Share

041

Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang boses ni Nanay.

Anak ako ni Tatay sa ibang babae. Hindi ako anak ni Nanay. Hindi siya ang tunay kong ina.

Kung ganoon, sino ang tunay kong ina? Nasaan siya? Bakit niya ako binigay kay Tatay? Bakit pumayag siya na iba ang kilalanin kong ina?

Hindi ba niya ako mahal, kaya basta na lang niya akong binigay kay Tatay at sa asawa nito?

Marahang hinaplos ni Darius ang aking pisngi, ang mga luhang namalisbis mula sa aking mga mata ay tinuyo niya gamit ang kaniyang panyo.

Mababakas ang pagkaawa at pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos nang katotohanan na naisiwalat sa aking harapan.

Hindi ako mahal ni Nanay. Lagi ko noon naiisip ang bagay na ito, pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mahal niya ako. Madami lang kaming magkakapatid kaya nahahati ang atensyon niya.

At heto nga, hindi niya talaga ako anak.

Paano ba magagawa n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status