Share

CHAPTER 5

Penulis: Michelle Vito
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-29 05:12:26

KITANG-KITA kong pinagpawisan si Omeng kahit todo na ang aircon sa aking opisina.  Alam ko namang labag sa kalooban nito ang magpanggap bilang boyfriend ko lalo pa at ganito kung tingnan ito ni Mommy. Kulang na lang ay bigkasin ni Mommy ang salitang 'hampas lupa' sa harapan nito.  Sabagay, ito naman talaga ang purpose ko.  Ang manggalaiti sa inis si Mommy.

"Nakikipagnobyo ka sa dakila mong alalay?  Wala ka na bang kahihiyan, ha Pamela?" Dinig kong sita ni Mommy sa akin saka muling ibinalik ang tingin kay Omeng.  Nakita kong napatungo si Omeng, hiyang-hiya habang pinapasadahan ng tingin ni Mommy.  "At ikaw lalaki, ang kapal naman ng mukha mo para samantalahin ang vulnerability ng anak ko.  Alam mong milya-milya ang layo ng estado ninyong dalawa and yet ang lakas ng loob mong makipagrelasyon sa anak ko?"

Nag-angat ng mukha si Omeng, parang biglang nawala ang hiya nito nang tingnan ang Mommy ko nang mata sa mata, ngunit nang magsaita ay punong-puno pa rin ng paggalang ang boses nito, "Ma'm, una sa lahat hindi ko kayo masisisi kung mababa ang tingin ninyo sa akin.  Pero kung inaakala nyo hong pinagsasamantalahan ko si Pamela, nagkakamali ho kayo.  Mahal ko siya at nakahanda akong patunayan sa inyo na balang araw, aangat rin ang buhay ko.  Hindi ko man matapatan ang karangyaang mayroon siya ngayon, sisiguraduhin ko hong kaya ko siyang buhayin ng maayos at bigyan ng disenteng pamumuhay."

Ang lakas ng tawa ni Mommy.  Napalunok naman ako.  Parang masyado namang ginalingan ni Omeng ang pag-arte, pati ako ay parang napaniwala nitong tagos sa puso ang lahat ng mga sinasabi nito lalo na nuong binigkas nito na mahal niya ako.  Hah, teka bakit pati ako ay nabibilog ng lalaking ito?  Napakurap-kurap ako. Hindi ko maipaliwanag ang nerbiyos na gumapang sa himaymay ng aking katawan lalo na nang bumaling pa sa akin si Omeng para tingnan ako.

At ewan ba kung guni-guni ko lang ang mga nakita ko sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

What the fuck.

Naiinis ako kay Omeng sa galing nitong umarte.  Huminga ako ng malalim para payapain ang natataranta kong damdamin.  Isa ba akong hangal para talaban ng mga sinasabi nito?  Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa wisyo.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?  At sa palagay mo, mapapaniwala ninyo akong dalawa na may relasyon nga kayo?" Dinig kong sabi ni Mommy.

Natigilan ako.  Hindi pala effective ang drama naming ito ni Omeng?

Buong akala ko ay napaniwala ko na si Mommy sa palabas naming ito.  

Napangisi si Mommy, "I know you too well, Pamela.  Sa akin ka nanggaling kaya hindi mo ako mabibilog sa palabas mong ito.  Alam kong ginagawa mo lang ito para galitin ako.  Ikaw pa, papatol sa isang kagaya niya?"

Hindi kaagad ako nakasalita.

Muling nagpatuloy sa pagsasalita si Mommy, "At ikaw lalaki," anitong lumapit at umikot kay Omeng, "Feeling mo papatulan ka talaga ng anak ko? Huwag kang ilusyunado.  Hindi ikaw ang tipong magugustuhan ng anak ko.  Kung magkano man ang ibinayad saiyo ni Pamela, dodoblehin ko, layuan mo lang sya.  Hindi ka nababagay sa kanya!" Galit na galit na sabi ni Mommy dito.

Ako ang naawa kay Omeng.  Kung kanina ay kinakitaan ko ito ng kumpiyansa, ngayon ay para itong basang sisiw sa harap ni Mommy.  Muli itong napatungo.  At ewan kung ano ang pumasok sa utak ko, bigla kong nilapitan si Omeng, "Talaga nga palang hindi nyo ako kilala kung iniisip ninyong ginagawa ko lang ang lahat ng ito para pasakitan kayo!" sabi ko kay Mommy, "Para ano?  Matagal na kayong walang epekto sa buhay ko," nakatitig ako kay Mommy, ang dami kong gustong isumbat dito ngunit mas pinili kong asarin na lamang ito, "Omeng is right.  Nagmamahalan kami at wala akong pakialam sa kung anuman ang estado ng pamumuhay niya.  And yeah, you might be right na hindi ako kayang buhayin ni Omeng sa klase ng katayuan nya.  Pero hindi naman iyon mahalaga sa akin.  Ang importante, masaya ako.  Napapasaya nya ako."

"Tigilan mo na ang kalokohan mong ito, Pamela!" Sigaw sa akin ni Mommy.

Napangiti ako, "Kailan pa naging kalokohan ang magmahal, ha Mommy?  Hindi ba yan ang sinabi mo sa akin nuong sumama ka kay Ninong? Ikaw ang nagturo sa aking ipaglaban ang nararamdaman ko," may sarcasm na sabi ko.  Nakita ko ang pangangatal ng katawan ni Mommy, iyong isang kamay nito, parang gustong-gusto nang dumapo sa pisngi ko, nagpipigil lang.

Mas lalo kong tinapangan ang pagkakatitig ko kay Mommy.  Iyong mga mas masasakit na gusto kong sabihin sa kanya, idinaan ko na lang sa pagtitig sa kanya.  At para mas lalo pang madagdagan ang nararamdaman nitong galit, hinalikan ko si Omeng.

Nagulat si Omeng sa mapangahas na ginawa ko.  Ramdam kong gusto niya akong itulak palayo.  Pero mas nagulat ako sa sarili ko.  Nagulat ako dahil bakit parang nagustuhan ko ang lasa ng mga labi ni Omeng?  At bakit parang may mga kuryenteng nanunuot sa kaliit-liitang himaymay ng aking katawan ng mga sandaling ito.

Pero bago pa ako tuluyang mawala sa aking katinuan ay mabilis na akong lumayo kay Omeng, "By the way, hindi ko pa pala sainyo nasasabi, We are getting married by the end of this month!"  Anunsyo ko.

Hindi lang si Mommy ang nagulat sa sinabi ko, pati si Omeng na waring tinakasan ng kulay ang mukha nang marinig ang sinabi ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 13

    BUMALING AKO KAY OMENG. Pinagtatakhan kong bigla-bigla naman yata itong nakagawa ng desisyon samantalang kaninang umaga lang ay humiling ito ng tatlong araw para pag-isipang mabuti ang alok kong contract marriage.Napangisi ako nang maisip ko si Enrico, "Natakot ka bang bawiin ko na ang plano ko? Guwapo si Enrico, matikas. . .at. . .""At bakit naman ako ma-iinsecure sa kanya eh wala naman akong balak na totohanin itong atin," mabilis na sagot ni Omeng pero napansin kong nagba-blush ito."And what makes you think na may balak nga akong talaga na patulan ka?" May sarcasm na tanong ko dito.Hindi ito sumagot. Mabilis na nitong binuhay ang makina ng sasakyan. Tumahimik na ito habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngunit naisip kong pera lang naman ang lamang ng lalaking ipinakilala ni Mommy kanina.Kung tutuusin, kapag nabihisan ng maayos si Omeng, lamang na lamang ito sa lalaking iyon. Tindig pa lang ni Omeng, wala ng sinabi ang lalaking iyon.Omeng

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 12

    BRIDGETTE'S POV:HINDI AKO nagkamali, nakikita ko sa mga mata ni Enrico na nagustuhan talaga nito ang aking anak. Ang kailangan ko na lang gawin ay makumbisi ko si Pamela na ito ang lalaking nababagay sa kanya at hindi ang hampas lupang alalay nito.Bahagya akong napasulyap kay Omeng sabay irap dito. Mistula itong isang basahan kung ikukumpara mo sa mamahaling porma ni Enrico. Hindi talaga ako makapapayag na ang pipitsuging lalaki na ito ang mapangasawa ng aking anak. Over my dead body!Gagawin ko ang lahat, sa kahit na anupamang paraan upang hindi matuloy ang kalokohan ni Pamela. Alam ko namang ginagawa lang ito ni Pamela para pasakitan ako. Hah, at paano naman nito magugustuhan ang hampas lupang. . .huminga ako ng malalim at hinarap ko si Omeng."Pwede bang lumabas ka muna ng kwarto, may mahalaga kaming pag-uusapan ng anak ko at ka kasali dito," may katarayang sabi ko dito. Kaagad namang tumalima si Omeng sa utos ko. Mabuti naman at alam nito kung saan ito lulugar.Nakangiti n

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 11

    "BIGYAN mo ako ng tatlong araw para pag-isipan ang mga bagay-bagay," narinig kong sabi ni Omeng sa akin.Napabuntong hininga ako ng malalim, "Okay, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan ang offer ko. After three days at undecided ka pa rin, hahanap na lang ako ng ibang willing magpakasal sa akin!" Sabi ko dito saka mabilis ko na itong tinalikuran. Ito pa ba ang choosy? As if naman gustong-gusto ko talagang magpakasal sa kanya!Kung hindi nga lamang ako napasubo kay Mommy, hindi ko na ito itutuloy pa. Pero ayokong isipin ni Mommy na hindi ko kayang pangatawanan ang pinapasok kong ito. Mas lalong ayokong maging katawa-tawa sa paningin nito.Napaisip ako sa sinabi ni Daddy. Gusto nitong bumukod kami ni Omeng ng tirahan para mapaniwala namin talaga si Mommy. Ganun na lang ito katiwala kay Omeng para pumayag na magsama kami sa iisang bubong nang kaming dalawa lang?Ano bang ipinakain ni Omeng dito para makuha nito ang tiwala ni Daddy? Mabigat sa dibdib na pumasok ako sa aki

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 10

    HINDI AKO MAKAPANIWALA nang sabihin sa akin ni Daddy na pumapayag siya sa mga plano ko. Napakurap-kurap ako."O-Okay lang sa inyo na magpakasal kami ni Omeng?" muli ko siyang tinanong para makasigurado.Tumango si Dad saka ginagap ang isang kamay ko, "Basta siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan ang pinapasok mong ito, Pamela. At ayokong makitang iiyak iyak ka pagkatapos ng palabas ninyong ito.""Three months lang naman. Pagkatapos magpa-file ako ng divorce para mapawalang bisa ang kasal namin," sabi ko kay Daddy. Kinailangan kong makadalawang beses na lunukin ang laway na bumabara sa aking lalamunan. Parang gusto ko ng umatras sa mga plano ko. Napasubo na nga yata akong tuluyan."Iyan ay kung mapapayag mo nga si Omeng sa mga plano mo," kaswal na paalala sa akin ni Daddy. "Alalahanin mo, hindi robot si Omeng na susunod sa lahat ng gusto mo. Oo, empleyado mo sya, pero hindi ibig sabihin nun, idadaan mo sa pananakot para mapapayag siya."Tumango na lamang ako kahit ang totoo

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 9

    DON MODESTO'S POV:"ANONG KALOKOHAN ITO MODESTO? Pinayagan mo ang anak nating makipagrelasyon sa isang hampas lupa at ngayon pinapayagan mo rin silang magpakasal?" Nagwawala sa galit na sabi ng aking dating asawa, ang ina ni Pamela na si Brigette nang puntahan ako nito sa mansion.Hindi ako agad sumagot. In fairness ay maganda pa rin si Brigette. Naalala ko nuong kabataan nito ay malaki ang pagkakahawig ni Pamela dito. Nakuha rin nito ang ugali ng anak, kapag may ginusto, hindi ito papayag na hindi nito makuha.Very stubborn. Kaya nga umaasa akong si Omeng ang magtuturo ng leksyon dito para hindi ito tuluyang mapariwara. Panatag ang kalooban ko kay Omeng. Magaan ang loob ko dito. Hindi ko matukoy kung ano pero tiyak ko, malaki ang maitutulong nito sa tulyang pagbabago ng ugali ng aking unica iha.Hindi ko papayagang hanggang sa mamatay ako ay ganuon ang aking anak. Gusto ko itong maging masaya at makalimutan ang lahat ng mga sama ng loob at galit na nararamdaman nito.Gusto ko

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 8

    IN FAIRNESS, MASARAP nga sa restaurant na ito, medyo marami lang tao. Naparami tuloy ang kain ko kaya tatawa-tawa si Omeng habang nakatingin sa akin, "Oh di ba, sabi ko naman saiyo, masarap dito, sakto lang ang presyo. Ewan ko ba sa inyong mga mayayaman kung bakit gustong-gusto nyong nag-aaksaya ng pera kumain sa mga hotel, bukod sa kakarampot lang ang servings, overrated pa. Madalas, ang tatabang ng lasa."Nagkibit balikat lang ako. Dinagdagan ni Omeng ang rice sa pinggan ko, "Kain lang ng kain ha. Wala pang two thousand itong in-order natin kaya marami pa kong sobra. Saka wag kang magdiet. Mas maganda ka kapag bilugan iyong mukha mo."Napatitig ako dito. "May birthday wish ka ba?" Tanong ko."Meron sana pero malabong magkatotoo eh," halos paanas lang na sagot nito sa akin. Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa akin. Bigla tuloy akong naconscious.Pinunasan nito ng paper towel ang labi ko. Napakurap-kurap ako. Hey Pamela, nawawala ka nga yatang talaga sa wisyo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status