Olivia
Nang magising ako ay kaagad akong bumangon upang tignan ang sarili ko sa salamin. Namumugtong mga mata ang bumungad sa akin na siya namang ikina-lungkot ko na naman.
Akala ko'y panaginip lang ang lahat ngunit totoo ngang nangyari iyon at ang namumugto kong mga mata ang siyang patunay. Hindi ko lubos akalain na ang lalaking ni minsan ay hindi ko pinag-isipan na gagawa'n ako ng masama ay siya palang maglalagay sa akin sa isang sitwasyong ni minsan ay hindi ko hiniling.
I was once a daddy's girl dahil lumaki ako na kami lang dalawa ang magkasama sa buhay. Pumanaw kasi si Mama no'ng pinanganak niya ako dahil mas pinili niyang mabuhay ako at isakripisyo ang sarili niyang buhay para lang iligtas ako sa sinapupunan niya.
Alam ko na kahit magkasama kami ni Daddy ay hindi pa rin buo kaya't iyon ang nagdala sa kaniya sa adiksiyon sa pagsusugal na siyang nagdala sa akin sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Ako ang ginawang pambayad-utang ni Daddy at hindi lang 'yon dahil pinilit nila akong magpakasal sa isang taong hindi ko naman kilala. Wala na akong nagawa. Napilitan na akong pumayag dahil sa labis na pagmamahal ko kay Daddy.
Ayokong makulong siya kaya't pinili kong magdusa kasama ang lalaking ni hindi ko alam ang pangalan.
Kasabay ng malalim kong pagbuntong hininga ang panlalambot ng mga tuhod ko. Unti-unti na akong napapaluhod sa kinatatayuan ko habang tinatanong ang aking sarili kung bakit hinayaan ng Diyos na umabot ako sa ganito.
Habang tinatanong ang aking sarili ay nagulat ako dahil sa bumukas na pintong halos humampas na sa pader dahil sa lakas ng pagkakabukas nito. Napatingin ako sa gawing pintuan at kitang-kita ko ang nakaka-iritang mukha ng lalaking pinakasalan ko.
Pagpasok niya ay inihiga niya ang kaniyang sarili sa kama habang ako nama'y nakaupo na sa sahig. Tinitignan lamang siya. Hindi kaya niya alam na nandito rin ako sa loob? Diretso ang kanyang higa habang ang magkabila niyang palad ay nasa ilalim ng kaniyang ulo at nakatuon ang tingin sa kisame.
Ilang minuto rin akong nanatili sa sahig habang tinitignan siya. Ilang sandali pa'y pumihit siya patungo sa direksiyon kung saan ako kasalukuyang nakaupo at talaga namang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako.
Napabangon siyang bigla at pagkatapos ay sinamaan ako ng tingin. Dinuro-duro niya pa ako gamit ang kaniyang kaliwang hintuturo habang nagsasalita ng pasigaw.
"Anong ginagawa mo rito, ha? Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na pumasok sa kwarto ko?" sambit niya at pagkatapos ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.
Hinila niya ako hanggang makatayo ako sabay kaladkad niya sa akin palabas sa silid na iyon. Ni hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa itulak niya ako palabas. Dinuro niya akong muli bago muling magsalita.
"Ayokong makikita kita dito, ha? Hindi porket kinasal tayo ay may karapatan ka nang pumasok dito. Kwarto ko 'to. Wala kang karapatan dito."
Nagbuntong hininga ako't magsasalita na sana nang bigla akong makarinig ng isang pamilyar na boses. Kaagad kong nilingon ang direksiyon kung saan ko narinig ang boses at tumambad sa akin si Uncle Richard na matalik na kaibigan ni Daddy. Nakatayo siya't nakatingin sa amin.
"Anong nangyayari dito, Lloyd?" tanong niya habang nakatuon ang tingin sa kaniyang anak.
So, Lloyd pala ang pangalan nang lokong 'to. Habang nakatingin ako sa kaniya'y patuloy pa rin ako sa pagbubuntong hininga ko. Ilang sandali pa' y nagsalita siya upang sagutin ang Ama.
"Iyang babaeng 'yan kasi. Basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ko." Pasogai na sambit niya habang nakatingin sa direksiyon ng Ama.
"Bakit hindi? Hindi ba't kasal na kayo? So technically, mag-asawa na kayo so, anong problema do'n?"
"Daddy naman! Pinilit niyo na nga akong pakasalan 'tong babaeng 'to tapos ngayon gusto niyo pa na magsama kami sa iisang kwarto? Are you out of your mind, Dad?"
"That is your consequence sa hindi mo pagsunod sa akin. Mamili ka! Magsasama kayo sa iisang kwarto o aalis ka?"
Napapalunok ako habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para bang kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag.
Nakita ko na napakamot sa kaniyang ulo si Lloyd bago siya muling sumagot sa tinatanong ng kaniyang Ama.
"Hanggang kailan niyo ba ako paparusahan, ha? Hanggang kailan niyo ba ipapamukha sa akin kung ga'no ako ka-walang kwentang anak?" tumigil siya sa pagsasalita sandali at nagbuntong hininga bago muling nagpatuloy sa kaniyang sinasabi. "Fine! If you really want me to be with her, papayag na akong magsama kami sa iisang kwarto. Pero h'wag na kayong umasa na itatrato ko siya bilang asawa dahil kahit kailan ay hindi mangyayari 'yon."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na siya sa kaniyang kwarto at isinarado ng malakas ang pinto. Nanatili akong nakatayo sa harap no'n at pagtapos ng ilang sandali at tinapunan ko ng tingin si Uncle Richard na para bang tinatanong siya gamit ang aking isip kung ano na bang gagawin ko.
"Halika rito, Olivia! Sumunod ka sa akin." Sambit niya sabay tango sa akin at pagkatapos ay bumaba sa unang palabag ng bahay.
Malaki kasi itong bahay nila at nasa second floor pa ang mga kwarto. Doble rin ang laki nito kumpara sa bahay namin kaya't alam kong napaka-yaman talaga ni Uncle Richard.
Nagbuntong hininga muna ako bago siya sundan pababa. Hinanap ko pa siya dahil hindi ko na siya makita pagbaba ko. Inikot ko ang aking mata hanggang sa matagpuan ko siya sa bandang labas ng bahay nila.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya hanggang sa mapansin niya na ako. Nang makita niya ako'y binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na ibinalik ko rin naman sa kaniya at pagkatapos ay nagbuntong hininga.
"Ayos ka lang?" malumanay ang boses na tanong niya sa akin.
Tumango naman ako bilang tugon.
"Pagpasensiyahan mo na lang 'yong anak ko na 'yon, ha? Gano'n lang talaga ang ugali niya pero mabait naman 'yon. Magkakasundo rin kayo."
"Darating pa po kaya 'yung araw na 'yon, Uncle? Kasi kapag tinitignan ko po siya, mukhang wala sa bokabularyo niya ang pagiging mabait. Hindi na rin po ako aasa na magkakasundo kami dahil ugali pa lang po naman ay hindi na compatible." Sambit ko at pagkatapos ay nagbuntong hininga.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi na ako nagsalita pa. Sandali akong tinignan ni Uncle Richard at inimbitahan pa akong magkape para daw kahit papaano'y gumaan ang loob ko.
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano