Share

CHAPTER 77

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2025-09-22 05:44:52

Napilitan akong ipagtapat kay Omeng ang lahat, “Dahil sa matinding galit ko kay Mommy, I hired you to pretend as my fiancé. Nagkunawa rin tayong mag asawa ng mga ilang buwan. . .hanggang sa hindi ko na kayang magkunwari. And then the plane crash happened.”

Tahimik lang si Omeng habang nakikinig sa kwento ko. Waring tinatantiya ang katotohanan ng mga sinasabi ko.

Well, bahala na ito kung paniniwalaan ako or hindi. Ang mahalaga ay nasabi ko na dito ang lahat. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng dinadala ko.

Maya maya ay narinig ko itong nagsalita. “Hindi na ito kailangan pang makarating kay Clarisse. Malinaw naman saiyo ang estado ng relasyon namin, hindi ba?” Sabi nito. “Kung may nakaraan man tayo, nakaraan ng lahat iyon, maliwanag ba?”

May pait sa mga labing napangiti ako, “Wala naman akong balak umepal sa inyo. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na sana sasabihin ang totoo. Ang gusto ko lang naman, makaoagtrabaho ng maayos at walang gulo.”

Tumango ito. Pagkatapos niyon ay hin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
manloloko talaga c Clarisse Ng pipils k piano k mabubuntis.
goodnovel comment avatar
Carmi Oblefias
hindi ikaw ang ama omeng ..tsk
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 22:

    PINAUWI ko na kaagad si Nilo bago pa kung anu anong masabi nito kay Enrico. Ang totoo ay wala na akong balak kuhanin pa ito. Pinagsisihan kong naisipan ko pang kitain ito in the first place. Pinainit lang nito ang ulo ko. Kinakabahan tuloy ako. Ano bang pag uusapan na naman namin ni Enrico?Naghintay pa ako ng halos isang oras bago matapos sa pakikipagmeeting nito si Enrico. Nang matapos ito ay nilapitan ako habang ang ka meeting nito ay nakita ko nang umalis. Hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha ni Enrico nang tingnan ako."Wala akong tiwala sa lalaking kausap mo kanina, Tiffany. Wala naman akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa kanya. . .""Hindi ko sya karelasyon at wala akong balak makipagrelasyon sa lalaking yun!" Maagap na sagot ko dito.Tiningnan ako nito nang matiim saka huminga ng malalim, "Gaya nga ng sabi ko, malaya kang gawin ang gusto mo. Ang inaalala ko lang ay ang kapakanan ng anak ko."Hah, kung magsalita ito ay parang hindi nito tinangkang ipalaglag ang bata?"K

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 21:

    TAMA nga ba itong ginagawa ko? Pagseselosin ko si Enrico gamit ang lalaking ito? Sinipat ko mula ulo hanggang paa si Nilo."Kulang ka pa ng isang paligo. At saka pwedeng magpagupit ka naman? Iyong clean cut? Saka isuot mo iyong polo shirt na binili ko saiyo bukas ha?" Sabi ko dito. Nasa loob kami ng isang coffee shop habang ini ensayo ko ito, "Saka bukas kung sakaling me itatanong saiyo si Enrico, wag na wag mong sasabihing tambay ka ha?"Humigop ito ng kape pagkatapos ay sumubo ng cheese cake na animoy isang linggong hindi pinakakain. "Wag na wag kang ganyan bukas ha?" Sabi kong pinandilatan ito ng mga mata."Eh sino ba kasi ang Enrico na iyon?""Basta sundin mo na lang ako, wag ka ng marami pang tinatanong. . ." Natigilan ako nang makita si Enrico papasok ng coffee shop ring iyon. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko lalo pa at mukhang wala pang ligo itong si Nilo. Magtatago sana ako but it's too late. Nakita na ako nito at lumapit ito sa kinaroroonan namin. Kunot nuo itong

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 20:

    KITANG KITA ko ang pagdidilim ng mukha ni Enrico habang nakatingin sa akin. Ako lang ba ito or pinagseselosan nito si Ronnie. Bigla ay nakasilip ako ng pag asa.Baka nga may chance? Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o matutuwang makita ito sa ganitong reaction. “Sabihin mo lang kung gusto mong bumalik dun, ngayon din ihahatid kita!”“Nagsisipag uwian na sila ngayon. Kakatawag lang sa akin ni Ronnie at. . .” Hindi na nito hinintay na matapos ang sinasabi ko. Mabilis na ako nitong tinalikuran at pumasok ito sa kwarto nito, saglit lang. Lumabas ito na may bitbit na folder saka umalis na rin kaagad. Narinig ko na lang ang pag andar ng sasakyan nito. Bahagya ko itong sinilip sa bintana habang nangingislap ang aking mga mata.What if kaya ko pa itong ilaban? What if unti unti na akong natutunang mahalin ni Enrico at pinagseselosan nga nito si Ronnie?Ano kaya ang mga dapat kong gawin? Hmm, operation seduction?Kaagad kong tinawagan si Luisa, "Friend, mukhang pinagseselosan ni Enrico

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 19:

    DAHIL hindi kaagad ako nakatulog kagabi, tanghali na akong nagising. Maaga raw pumasok sa opisina si Enrico, sabi ni Talia. Ni hindi nga raw nito ininom ang kapeng ginawa ni Talia.“Napansin ko Mam, kapag kayo ang gumagawa ng kape ni Sir, palagi nyang inuubos. Nun ngang nasa outing kayo panay ang tanong sakin kung tinatawagan nyo raw ba ako?”Kwento sa akin ni Talia, inilapag nito sa mesa ang scambled egg na kakaahon lang nito sa kawali. “Ewan ko ba naman kasi kung bakit hanggang ngayon hindi mo makuha kuha ang timpla ko ng kape eh,” sabi ko dito, kumuha ako ng butter sa fridge at ipinalaman iyon sa pinainit kong pandesal. Si Talia naman ay nilagyan ng ketsup ang umuusok pang kanin saka inihalo duon ang scrambled egg. Ito ang paboritong almusal ni Talia at tila walang kasawa sawa duon. Ako naman ay mainit na tsokolate at pandesal with butter. Brunch na rin ito since alas diyes na akong nagising. “Hmm, baka naman hindi talaga yung timpla ng kape ko ang may mali. Baka gusto nya lang ta

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 18

    ENRICO’S POV:HINDI ako pinatulog ng mga alalahanin. Actually, kaninang kausapin ako ni Ronnie at sabihin sa akin na handa itong panagutan si Tiffany ay sobra akong napikon kaya nasuntok ko ito. Ano bang akala nito sa akin? Inutil?Ngunit higit sa pagkapikon ay ang sobrang takot na naramdaman ko. Hindi ko alam kung saan nangagaling ang takot kong iyon. Hindi ba dapat matuwa ako dahil may isang lalaking handang panagutan ang responsibilidad na gusto kong talikuran? But damn, habang tumatagal ay na eexcite akong makita ang baby namin ni Tiffany. Muling nanumbalik sa aking mga alaala nang araw na ibalita nito sa akin na buntis ito. FLASHBACK:DI ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Malamig ang daloy ng aircon pero ramdam ko ang mga gitli ng pawis sa aking nuo.“B-buntis ka?” nagbuckle pa ako, waring nanuyo ang aking lalamunan, “Sigurado ka bang sa akin yan?”Nakita ko ang tinitimping galit sa mga mata nito. Sabagay, malinaw naman sa utak ko ang nangyari ng gabing iyon.Oo lasing ako nguni

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 17:

    HANGGANG makarating sa bahay ay hindi na kami nag usap pa ni Enrico. Gusto lang nitong sabihing hindi si Miranda ang kasama nito magdamag kaya ako nito sinundo? Hindi ko talaga minsan maintindihan kung ano ang tumatakbo sa kukute ng lalaking ito. Dumiretso ako sa kwarto ko at pasalampak na nahiga. Muling nagbalik sa aking alaala nang malaman kong buntis ako at sabihin ko iyon kay Enrico.FLASHBACK:“Sigurado ka bang sa akin yan?” tila nag dududa pang tanong nito sa akin. Gusto ko itong sampalin. Wala naman akong ibang pinagbigyan ng pagkababae ko kundi ito. At ngayon ay pagdududahan pa ako nito?“Sir, gusto ko lang ipaalala na virgin ako nang makuha mo.” sagot ko dito.“Ni hindi ko nga maalala ang nangyaring iyon sa atin eh.” Parang gusto nitong sagarin ang pasensya ko pero dahil boss ko ito ay mahinahon pa rin akong nakipag usap dito. Besides, tatay ito ng dinadala ko kaya kailangang maging maingat ako sa pagbitaw ng aking mga salita lalo at naguguluhan ako sa mga oras na ito.“Hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status