LOGINSpare Love
Chapter 2 Beautiful Heart Third POV "Dra… Dra… pakitingnan naman po ako.” Napalingon si Dianne sa pasyenteng tumawag sa kanya. One-day duty siya ngayon para makatulong sa mga kapwa niya doktor, kahit pagod pa siya sa sunod-sunod na schedule nitong mga nakaraang araw. Lumapit siya sa matanda at isinabit ang stethoscope sa tenga. “Mukhang okay ka naman po, Tay. Wala naman po akong naririnig na mali,” nakangiti niyang sabi. Napakunot ang noo ng matanda. “Malamang po, Dra. Hindi naman po ulo ko ang masakit—’yung tiyan ko po.” Napangiwi si Dianne nang mapansing nasa ulo ng pasyente niya nakadikit ang stethoscope. “Ay, sorry po, Tay! Higa po pala kayo para mas mapakinggan natin,” bahagya siyang napatawa sa sarili bago agad naging seryoso. Maingat niyang inilapat ang stethoscope sa tiyan ng matanda. Sandali siyang tumahimik, nakatuon ang pansin sa tunog. Sinundan niya iyon ng maingat na pagdiin sa ilang bahagi ng abdomen. “Aray…” daing ng matanda nang madiinan niya ang kanang bahagi. Biglang naging seryoso ang mukha ni Dianne. “Tay, nagsusuka po ba kayo? May lagnat? Ilang araw na po masakit?” Tumango ang matanda. “Kahapon pa po, Dra. Tapos parang sumasakit lalo kapag kumakain.” “Pakikuha nga po ang chart ni Tatay,” utos niya sa assistant nurse na naka-assign sa kanya. Inabot agad sa kanya ang chart. Mabilis niyang binasa ang medical history—may hypertension, may diabetes, at dati nang na-confine dahil sa ulcer. Napabuntong-hininga siya. Madaming sakit ang matanda. Hindi basta-basta ang pwedeng gawin. “Tay, kailangan po natin kayong ipa-laboratory. Magre-request ako ng blood test at ultrasound. May posibilidad po kasing may infection o problema sa bituka. Mas mabuti nang sigurado tayo bago tayo magdesisyon kung kailangan operahan.” Bahagyang natakot ang matanda. “Operahan po ba agad, Dra?” Ngumiti siya, pero may kasamang katiyakan ang mga mata niya. “Hindi pa po tayo mag-aassume. Pero kung kailangan, gagawin po natin para gumaling kayo.” Sandaling napahinto si Dianne. Saglit na pumasok sa isip niya ang lalaking pilit niyang iniiwasan isipin. Umiling siya nang bahagya. Hindi ito ang oras para magpadala sa emosyon. "Tay, ia-admit na po muna namin kayo para makapag-fasting na po kayo at maihanda sa mga tests. Sa swero na lang po natin ilalagay ang pain reliever—mas safe po iyon sa inyo at mas mabilis ang epekto.” Habang nagsusulat si Dianne sa chart, seryoso ang tono niya. “Ayan lang po muna ang ibibigay ko dahil base sa chart ninyo, matagal na po kayong hindi nae-examine. Magre-request po ako ng laboratory tests, X-ray, at abdominal ultrasound. Kapag wala pong malinaw na makita sa ultrasound, magse-step up tayo sa CT scan.” Tahimik na nakikinig ang mag-asawa. “Dra… hindi pa po ba ako makakauwi?” mahinang tanong ng matanda. “Bigyan niyo na lang po ako ng gamot na maiinom at uuwi na po kami ng asawa ko.” Huminto si Dianne sa pagsusulat at tumingin sa kanila nang diretso. “Tay, gusto ko man po kayong pauwiin, pero hindi po talaga pwede. Risk po ang kalagayan ninyo. Hindi pa po ako sigurado, pero posible pong kailanganin kayong operahan. Matigas po ang tiyan ninyo at masakit kapag diniinan. Hindi malayong may bara o nabuhol ang bituka ninyo.” Napahawak ang matanda sa tiyan. “Simula bukas po, bawal muna kayong kumain para sa tests. Magbibilang po tayo ng tatlong araw para maihanda kayo kung sakaling operahan. Kaya kailangan po talagang ma-admit para tuloy-tuloy ang gamutan.” Tahimik ang asawa ng matanda. Sumenyas ito gamit ang kamay—doon lang napansin ni Dianne na may kapansanan pala ito sa pagsasalita. “Totoo po siya, Dra…” tuloy ng matanda. “Wala po kaming pera. Pagtitinda lang po sa kalsada ang pinagkakakitaan namin. Wala rin po kaming tirahan… sa kariton lang po kami natutulog.” "Naku! Lolo, Lola… bakit po kayo nagpadala dito? Private hospital po ito, hindi po public!” agad na sabi ng lalaking nurse na naka-assign kay Dra. Dianne. “Nasan ba yung guard? Bakit kayo pinapasok? Naku, Dra… kawawa na naman tayo.” bulong pa nito na may halong inis. Mabilis siyang binatukan ni Dianne. “Aray! Dra naman eh!” reklamo ng nurse. “Tawagin mo yung guard,” mahinahon pero matigas na utos niya. Kumuha si Dianne ng papel at nagsimulang magsulat. Lalong lumiwanag ang mukha ng nurse. “Ay, i-di-discharge niyo na po ba sila, Dra?” tanong nito, tila umaasang pauuwiin na ang matanda. Hindi siya sumagot. Ilang sandali pa, dumating ang guard na may dalang wheelchair. “Ay sorry po, Dra. Dapat po ba stretcher?” nagmamadaling tanong ng guard. Tumango si Dianne. “Opo. Stretcher po. For admission.” Natigilan ang nurse. Agad namang umalis ang guard para kumuha ng stretcher. “Tay, ia-admit ko na po kayo, ha?” nakangiting sabi ni Dianne sa matanda. Nanlaki ang mata ng nurse. “Ha? Dra, sigurado po ba kayo?” pabulong nitong tanong. Tinignan siya ni Dianne nang diretso. Napayuko ang nurse. Dumating ang stretcher at maingat nilang inililipat ang matanda. Si Dianne pa mismo ang tumulong sa pag-angat nito. Ang asawa ng matanda ay nakahawak lang sa gilid, halatang nag-aalala. “Dalhin mo siya sa Room 307,” utos ni Dianne sa orderly. “Opo, Dra.” Tahimik lang ang nurse, kumakamot-kamot sa ulo. "Jeff,” tawag niya sa nurse. “Opo, Dra?” “Asikasuhin mo si Tatay. Kailangan makuha agad ang mga results niya para ma-evaluate ko na. At huwag ka nang umangal—hindi ka mamomroblema.” Ngumiti si Jeff. “Copy po, Dra.” Biglang humawak sa kamay niya ang matanda. “Dra… please po, ilabas niyo na lang po ako dito. Wala po talaga kaming maibabayad. Kahit maoperahan po ako, alam kong hindi rin namin mabibili ang mga gamot.” Marahang hinawakan ni Dianne ang kamay nito. “Tay, wala po kayong poproblemahin. Ako po ang bahala sa bills ninyo.” Nanlaki ang mata ng mag-asawa. “Dra… nakakahiya po sa inyo. Hindi niyo po kami obligasyon.” Ngumiti siya—malambing pero puno ng paninindigan. “Tay, obligasyon ko po kayo dahil pasyente ko po kayo. Mas mahalaga po ang buhay kaysa sa pera.” Saglit siyang tumigil at dinagdagan pa ang sinabi. “Ang hiling ko lang po, magpalakas kayo. Makipagtulungan kayo sa amin para gumaling kayo. ‘Yon lang po.” Naluha ang asawa ng matanda at tumango-tango. Dahan-dahan na silang inakyat ni Jeff papuntang kwarto. Pagkaalis nila, may narinig siyang pamilyar na boses mula sa likuran niya. “Naku! Kung ganyan ka palagi, malamang malugi na ang hospital niyo!” natatawang sabi ng kaibigan niyang doktora. "Hindi ko naman pinapabayad sa hospital yung pambabayad ko sa pasyente ko. Ngayon lang naman ‘to,” sabi niya habang may sinusulat sa chart. “Ngayon lang ulit kamo? Kelan lang ba ‘yung nanganak na walang pang-bayad? Diba six months pa lang nakakalipas? Tapos ito na naman ulit! Oo, mayaman ang lahi mo, mayaman ang mga magulang mo at pati na rin ang kuya mo. Ay ikaw din pala, pero pinaghihirapan niyo din naman ‘yun,” biro ng kaibigan niya. Umiling si Dianne, nakangiti sa sinabi nito. Masaya siya sa ganitong klase ng biro. “Ng-a pala, bakit ka magreresign?” tanong ng kaibigan niya, tumitig sa kaniya. “Sabi sa akin, mag-aaral daw ako sa naudlot mong pagiging chef sa Australia,” sagot niya, habang ipinapatong ang isa niyang kamay sa baba at tumango. “Baka naman yung mga pagkain mong lulutuin, libre lang? Bakit di ka na lang tumakbo sa halalan?” pabirong tanong nito. Hindi na niya pinatapos amg sermon ng kaibigan, dahil biglang nag-ring ang cellphone niya. Alam niyang tawag iyon na matagal na niyang hinihintay, halos isang linggo. “At yan, isa pa ‘yan, magpakatanga ka forever!” sagot niya sa kaibigan habang kinukuha ang tawag. “Hello, Jerome,” malumanay niyang bati, kabado pa rin pero ramdam na ramdam ang tuwa sa puso niya. “Finally,” sagot ni Jerome sa kabilang linya. “B-bakit finally?” tanong niya, halatang nagtataka. “Kanina pa ako tumatawag sayo,” paliwanag nito, at biglang kumalat ang kasiyahan sa katawan niya. “Pasensya na, babe. May pasyente pa kasi ako kanina. Bakit ngayon ka lang tumatawag? Ang tagal ko na ring naghihintay ng tawag mo,” sagot niya, halatang iniinda ang mga tanong nito. “Kaya ako tumawag, Dianne, kasi yung isa sa kambal ko may lagnat. Nakuhanan na siya ng mga test, gusto ko sana ikaw ang tumingin dahil mas tiwala ako sa’yo,” paliwanag ni Jerome, huminga ng malalim at umupo sa hagdanan. Naalala niya noon, sa pagbubuntis ni Janine, ganito rin ang mga tanong nito—masyado siyang nag-aalala, ngunit lagi ring kumokonsulta kay Dianne. "Sige isend mo na lang sa email ko." Tabang niyang tanong. "Thank you Dianne." Napatango na lang siya dito kahit hindi naman siya nakikita. "Babe, basta wag kang magpakapagod diyan ah? Mag-ingat ka palagi. I lo-" Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil kapag sinabi niya iyon magagalit ito. "Yeah." Sagot lang nito at pinatay na ang tawag. Huminga siya ng malalim at sinilid sa bulsa ang cellphone. Nagpapasalamat na din siya na alam niyang ligtas ang lalaking mahal niya. Sa kabilang ibayo, nakokonsensyang pinatay ni Jerome ang cellphone. Ayaw niyang masaktan si Dianne sa wala, kahit na mahal niya ang kanyang presensya bilang kaibigan lamang. Wala siyang nararamdaman para sa kanya kundi respeto at pagkakaibigan, dahil iyon ang tama. Si Janine ang tunay niyang mahal, at ang kanilang mga anak ang kanyang mundo. Sila ang buhay ni Jerome—walang sinuman ang maaaring pumalit sa puso niya. Naghihintay siyang mahalin ni Janine nang buong puso, kahit kailan. Mabait si Dianne. Maganda, matalino, mahusay, at may pusong doktor. Para bang lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya, ngunit alam ni Jerome na walang puwang ang puso ni Dianne para sa kanya. Gusto man niyang iwasan ang damdaming iyon, hindi kayang balewalain ng konsensya niya ang maliit na bahagi ng puso niyang natutuwa tuwing maririnig niya ang magandang boses at makikita ang kaakit-akit na mukha nito.Spare Love. Finale ( last chapter) Dianne POV Nakauwi na ako ng Maynila, mag-isa. Dahil pagkatapos naming magbakasyon sa Coron at pinagsaluhan ang pagmamahalan naming dalawa ni Jerome, bumalik siya ng Mindoro para ayusin muna ang mga dapat ayusin doon. Kapag naging maayos na, uuwi na siya sa amin para makita agad ang mga bata. Habang nasa duty ako at wala namang pasyente, binabasa ko ang mga cards na nakadikit sa mga bulaklak na binigay ni Jerome. Kasalanan ko rin kasi bakit hindi ko binasa ang mga ito noon pa! Kinikilig sana ako, hays… "Doktora, grabeng makangiti! Tinodo po ba ang pagdilig sa inyo ni Sir Jerome?" Napa-irap ako kay Jeff at tinuro ang bibig niyang itikom, at mabilis naman niyang ginawa yon. Saka sinenyasan siyang chumupi sa harapan ko. Umalis lang siyang nakangiti at aasar. Nag-ayos na ako at nagsuot ng kulay puti na dress, dito na ko nagpalit sa hospital kesa umuwi pa. Color coding daw ito—puti. May event kasi ang hospital sa isang simbahan, pasasalamat daw s
Spare Love Final 2 Sobrang hirap umakyat ng bundok, masyadong madulas. Walang pwedeng umakay sa’min dahil ang mga kalalakihan ay may mga bitbit, pero may sasalubong daw sa’min taga-itaas para bumaba at magpapanik ng mga iba pa naming ibibigay. Umupo muna kami sa gilid para magpahinga. Nang dumating na ang mga kalalakihan sa itaas, at madami sila, kaya di na kami nahirapan lahat. Nabigla ako nang tumabi sa’kin si Jerome at inilahad ang kamay niya. "I don't need your help." Saka nilagpasan ko siya, pero nagkamali pala ako ng apak at nadulas ako. Pero ‘di sumayad ang katawan ko sa lupa dahil nasapo agad ako ni J-Jerome. "Love, okay ka lang?" nakangisi niyang pang-aasar sa’kin. Mabilis akong tumayo pero bigla ding nadulas at napakapit sa kaniya. Nabigla ako nang nakarga niya na ako. "Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!" Parang wala siyang naririnig. "Ang mga kasamahan ko naglalakad tapos ako magpapabuhat?! Nakakahiya, Jerome, ano ba?!" Tumigil siya sandali at tumingin sa’kin, s
Spare Love After Five Years… Limang taon. Dalawang taon ko siyang hinawakan sa likod ng rehas at tatlong taon ko siyang hinintay… sa wala. Hanggang sa napagod na rin ako. Hindi dahil hindi ko na siya mahal— kundi dahil hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Bigla na lang nag-iba si Jerome pagkatapos niyang masentensyahan. Hindi ko alam kung hanggang kailan dahil hindi naman niya sinabi. Basta na lang, sa tuwing papasyal kami sa kaniya, hindi siya nakikipag-usap o lumalabas para kami makita ng mga anak niya. Isang sulat lang ang sinabi niya sa’kin nang huli kong punta na pinaabot niya sa naka-tokang pulis doon. Na dapat na akong bumalik sa dati kong buhay at maghanap ng taong mamahalin ako... Leche talaga siya. Ayoko nang pagpilitan pa ang sarili ko, mahalaga na sa’kin ang dalawa kong anak. Nakatira kami ng mga bata sa mansion ni Mamita, dahil wala na siyang makakasama pa dito dahil wala na ang bestfriend niyang si Manang. Pumanaw na ito dahil sa sakit. Minsan, pumapas
Spare Love Dianne POV Palagi kaming nagbabantay ni Jerome sa anak namin, hindi na rin kami umuuwi ng bahay. "Jerome… Dianne…" mahina niyang tinawag. Nasa bukana siya ng pintuan ng ICU. "Maari ko ba kayong makausap?" Nagkatinginan kami ni Jerome at nakita ko sa mata niya na handa niyang respetuhin ang desisyon ko. Tumango ako, saka sabay kaming tatlong lumabas sa hallway. Tumingin kami sa kaniya. Sa unang pagkakataon—wala na ang yabang sa mukha niya. "Alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad…" nanginginig ang boses niya. Tahimik lang kami, nakatitig, hindi alam kung anong sasabihin. "Pero… humihingi pa rin ako ng tawad." Napayuko siya. "Sa lahat ng ginawa ko… sa lahat ng kinuha ko sa inyo…" Napatingin muli sa akin si Jerome. Mahigpit akong hinawakan sa kamay niya, ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya—ang galit, ang takot, at ang pagod na sa sakit na idinulot ng pangyayari. Parehas kaming nararamdaman iyon. "Alam kong hindi sapat ang kahit anong salit
Dianne POV Biglang bumilis ang cardiac monitor ni Buchoy at nakikita kong nag seizure siya. Ang bawat beep ay parang sigaw ng takot sa dibdib ko. " Anton! Maawa kayo sa anak ko kailangan niya ng tulong ko! Ano ba?!" Umiiyak na ko, halos hindi ko makontrol ang sarili ko habang nakikita ng dalawang mata ko ang heart rate ng anak ko bumabagsak ng mabilis. Ang bawat patak ng pawis sa noo ko ay tanda ng desperasyon. " Anton!" Pagtawag ko na nagmamakaawa. Lumapit si Jerome. At inilapit sa dibdib niya ang baril na hawak ko. Parang huling sandata namin laban sa kamatayan. " Ako naman ang puno't dulo nito! Sige na iputok mo na Love! Iligtas mo ang anak natin! " Umiling ako, hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko siya kayang masaktan, kahit sa laro lang. " Love sige na! Para maligtas mo na ang anak natin! Hayaan mong ako naman ang gumawa ng paraan para maligtas kayo ng anak natin! Dianne please patayin mo na ko! " Pumikit siya, ang nasa dibdib niya ay inilagay niya sa kaniyang noo. At sak
Spare Love " Ilabas mo na ang anak ko, Nasan na ang anak ko?" Nabigla kami kay Dianne na tulala na nagsasalita. Parang unti-unti nang nababasag ang kontrol niya sa sarili. Huminga siya ng malalim. Saka kinuha ang baril na nasa bewang ni Vanessa na katabi niya. Ang bilis ng pangyayari—walang nakapagreact agad. Nabigla kaming lahat baka kung anong gawin niya, saka niya tinutok sa kaibigan niyang si Anton. Napatigil ang lahat. Kahit ang hangin parang tumigil sa paggalaw. " Ilabas mo na ang ang anak ko, Anton. Bago ko pa makalimutan na matalik kitang kaibigan!" Biglang nabigla si Anton sa sinabi ni Dianne. Ngunit sa likod ng gulat na iyon, may kung anong kumislap sa mata niya. " Pinagsasabi mo baby girl, alam mong di ko magagawa yan sa inyo lalo na sayo." Kalma ang boses niya—masyadong kalma para sa isang inosenteng tao. Ngumisi si Dianne na basang basa ang kaibigan. Halo ang sakit at galit sa mukha niya. " Ilabas mo na ang anak ko!" Saka pinaputok ni Dianne ang baril pero sa gili
Spare Love Dianne POV Paglabas ko, napahinto ako sa isang batang nakatayo sa tabi ng halamanan, hawak ang bulaklak na parang pinitas niya mismo sa garden. Lumiwanag ang mukha niya sa pagtingin sa akin, sumasayaw-sayaw habang papalapit. Nakaramdam ako ng tuwa at konsensya—nalimutan ko siyang pa
Spare Love Dianne POV Hinatid muna ako ni Jerome sa hospital bago siya pumasok sa opisina niya. Ang alam ko, kahit ano pa ang meron sa amin ngayon, hindi pa rin namin napag-uusapan—basta masaya kami sa presensya ng isa’t isa. "Welcome back, Dra!" bati nilang lahat sa akin. Inabot sakin ni Jeff
Spare Love Dianne POV Huminga ako ng malalim at muling binalikan nang tingin si Jerome na ngayon mukhang kinukumbinsi niya ako na maniwala. " Alam ba nila Van to?" Umiling siya, saka ko tumango, dahil alam kong kailanman hindi hahayaan nun na mapahamak ako. " Bakit? Bakit gusto niya kong patay
Spare Love Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya, pero may kirot sa puso ko na ramdam ko sa bawat sandali. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ng mahigpit na yakap. Nakatingin ako sa kanyang mga mata at kitang-kita ko rin ang sakit at pag-aalala sa kanya.“Bakit?” Hindi ko n







