LOGINSpare Love
Dianne POV Naging busy ako buong linggo dahil sa dami ng ginagawa ko, pero hindi ko pa rin nakakalimutang kamustahin si Jerome. Araw-araw ko siyang minemessage—kung kumain na ba siya, kung kumusta ang buong araw niya sa trabaho, at kung nakatulog ba siya nang maayos. Pero wala man lang kahit isang reply. “Pakiayos na lang ang operating room.” utos ko sa mga naka-duty doon. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, si Jerome ang tumatawag. “Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag-aalala ako.” inis kong sabi habang napapadyak pa ang kanang paa ko. “Si Janine kasi… sobrang sakit ng ulo niya. Kailangan ko na ba siyang isugod sa hospital?” Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Bakit ganito palagi? Tatawag siya, pero para lang pala kay Janine. “Please… anong gagawin ko?” tanong niya ulit. “Natanggap mo ang mga message ko, ’di ba?” tanong ko. Bigla siyang tumahimik sa kabilang linya. “Diba?” “Yeah.” Tumango na lang ako kahit hindi naman niya nakikita. “Painumin mo muna siya ng pain reliever. Pagkatapos nun, kung hindi mawala at lalo pang sumakit, dalhin mo na siya sa pinakamalapit na hospital.” Pagkasabi ko nun, pinatay ko na agad ang tawag. Ayokong marinig pa ang boses niya. Kumakain ako ngayon sa cafeteria ng hospital matapos ang pagro-round ko sa mga ward. “Pakain naman, oh!” Napangiti ako nang may biglang umupo sa tabi ko at hinalikan ako sa noo. “Kuya!” Agad ko siyang niyakap at inabot ang mango pudding ko na hindi ko pa nababawasan. “For you!” malambing kong sabi habang inaabot sa kanya. Excited naman niya iyong tinanggap at agad kinain. “Kamusta si Ate?” tanong ko. Nag-thumbs up lang siya dahil abala pa sa pagkain. Maya-maya, parang may naalala siya. May inilapag siyang brown envelope sa harapan ko. Kinuha ko iyon at binuksan. May mga papeles… at isang plane ticket. “Passport mo, okay na ’di ba?” tanong niya. Tumango ako habang tinitingnan ang ticket na binili niya. Unti-unti kong binasa ang nakasulat doon. Kuya, bakit naman Italy? Hindi ba sabi ko sa’yo London na! Wala pala siya sa Australia.” inis kong tanong. “Anong gagawin ko doon?” “Wala siya sa London,” kalmado niyang sagot. “Ang totoo, nasa Australia siya nakatira. Pero dahil malaki ang business niya, mas matagal siyang nag-i-stay sa Italy.” Napakunot ang noo ko. Napalunok ako sa sinabi niya. “A-alam mo?” mahinang tanong ko. Tumango lang siya habang patuloy na kumakain. “Kapatid, pogi lang talaga ako… pero hindi ako bobo,” dagdag niya sabay ngisi. Para bang nababasa niya ang iniisip ko. “Wag kang mag-alala,” sabi pa niya. “Hinahayaan din namin si Luc na ma-realize kung gaano niya kamahal si Janine.” Napabuntong-hininga ako. “Baby girl,” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. “Ayoko mang payagan ka… pero kung ’yan ang magpapasaya sa’yo, ayokong maging hadlang. Pero wag ko lang malalaman na sinasaktan ka niya, kundi patay siya sa’kin.” Bahagya siyang ngumiti. “Crush mo lang siya, ah?” Tumango ako. Ang alam lang niya, crush ko lang si Jerome. Hindi niya alam na… mahal ko na ang lalaking iyon. Hihihi. Italy Nakarating na ko dito sa Rome. Gusto ni Kuya na kumuha siya ng bahay na matitirhan ko pansamantala. Pero tumanggi ako, dahil kilala ko yun, napaka oa na Kuya nun baka mamaya lagi siyang nandito, pano na lang ang kalayaan ko, para makasama si Jerome. Buti na lang ang dalawang friendship ko ay lagalag at dito ko sila pinilit munang mag stay. Wala akong balak mag-aral , dahil masaya na ko sa larangan ng medisina. Kaso kailangan kong magsinungaling para magkalapit kami ni Jerome. "Girl/Beks!" Nakita kong kumakaway ang dalawa kong kaibigan at kumaway din ako. "Bojourna!" Bati sakin nilang dalawa at yumakap. "Hay! Anong katangahang mode to, Dianne?! Bakit di mo man lang ako sinabihan?! Kahit pinsan ko si Jerome, ayoko siya para sayo. Dahil naiinis ako sa kaniya sa tuwing binabalewala ka lang niya." Sabi ni Van na pigil ang inis. "My goodness! Baby girl, hays tapos kailangang sundan mo pa siya dito." Eksaherada talaga to minsan. Ang gandang babae pero mahadera ang bunganga. "Akin na." Sabi ko lang sa kaniya at nilahad ko ang aking kamay. Bumuntong hinga siya at binigay sakin ang schedule at address ni Jerome dito. "Tingnan ko nga yung oras Van." At tinignan ko ang wristwatch niya. " Kailangan ko nang gumora!" "Tingnan mo to bakla! Iiwanan tayo dahil kay lang kay pinsan." Natatawang sabi ni Van kay Zandro. "Girl, baka gusto mong ilibre kami ngayon? Gutom na ang peg namin!" Kinuha ko ang dalawang credit cards ko at two thousand euro sa wallet ko. Inabot ko sa kanilang dalawa. "Ganito na ba talaga ang batayan ng pagkakaibigan suhulan?! Pero kung ganito ay havey na havey!" Maarteng hiyaw ni Zandro. Bakla yan pero ang itsura niyan parang pinabatang Ian Veneracion "Grazie a voi due. Ciao!" ( Salamat sa inyong dalawa, bye!) Sabi ko at kumaripas nang takbo papunta sa aking mahal. Nandito na ko sa unit ni Jerome masigla akong nag door bell. Nabigla ako sa nagbukas, isang sikat na artista sa Pilipinas. Masasabi kong maganda naman siya pero lamang naman ako ng mga dalawang paligo. "Filipina?" Nakakunot noong tanong niya sakin, tumango lamang ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka ngumiwi. "So, are you a model in the Philippines too, or already a celebrity?” Nakataas pa ng kilay niya habang tinatanong ako. " Nope ." Nakangiti ko lang sagot. Bigla siyang pumalatak. "Oh! I knew it! I think isa ka sa anak mayayaman sa Pinas na humahabol at ginagamit lang ng baby ko. Sugar mommy ka ba niya? Kasi not like you ang mga type ni Jerome." Napapikit ako dahil sa inis sakaniya. " I’m a doctor. I’m his fiancée.” Hindi ko na siya pinag salita pa at tinabig ko siya para makadaan ako. " Hey, Miss? Pinapapasok ba kita?!” Leche! Wala akong pakialam sa kanya. Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng unit ni Jerome—simple lang, black and white, katulad ng inaasahan mo sa isang bachelor. “What the hell! Bakit ang ingay mo?!” Napatingin ako at natulala sa boses. Nakatingin siya sa isang babae sa tabi niya, hindi sa akin. Gwapo pa rin siya, pero may kakaibang tensyon sa paligid. “Yang babae na ’yan kasi eh!” Turo sa akin ng babae, na para bang sikat na sikat sa sarili. Bigla siyang bumaling sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero may napansin akong kislap sa mga mata niya—tahimik, mabilis na nawala. Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit, sobra kong namimiss. “How are you, babe?” Mahina kong tanong, halatang excited at sabik sa presensya niya. Tumitig siya sa akin, parang natatabunan ng pagkatulala. “D-Dianne… why are you here?” Nagtabang ang boses niya, parang gustong umiwas, ngunit hindi niya kayang itago ang kaba. “Fiancé pala ah!” maarteng sambit ng babae, sabay ngiting may halong asar. " Joyce, magkita na lang tayo tomorrow.” Ngumiti si Jerome sa babae at maingat na inalis ang yakap ko para lumapit sa babaeng iyon. Nakakainis! “Okay, sweetheart. Bukas na lang. Ciao!” Humalik siya sa labi ng babae, pero bago umalis, tiningnan niya ako. “Pathetic!” pang-iinis ng babae. Umirap lang ako at dinilaan niya ang babaeng feeling sikat. Pagkatapos makaalis ng babae, bigla niya akong hinarap. “What are you doing here?! I said, why are you here? Tell me, Dianne!” Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya—masaya ba siyang makita ako o naiinis lang talaga? “M-may voluntary work ako dito para sa UN… D-dito kasi sa Italy ako naka-base,” nauutal kong sabi, halatang kinakabahan sa intensity niya. “What?! Are you out of your mind?! Ang ganda ng career mo sa Pilipinas, sasayangin mo lang?! Magiging OFW ka dito?! Anong klaseng pag-iisip yan?! Buhay prinsesa ka don!” Nakapamewang siya, mukha talagang naiinis, at ilang beses ko rin narinig ang pagmumura niya. “H-hindi ko naman sinayang, Jerome. Nag-enroll din ako dito sa Culinary Arts para maging professional chef, At least makakapasok ako sa business mo.” Tumawa siya nang nakakaloko, pero halata ang frustration niya sa mukha. “That's my point! Ayan ka na naman! Pinagpipilitan mo na naman! Hindi ka magaling sa pagluluto ng pagkain. Painting—doon ka magaling! Dianne, huwag mong palaging idinidikit sa akin ang mga pangarap mo!" Alam kong frustrated siya. Wala naman akong magagawa kundi umupo sa couch. Itinukod niya ang isang kamay sa ulo niya, halatang naiirita—pero halata ring may natitira pa ring concern sa mga mata niya. "Yung pagiging doctor mo! Hindi ba ginaya mo lang din 'yon sa akin? Dahil akala mo iyon ang paborito kong propesyon!" patuloy niyang sabi. "Nang lumipat ako ng ibang course, lilipat ka na naman ulit! Kung hindi ko pa sinabi na ituloy mo na lang, susundan mo na naman ako at lilipat sa kursong nilipatan ko. Dianne, please lang." Mariin ang pakiusap niya. Binalewala ko lang iyon at tinitigan siya. "Nasaan ba ang kwarto natin?" tanong ko, biglang iniiba ang usapan. Ang dami na niyang dakdak. "Hindi ka puwedeng dito, Dianne. Please… umuwi ka na sa Pilipinas." Tinitigan ko siya nang may mapang-akit na tingin. "But why, babe? Are you afraid to fall in love with me?" Lumapit ako sa kaniya. Kumandong ako sa kaniya nang walang kahirap-hirap, saka marahang hinaplos ang dibdib niya. "Of course not. I'm confident na never ever to fall with you. Si Janine lang ang mahal ko." Masakit man pero kailangan kong balewalain yon. Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa batok niya. At hinalikan siya, sa una hindi siya tumutugon pero mas lalo ko pang inaggressive ang paghalik sa kaniya. Kaya napalambot ko din sa kaniya. Ang mga halik din niya ay mas sumarap ipinapasok niya na ang dila niya sa bibig ko. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa legs ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, kaya napasinghap ako. "D-Dianne mag make out lang tayo, hanggang dun lang." Sabi niya habang hinahalikan ako sa leeg. Hanggang dun lang kami pero ngayon ayoko lang ng ganon. Mabilis kong hinalikan ang leeg niya kaya naririnig kong umuungol siya. "Please, Dianne… don't do that." Mahina ngunit mariin ang boses ni Jerome habang sinusubukan niyang ilayo ang mukha niya sa akin. Ngumisi ako nang bahagya. "I'm ready, Jerome. Sa'yo ko lang ibibigay ito… please." Bulong ko habang nakatingin diretso sa mga mata niya. Napahinga siya nang malalim, para bang may mabigat siyang pinipigilan sa loob. Mabilis niya akong binuhat at idinikit sa pader habang patuloy ang halik namin, ngunit bigla rin siyang tumigil. Nakapikit siya sandali bago muling nagsalita. "Are you sure?" tanong niya, paos ang boses. "Pero hindi kita mahal." Parang may kumurot sa dibdib ko sa mga salitang iyon. Alam ko na iyon ang totoo… pero masakit pa rin marinig mula sa kaniya. Gusto kong tumigil. Gusto kong itulak siya palayo. Pero hindi ko ginawa. "Basta ako… mahal kita." Mahina kong sagot. Sandali siyang natahimik, tila hindi alam kung ano ang gagawin sa narinig niya.Spare Love Dianne POV Nakarating na rin kami sa Reggio Calabria. Mabilis lang naman ang byahe, pero nakakapagod pa rin, lalo na’t agad akong nakaramdam ng homesick. “Buongiorno!” Masayang bati ng dalawa sa sumalubong sa amin—mga lalaki. “Buona giornata a voi.” [Good day to you.] Balik na bati namin sa kanila. Siniko ako ni Van, na para bang sinasabi na tumango na lang ako. Naiilang kasi ako dito, sa isa sa kanila—para kasing tanga kung titig lang ako. “ Molte grazie ai volontari messi a diventare un medico qui nella nostra zona. .” [Maraming salamat sa mga boluntaryo na inilagay para maging doktor sa aming lugar.] Sabi sa amin ng isa sa kanila, na nakatingin pa rin sa akin. Naiilang na naman ako dahil hindi pa rin siya titigil sa pagtitig. Nandito na kami sa opisina ng director ng ospital. Hay, nakakainis dahil sa akin pa talaga tumabi ang lalaking ito. Nakakatakot naman! Gwapo siya talaga. Kung titignan mo, kahawig siya ni Kuya Vince, pero parang engot lang. “Uy girl, ikaw na!
Spare Love Dianne POV "Girl! Nakatunganga ka pa dyan?" tanong ni Van sa akin na nakabusangot. "Maiiwan na tayo ng eroplano na naman," hila niya sa akin, saka tumango-tango ako. "H-hindi na ba talaga tayo makakapaghintay kahit saglit lang?" sabi ko kay Van. Nagkatinginan silang dalawa ni Zandro, na parang naiinis ngunit naawa na rin sa akin. "Bakla, anim na oras na tayong naghihintay dito. Halos tatlong eroplano na ang nilagpasan natin," sabi ni Zandro, medyo umaangal. "B-baka kasi…" hinabaan ko ang leeg ko. Sana matanaw ko siya. "Na-traffic lang yun." "Traffic? Haler, hindi ito Pilipinas, Dianne! Dito, walang ganun," sabi ni Van, halatang naiinis. "Kung gusto mong maging tanga forever, bahala ka. Pero wag ngayon, dahil kanina pa tawag ng tawag ang director ng hospital sa atin. Hindi na dadating si Pinsan," dagdag niya na naka-pamewang. Bigla kong nakita si Jerome na papalapit sa amin. "Ayan na siya!" sigaw ko na sobrang tuwa. "Sabi ko sa inyo, dadating siya eh!" Umiling-il
Spare Love Dianne POV Sabi ni Jerome one week lang siyang mawawala. Pero two weeks nang mahigit, wala pa rin siya. Text ako nang text sa kaniya, wala man lang reply. Kapag tumatawag naman ako, hindi niya man lang din sinasagot. Sobrang busy lang ang peg! Gusto ko pa naman siyang makita bago kami pumunta ng probinsya dito sa Italy. Doon kasi kami naka-assign nila Zandro na mag-volunteer. Ayoko sanang sumama sa kanila para mahintay ko na lang dito si Jerome sa Rome, kaso mapilit ang mga gaga. Nag-duty muna ako dito sa hospital malapit sa unit ni Jerome dahil naboboring na ako! Wala pa naman ang bebe ko sa tabi ko. Umuuwi muna ako sa condo ni Jerome para naman ma-feel kong kunyari asawa niya ako, at siya ay isang OFW na kailangang magtrabaho para sa aming mga anak. Kinabukasan, eto na naman ako sa dating gawi—call on duty. Namimiss ko nang maging pasyente ang mga Pilipino. Kapag talaga naging akin na siya, iuuwi ko siya sa unit ko at itatali ko siya sa kama. Habang naglalakad ak
Spare Love Dianne POV Tatlong araw na akong nakatira kasama si Jerome. Maayos naman kami—katulad pa rin ng dati. Pero ramdam kong pormal pa rin siya sa akin, parang may invisible na pader sa pagitan naming dalawa. "Good morning!" masigla kong bati sa kaniya. Tahimik siyang umupo sa mesa para mag-almusal. "Anong oras ka umalis kagabi?" tanong ko habang inaayos ang pagkain sa mesa. "Kasi pagkatapos nating… magkasama kagabi, nakatulog agad ako. Hindi ko na namalayan kung kailan ka umalis." Tumingin siya sa akin, nakataas ang isang kilay. "N-natanong ko lang naman," dagdag ko agad. "Okay lang kahit hindi mo sagutin." Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng almusal. "Gusto mo bang malaman talaga?" tanong niya. Napakunot ang noo ko ngunit tumango pa rin ako. "Nagkita kami ni Janine kahapon sa Milan. Pinasyal namin ang mga anak namin." Ngumiti ako kahit may kumurot sa dibdib ko. Hindi ako pwedeng magreklamo. Sila ang unang priority niya. Sila ang pamilya niya. Ako… parang pangala
Spare Love Dianne POV SPG Alert Inalis niya ako mula sa pagkakadikit ko sa pader habang patuloy pa rin niyang hinahalikan ang aking leeg. Parang unti-unting nawawala ang lakas ko sa bawat dampi ng labi niya. Maya-maya ay binuhat niya ako at dinala papunta sa kwarto. Pagdating namin sa kama ay marahan niya akong ibinaba roon. Ako na mismo ang naghubad ng suot niyang t-shirt. Saglit siyang napatitig sa akin bago niya rin hinubad ang suot kong damit kasama ang panloob ko. “Wow…” bulong niya habang nakatitig sa akin. Agad akong nahiya at tinakpan ang dibdib ko, ngunit mabilis niyang inalis ang kamay ko. “Wala nang atrasan,” mahina niyang sabi. “You’re mine.” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking katawan. Hindi ko mapigilan ang mahinang ungol na lumabas sa aking labi habang dahan-dahan niyang hinahalikan ang aking balat. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kakaibang sensasyon na iyon—bago, nakakakaba, pero may halong sarap. Maya-maya ay naramdaman ko
Spare Love Dianne POV Naging busy ako buong linggo dahil sa dami ng ginagawa ko, pero hindi ko pa rin nakakalimutang kamustahin si Jerome. Araw-araw ko siyang minemessage—kung kumain na ba siya, kung kumusta ang buong araw niya sa trabaho, at kung nakatulog ba siya nang maayos. Pero wala man lang kahit isang reply. “Pakiayos na lang ang operating room.” utos ko sa mga naka-duty doon. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, si Jerome ang tumatawag. “Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag-aalala ako.” inis kong sabi habang napapadyak pa ang kanang paa ko. “Si Janine kasi… sobrang sakit ng ulo niya. Kailangan ko na ba siyang isugod sa hospital?” Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Bakit ganito palagi? Tatawag siya, pero para lang pala kay Janine. “Please… anong gagawin ko?” tanong niya ulit. “Natanggap mo ang mga message ko, ’di ba?” tanong ko. Bigla siyang tumahimik sa kabilang linya. “Diba?” “Yeah.” Tumango na lang ako kahit hindi naman niya




![[Tag] My Step-Uncle's Plaything](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


