"BIGYAN mo ako ng tatlong araw para pag-isipan ang mga bagay-bagay," narinig kong sabi ni Omeng sa akin.Napabuntong hininga ako ng malalim, "Okay, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan ang offer ko. After three days at undecided ka pa rin, hahanap na lang ako ng ibang willing magpakasal sa akin!" Sabi ko dito saka mabilis ko na itong tinalikuran. Ito pa ba ang choosy? As if naman gustong-gusto ko talagang magpakasal sa kanya!Kung hindi nga lamang ako napasubo kay Mommy, hindi ko na ito itutuloy pa. Pero ayokong isipin ni Mommy na hindi ko kayang pangatawanan ang pinapasok kong ito. Mas lalong ayokong maging katawa-tawa sa paningin nito.Napaisip ako sa sinabi ni Daddy. Gusto nitong bumukod kami ni Omeng ng tirahan para mapaniwala namin talaga si Mommy. Ganun na lang ito katiwala kay Omeng para pumayag na magsama kami sa iisang bubong nang kaming dalawa lang?Ano bang ipinakain ni Omeng dito para makuha nito ang tiwala ni Daddy? Mabigat sa dibdib na pumasok ako sa aki
HINDI AKO MAKAPANIWALA nang sabihin sa akin ni Daddy na pumapayag siya sa mga plano ko. Napakurap-kurap ako."O-Okay lang sa inyo na magpakasal kami ni Omeng?" muli ko siyang tinanong para makasigurado.Tumango si Dad saka ginagap ang isang kamay ko, "Basta siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan ang pinapasok mong ito, Pamela. At ayokong makitang iiyak iyak ka pagkatapos ng palabas ninyong ito.""Three months lang naman. Pagkatapos magpa-file ako ng divorce para mapawalang bisa ang kasal namin," sabi ko kay Daddy. Kinailangan kong makadalawang beses na lunukin ang laway na bumabara sa aking lalamunan. Parang gusto ko ng umatras sa mga plano ko. Napasubo na nga yata akong tuluyan."Iyan ay kung mapapayag mo nga si Omeng sa mga plano mo," kaswal na paalala sa akin ni Daddy. "Alalahanin mo, hindi robot si Omeng na susunod sa lahat ng gusto mo. Oo, empleyado mo sya, pero hindi ibig sabihin nun, idadaan mo sa pananakot para mapapayag siya."Tumango na lamang ako kahit ang totoo
DON MODESTO'S POV:"ANONG KALOKOHAN ITO MODESTO? Pinayagan mo ang anak nating makipagrelasyon sa isang hampas lupa at ngayon pinapayagan mo rin silang magpakasal?" Nagwawala sa galit na sabi ng aking dating asawa, ang ina ni Pamela na si Brigette nang puntahan ako nito sa mansion.Hindi ako agad sumagot. In fairness ay maganda pa rin si Brigette. Naalala ko nuong kabataan nito ay malaki ang pagkakahawig ni Pamela dito. Nakuha rin nito ang ugali ng anak, kapag may ginusto, hindi ito papayag na hindi nito makuha.Very stubborn. Kaya nga umaasa akong si Omeng ang magtuturo ng leksyon dito para hindi ito tuluyang mapariwara. Panatag ang kalooban ko kay Omeng. Magaan ang loob ko dito. Hindi ko matukoy kung ano pero tiyak ko, malaki ang maitutulong nito sa tulyang pagbabago ng ugali ng aking unica iha.Hindi ko papayagang hanggang sa mamatay ako ay ganuon ang aking anak. Gusto ko itong maging masaya at makalimutan ang lahat ng mga sama ng loob at galit na nararamdaman nito.Gusto ko
IN FAIRNESS, MASARAP nga sa restaurant na ito, medyo marami lang tao. Naparami tuloy ang kain ko kaya tatawa-tawa si Omeng habang nakatingin sa akin, "Oh di ba, sabi ko naman saiyo, masarap dito, sakto lang ang presyo. Ewan ko ba sa inyong mga mayayaman kung bakit gustong-gusto nyong nag-aaksaya ng pera kumain sa mga hotel, bukod sa kakarampot lang ang servings, overrated pa. Madalas, ang tatabang ng lasa."Nagkibit balikat lang ako. Dinagdagan ni Omeng ang rice sa pinggan ko, "Kain lang ng kain ha. Wala pang two thousand itong in-order natin kaya marami pa kong sobra. Saka wag kang magdiet. Mas maganda ka kapag bilugan iyong mukha mo."Napatitig ako dito. "May birthday wish ka ba?" Tanong ko."Meron sana pero malabong magkatotoo eh," halos paanas lang na sagot nito sa akin. Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa akin. Bigla tuloy akong naconscious.Pinunasan nito ng paper towel ang labi ko. Napakurap-kurap ako. Hey Pamela, nawawala ka nga yatang talaga sa wisyo
"ANAK NG TETENG, NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO?" Matiim na tanong sa akin ni Omeng, kinabahan ako nang matitigang mabuti ang mga mata nito. Bakit parang mas gumuwapo ang lalaking ito ngayon? Hah, masyado naman yata akong natatangay ng palabas kong ito? Muli kong naalala ang pakiramdam ko kanina habang hinahalikan ito. Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Umiwas ako ng tingin dahil parang napapaso na ako sa mga mata nito ng sandaling iyon. Nagulat na lamang ako nang hilahin ako nito palabas ng aking opisina."Pakakainin muna kita dahil baka gutom lang yan kaya kung ano-ano ng naiisip mo," sabi sa akin ni Omeng bago pa ako makapagtanong.Inagaw ko ang kamay kong hawak nito saka umayos ako ng tindig. Pero pagkabukas ng elevator ay kaagad na ako nitong hinila papasok sa loob. "Pagkatapos nating kumain, saka tayo mag-usap tungkol sa Mommy mo," narinig ko pang sabi ni Omeng. Tahimik ako habang nag-iisip ng sasabihin. Maya-maya ay muli itong nagsalita, nakangisi, "Binigla mo ako s
"NAHIHIBANG KA NA BA?" Sigaw ni Mommy sa akin, hindi na ito nakapagpigil pa. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi. Sapat para matauhan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sabihin iyon kay Mommy.Napasobra naman yata ang pagsisinungaling ko?Pero napasubo na ako, wala ng atrasan ito."Hindi ako nahihibang," umayos ako ng tindig, kumapit ako kay Omeng para dito kumuha ng lakas, kahit ang totoo, hanggang ngayon ay gulat pa rin ito sa sinabi ko.Wala naman kasi ito sa usapan namin.Bugso ng sobrang galit kaya nasabi ko ang isang malaking kasinungalingan na ito. Bahala na. Ang mahalaga sa ngayon ay napagtagumpayan kong galitin si Mommy."Nasa katinuan ako, Mommy. Mahal ko si Omeng and to hell with what you think pero buo na ang pasya kong magpakasal sa kanya.""Anak ng teteng. . ." Narinig kong halos pabulong na sabi sa akin ni Omeng. Gustong-gusto na nitong magsalita pero nagpipigil lang. Siguro ay pinoprotektahan rin ang kahihiyan ko kaya sum