Share

013

Nanghihingi na naman ng pera si nanay. Kakabigay ko lang ng pera four days ago pero nanghihingi na naman ulit. Madami daw gastusin sa school ang mga kapatid ko.

Nakapagtapos na ang kapatid ko na sumunod sa akin. Ang usapan namin noon ay, tulungan niya ako sa pagpapaaral ng iba pa naming mga kapatid pero ayun, nag-asawa agad. Ang sumunod naman sa kaniya, magtatapos na dapat pero may incomplete grades last sem.

Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Kaya ko naman silang pag-aralin. Para saan ba ang lahat ng pagsisikap ko, kundi para rin sa kanila?

Ang gusto ko lang naman sana ay kumustahin man lang nila ako, hindi iyong magte-text o tatawag lang sila kapag may kailangan lang sila sa akin. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, hindi man lang magpapasalamat. Wala silang magiging paramdam ng ilang araw. Parang wala akong pamilya, e.

"'Nay..."

"Bukas," sabi ni Nanay bago pinutol ang tawag at hindi man lang hinintay ang sagot ko.

One hundred thousand lang daw. Daw...
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status