"ANAK NG TETENG, NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO?" Matiim na tanong sa akin ni Omeng, kinabahan ako nang matitigang mabuti ang mga mata nito. Bakit parang mas gumuwapo ang lalaking ito ngayon? Hah, masyado naman yata akong natatangay ng palabas kong ito? Muli kong naalala ang pakiramdam ko kanina habang hinahalikan ito. Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Umiwas ako ng tingin dahil parang napapaso na ako sa mga mata nito ng sandaling iyon.
Nagulat na lamang ako nang hilahin ako nito palabas ng aking opisina.
"Pakakainin muna kita dahil baka gutom lang yan kaya kung ano-ano ng naiisip mo," sabi sa akin ni Omeng bago pa ako makapagtanong.
Inagaw ko ang kamay kong hawak nito saka umayos ako ng tindig. Pero pagkabukas ng elevator ay kaagad na ako nitong hinila papasok sa loob. "Pagkatapos nating kumain, saka tayo mag-usap tungkol sa Mommy mo," narinig ko pang sabi ni Omeng. Tahimik ako habang nag-iisip ng sasabihin. Maya-maya ay muli itong nagsalita, nakangisi, "Binigla mo ako sa halik mo kanina. Wala naman sa usapan iyon ah," tila nanunuksong sabi nito sa akin habang nakangisi.
Napanguso ako, "Wag kang masanay! Ginawa ko lang iyon para inisin si Mommy," sabi ko dito.
"Alam na alam mo talagang galitin ang Mommy mo ano?" May pait sa mga labing sabi sa akin ni Omeng, "Pero thank you. Iisipin ko na lang na paberthday mo sakin kung halik mo. Hindi mo kasi naitatanong, birthday ko ngayon."
Nag-angat ako ng mukha at kunot nuong napatingin kay Omeng. Hindi ko alam kung bakit waring nakita ko ang piping pananabik sa mga mata nito habang tumingin sa mga labi ko, "In fairness, masarap iyong birthday gift na binigay mo sa akin," hindi ko alam kung may sarcasm iyon nang sabihin nito sa akin. Pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Sa totoo lang, first time akong nakipaghalikan, sa hindi ko pa totoong boyfriend.
"First time mo?" Narinig kong tanong nito. Namula ang mukha ko, natawa si Omeng, "Halata ko nga," anito nang hindi ako makasagot, "Hindi ka marunong eh. Siguro dapat muna kitang turuan bago. . ."
"Stop it!" Sigaw ko dito, "Hindi ka nakakatawa. Birthday mo lang ngayon kaya ayaw kitang sampalin pero wag mo sanang kalilimutan na ako pa rin ang boss mo!" May ere ng katarayang sabi ko dito. Ngunit nang maisip kong ako naman ang nag-umpisa nito, ibinaba ko na rin ang boses ko, "S-saan ba tayo kakain? Since birthday mo naman, ililibre na kita. . ."
"Ako ang taya ngayon. Kahit man lang sa ganitong paraan, mapatunayan kong kaya kitang pakainin sa restaurant." Narinig kong sabi sa akin ni Omeng.
"May pera ka ba?"
"Huwag mo naman akong masyadong insultuhin. Kaya ko namang magbayad ng bill hanggang five thousand."
Napairap ako, "Five thousand lang ang pera mo? Eh isang steak pa lang iyon." pairap na sabi ko sa kanya. Gusto kong matawa habang naiisip ang magiging reaction ni Mommy kung sakaling maririnig nito ang conversation naming ito ni Omeng.
"May alam akong masarap na steak, two hundred pesos lang ang isang order," sagot ni Omeng sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim. Gusto ko sanang sabihin kay Omeng; Nakatikim ka na ba ng steak para malaman mo kung ano ang masarap o hindi? Pero sinarili ko na lang ang naiisip ko. Hindi naman ako matapobreng gaya ni Mommy.
OMENG'S POV:
TAHIMIK NA TAHIMIK AKO HABANG TINATAHAK KO ANG kahabaan ng EDSA. Napapaisip ako sa mga nangyayari. Baka masampal ako ni Don Modesto sa naiisip na mga kalokohang ito ni Pamela. Ano ba itong gulong pinapasok ko?
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho. Mabuti na lamang at walang traffic. Ilang sandali pa ay nasa Teacher's Village na kami. May alam akong masarap na restaurant dito, sakto lang ang presyo at malaki ang serving. Minsan na kaming kumain dito ni Criselda. Actually, sa kanya ko nalaman ang lugar na ito.
"Paniguradong magugustuhan mo ang mga pagkain dito," sabi ko kay Pamela habang naghahanap kami ng mapaparadahan ng sasakyan, "Dinarayo ang lugar na ito, minsan nga, may mga artista pa. Saka hindi oa ang presyo."
"Madalas ka ba dito?"
"Minsan lang, kasama ng mga kaibigan. Nakasama ko na rin si Tiffany dito," kwento ko pa sa kanya.
"Sinong Tiffany?"
"Iyong tiga-Finance. . ."
"Nililigawan mo? O girlfriend mo?Eh sino pala iyong babaeng tumawag saiyo nuong isang araw?" Narinig kong tanong nito, napalingon ako kay Pamela.
"Masyado mo namang sineseryoso ang palabas natin," nakangising biro ko.
Kumunot ang nuo nito.
"Kung makapagtanong ka kasi, parang nagseselos ka," napapakamot sa ulong sabi ko.
"Hah, don't flatter yourself too much para isipjn mong nagseselos ako!" Pasupladang depensa ni Pamela sa akin.
"Relax, nagbibiro lang ako," pagpapakalma ko dito, "Alam ko namang hindi mangyayari iyon," mapait na sabi ko, "Hindi ko naman kinakalimutan kung ano ang katayuan ko."
OMENG’S POV:NAGPATAWAG ng dinner si Papa dito sa kanyang mansion sa Manila. Present ang aking madrasta, at ang dalawang anak nito na si Jay at si Lovely.Civil lang kami ng aking step mom, while si Lovely ay malapit sa akin at wala naman akong masamang tinapay dito.Pero as usual, mailap pa rin kami ni Jay sa isat isa at ni hindi nga ako nito tinitingnan man lang kahit na nasa iisang mahabang dinner table lang naman kami.Si Clarisse naman ay komportableng nakikipag usap sa aking madrasta. Pansin kong very close ang dalawa, in fact ay kinagigiliwan ng mga ito ang isa’t isa. Anyway, mabuti na rin iyon kahit sa totoo ay wala naman iyong bearing na sa akin lalo pa at matabang na rin naman si Papa makitungo kay Madela.Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagdiskusyon kay Papa tungkol sa mga pagbabagong gagawin ko sa kompanya nang magsalita si Clarisse at itinaas ang kopita ng alak, “Cheers!”Nangunot ang nuo ko. Ngumiti ito sa akin, “We’re having a baby soon!” anunsyo nito. Napansin kong nabit
Napilitan akong ipagtapat kay Omeng ang lahat, “Dahil sa matinding galit ko kay Mommy, I hired you to pretend as my fiancé. Nagkunawa rin tayong mag asawa ng mga ilang buwan. . .hanggang sa hindi ko na kayang magkunwari. And then the plane crash happened.”Tahimik lang si Omeng habang nakikinig sa kwento ko. Waring tinatantiya ang katotohanan ng mga sinasabi ko. Well, bahala na ito kung paniniwalaan ako or hindi. Ang mahalaga ay nasabi ko na dito ang lahat. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng dinadala ko.Maya maya ay narinig ko itong nagsalita. “Hindi na ito kailangan pang makarating kay Clarisse. Malinaw naman saiyo ang estado ng relasyon namin, hindi ba?” Sabi nito. “Kung may nakaraan man tayo, nakaraan ng lahat iyon, maliwanag ba?”May pait sa mga labing napangiti ako, “Wala naman akong balak umepal sa inyo. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na sana sasabihin ang totoo. Ang gusto ko lang naman, makaoagtrabaho ng maayos at walang gulo.”Tumango ito. Pagkatapos niyon ay hin
HINDI ko mapigilan ang aking sarili. Maraming mga alaala ang sumasagi sa akin kung kaya’t para ng gripo ang mga mata ko sa patuloy na pagdaloy ng aking mga luha. God, I miss this man so much.“Miss Morales?” Hinawakan nito ang mukha ko at matiim akong tinitigan.“Sir. . .” Gusto kong itanong dito kung may naalala ba ito kahit kaunti lang pero alam kong kalokohan lang iyon. Alam ko na naman ang sagot.“I’m sorry. Mukhang aabutin tayo ng magdamag dito,” sabi nitong bumuntong hininga ng malalim.Napakagat labi ako saka helpless na sumalampak sa sahig dahil nanakit na ang mga binti ko. Gumaya sa akin si Omeng.“Miss Morales,” tila may gusto itong sabihin ngunit bakas ang pag aalinlangan sa mukha nito. “Pamilyar sa akin ang. . .pangalan mo. Gusto ko lang malaman kung. . .kung nagkakilala na ba tayo dati?” Mahinang tanong nito.Muli akong kinabahan habang pinag iisipan ko kung ano ang isasagot ko. Sa huli, pinili ko na lamang ikubli ang katotohanan.It’s no use.Hihintayin ko na lamang ang
NAG IMPAKE na ako ng mga gamit ko dahil oras na para umuwi. Sobrang pagod na ako dahil five hours din akong nag overtime. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang magpahinga. Nasilip ko si Omeng na may kausap pa sa phone. Lumabas na ako ng opisina. Papasok na ako sa elevator nang makita ko itong palabas na rin at humabol sa pagsakay sa elevator. May awkwardness akong naramdaman dahil masyadong maliit ang elevator para sa aming dalawa. Feeling ko pati kaluluwa ko ay basang bass nito lalo pa at napakalinaw ng reflection ng elevator. Kahit nakatalikod ako ay nakikita ko pa rin sya and vice versa. Pinipilit kong magtrabaho ng tahimik at huwag paapekto sa presence nito pero may mga pagkakataong gaya nito na nakokorner ako.Ang hirap magpanggap lalo pa at palaging nanunumbalik sa aking mga alaala ang maiksi naming pinagsamahan.Nasasaktan ako sa katotohanang paulit ulit ko man iyong balikan sa aking mga alaala, ang realisad ay isa na lamang itong nakalipas. Kumabog ang dibdib ko nang magta
PAPASOK na ako sa trabaho nang masalubong ko ang isang lalaki palabas ng building. Bahagya itong napahinto nang makita ako na waring kinikilala kung sino ako saka kibit balikat na nagpatuloy na sa paglalakad. Napakunot nuo rin ako dahil pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.Nang makasakay na ako sa elevator ay tumunog ang aking phone. Si Omeng ang nasa kabilang linya, “Sir?”“Are you on your way to the office?” Tanong nito sa akin.“Yes, Sir. . .”“Pwede bang iorder mo muna ako ng bouquet for Clarisse. Any flowers will do as long as they are beautiful. It’s our anniversary at muntik ko nang makalimutan.” sabi nito sa akin.“Okay, Sir.”OMENG’S POV:SERYOSO ang naging usapan namin ni Papa. Pinipilit na nito akong pakasal kay Clarisse. Palagay ko rin naman ay tama ito. Gusto ko na rin itong mabigyan ng apo. My father is not getting any younger. At alam kong si Clarisse ang babaeng para sa akin. Bukod sa boto dito si Papa and vice versa, k
OMENG’S POV:HAWAK ni Pamela ang isang mamahaling bag, habang masusi nito iyong pinagmamasdan. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kasama nito sa restaurant. Alam kong hindi maganda ang manghusga, pero nababawan ako sa mga babaeng masyadong mahilig sa materyal na bagay lalo pa at kung hindi mo naman afford ang bagay na iyon. Iyong mga babaeng kinakailangan ng isang lalaking makakapitan para lang sa matayog na pangarap.But it’s none of my business. Huminga ako nang malalim at mabilis ko na itong tinalikuran. Bakit ko nga ba ito pag aaksayahan ng panahon?Sumakay ako sa elevator. Sa pinakatuktok ng mall ay mayroon akong malaking opisina. Under renovation pa lamang ito kung kaya’t hindi ko pa ito nagagamit sa ngayon.Sumilip lang ako dito. Pero biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na para akong mabubuwal. Nagpahinga lang ako ng kaunti saka sumakay na ulit pababa ng elevator.Napapikit ako. Waring may mga alaalang bumabalik sa isipan ko pero ang labo.Ni hindi ko maintindihan an