Share

Sold for one night
Sold for one night
Penulis: Macho Papa

01

Pinagbangga namin ni Amanda ang mga hawak naming kopita. Nandito kami ngayon sa isang sikat na club sa Taguig upang mag-party. 

Gusto ko lang namang magsaya, mag-inom at magsayaw at kung may maayos na lalake, why not hook up. 

Pero ang kasama ko dito, hindi ko alam kung ano ang purpose niya sa pagpunta ng club. Nawalan na siya ng gana. 

Kita ko namang napipilitan lang siya pero mas maayos na din ito kaysa nasa bahay lang siya, nagmumukmok at nag-iiyak tungkol sa mga bagay na nangyari na at kailanman hindi na niya mababago pa. 

"Sabi nga ng nabasa ko, If life fucked you hard. Just moan..." 

Ngumisi si Amanda. Hindi siya malakas uminom kaya mabilis siyang matamaan ng alak. Namumula na ang kaniyang pisngi. 

Ako ayos pa naman ako. Kaunting shots pa. Mas matibay ako pagdating sa alak kaysa sa mga kaibigan ko. 

Tinaas ko ang aking kamay saka ako gumiling nang gumiling. Nakapikit ang aking mga mata habang patuloy ako sa pag-indayog ng aking katawan. 

Napatingin ako sa lalakeng dumikit sa akin. 

Oh, it's him! It's one of Franco's friend. 

Ngumiti ako sa lalake at pasimple na umiwas sa kanilang grupo. Hinila ko si Amanda sa kabilang bahagi at muling sumayaw. 

May ibang mga lumalapit pa sa amin, nakikipagkilala. Hinihingi ang aming numero. Para matigil na sila, nag-imbento kami ng numero at iyon ang binigay namin sa kanila. 

We're here to party and find some guys, but me and Amanda changed our minds. 

Muli akong pumikit, sayaw kung sayaw ang aking ginawa. 

Napamulagat ako nang may mga kamay na humawak sa aking bewang. I was stiffened but that didn't stop me from dancing. 

Ang lalake na nasa aking likuran ay sumabay din sa galaw ng aking katawan. 

Shit! 

May kakaiba akong naramdaman sa aking sarili. Hindi ko maintindihan. Something familiar but I can't really recall.

I love how he smells. Gusto ko ang pagkakadikit ng aming katawan. 

Dinikit pa niya lalo ang kaniyang katawan sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. 

I didn't protest. I enjoyed being this close with him. 

Naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking tenga. Ang kaniyang ilong sa aking balikat, ang kaniyang labi sa aking leeg at ang kaniyang mainit na hininga sa aking tenga. 

Halos mapaungol ako sa ginawa niyang iyon. 

Muli akong natigilan nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. 

At halos hindi na ako makahinga nang marinig ko ang kaniyang boses. 

"How are you?" he asked. 

Tuluyan na akong tumigil sa aking pagsasayaw at dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. 

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa lalake na nasa aking harapan. Hindi ganoon kaliwanag ang ilaw pero malinaw kong nakita ang kaniyang mukha. 

Ngumisi siya. Napaawang naman ang aking mga labi at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kaniya. 

Akmang magsasalita ako nang hawakan niya ang aking mga kamay at marahan akong hinila paalis sa dance floor. 

"T-Teka..." awat ko sa kaniya at bahagyang nilingon si Amanda. Busy pa din ito sa pagsayaw at hindi man lang niya ako napansin. 

"May kasama ako," awat ko sa lalake pero hindi siya nakinig sa akin. 

Umakyat kami sa hagdanan, papunta sa pangalawang palapag ng bar. 

Napanganga ako nang mapagtanto ko kung para saan ang bahaging ito ng bar. 

"T-Teka, ano'ng pinaplano mong gawin, huh?" 

He just chuckled. Binuksan niya ang isang room at marahan akong hinila papasok. 

Sinandal niya ako sa pader at mariing pinagmasdan. 

Napalunok ako at sinikap na salubungin ang kaniyang mga mata. 

He's intimidating pero nilabanan ko siya ng titigan. 

Nagkakagulo ang mga paru-paru sa aking mga balikat. 

Bakit ba kakaiba ang nararamdaman ko para sa lalakeng 'to?

"Long time no see..." sambit niya. Pinaraanan niya ng kaniyang mga daliri ang aking pisngi hanggang sa guhit ng aking panga. 

Napapikit ako sa kaniyang ginawa. 

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili. Sa daldal kong 'to nauubusan ako ng salita kapag siya na ang kaharap ko. 

"Still remember me?" tanong niya. 

Tumango ako. Tango lang dahil hindi ko magawang magsalita. 

"That's good." 

"Naaalala mo pa siguro ang atraso mo sa akin, di ba?" mapaglaro niyang tanong. 

Nanlaki ang aking mga mata. Grabe, iyon ba ang dahilan kaya niya ako nilapitan at hinila papunta rito? 

"Mukhang naaalala mo pa naman," siya na din ang sumagot sa nauna niyang sinabi, base sa aking reaksyon. 

"Maniningil ako..." 

Ano?! 

"Teka, ngayon na ba? Wala akong dalang pera..." reklamo ko. 

"Paano ba iyan?" mahina niyang tanong sa aking tenga. Muli akong napahinga nang malalim at napalunok dahil sa sobrang lapit ng kaniyang bibig sa aking tenga. 

Naiinis ako dahil sa pananadya niya ng kaniyang ginagawa. 

Nilagay ko ang dalawa kong palad sa kaniyang dibdib at marahan siyang tinulak. 

Pero dahil di hamak na mas malaki siya sa akin, hindi siya natinag sa ginawa kong iyon. 

"B-Bukas! M-Magkita na lang tayo bukas! Ibabalik ko sa'yo iyong pera mo!" 

natataranta kong sabi sa kaniya. 

"Talaga? Mayroon kang pambayad?" 

"Oo! Meron!" 

"Pati interes?" 

"Huh? Papatungan mo pa ng interes?"

"Hindi birong halaga iyon. At saka ilang taon no namang nagamit."

Naku! Magkano naman kaya ang pinatong niyang interes doon? Tiyak na hindi sapat ang pera na meron ako sa bangko para bayaran siya. 

Namutla ako at nataranta. 

Muli siyang tumawa kaya sinimangutan ko siya. Halos matae na nga ako sa kaba, tinawanan pa ako. 

"Mukhang hindi mo kayang bayaran?"

"Kaya ko! Mayaman na kaya ako ngayon!" 

Ngumisi siya. "Talaga?" mapaglaro niyang tanong. 

"Pero alam mong hindi pera ang gusto kong ibayad mo..."

Nag-iwas ako ng tingin. 

Hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ako sa kaniya. 

"You owe me... may kasama na ding interes." Lumakas at bumilis ang kalabog ng aking dibdib. Hindi ako takot. Sa totoo lang na-excite pa ako sa sinabi niya. 

Pinagdikit niya ang aming ilong. Napapikit ako nang masamyo ko ang mabango niyang hininga. 

Akmang ilalapit ko ang aking labi sa kaniyang mga labi, doon naman siya umiwas. 

Taimtim niya akong pinagmasdan. Matapang kong sinalubong ang kaniyang mainit na paninitig. 

"I really like that fierce face..." Hinaplos niya ang aking pisngi. 

Nainis ako nang muli niyang ilayo ang kaniyang mukha. Humakbang siya palayo sa akin. Naupo siya sa isang malaking couch. 

"Bukod sa interest, isasama ko na din sa sisingilin ko sa'yo iyong oras ko na sinayang mo noon. I trusted you with the money. But you didn't come back."

Naging seryoso ang kaniyang mukha. Kumuyom ang kaniyang kamao at umigting din ang kaniyang panga. 

Imbes na matakot. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi mo ako madadaan sa ganiyan. Kaya nga sinabi ko na babayaran na lang kita. Kung kulangin man ang pera ko uutang na lang ako kay Camila. 

Madami namang pera iyon, hindi siya mag-aalangang magpahiram sa akin kahit milyon pa iyan. 

"Bakit hindi ka bumalik? Ini-scam mo ba ako? Sabi mo babalik ka but you did not."

Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. 

"Paano ako babalik? E, masakit nga ang kepyas ko! Namamaga din ata ang tinggil ko noon! Nasobrahan sa pagsipsip mo!" sigaw ko sa kaniya sa inis. 

Natulala naman siya. Ngayon hindi na makapagsalita. Awang ang kaniyang mga labi at tila hindi siya makapaniwala na nakatingin sa akin. Muli akong nagsalita para ipagtanggol ang aking sarili. Hindi ko naman siya niloko. Hindi ako scammer na tulad ng iniisip niya. 

"Saka, bumalik ako noon... After three days, nang bumuti na ang pakiramdam ko, pero hindi ka naman nagpakita. Dalawang araw akong nagpabalik-balik doon."

Tinikom niya ang kaniyang bibig. 

Sinamantala ko naman ang pananahimik niya, muli akong nagsalita. 

"Magkano ba ang total kasama ang interest pati iyong oras mo na nasayang?" matapang kong tanong as if mayron akong kakayahan na bayaran siya ng buo ngayon-ngayon din. 

"Hindi ko kailangan ang pera mo. And you know what I mean," mariin niyang sagot. 

Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Dapat kinakabahan na ako ngayon at natatakot pero hindi ko maintindihan kung bakit tila nagsasayaw pa sa tuwa ang mga paru-paru na nasa aking tiyan. 

"S-Sige... Kailan ba? Kung gusto mo ngayon din, ayos lang..." sagot ko habang ang mga mata ko ay hindi mapirmi sa iisang lugar. 

Malakas siyang tumawa. 

"I really like you..." 

Talaga? Tumikhim ako. 

Hindi nag-pa-function ng maayos ang aking utak ngayon. 

Gusto ko din siya pero bakit hindi ko iyon masabi. Kailan pa ako naging pabebe tulad ng magkapatid kong kaibigan? 

"Come here." 

Kahit halos manginig ang aking mga tuhod, pinilit kong humakbang palapit sa kaniya ng tapikin niya ang kaniyang tabi. 

Tahimik niya lang akong pinagmasdan. 

Naupo ako sa kaniyang tabi. As in sa kaniyang tabi, dikit na dikit. 

"T-Teka dito ba?" kabadong tanong ko nang ipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Hinawakan din niya ang aking braso, hinaplos pataas at pababa. 

Halos umungol ako sa kaniyang ginawa. Ramdam ko ang pagpintig ng aking panggitna sa bawat haplos at hagod ng kaniyang balat sa aking balat. 

Teka? Ano ba ang ginawa niya? Wala naman siyang ginagawa pero bakit ganito na mag-react ang aking katawan. 

Hinalik-halikan niya ang aking balikat patungo sa aking leeg. Nanayo ang aking mga balahibo. 

Dinilaan niya ang aking leeg na kinapikit ng aking mga mata. Napakalmot ako sa sofa nang bahagya pa niyang s******n ang pinakasensitibong bahagi ng aking leeg.

Iyon pa lang ang ginagawa niya pero halos mangisay na ako. 

Paulit-ulit niya iyong ginawa. Nagustuhan ito ng aking katawan. Napasinghap ako at pigil ang aking pag-ungol nang maramdaman ko ang pagkabasa ng aking pagkababae. 

Shit! 

Tumigil siya at humalakhak. 

"Not yet. And not here," bulong niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan ng silid na kinaroroonan namin. 

"Bumalik ka na sa kasama mo, baka hinahanap ka na." 

Nabitin ako at gusto ko siyang pagmumurahin. 

"Tatawagan kita kapag kailangan kita." 

Wow ha! 

"Tawagan mo ako kapag wala akong trabaho. Huwag kang desisyon!" iritado kong sagot. 

Nakangisi siyang nakatingin sa akin. 

"Okay. And make sure that you're physically fit," paalala niya na nagpaikot ng aking mga mata. 

"Ano'ng tingin mo sa akin— weak?" pairap kong sagot. 

Muli siyang humalakhak. "Okay, siguraduhin mo lang..." may diin niyang salita. 

"Make sure na tatagal ka. Susulitin talaga kita." Dapat naiinis na ako sa pinagsasabi niya ngayon, pero hindi ko iyon maramdaman sa aking sarili. 

"Grabe ka naman sa sulitin. Ano iyon isang bagsakan?" nakangiwi kong tanong. 

Amused siyang napatingin sa akin. 

"Magkita ulit tayo at pag-usapan natin iyan."

"Teka!" awat ko sa kaniya. Ilang taon na ang nakalipas mula noon baka may asawa na siya ngayon. 

Gusto kong makasigurado. 

"May asawa ka na ba?" tanong ko. Umiling siya. 

"Sure?" paninigurado ko. 

"Yeah. At naghahanap pa lang ako ng mapapangasawa." 

Puwede ako! sigaw ng aking isipan. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. 

Ngumuso siya at pinilig ang kaniyang ulo. Sinenyas niya na lumabas na kami kaya agad na din akong tumayo. 

"Umuwi na kayo at huwag magpakalasing," utos niya sa akin. 

"Manlalalake pa muna kami," sagot ko kahit na ang totoo ay pauwi na din naman kami talaga ni Amanda. 

Matalas niya akong tinignan pero ang abnormal kong sarili ay natuwa pa sa kaniyang ginawa. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status