LOGINClara Santos POV “Ayusin mo ang mukha mo, Clara. You look like you’re going to a funeral,” bungad sa akin ni Sebastian pagpasok niya sa kwarto. Nakatitig lang ako sa salamin habang kinakabit ng stylist yung huling hikaw ko. Suot ko yung champagne gold gown na pinili niya kanina. Maganda ako, oo. Pero yung pakiramdam na parang decoration lang ako sa sala, hindi nawawala. “Kailangan ba talaga ‘to?” tanong ko habang tumatayo. Medyo sumasakit na yung likod ko sa bigat ng gown at sa sikip ng corset. “Mr. Arnaiz is my biggest investor. He’s old school. Gusto niya ng business partners na ‘stable’ ang family life. So tonight, you’re the loving wife. Isang mali mong galaw, Clara, alam mo kung anong mangyayari sa tatay mo.” Hindi na ako sumagot. Hinawakan niya ang siko ko at hinila ako palabas. Pagdating namin sa dining hall, nandoon na si Mr. Arnaiz. Akala ko matandang masungit, pero mukhang nasa late 30s lang siya, matangkad, at mukhang mabait—malayo sa aura ni Sebastian na parang l
Clara Santos POV Tanghali na nang magising ako. Wala naman kasing dahilan para bumangon nang maaga. Walang pasok, walang trabaho, walang pwedeng kausapin. Nakatitig lang ako sa bintana. Mula rito, kitang-kita ko ang gate ng mansyon. Bukas-sara ito sa mga sasakyang labas-pasok, pero hanggang tingin lang ako. Labas-pasok ang lahat, maliban sa akin. Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako na walang respeto sa privacy ang mga tao rito. Pumasok si Manang Selya, kasunod ang tatlong babaeng hindi pamilyar sa akin. May dala silang mahahabang rack ng damit na halos pumuno sa kalahati ng kwarto. May mga bitbit din silang malalaking kahon na may tatak ng mga sikat na brand—Gucci, Dior, Chanel. Yung mga brand na sa magazine ko lang nakikita. “Ma’am Clara, sila po ang styling team na pinadala ni Sir Sebastian,” sabi ni Manang nang hindi tumitingin sa mata ko. “Kailangan niyo raw po mag-fit para sa Gala.” Gala. Oo nga pala. Yung event kung saan ipap
Clara Santos POV Pagkaalis ni Sebastian, naiwan akong mag-isa sa gitna ng katahimikan na nakakabingi. Ang tunog ng pagsara ng pinto—’yung malakas na tunog ng pagsara—ay tila naging hudyat na wala na talaga akong takas. Pero sa kabila ng takot, may ibang bagay na mas gumugulo sa isip ko. Zurich, Switzerland. Alam ko na. Narinig ko na sa library noong isang gabi na siya ang nagbabayad sa ospital ni Papa at may itinatago siyang babae roon. Sinubukan kong ubusin ang steak na iniwan niya. Kahit bawat lunok ko ay parang may bumabara sa lalamunan ko, pinilit ko pa rin. Kailangan ko ng lakas. Kung gusto ni Sebastian na gawin akong laruan, kailangan kong maging matalinong laruan. Lumipas ang ilang oras. Siguro ay maghahatinggabi na nang muling bumukas ang pinto. Akala ko katulong na ang papasok para kunin ang tray, pero si Sebastian uli ang bumungad. Wala na siyang suot na vest at suit. Nakasuot na lang siya ng puting t-shirt na medyo hapit sa katawan niya at cotton pants. Mukhang p
Clara Santos POV May sariling tunog pala ang katahimikan. Sa loob ng tatlong araw na nakakulong ako sa kwartong ito, iyon ang natuklasan ko. Hindi siya zero sound. Maririnig mo ang mahinang ugong ng aircon, ang pag-atras-sulong ng pag-ikot ng liwanag at dilim sa dingding habang lumilipas ang oras, at ang sarili mong paghinga na habang tumatagal, parang lalong bumibigat. Ito na siguro ang impiyernong sinasabi ni Sebastian. Hindi kailangang saktan ang katawan mo pero sapat na ang burahin ang pagkatao mo sa pamamagitan ng pag-iisa. Noong unang araw, nagwala ako. Pinagbabayo ko ang pinto hanggang sa mamaga ang mga kamao ko. Sumigaw ako hanggang sa mawalan ako ng boses. Pero walang sumasagot. Ang mga katulong na nagdadala ng pagkain, parang mga robot. Papasok sila, ilalapag ang tray, tapos lalabas nang hindi man lang tumitingin sa akin. Bawal silang magsalita. Bawal nila akong pansinin. Para akong multo na pilit nilang hindi nakikita. Gabi na ng ikatlong araw. Nakaupo lang ako sa
Clara Santos POVAng mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”“Shut up!”Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug
Clara Santos POVNagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat.Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy.Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito.“Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.”Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng mau







