Share

043

MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Ramdam ko ang paghapdi ng mga ito kaya muli akong pumikit.

Nanginginig at nanlalambot ang buo kong katawan. Masakit ang aking ulo. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit ng aking puso.

Nasaan ako? Muli kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang silid ako. Hindi ito pamilyar. Hindi ito sa bahay ni Darius at lalong hindi sa kuwarto niya sa mansyon.

Panaginip... Panaginip lang ba ang lahat?

Sa nanginginig at nanghihinang boses, tinawag ko si Darius. Pero hindi niya ako sinagot

Dinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Marahil ay naliligo siya.

Naupo ako at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama.

Nagmuni-muni saglit. Iniisip ang mga nangyari. Tinignan ko din ang aking suot. Nakasuot ako ng terno na pajama.

Hanggang sa nabulabog ako dahil sa malakas na kulog at sobrang laking mga kidlat. Sa sobrang takot ko, tumalon ako ng kama at nagkubli sa gilid.

Naalala ko ang mga putukan n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status