Share

Chapter Nine

Olivia

Natigil ang mga bulungan nang magsalita ang MC para sa party ni Daddy Richard. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya. Kami naman ni Matthew ay magkasamang nakaupo sa gilid malapit sa stage.

"Magandang hapon po sa ating lahat! Kamusta po kayo?" pagbati ng MC na nasa mini stage.

Narinig kong sabay-sabay na sumagot ang mga bisita. Hanggang ilang sandali pa ay nagsimula na sa pagdarasal at sinundan ng pagpapakilala sa birthday celebrant. Pagkatapos din no'n ay umakyat na sa mini stage si Daddy Richard. Magara ang suot. Naka-toxedo at nakangiting kinawayan ang ilang daang bisita niya.

Kagaya ng MC ay sinimulan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng pagbati at sinundan ng pasasalamat sa lahat ng dumalo. Habang nakikipag-kwentuhan sa mga bisita niya habang hawak-hawak ang mikropono, nakita kong napabaling ang tingin niya sa lamesang kinaroroonan namin.

Nakita kong sandaling natigilan siya. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi kami magkasama sa lamesa ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status