Olivia
Napabalikwas ako sa aking higaan ng makaramdam ako ng isang malamig na hangin na humaplos sa aking balat kaya't napaupo na lamang ako dahil do'n. Idagdag pa ang isang bangungot na bumisita sa aking panaginip.
Maging sa panaginip ko ba naman ay ayaw akong tigilan ni Lloyd! Pati do'n ay bangungot pa rin ang binibigay niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa kama.
Hindi sinasadyang inikot ko ang aking mata sa paligid at hindi ko natagpuan ang dapat sana'y sisira sa umaga ko. Kaya't kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na ba. Laking-gulat ko na lamang ng makita ko na alas-otso na pala ng umaga.
Oo nga pala. Simula nga pala ngayon ay hindi ko na kailangang gumising ng maaga dahil naka-graduate na nga pala ako ng college. Nasanay kasi ako na maaga palaging nagigising dahil sa sobrang aga ng klase ko. Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay ng paglu
OliviaGabi pa lamang ay nagsimula na sa paghahanda ang ilang tauhan ni Daddy Richard para sa darating niyang kaarawan. Dalawang araw pa naman iyon mula ngayon ngunit nagtataka talaga ako kung bakit ngayon pa lang ay nagsisimula na sila sa pagpaplano. May mga iilang tao siyang pinadala dito sa bahay para planohin ang lahat. Kaya’t labis na lamang ang pagiging abala nila.May planner na may hawak na papel at ballpen ang nag-iikot sa parte ng kanilang bahay upang tignan kung ano nga bang magandang theme ang maaari nilang gawin para sa nasabing selebrasyon. Habang nasa second floor ako ay pinapanood ko lamang sila sa paghahanda hanggang sa narinig kong sinitsitan ako ni Daddy Richard mula sa baba.Kaagad ko naman itong tinapunan ng tingin at pagkatapos ay bumaba na rin para puntahan siya. Pagkababa ko ay lumapit na ako kaagad sa kaniya upang magtanong kung bakit. Hinawakan niya ako sa balikat bago siya sumagot.“Alam mo,
OliviaUnti-unti nang napupunan ang mga upuan na inihanda nila para sa mga bisita. Marahil ay iilan na lang ang hinihintay at magsisimula na rin ang party. Pinili kong manatili na lamang muna sa loob dahil iniiwasan ko si Daddy.Hindi pa kasi ako handang harapin siya. Pakiramdam ko kasi ay para akong babagsak sa tuwing nagkaka-tinginan kami. Para siyang kryptonite na hinihigop ang lahat ng lakas ko.“Olivia,” sambit ng nasa bandang likod ko. Kaagad ko itong nilingon at tumambad sa akin si Matthew na tila pawis na pawis at mukhang hinihingal.“Bakit ngayon ka lang? At tsaka saan ka galing at gan’yan ang hitsura mo? Nakipag-habulan ka ba sa aso?” magkasalubong ang kilay na tanong ko habang nakatuon ang tingin sa kaniya.Nagbuntong hininga siya at huminga ng malalim bago magsalita at sumagot sa akin.“May inasikaso pa kasi ako bago ‘ko makapunta dito. Akala ko nga ay hindi na a
OliviaNatigil ang mga bulungan nang magsalita ang MC para sa party ni Daddy Richard. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya. Kami naman ni Matthew ay magkasamang nakaupo sa gilid malapit sa stage."Magandang hapon po sa ating lahat! Kamusta po kayo?" pagbati ng MC na nasa mini stage.Narinig kong sabay-sabay na sumagot ang mga bisita. Hanggang ilang sandali pa ay nagsimula na sa pagdarasal at sinundan ng pagpapakilala sa birthday celebrant. Pagkatapos din no'n ay umakyat na sa mini stage si Daddy Richard. Magara ang suot. Naka-toxedo at nakangiting kinawayan ang ilang daang bisita niya.Kagaya ng MC ay sinimulan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng pagbati at sinundan ng pasasalamat sa lahat ng dumalo. Habang nakikipag-kwentuhan sa mga bisita niya habang hawak-hawak ang mikropono, nakita kong napabaling ang tingin niya sa lamesang kinaroroonan namin.Nakita kong sandaling natigilan siya. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi kami magkasama sa lamesa ng
OliviaLumipas ang birthday ni Daddy Richard na hindi ko man lang nasilayan ang matamis na ngiti niya na dapat sana’y higit pa sa ngiti niya, ilang araw bago ang kaniyang kaarawan. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pinakamasayang araw niya.Hindi ko tuloy mapigilang makonsiyensiya dahil sa malaking gulong naganap kahapon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Iyon ang unang beses na nakita kong nagalit si Daddy Richard dahil sa tuwing magkikita kami noon ay lagi siyang nakangiti.Bumangon ako at naupo muna sa kama bago ako magbuntong hininga ng malalim. Buti na lang at hindi dito natulog si Lloyd kaya’t hindi ko na kailangang makipag-away pa sa pwestong hindi pa namin napagkakasunduan. Ewan ko ba do’n sa lalaking ‘yon. Ayaw niyang iparaya sa akin ang kama na dapat sana’y ginawa niya, kaso hindi, ‘e.Bakit kasi ang l
Lloyd“Hanggang kailan ako maghihintay sa pinangako mong magsasama na tayo, ha? Pagod na pagod na akong maghintay, Lloyd!” pagmamaktol na sambit ni Francheska habang magkasalubong ang dalawa nitong kilay.Nagbuntong hininga ako habang napapailing na walang tigil na nagpaikot-ikot sa maliit na silid niya. Naiinis na ako, ha? Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya maka-intindi, o sadyang wala lang siyang pakialam.“Ano, Lloyd? Ganito na lang ba tayo palagi? Nagtatago? Nagnanakaw at nanghihiram ng sandali? Pagod na pagod na akong maghintay na tuparin mo ‘yung mga pangako mo sa akin.” Dagdag pa niya na nakapagdagdag sa init ng ulo ko.Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama habang ako naman ay nasa bandang bintana na. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pagkatapos ay inilagay ko ang aking mga kamay sa ilalim ng aking mga braso.“Hindi ba’t sabi k
LloydNagmamadali tuloy akong umalis sa apartment ni Francheska dahil sinabotahe ako ng alarm ko. Ni hndi na nga ako nakapag-paalam pa sa kaniya dahil do’n. Nag-book pa ako ng grab para lang makarating sa restaurant na sinabi sa akin ni Daddy.Nang marating ko ang nasabing restaurant, napansin ko na thirty minutes na rin pala akong late kaya nilakihan ko na lang ang hakbang dahil alam kong kagagalitan na naman ako ni Daddy. Sa sobrang pagmamadali ko nga ay nabangga ko pa ang service crew na may hawak-hawak na tray na naglalaman ng mga platong pinagkainan.Nag-cause pa ito ng dagdag na delay sa akin dahil naglaglagan ang mga pinggan sa aking harapan at hindi lang iyon. Lahat rin ng pinggan na nahulog ay nabasag.“Matagal pa ba ‘yan? Hindi mo baa lam kung gaano karaming oras ko na ang sinayang mo?” sigaw ko habang nakatungo at nakatingin sa service crew na pilit inilalagay sa tray ang mga nabasag na pinggan.
OliviaNasa sasakyan pa lang ay iniisip ko na kung anong gagawin ko pagkauwi ng bahay. Ibang-iba na kasi ang buhay ko ngayon sa buhay na nakasanayan ko. Basta maraming nagbago.Tulad na lang sa paglalaba. Kung dati, ako pa ang naglalaba ng underwear ko, ngayon ay hindi na nila ako hinahayaang gawin iyon. Maging sa paglilinis at iba pang magagaan na trabaho ay hindi rin nila ako hinahayaang gawin iyon.Wala na tuloy akong ibang ginawa kung hindi ang humiga, tumayo, maglakad, maupo at kung ano-ano pang pwede kong mapaglibangan. Ultimo nga ang bilangin ang mga bulaklak na nasa garden ay ginawa ko na, 'e para lang ubusin ang oras ko.Pero kahit ganito na ang buhay ko, sobrang namimiss ko na ang buhay ko noon. Lalong-lalo na si Daddy. Kahit naman kasi malaki ang nagawa niyang kasalanan, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kaniya.Kamusta na kaya si Daddy ngayon? Wala na kasi akong ibang ginawa kung hindi ang takasan siya. Ewan ko ba. Pero pakira
Olivia“Alam mo, Matthew? Kanina pa ako naguguluhan sa ikinikilos mo. Ano bang problema? Ano ba talagang dahilan kung bakit pilit mo akong inilalayo sa library na iyon?” pang-uusyosong tanong ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.Nagbuntong hininga siya ng malalim bago tumingin-tingin sa paligid at sagutin ang tinatanong ko.“Iniiwas lang kita sa gulo, Olivia.” Matipid na sagot niya.Lalo naman akong naguluhan dahil sa sagot niyang iyon kaya’t lalong napasalubong ang dalawa kong kilay habgn diresto ang tingin sa kaniya.“Anong ibig mong sabihin?”“Ayokong makita ka ni Kuyang nandoon dahil hindi ko alam kung anong maaari niyang gawin sa iyo.”“Bakit? Ano bang mayroon sa kwartong iyon, bukod sa mga libro at iba pang gamit na maaari niyang ikagalit?”“Marami. Ang kwartong iyon ay lubhang mahalaga kay Kuya Lloyd. Nandoon lahat