Share

Chapter Eight

Olivia

Unti-unti nang napupunan ang mga upuan na inihanda nila para sa mga bisita. Marahil ay iilan na lang ang hinihintay at magsisimula na rin ang party. Pinili kong manatili na lamang muna sa loob dahil iniiwasan ko si Daddy.

Hindi pa kasi ako handang harapin siya. Pakiramdam ko kasi ay para akong babagsak sa tuwing nagkaka-tinginan kami. Para siyang kryptonite na hinihigop ang lahat ng lakas ko.

“Olivia,” sambit ng nasa bandang likod ko. Kaagad ko itong nilingon at tumambad sa akin si Matthew na tila pawis na pawis at mukhang hinihingal.

“Bakit ngayon ka lang? At tsaka saan ka galing at gan’yan ang hitsura mo? Nakipag-habulan ka ba sa aso?” magkasalubong ang kilay na tanong ko habang nakatuon ang tingin sa kaniya.

Nagbuntong hininga siya at huminga ng malalim bago magsalita at sumagot sa akin.

“May inasikaso pa kasi ako bago ‘ko makapunta dito. Akala ko nga ay hindi na a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status