LOGINOMENG'S POV:
BIRTHDAY ko ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali dahil nahihiya akong magsabi kay Pamela na yayain ko siyang magdinner pagkatapos ng trabaho para man lang makapagcelebrate sa kaarawan ko. May naipon naman akong pera kaya pwede ko siyang itreat sa medyo mamahaling restaurant. Pero bago ko pa siya maimbinta, umurong na ang dila ko at bigla akong kinabahan. Baka kasi isnabin lang nito ang imbitasyon ko, mapahiya lang ako.
Kaya bubulong-bulong na lang akong naglakad papuntang finance department. Nakita ko kaagad si Tiffany. Assistant secretary ito ng head of finance. Dalaga pa ito at napakabait at napakagiliw sa akin. Sabagay, lahat naman ng mga tsiks sa opisina mababait sa akin. Ito lang si Pamela ang hindi ata tinatalaban ng karisma ko.
"Rommel, iniisip pa lang kita ah," medyo kinikilig-kilig pang sabi sa akin ni Tiffany, namumungay ang mga mata nang lapitan ako, "May ibibigay sana akong sandwich saiyo kaninang lunch kaso hindi kita malapitan sa canteen dahil kasama mo si Boss."
"Salamat. . ."
"At ito nga pala iyong report para kay Boss. Iaakyat ko na sana pero buti na lang at ikaw na ang pumunta dito," sabi nitong bahagyang bumulong, "At least kahit paano makakapag-usap tayo dito ng wala si Miss CEO," umikot pa ang mga mata nito, halata ang pagkadisgusto kay Pamela base sa tono ng pananalita nito.
Napangisi na lamang ako. Sabagay, halos lahat naman ng mga empleyado dito ay ilag kay Pamela. Sino ba naman ang hindi?
Naturingang pagkaganda-ganda nitong babae ngunit para napaka-istrikta. Wala itong kasong pinalalampas kahit maliit na bagay lang. Masyadong perfectionist kaya napakahirap ma-please sabi nga ng mga empleyado nito.
Bibihira ring makitang ngumiti si Pamela. Sa isip-isip ko, kawawa ang magiging boyfriend nito.
Sabi sa akin ni Yaya Luring never pa raw tong nagka-boyfriend kahit puppy love lang. Nuong estudyante raw ito, madalas ay nasa isang sulok lang ito nagbabasa ng libro. Masipag raw itong estudyante at matalino kaya naman with honors ito nang grumadweyt. Ang balita ko pa, kukuha ito ng PHD sa London next year.
College pa nga lang kinatatamaran ko na, PHD pa kaya? Pero si Pamela, mukhang walang kapagurang mag-aral. Baka tumandang dalaga na ang babaeng iyon dahil mukha namang walang time sa pag-ibig.
"Ha?" Tanong ko kay Tiffany nang tinapik niya ako sa balikat.
Napabungisngis ito, "Mukhang layo ng lipad ng utak mo ah. Hey, may lakad pa ba kayo ni Boss mamaya?"
"Hindi ko alam, bakit?"
"Labas naman tayo oh."
Girlfriend material si Tiffany. Simple lang ang beauty pero malakas ang appeal. Siguro kung may panahon na akong magnobya mga ganitong klase ang liligawan ko. Hindi mahirap iplease at hindi high maintenance na gaya ng boss ko. Hey, bakit ba pumasok sa utak ko ang isang gaya ni Pamela, as if naman magiging totohanan ang relasyon namin.
"Ano, pwede ka ba? Ako ang taya?"
"Message na lang kita kapag walang lakad si Boss. Alam mo namang hindi ko hawak ang oras ko," sagot ko kay Tiffany, "Oh sige, akyat ko na ito." Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay narinig ko pa ang ibang mga babae sa Finance Department, "Sana akin ka na lang!"
Lihim na lang akong napangiti. Nang makabalik ako sa opisina ni Pamela ay bahagya akong napaatras nang mabungaran ko duon ang Mommy nito. Ewan ko ba pero parang gusto akong kainin ng buhay ng matandang ito. Kabaligtaran talaga ang aura nito ni Don Modesto.
"Don't tell me dakilang alalay mo rin ang lalaking yan?" Narinig ko pang sabi nito, muli na naman nitong pinasadahan ng tingin ang bihis ko, mula ulo hanggang paa. Napalunok laway ako lalo pa at may ere ng pagka-matapobre ang tono ng pananalita nito. Hindi na nito kailangan pang ipagsigawan na ayaw nito sa akin.
BAKIT BA HABANG TINITIGAN KO SI AKIRA ay mas lalo kong natitiyak na nakuha nitong lahat ang mukha ng ama nito?Napapikit ako habang hinahaplos ko ang maliliit na mga kamay ng aking anak. Nabalitaan ko mula kay Tiffany na nasa Pilipinas ngayon si Paulo dahil pumanaw na si Lola Margaret. Sabi pa ni Tiffany sa akin ay pinipilit nitong kuhanin ang bagong address namin. Mabuti na lamang at hindi iyon ibinigay ni Tiffany. Ayoko nang makita pa ang lalaking iyon!Really? Talaga bang ayaw mo na itong makita? Parang nang-aasar na tanong ng puso ko. "Come on, Luisa, pati ba naman sarili mo lolokohin mo pa?" tila naghuhumiyaw na sabi sa pinakatagong bahagi ng aking dibdib.Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung bakit napaibig ako ng manlolokong iyon. Ang galing-galing kong magpayo nuon kay Tiffany pero heto at ako naman pala ang saksakan ng tanga pagdating sa pag-ibig."Kumain ka na muna, sa akin muna ang napakaganda kong apo," sabi sa akin ni Nanay nang pumasok sa kwarto ko. Ganito si N
PAULO'S POV:ILANG BESES kong tinangkang kausapin si Luisa para magpaliwanag ngunit hindi na ako nito hinarap. At hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman akong bigyan ng pagkakataon na mapakinggan.Nagpaka-busy na lang ako sa aking mga exhibitions. Kung saang-saan akong bansa napadpad para sa aking one man show. After three months ng pamamalagi ko sa Amerika, umuwi ako ng Pilipinas para sa libing ni Lola Margaret. Ang lungkot lungkot ko lalo pa at naiisip na hindi ko man lamang ito napagbigyan sa kahilingan nito. Naalala ko tuloy ang mukha nito nang malamang ayaw nang makipag-usap sa akin ni Luisa. God, ang lungkot-lungkot ni lola lalo pa at gustong-gusto pa naman nito si Luisa.And speaking of Luisa, simula nang magalit ito sa akin at hindi ako nito binigyan ng pagkakataong malinawan ang lahat, hindi na kami nagkita pa. I must admit, ito lang ang babaeng nag-iwan ng marka sa utak ko. I don't know why. Sanay naman na akong maka-encounter ng naggagandahang
HINDI PA AKO NAKUNTENTO. TALAGANG SINUGOD KO si Diego Paulo sa bachelor's pad nito. Waring ikinagulat pa nitong makita akong muli.Ngumiti ito, "Sabi ko na nga ba at hindi mo rin ako matitiis. Tinatanggap mo na ba ang offer ko na magpanggap tayong magkasintahan sa harap ni Lola Margaret?" Nakangising tanong nito sa akin. Akmang yayakapin pa ako nito ngunit mabilis ko itong naiwasan. Sa halip ay malakas na mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa magkabila nitong pisngi.Namula ang mukha ni Diego Paulo. Hindi pa rin mawari ang dahilan ng labis na galit ko."Hindi mo pa rin alam kung anong kasalanan mo?" Naniningkit sa galit na sabi ko dito habang kumukulo ang dibdib ko. Bakit ba kahit inis na inis na ako, hindi ko pa rin mapigilang hindi humanga sa napakaguwapo nitong mukha? At bakit mas lalo yata itong kumikisig sa paningin ko as time goes by? Naka-sando lang ito at boxer shorts pero napakasimpatiko nitong tingnan. Hindi halatang manloloko at ubod ng sinungaling. Hmpt! Gal
KASALUKUYAN akong nago-grocery nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na may mga biloy sa magkabilang pisngi. "Luisa?" Waring may pag-aalanganin sa pagsambit nito ng pangalan ko. Hindi siguro tiyak kung ako nga ba si Luisa or kahawig ko lamang ito. Kumunot ang nuo ko, pilit kong inaalala kung saan ko ito nakilala.Ngumiti ang lalaki, "I'm sorry kung hindi ka si Luisa. Kamukha mo lang kasi iyong kasama kong na-trap sa isang kweba nuon sa Ilocos. By the way, I'm Jigs. . .""J-Jigs?" May kung anong bumara sa lalamunan ko. Sino pala si Jigs na nakabuntis sa akin kung ito ang totoong Jigs?"Yeah. . .Jigs. . ." Mapakla ang pinakawalan kong tawa, "Oo, ako nga si Luisa." Hindi ko alam ngayon kung masaya ba akong magtagpo kaming muli ni Jigs. Nanlalambot ang tuhod ko habang iniisip kung sino ba talaga ang lalaking nakakuha ng aking virginity.Lumapit ang babaeng nasa likuran nito nang tawagin ito ni Jigs, "Hon, remember iyong kwenikwento ko
NAGULAT AKO nang dumating si Jigs sa bahay, may dalang bulaklak. "Guwapo pala talaga ang lalaking yan," bulong pa sa akin ni Nanay habang nakatingin dito, siniko pa ko nito habang nakangisi. Inirapan ko lang si Nanay."Naligaw ka," matabang na sabi ko kay Jigs."Si Lola. . .hihingin ko sana saiyong pagbigyan na natin sya. Magsama tayo ng anim na buwan. Para lang sa kanya. But don't expect anything from me. Ako na ang bahala sa bata. . .""Kaya kong buhayin ang anak ko," sabi ko kaagad ito."Alam ko naman iyon. Pero pagbigyan mo sana ang kahilingan ni Lola," nakikiusap na sabi nito sa akin, "After six months, babalik ka sa kung anong nakasanayan mo at ganun din ako. Subukan lang nating pagbigyan iyong kahilingan ni Lola, please?"Hindi ako umiimik. Ano bang isasagot ko?"Luisa, ayoko sanang makiusap saiyo kaya lang, nakita ko iyong tuwa sa mga mata ni Lola nang makilala ka at ayokong masira iyon. Hindi na magtatagal ang buhay ni lola, sana sa huling sandali nya, mapasaya ko man
"NAY, MAY TANING NA ang buhay ni Lola Margaret, anong gusto nyong gawin ko? Nuong makita ko kung gaano siya kasaya na malamang may girlfriend na ipinakilala sa kanya si Jigs, p-parang hindi ko na kayang sirain pa iyong kaligayahang nasa mga mata ni Lola Margaret." Paliwanag ko kay Nanay, "Saka ang gaan-gaan ng loob ko kay Lola. . ."Napabuntong hininga na lamang ng malalim si Nanay. Alam kong labag sa loob niya itong mga pinaggagawa ko lately sa buhay ngunit ganuon naman si Nanay, palagi pa rin itong nakasuporta sa akin anuman ang mangyari. She is there to give me advice, ngunit at the end of the day, hinahayaan pa rin nito akong magdesisyon para sa sarili ko at matuto sa aking mga pagkakamali. Naiisip ko nga, hindi ko man nakilala ang aking ama, maswerte ako sa pagkakaruon ng isang ina na gaya ni Nanay. Kaya di ko rin naman masisisi si Tiffany kung bakit mas close ito kay Nanay kaysa sa totoo nitong ina. Niyakap ko nang mahigpit si Nanay.Nagtataka ito, "Oh, para saan ang mga ya







