LOGIN"KUHANIN MO SA FINANCE department yung report na hinihingi ko," utos ko kay Omeng habang abala ako sa binabasa kong report ng opisina. Nag-angat ako ng mukha nang mapansin kong ni hindi man lamang ito tumitinag mula sa pwesto nito, "Ano pang hinihintay mo?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ko dito. Waring atubili pa ito bago tumalima sa utos ko. Siguro ay naiinis dahil sinabihan ko siyang kailangan naming mag-overtime ngayong Friday sa dami ng kailangang tapusin sa opisina.
Sa ngayon ay ako na ang CEO ng kompanya ng aking ama ngunit never akong nakakitaan ng aking mga empleyado ng katamaran. I see to it na magiging mabuti akong halimbawa sa kanila kaya ganuon na lamang ako kasipag magtrabaho. I also make sure na lahat ng documents na piniirmahan ko ay masusi kong pinag-aaralan. Bagama't two years ng retired si Daddy, sa kanya pa rin ako huimihingi ng advice lalo na sa mga malalaking desisyon ng kompanya.
Kaya kung dati ay masipag na akong magtrabaho, mas lalo na ngayong sa akin na nakaatang ang isang malaking responsibilidad. Ayokong masira ang tiwala sa akin ni Daddy. Madalas nga nitong sabihin sa akin na kinatatakutan nitong baka tumanda na akong dalaga because I don't have time to play. Mas lalong no time for love. Marami namang nanliligaw sa akin, pero kasama ako sa no boyfriend since birth na mga kababaihan.
Bukod kasi sa mataas ang standard ko pagdating sa mga lalaki, sadyang wala pa akong natitipuhan sa lahat ng nagpaparamdam sa akin.
Hindi naman sa pagmamayabang, maganda talaga ako. Ako iyong tipo na mapapansin kaagad sa karamihan dahil hindi naman ordinaryo ang ganda ko. Ayoko mang aminin pero namana ko ang kagandahan ko kay Mommy na mestisa at artistahin ang dating. Matangkad rin ako sa height na 5'8. Matangos ang aking ilong, mapula ang aking mala-Angelina Jolie na mga labi. Pino ang aking maputing balat, at hanggang balikat ang akong natural brown hair na pagkakintab-kintab dahil na rin siguro sa masusustansya kong kinakain.
"Hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya pinuntahan na kita dito," anang isang pamilyar na tinig mula sa kabubukas na pinto. Dinig ko ang lagatok ng heels nito habang naglalakad papasok sa loob ng aking opisina. Pag-angat ng mukha ko ay kaagad napakunot ang nuo ko nang makita ko si Mommy. Pusturang-pustura ito kasama ng alalay nitong may labit na isang maliit na bag, kung saan nakasuksok ang inumin ni Mommy at pamaypay.
"What brings you here?" Walang kabuhay-buhay na tanong ko sa kanya, bumuntong hininga lang ako ng malalim saka muling ibinalik ang tuon sa pinag-aaralan kong project proposal. Gusto kong iparamdam kay Mommy na hindi ito welcome sa aking opisina lalo na at masyado akong busy para maglaan ng oras sa kanya.
"Yayain sana kitang magdinner." anang Mommy ko habang iginagala ang tingin sa kabuoan ng aking marangyang silid. Dinapot pa nito ang picture naming dalawa ni Daddy nuong 18th brthday ko. "Ang alam ko, dumating rin ako sa birthday mo 'nung debut mo pero ni hindi mo man lang inilagay ang larawan ko kasama ka," tila nagtatampo pa nitong sabi.
Hindi ko siya pinansin. Hah. Ang lakas ng loob magdemand sa kanya? Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mga importanteng tao lang ang dinidisplay ko sa opisina ko kaya lang kahit naman paano ay ina ko pa rin ito kaya ayoko naman siyang sabihan ng ganuon.
"May ipinareserve akong table sa. . ."
Bago pa matapos ang sasabihin ni Mommy ay pinutol ko na iyon, "I'm sorry pero busy ako. Kung wala na kayong ibang sasabin pwede na siguro kayong umalis. Sa totoo lang, hindi ako basta-basta nagpapasok dito ng walang appointment!" Sabi ko sa kanya.
"Talaga bang ganyan na katindi ang galit mo sa akin, ha Pamela?" Tanong nito sa akin, may halong pagsusumamo habang nakatitig ito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayokong lumambot ang puso ko. Sakto namang bumalik si Omeng bitbit ang mga reports na ipinakuha ko. Nagbago ang mukha ni Mommy nang makita ito. Kumunot ang nuo nito nang mapansin ang mga bitbit na folders ni Omeng, "Ano ito? Dakila mo rin ba siyang alalay bukod sa pagiging boyfriend mo?"
NAGULAT na lang ako nang dumating si Miranda at may dalang isang malaking maleta. "I'll be staying here," anunsyo nito. Napalingon ako kay Enrico na halatang nagulat rin sa biglang pagsulpot ni Miranda, "Gusto kong ako ang mag aalaga saiyo," sabi nito kay Enrico.Nakaramdam ako ng pangigigil. Bakit kailangan nitong ipagsisiksikan ang sarili eh kaya ko naman nang alagaan si Enrico?Pero hindi ko ito bahay at si Enrico lang ang may karapatan kung sino ang gusto nitong tanggapin dito sa bahay. O gustong paalisin.Nilapitan nito si Enrico at tila nanadya pang asarin ako, "Enrico, from now on, ako nang mag aalaga saiyo. Ill monitor all your food intake. Kung gusto mo, sasamahan rin kita sa opisina mo para matiyak na healthy lahat ng kinakain mo. Don't worry, behave naman ako."Gusto ko na itong sakalin."By the way, Tiffany, wag na wag mong bibigyan ng coffee si Enrico." Inagaw nito mula kay Enrico ang ginawa kong kape para dito."Hindi naman bawal ang coffee sabi ng doctor, in fact nakaka
HINDI naman nagtagal sa ospital si Enrico. Kinabukasan rin ay lumabas ito kaagad. Kasama nito si Miranda nang umuwi.“No more alcohol for you,” dinig kong sabi ni Miranda dito, tumingin ito sa akin, “Bawal sa kanya ang alcohol and too much sugar. He got fatty liver. As much as possible bantayan nyo ang diet nya," Sabi nito sa amin ni Talia.Hindi ako umimik. Daig pa nito ang asawa kung makaasta, sa loob loob ko. Pero labis akong nag aalala para kay Enrico. Siguro nakuha nito iyon sa labis na pag inom ng alak."Kung gusto mo, dun ka na muna sa condo ko para mamonitor ko ang kondisyon mo. We'll do a keto diet together."Aba at talagang hindi na nagpapatumpik tumpik pa ang babaeng ito. Gustong samantalahin ang pagkakataon para masarili talaga si Enrico, naiinis na ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko at baka kung ano pa ang masabi ko, ako lang ang mapahiya gaya ng nangyari kagabi. "Mabuti rin iyong nasa tabi mo ako habang nirereverse natin ang fatty liver mo. I mean, I know you. Hindi k
MASAKIT sa dibdib na sandali lang akong tumalikod, may kaholding hands na kaagad na ibang babae si Enrico. Kagat kagat ko ang aking pang ibabang labi habang naglalakad palabas ng ospital. Hah, ano namang panama ko sa babaeng iyon eh mukha itong diyosa na bumaba mula sa langit.Grabe sa ganda, parang hindi tao. Samantalang itong beauty ko, napaka ordinaryo lang. Sakit. Lalo pa at sa harapan ng babaeng iyon ay itinaboy akong pauwi ni Enrico. Meaning, ito ang gusto nitong makasama at hindi ako. Lumilipad ang isipan ko habang naglalakad kaya hindi ko napapansin ang isang madre na kasakubong ko at kanina pa titig na titig sa akin. Umatras itong pabalik at siguro ay hindi na nakatiis, kinalabit ako. “Tiffany?”Nagulat ako nang marinig kong tinawag nito ang pangalan ko. Sa umpisa ay hindi ko kaagad ito nakilala kaya makailang beses ko itong sinipat. Bigla akong na excite nang sa wakas ay mamukhaan ko na ito.“Natalia!” sabi ko, muli ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, hin
MIRANDA’S POV:SINUNDAN ko ng tingin si Tiffany habang papalabas ito sa kwartong inuukupahan ni Enrico. Alam ko, hindi man nito aminin, may pagtingin ito kay Enrico. Babae ako kaya ramdam na ramdam ko iyon. Ngunit mahal ko rin si Enrico. Matagal na akong may lihim na pagtingin dito kaya nga nagbalik ako ng Pilipinas. Nakikipagsapalaran rin ako sa feelings ko para dito lalo pa at kahit anong gawin ko, parang hanggang pagtinging kaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa akin.Ewan ko pero bakit parang nahuhulog na ang loob nito kay Tiffany?Lumapit ako dito, nahuli ko itong nakasunod rin ng tingin kay Tiffany. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong ko dito.“Okay naman na ako. Actually napilitan lang akong magpa confine dahil gusto nila akong imonitor 24/7 para siguraduhing walang problema at simpleng allergy lang ito. Pero the truth is normal lang naman ang pakiramdam ko.”Natawa ako, “Normal ang pakiramdam mo eh ka video call kita kanina, mukha kang alien!” Pabirong sabi ko
HINDI na pinalabas pa ng doctor si Enrico dahil lahat ng laboratory test ay isinagawa dito. Mataas rin ang lagnat nito kaya wala akong choice kundi samahan ito sa ospital. Gusto nga akong pauwiin nito but I insists. Sumama pa nga ang loob ko nang sabihin nitong tatawagan na lang nito si Miranda. Bakit kailangan pa nitong tawagan ang babaeng iyon, nandito naman ako? Buong maghapon itong minomonitor ng mga nurses. Kinakabahan tuloy ako. May malala ba itong sakit? Bakit kailangang ipa confine pa ito ng doktor kung simpleng allergy lang naman ito.Diyos ko, huwag nyo pong papabayaan si Enrico. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kapag nagkaroon sya ng matinding karamdaman. Kailangan po sya ng anak ko. Payag na akong hindi na nya ako mahalin. Basta lang po maging safe sya. Paulit ulit na panalangin ko habang pinagmamasdan ko si Enrico na natutulog. Epekto raw iyon ng gamot na itinurok dito. Lumabas lang ako para manghalian. Sandaling sandali lang. Gusto ko kasi, nasa loob ako ng kwar
SINCE hindi ko kayang mag isa na buhatin si Enrico patungo sa kwarto nito ay inayos ko na lamang ito sa couch at kinumutan. Hinubad ko rin ang suot nitong sapatos. Pinunasan ko ng maligamgam na tubig ang mukha nito. Nang matiyak na komportable naman na ito sa couch ay lumabas na ako ng wine room. Kahit pala mayamang gaya ni Enrico, hindi rin nawawala ang problema sa pamilya.Dumiretso ako sa kusina at uminom ng gatas. Wala na akong ganang kumain kaya nag crackers na lang ako para may laman ang sikmura ko kahit na paano. Nabalik ang isipan ko sa pamilya ko. Kay Tatay at Nanay. Gaya ng tanong sa isipan ni Enrico, bakit kahit na anong gawin ko ay parang balewala sa aking mga magulang? Bakit palaging may kulang?Ni minsan ba hindi sumasagi sa mga isipan nila na napapagod din naman ako? ENRICO'S POV:MADALING araw ay nagising ako. Masakit ang ulo ko, napatingin ako sa empty bottle ng alak sa lamesa. Hindi ko alam na nakaubos ako ng isang bote dito kagabi. Sa sobrang kalasingan ay dito na







