"Ate!" Agad akong dinaluhan ng aking mga kapatid nang bigla akong manghina at halos bumagsak ang aking katawan sa sahig. Ang pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila. Nanghihina ako. Nanlalata. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Sa sinabi ng mga kapatid ko. "Kumuha ka ng tubig!" "Huwag mong harangan ang electricfan!" Napatulala ako. Naiiyak. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. "Ate, uminom ka muna." Binuka ko nang kaunti ang aking bibig at uminom ng kaunting tubig. Ang iba sa mga kapatid ko ay pinipisil-pisil ang aking mga braso at daliri. Tinutulungan nila akong kumalma. Lumipas ang ilang mga minuto, naging maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko. Baka nag-over react lang ako. Baka nag-bingo lang si Nanay. Baka may lamay doon at ngayon lang naman. Huminga ako nang malalim. Pero hindi pa din maganda ang ginagawa niya. Sana man lang iniwanan niya ang mga kapatid ko ng makakain. Buti sana kung malalaki na sila. Nang mabawi ko ang aking lakas nagpunta ako ng kusina
Ilang araw na ang lumipas mula nang magpunta ako sa mansyon ng mga Antonio. Ilang araw na din na hindi kami nagkita ni Darius. Ilang araw na din mula nang magpalit ako ng number, para iwasan siya kung sakali man at para na din hindi ako makontak nina nanay. Am I stress free? I can't tell. Nakakapanlata ang bumangon kada araw para maghanap buhay pero ganunpaman, kailangang lumaban. Napag-isip-isip ko na sumubok din sa negosyo. Iyong malayo sa linya ng business ni Camila dahil wala naman akong plano na kalabanin siya. Hindi ko pa naman ngayon sisimulan, dahil wala naman akong pang-capital. Nasimot na talaga ang savings ko. Ayaw ko namang ibenta pati ang sasakyan ko dahil magtataka na talaga sina Amanda at Camila. "Bakit mo binebenta ang mga gamit mo?" tanong ni Camila. Malalaman at malalaman talaga niya ang ginawa ko lalo at friends kami sa mga social media account namin. "Naisipan ko lang na mangolekta ng iba.""Sure ka? Hindi ka naman ba gipit? Iyong totoo?" Malakas talaga ang pa
"Ako na po ang bahala dito, 'Tay..." Alas-singko ng umaga, kailangan nang umuwi ni Tatay sa bahay, upang mag-asikaso para sa kaniyang pagpasok sa trabaho. "Pakibilinan na lang po si Onad na asikasuhin ang mga bata doon. Baka kasi pabayaan. Baka makikipaglampungan lang na naman sa nobya niya maghapon," hindi ko maiwasang maging masungit. Nalaman ko na ilang araw na daw itong hindi pumapasok sa eskwelahan. Kung hindi lang ako kailangan ng kapatid ko dito, uuwi ako doon para kaladkarin siya papasok ng eskwelahan. Kung ayaw niyang mag-aral, mas maigi pa na lumayas na sila ng bahay. Buhayin niya ang kaniyang nobya, hindi iyong uunahin ang pakikipaglandian kaysa ang pag-aaral. Malandi naman ako, pero alam ko namang ilugar iyon. Hindi gaya na lalandi pero aasa pa din sa akin at kay Tatay. Imbes na ginagabayan at dinidisiplina kasi siya ni Nanay, hindi. Mas abala ito sa pagsusugal, kaysa gampanan ang pagiging ina sa mga kapatid ko at pagiging mabuting asawa kay Tatay. Ang bigat ng paki
"Hello, Darius. Napatawag ka?"Pasimple siyang tumingin sa akin. Si Amanda naman ay hindi na inalis ang mga mata sa akin, kaya pinilit kong umakto na tila wala lang, kahit na ang totoo ay napakabilis ng kalabog ng aking dibdib. ."Wala siya sa shop ngayon..." Tumikhim si Camila. May munti at mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi. "I mean, wala kami sa shop ngayon. Nasa ospital kami ni Amanda." Tumaas ang kaniyang kilay. "Wala ayos lang naman kami. Si Lily ang pinuntahan namin dito." Ako naman ngayon ang tumaas ang kilay, pero nakipagtaasan lang siya ng kilay sa akin. Si Amanda naman ngayon ay halos malagpasan na ng kaniyang noo ang kaniyang kilay. Nakahalukipkip pa ito. Tumikhim si Camila. Kaunti na lang tatawa na ito. Alam na alam ko kapag may pinaplano siyang kalokohan. "Yeah. She's fine." Tinignan ni Amanda si Camila gamit ang nagtatanong na mga mata, but Camila just shrugged. "Uh-huh. Baka ilang araw din siya dito sa ospital."Kung wala lang sina Nanay at Amanda, baka in
KINAUMAGAHAN may dumating ulit na delivery galing kay Darius. This time prutas naman at flowers. "D..." basa ni Nanay sa initial na nakasulat sa note na nakalagay. Nag-isip siya saglit, pagkatapos ay naniningkit ang mga mata na tumingin sa akin. "Kanino galing 'to, Anak?" usisa niya. Para bang close kami kung makapagtanong siya tungkol dito. Anak, ha? "Sa supplier po 'yan. Si Miss D," mabilis ko namang sagot. "Ganu'n?" tila hindi naniniwalang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang pinunta niya dito. Ang kumustahin ang bunsong anak niya o ang usisain ang buhay ko? Dahil may nalaman siyang nakakuha ng interes niya. Nakakahiya talaga siya mag-isip. Huwag lang talaga niyang pakikialaman ang personal kung buhay. I swear. Baka doon tuluyang maubos ang pasensya ko. Okay lang sana kung close talaga kami. All of a sudden naging interesado siya tungkol sa akin. She's acting so weird, and acting like she give a goddamn fvck about my life. "Akala ko lalake..." anas niya. "Akala mo lang
Bukas, puwede nang lumabas ang kapatid ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako babalik sa trabaho nang hindi nag-aalala sa kaniya, dahil baka mapabayaan siya at lumala lang ang kondisyon niya. "Isama mo na lang sa bahay," suhestyon ni Camila. Hindi naman ako agad makapagdesisyon, dahil baka malulungkot lang siya doon. Papasok ako ng trabaho, maiiwan siya sa bahay. Ang kasama lang niya ay ang mga maids. Mabuti sana kung doon pa din nakatira si Divine. "Sa akin na lang muna siya, Ate," sabi naman ng kapatid ko. "Hindi ko siya pababayaan," pangungumbinsi niya. Sa totoo lang siya na lang ngayon ang puwede kong pagkatiwalaan sa buong pamilya, bukod kay Tatay. "Kausapin muna natin si Tatay mamaya," sagot ko naman. Siya pa din naman ang magulang at kapatid lang kami. Kadadating lang ni Nanay. Nasabi na sa kaniya ng kapatid ko at ang bilis niyang sumagot na okay lang. Hindi man lang nito sinabi na sa bahay na lang. Aalagaan ko ang kapatid ninyo. Pero hindi, e. Para bang pabor na pabor
PAGDATING ni Tatay ng gabi, natigilan siya nang makita niya ang bouquet at malaking stuff toy. "Bigay ni Ate sa akin, 'Tay," sabi ni bunso habang yakap-yakap niya ang kaniyang stuff toy. "Hindi ba nakakaubo iyan?" tanong naman ni Tatay habang nakangiti. Nilapitan niya ang kapatid ko saka hinalikan sa ulo. Hinaplos din niya ang stuff toy upang i-check ang balahibo nito. Ngumiti siya. "Tay, napag-usapan namin ni Ate kanina na sa bahay na lang muna si bunso. Nasabi na din namin kay Nanay." Nagbago agad ang mood ni Tatay. Naging malungkot ang mukha nito. "Mukhang iyon ang makakabuti para sa kaniya sa ngayon. Ayaw ko man, dahil malulungkot ako. Alam niyo naman na malambing sa akin itong bunsong kapatid niyo." Biniro ko si Tatay. "Tay, ha. May paborito ka na ngayon." Tumawa lang siya. Hinaplos niya ang buhok ng kapatid ko at saglit itong pinagmasdan. "Mag-aasawa ka na ba, Anak?" tanong niya sa akin, habang nakatingin sa malaking bouquet. "Wala po akong nobyo, 'Tay..." mabilis kong
BEFORE lunch, na-settle ko na ang bills dito sa ospital. Ready na kaming umuwi, katatanggal lang din ang suwero sa kamay ng kapatid ko. Naayos na namin ang mga gamit namin. Ang grab driver ay malapit na ding dumating. Pero hindi pa kami makaalis-alis ng hospital room. Kanina ko pa hinahanap ang hikaw ko. "Baka nasa bag mo lang iyon, Ate. Wala bang secret pocket iyan?" Tinaktak ko na nga kanina ang bag ko, e. Pero wala talaga. Pati ang hospital bed halos baliktarin ko na din. "Baka nawala na. Bumili ka na lang ng bago," sabi niya. "Regalo iyon sa akin ni Camila noong naging successful ang unang branch na tinayo niya..." Bumuntong hininga ako. Sobrang halaga nu'n sa akin, may sentimental value iyon, bukod sa mahal nitong presyo. Tumulong na din ang kapatid ko sa paghahanap. Si bunso naman ay abala sa panonood habang hindi pa kami lumalabas dito. Wala talaga. Nasa labas na ang grab. Nagbilin ako sa nurse na kung may makakita nu'n, pakitawagan ako. Magbibigay ako ng reward. Sum