Share

Sold to my Professor (Tagalog)
Sold to my Professor (Tagalog)
Author: SenyoritaAnji

Prologue

 

Minasahe ko ang aking sintido at humikab. The day has finally ended. Salamat naman. Pakiramdam ko'y bugbog sarado ako sa dami ng mga activities at assessments ngayong araw. May tatapusin pa akong research design mamayang gabi.

“Crizel!” 

I turned to look at the person who called me and a smile immediately plastered on my lips. It's my best friend, Andrea. “Bakit?” 

Nang makalapit ito sa akin ay agad itong umakbay dahilan upang yumuko ako para magpantay kami. “Wala. Manonood ka ba sa practice ng jowabells mo?” 

Now that she mentioned it, I mentally facepalm to myself. Oo nga pala. May training ngayong araw si Gio kaya walang Gio ang nag-aantay sa akin dito sa labas ng classroom. 

“Hindi, e. May dadaanan pa ako sa library. At saka, baka pagalitan ako ni Mommy kapag hindi ako nakauwi ng maaga.” Kinamot ko ang aking kilay at bumuntong hininga. “Kapag pumunta ka, sabihan mo na lang siya ah. My phone's battery is dead. Baka mamaya pa ako makapag-charge.” 

“Okay,” she replied while nodding her head. “Ngayon ka na ba uuwi?” 

Napaangat ang aking kilay. “Ulyanin ka na ba? I just said na dadaan pa ako sa library bago umuwi.” 

She scoffed and rolled her eyes at me. “Anyways, aalis na ako. Baka hindi ko maabutan si Sandro roon.” 

Tipid akong tumango at kumaway. Hindi ko maiwasang matawa nang mahina habang pinapanood siyang halos takbuhin na ang distansiya ng gym. I shrugged off my shoulders and turned around to walk the opposite direction. 

Maraming bumabati sa akin habang naglalakad. Siguro dahil ako ang Miss Campus last year kaya maraming nakakakilala sa akin. Including my achievements as a student during contests and such. Ngunit kahit sa dami ng nakakakilala sa 'kin, tanging si Andrea lamang ang kaibigan ko. 

Well, some called me choosy, but I don't care. I don't need fake cares and fake friendships just to widen my circle. One is enough. I have my dog at home. 

Pagkarating ko ng library ay bumungad sa 'kin ang librarian na busy sa pagpipindot ng kaniyang calculator. Nilapitan ko ito at bahagyang kinalabit. Maagap siyang nag-angat sa akin ng tingin kaya agad ko itong kinindatan.

“Ay, ikaw pala 'yan. Oh, heto.” She handed me the book I asked her this morning. “Pirmahan mo na para makapagsarado na ako. Ikaw na lang talaga hinihintay ko.” 

Nginitian ko ito at agad na pinirmahan ang borrower's slip. Kinuha ko ang libro at sinilid ito sa aking backpack bago nagpaalam sa kaniya. Masasabi kong naging malapit na rin ang aking loob kay Miss Gonzales, ang aming librarian. Halos dito na rin kasi ako tumambay sa library kapag free time. Tahimik at nakakalma rin ako sa amoy ng mga libro. 

I checked the time on my wrist and huffed. I'm sleepy. Pero hindi ako pwedeng matulog nang hindi ko pa natatapos ang aking research design. Deadline na sa susunod na araw dahil according to our research professor, lilipat na siya ng school next month. Kailangan niya munang mabasa ang output namin bago siya umalis which is really frustrating! Hindi ba pwedeng umalis na lang siya nang walang hinihingi sa amin? 

Ayoko sanang magpasa dahil tinatamad akong gumawa, but he's expecting something from me. Of course. Mataas ang expectations sa akin ng mga teachers, lalo na ang mga magulang ko. I'm a consistent honor student since I'm in my grade school. Nakakahiyang ma-disappoint ang mga taong mataas ang expectations sa akin. 

Nang makarating ako sa labas ng campus ay sinalubong ako ng driver ni Daddy. He immediately opened the backseat's door for me. Tipid ko lang itong nginitian bago pumasok sa loob. Pagod kong tinapon sa 'king tabi ang dala kong backpack at sumandal sa aking kinauupuan. I put on my seatbelt before closing my eyes. 

I'm already nineteen but my father won't let me drive nor have my own car. He's way too overprotective to me, and I understand him. Ako lang ang nag-iisang anak kaya't protektadong-protektado niya ako. He values me more than I value myself. And that's a fact. 

“Kuya, can we stop by a coffee shop? I just want to buy some coffee,” I mumbled. 

Tumikhim ang taong nasa passenger seat na ngayon ko lang napansin. It was our family's butler. “Sorry, Miss. You're not allowed to drink coffee according to Madam. She said you'll palpitate.” 

I bit my lip hard and looked outside the window. Wala akong takas. Sana pala uminom ako ng kape kaninang umaga sa school. 

“Nakauwi na ba sila Mommy?” I asked him. 

I saw him nodded on the rearview mirror. “Yes, Miss. May pag-uusapan daw po kayo.” 

My forehead knotted. It must be really important, eh? Hindi naman si Mommy nagpapasabing may pag-uusapan kami ni Mommy unless it's really important. 

“Okay,” I mumbled. 

I closed my eyes and let myself rest. Tinatawag na talaga ako ng kama ngunit hindi pwede. Malalagot ako sa professor namin at hindi lang ako ang nagkakaroon ng deduction points. Pati na rin ang mga groupmates kong laging nagsasabing, "Sorry, Crizel, kung wala kaming naiiambag."

I seriously don't mind if I would do the whole research project. As long as they are willing to memorize all the important details of our research and are willing to participate during defense, then it's not a problem. 

Tahimik ang aming naging biyahe. Walang niisa sa amin ang nagsalita, and it's good. Nagkaroon ako ng kahit kaunting minuto para ipagpahinga ang aking pagod na katawan at utak. 

“Nandito po tayo,” the driver announces. 

I lazily opened my eyes and yawned. Kinuha ko ang bag sa aking tabi at hindi na inantay silang buksan ang pinto para sa akin. I stepped out of the car and closed the door behind me. Nauunang naglakad ang butler kaya sinundan ko na lang ito. 

I was busy cracking the bones on my neck while making my way inside our house. Binati ako nag isang kasambahay naming nagdidilig ng mga halaman ni Mommy. She loves planting different kind of flowers, but is lazy to take care of them. And by the way, I'm pertaining to my Mom. 

Naabutan ko si Mommy at Daddy sa sala. They're talking about something and base on the expression shown on their faces, it might be a serious discussion. 

“Hey, Mom.” Nilapitan ko sila at isa-isang hinalikan ang kanilang mga pisngi. “I'm home.” 

Mommy smiled, gone the serious expression she had a while ago. “How's your day, Izzy?” 

Kinuha ng isang maid ng aking bag para ihatid sa 'king silid. I yawned and sat beside my Mother. Yumakap ako sa kaniya at pinikit ang aking mga mata.

“Tiring,” I replied. “I didn't even attend Gio's basketball practice because I need to finish my research paper.” 

Naramdaman ko ang pagyakap pabalik sa 'kin ni Mama at bahagyang hinimas ang aking ulo. “Is my daughter hungry?” 

Walang pagdadalawang-isip akong tumango. I looked up at her and smiled. “Yes, Mom. Kanina gusto kong magpabili ng coffee but Balthazar is stopping me.” 

Tumikhim kaagad ang Butler nang marinig ang kaniyang pangalan. Daddy chuckled while looking at my frustrated expression.

“It's for your own good, Izzy. Nagpa-palpitate ka sa coffee, remember? We're just taking care of you, Anak,” Daddy said and called some maid. “Prepare some snacks for my princess, please.” 

Umayos ako nang upo at tumingin sa kaniya. I raised my eyebrows at her. “He said also na may pag-uusapan tayo. Ano po 'yon?” 

Hindi nakaligtas sa 'king paningin ang pasimple nilang pagtingin sa isa't isa bago si Mommy bumaling sa 'kin. She caressed my face with a smile on her lips. But I feel like something's off. There's something wrong with her smile. 

“Magbihis ka muna, Izzy. Hihintayin ka namin ni Daddy mo rito.”

My brows lifted but my mouth remained shut. Napili kong tumango at pumayag. Parang gusto ko rin munang maligo dahil pakiramdam ko'y nanlalagkit ang aking buong katawan. 

“Sige po. Aakyat po muna ako,” I said before turning my back. 

Umakyat na ako sa hagdanan at dumiretso sa aking kwarto. As soon as I closed the door, I started unbuttoning my school uniform. Isa-isa kong hinubad ang aking mga damit at tinapon ito sa kama. Dumiretso agad ako sa bathroom para maligo. 

I turned on the shower and closed my eyes, letting the water run from my head down to my toes. Bahagya pa akong nanginig sa lamig hatid ng tubig. I brushed my hair using my fingers as I opened my eyes. 

I don't deny the fact that I'm bothered about the serious expressions they had before I approached them. Minsan ko lang sila makitang seryoso. At kanina, alam kong may problema. Alam kong may mali. Hindi ko lang matukoy kung ano o alin. 

“Stop overthinking, Crizel,” I mumbled to myself.

Binilisan ko ang pagligo. Nagpalit kaagad ako sa pantulog kong damit. A satin maroon blouse and satin pajama. Tinuyo ko muna ang aking buhok bago napagdesisyonang bumaba. 

Nandoon pa rin si Mommy at Daddy. They're still discussing something and they're in hush voices. Mommy is busy sipping on her tea while Daddy is saying something. 

Tamad akong naglakad pababa ng hagdanan. Bawat hakbang kong ginagawa ay lumiklikha ng ingay dahilan upang lingunin nila ang aking pwesto. And just like a while ago, their expressions changed swiftly. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may tinatago sila sa akin.

“What's wrong, Mom? Dad?” Lumapit ako sa kanila at umupo'ng muli sa tabi ni Mommy. “Anong pag-uusapan natin, Mom? You two looked so serious while discussing something. What is it?” 

Nagkatinginan sila Mommy at Daddy. Dahan-dahang binaba ni Mommy ang hawak niyang tsa-a at humarap sa 'kin. Her other hand held my hand that was placed above my lap, while her other hand raised to caress my cheeks. 

“May sasabihin si Mommy.” She took a deep breath. “And whatever Mommy says, h'wag ka sanang magalit sa 'min ng Daddy mo.” 

Those words from her ignited the curiosity I'm trying to stop. Nangunot ang aking noo. “Don't make me confuse, Mom. Diretsahin niyo ako. Ano pong nangyayari? Is there something wrong?” 

Muling hinaplos ni Mommy ang aking pisngi. “You're already on your legal age. So I think getting married is not a problem.” 

Para akong namingi sa narinig. Nakatitig ako sa kaniyang mga mata habang paulit-ulit na inaarok sa 'king isipan kung tama ba ang aking narinig. My mind can't process what I just heard. 

“A-Ano?” Finally, I found my voice! 

“We'll marry you off to someone, Anak.” Nabaling ang tingin ko kay Daddy nang magsalita ito. “But don't worry, mabait naman—” 

“Tangina, naririnig niyo ba ang mga sinasabi niyo?!” Hindi ko mapigilan ang sariling tumayo. Hilam ang luha sa aking mga mata. “Daddy, I may be in my legal age but that doesn't mean that you'll marry me off into someone I don't even know! May boyfriend ako, Daddy!” 

“But your boyfriend won't give you a life I want you to have, Izzy.” Mommy stood and tried to reach my arms. “Makinig ka muna sa amin—” 

“Mommy…” I sniffed. “I never…never disobey you. Pero hindi niyo ba naisip na you're going beyond the line? Mommy, I still want to live my life as a single woman! And my boyfriend, I don't freaking care if he can't give me the life you dreamed I should have. Mahal ko siya, Mommy—”

“Hindi ka mapapakain ng pagmamahal na 'yan, Crizel,” mariing bigkas ni Daddy. “This is for your own good. Ginagawa namin 'to para maging stable ang buhay mo.” 

“I'm already living a stable life!” Tumaas na ang aking boses nang sabihin ko 'yon. I wiped the tears streaming down my cheeks. “Mommy, Daddy, bakit ganito? Sinusunod ko naman lahat ng gusto niyo, 'di ba? Hindi ba ako pwedeng tumanggi ngayon?” 

Nagkatinginan silang dalawa. Yumuko ako upang punasan ang aking pisngi at suminghot. 

“It's for your own good, Anak,” mahinang anas ni Mommy. 

Tumingala ako at pilit na natawa. “Para sa 'kin…” I nodded my head and looked at her. “May isip na ako, Mommy. Kaya ko nang magdesisyon para sa 'kin! Para sa sarili ko! Bakit niyo po ba ako pinipilit?!” 

“Anak, Izzy—”

“Mahal niyo ba talaga ako, Mommy? Daddy?” I asked with a broken voice. “Anak pa rin ba tingin niyo sa 'kin? O isang manikang gagawin niyong sunod-sunuran sa lahat ng gusto niyo?” 

Kita ko ang pagbadha ng pagkagulat sa kaniyang mukha. “Izzy, hindi sa gano'n—”

“Gano'n iyon, Mommy!” I chuckled nonchalantly. “Kasi kung anak pa rin ang tingin niyo sa 'kin, you would consult me about this. Tatanungin niyo ang desisyon ko!” 

“Watch your voice, Crizel Allison!” Daddy interjected. “Baka nakakalimutan mong Mommy mo 'yang kausap mo.” 

I covered my mouth to suppress my sobs. Pumadyak ako sa sahig at nanakbong umakyat pabalik sa 'king kwarto. And on my way upstairs, I can still hear what Daddy says.

“You're going to marry him, Izzy. And you have no choice!” 

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Dimple
ang ganda start pa lang ...
goodnovel comment avatar
Toneng Gonzales
its not fair
goodnovel comment avatar
Jinky Silawan
wow interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status