loob ng isang mamahaling kabaong.“Baba,” maikling utos ni Sebastian.Hindi ako kumilos. Nakatitig lang ako sa labas, nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa kandungan ko. Bago pa ako makahinga nang malalim, bumukas ang pinto sa gilid ko. Mariin akong hinila ni Sebastian palabas.“I said, get out,” pag-uulit niya. Walang bakas ng pasensya sa kanyang boses.Dinala niya ako sa loob. Sinalubong kami ng tatlong katulong na nakasuot ng uniporme. Nakayuko silang lahat, tila takot na tumingin sa mga mata ng kanilang amo.“Sir Sebastian, handa na po ang silid,” sabi ng isang matandang babae, ang mayordoma marahil.Tumingin si Sebastian sa akin, mula ulo hanggang p
Clara Santos POV“Clara, patawarin mo ako. Wala na tayong ibang paraan.”Iyon ang mga salitang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Tatlong itim na SUV ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Mukha silang mga kabaong na naghihintay na lamunin ako nang buo.Hinarap ko si Papa. Basang-basa ang mukha niya ng luha. Ang matapang at kagalang-galang na lalaking nagpalaki sa akin ay mukhang basang sisiw na nanginginig sa takot ngayon.“Binenta mo ba talaga ako, Pa?” mahina kong tanong. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.“H-hindi ganoon iyon, anak. Si Sebastian Vergel... siya lang ang makakasalba sa atin sa utang. Siya lang ang makakapigil sa kasong isasampa laban sa akin.”Sebastian Vergel.Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang iyon? He is the 'Ruthless King of Real Estate.' Usap-usapan sa business world na wala siyang awa. Isang pating na handang lumamon ng kahit sino. At ngayon, ako ang nagsisilbing pambayad sa kasalanan ng p







