Home / Romance / Spare Love / Chapter 3.

Share

Chapter 3.

Author: Rocel
last update publish date: 2026-03-28 21:41:41

Spare Love

Death

Third POV

Natapos na ring operahan ni Dianne ang matandang tinutulungan niya. Sa tuwing may naililigtas siyang buhay, pakiramdam niya ay nababawasan ang bigat sa puso niya.

Napakasarap sa pakiramdam na may natutulungan siya—na kahit papaano, may saysay ang bawat pagod at puyat niya.

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang huli siyang tawagan ni Jerome tungkol sa anak-anakan nito. Ni isang text o email ay wala. Hindi man lang niya malaman kung kumusta na ang bata. Gusto man niyang mangumusta, pinipigilan niya ang sarili.

Napagpasyahan niyang umuwi muna. Na-mi-miss na niya ang mga magulang niya at ang kuya niya. Pero bago iyon, naalala niyang may kailangan pa pala siyang bayaran—may balance pa siyang one hundred thousand.

“Doctora, fully paid na po kayo.”

Nabigla siya.

“Ano po?”

Inabot sa kanya ang resibo. Tiningnan niya iyon at nanlaki ang mga mata niya. Totoo nga—bayad na.

May sobra pa.

“Baby girl!”

Lumingon siya agad.

“Bro!”

Tumakbo siya at niyakap ang kuya niyang si Diego.

“Wag mo nga akong tawaging ganyan. Mga DP lang puwedeng tumawag sa’kin niyan!” kunwaring reklamo nito habang inaakbayan siya at kinukuha ang bag niya.

“Arte,” natatawa niyang sagot, pero hindi niya maalis ang yakap. Ngayon lang niya naramdaman kung gaano siya kalungkot at kung gaano niya na-miss ang kuya niya.

“Thank you, Kuya Diegs.”

“Syempre naman. Ayoko namang isang araw mababalitaan ko na pulubi ka na,” biro nito.

Ngumiti siya at hinalikan ang kuya niya sa pisngi.

“Hmm… ewan. Porket magiging Daddy ka na, yabang mo na,” pang-aasar niya.

Masaya siya para rito. Kahapon lang nalaman nilang buntis si Alex. Pero napansin niyang biglang nag-iba ang ekspresyon ng kuya niya.

“Ayaw mo pang maging Daddy?” maingat niyang tanong.

Tahimik sandali si Diego bago ngumiti nang pilit.

"Ayaw ni Ate Alex mo.” ang noo ko. Kilala ko si Ate Alex—mabait, mahinahon, at mas boto ko talaga siya kaysa kay Ate Sam.

“Bakit daw?” tanong ko agad.

Umiling si Kuya Diegs.

“Hindi ko alam. Pero alam kong may dahilan siya.”

Ngumiti ako sa kanya. Alam ko namang mahal na mahal siya ni Ate Alex. Baka natatakot lang.

“Pag-usapan niyo, Kuya. Mas okay ‘yon kaysa manghula ka.”

Tumango siya.

“Oo nga eh.”

“Libre mo ‘ko ng breakfast,” malambing kong sabi sabay silip sa relo ko

Biglang napatingin siya sa suot kong relo at nanlaki ang mata.

“Hey! Dianne Madrigal, don’t tell me ngayon ka lang kakain ng breakfast?”

Nag-peace sign ako sabay ngiti.

“Ay!” reklamo niya. “Alas tres na ng hapon! Nag-skip ka na naman ng breakfast at lunch?!”

Kumamot lang ako sa ulo, pilit na ngumiti.

“Busy kasi…”

“Busy ka palagi!” sermon niya pero halata namang nag-aalala lang.

“Halika na nga. Kakain tayo. Gusto kong mag-avocado.”

Natawa ako.

“Kuya, ikaw talaga.”

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami palabas ng hospital.

“Dianne,” seryoso niyang tawag.

“Hm?”

“Huwag mong ubusin ang sarili mo sa pag-aalaga ng iba. May mga taong gustong mag-alaga rin sa’yo.”

Napangiti ako pero hindi ako sumagot.

Kung alam lang niya na matagal ko nang gustong alagaan ang isang tao—pero hindi naman ako ang pinili.

“Kuya, libre mo pa rin ha.”

Napailing siya.

“Ang kulit mo talaga.”

Pero mas hinigpitan niya ang akbay sa’kin.

At sa sandaling iyon, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

Nakahiga ako sa malambot kong kama.

Hays… sa wakas makakapagpahinga rin.

Pikit na sana ang mga mata ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko pero agad ko ring sinagot.

“Where are you?”

Biglang nagising ang diwa ko sa boses na iyon.

“Bahay. Patulog pa lang… why?” sagot ko, pilit na kalmado.

Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya.

“Sa bahay ka na lang matulog.”

Halos mapatalon ako sa kama.

“Sure! Nasaan ka na ba?” Mabilis akong bumangon at nagpalit ng damit. Hindi ako magkandaugaga, pero pilit kong kinokontrol ang sarili ko. Ayokong magmukhang sabik… kahit sabik na sabik na talaga ako.

Pagdating ko, nadatnan ko siyang nakahiga na. Humiga ako sa tabi niya at kusa akong yumakap.

“Kamusta ka naman doon?” paos kong tanong habang nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya.

Katatapos lang naming maghalikan. Ramdam ko pa ang init ng hininga niya sa balat ko.

H******n ko ang baba niya—isang maliit, tahimik na pag-angkin. Umaasa akong sa ganitong paraan, kahit papaano, maramdaman niyang ako ang nandito.

Kapag kaming dalawa lang, madalas sumasagi sa isip ko…

bakit pa namin pinapatagal?

Kung sa huli, kami rin naman?

Pero alam kong hindi ganoon kasimple.

“Gano’n pa rin,” mahina niyang sagot. “Nakikihabol pa rin sa pagmamahal ni Janine.”

"Yung triplets, mababait ang mga ’yon. Matatalino pa,” sabi niya sabay tango at ngiti.

“Ikaw, kamusta ka naman?”

“Ayun, toxic pa rin sa ER. Pero masaya naman. Kasi kung wala ako doon, baka walang gumamot sa mga walang kakayahang magbayad.”

Napansin niya ang paraan ng pagtitig ni Jerome—parang may gustong sabihin.

“May matanda kasi na walang pambayad. Kaya in-offer ko na ako na ang bahala sa gastusin.”

Tumango si Jerome at humugot ng malalim na paghinga.

“Okay…” Hinaplos niya ang buhok ni Dianne at tinitigan siya sa mga mata.

“Alisin mo rin minsan ang pagiging sobrang mabuti mo. Baka inaabuso ka na.”

“Okay lang. Minsan hinahatian naman ako ni Kuya at saka ni Dok Anthony.”

Biglang kumunot ang noo ni Jerome.

“Nakabalik na ba siya ng Pilipinas?”

Umiling si Dianne.

“Nakakamiss nga eh. Wala na akong kasamang gumimik tuwing gabi. Lagi tuloy nababangga kotse ko.”

Tiningnan siya ni Jerome nang nakasimangot.

“Akala ko ba ako ang crush mo? Pero ’yang mukha mo pag si Anton ang pinag-uusapan, kumikislap ang mata mo.”

Napatawa siya sa itsura nitong parang batang naagawan ng candy.

“Siya ang pangalawa kong crush,” pang-iinis niya.

Kikilitiin sana siya ni Jerome nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Anthony.

Nang makita ni Jerome kung sino ang tumatawag, agad itong tumayo pero agad niyang pinindot ang loud speaker.

“Baby girl, nasaan ka?” tanong ni Anthony sa kabilang linya.

Inayos muna ni Dianne ang boses bago sumagot.

“Nasa bahay ni Jerome. Nakauwi ka na?”

“Hindi pa. Gusto ko lang malaman kung okay ka. Ako na bahala sa kalahati ng bill nung baby sa NICU, alright?”

Halata ang tuwa sa mukha ni Dianne habang tumatango. Pagkababa niya ng tawag, biglang naglapag si Jerome ng blank check sa harapan niya.

“Ako na ang magbabayad ng lahat ng utang mo sa hospital.”

At walang lingon-lingon, lumabas siya ng kwarto.

Napakunot ang noo ni Dianne.

Ano ’yon?

Maganda ang umaga ni Dianne nang ihatid siya ni Jerome bago ito mag-meeting. Habang naglalakad siya sa hallway papuntang ER, may lumapit sa kanya.

“Blooming naman si Dra. ah!” biro ng lalaking nurse na laging naka-assign sa kanya. “Nadiligan kayo?”

Umirap siya.

“Hays! Isara mo nga yang bunganga mo!”

Mabilis nitong isinara ang labi, na kinatawa naman niya.

Pagdating niya sa ER, payapa pa ang umaga. Pero tambak ang charts sa mesa niya.

“Dra! Yung pasyente niyo pong matanda—nag-aagaw buhay!”

Napatakbo siya agad sa ICU.

Bumabagsak ang BP. Humihina ang heart rate. Sa gilid, nanginginig sa kaba ang asawa ng matanda.

“Kunin ang defibrillator!” utos niya.

“Taasan ang dosage!”

“Clear?”

“Clear!”

Ilang beses niyang sinubukan.

Pero hindi bumabalik ang tibok.

Nag-straight line.

Huminga siya nang malalim at sinubukan pang mag-CPR. Pero wala na.

Binawian na ng buhay ang matanda.

Napatingin siya sa asawa nitong iyak nang iyak sa gilid. Unti-unting lumabas ang mga staff, iniwan ang mag-asawa sa loob ng ICU.

Hindi niya kinaya.

Nagmadali siyang umakyat sa rooftop.

Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa langit.

Bakit kailangang may mawala?

Bakit kailangang may maiwan?

Ito ang parte ng pagiging doktor na hindi niya masanay-sanay.

Paano na ang asawa niya?

Papano na ang asawa nito kung wala na ang minahal nito ng ilang taon?

Paano na ang taong naiwan?

Bigla siyang nabigla nang may humawak sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

Napapikit siya.

Jerome.

“Hind ka pa rin nasanay hanggang ngayon,” biro nito.

“Naging doktora ka pa naman.”

Hinampas niya ito sa dibdib.

Hinarap siya ni Jerome at marahang pinunasan ang luha niya.

“Araw-araw may nawawalan ng minamahal,” sabi nito nang seryoso.

“May purpose ’yon. Pero araw-araw din may ipinapanganak na may bagong purpose sa mundong ’to. Doon tayo kakapit.”

Tumango siya.

“Salamat, Jerome.”

Ngumiti ito at muling pinahid ang natitirang luha sa pisngi niya.

At sa sandaling iyon, kahit saglit lang, gumaan ang bigat sa dibdib niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spare Love    Chapter 10

    Spare Love Dianne POV Nakarating na rin kami sa Reggio Calabria. Mabilis lang naman ang byahe, pero nakakapagod pa rin, lalo na’t agad akong nakaramdam ng homesick. “Buongiorno!” Masayang bati ng dalawa sa sumalubong sa amin—mga lalaki. “Buona giornata a voi.” [Good day to you.] Balik na bati namin sa kanila. Siniko ako ni Van, na para bang sinasabi na tumango na lang ako. Naiilang kasi ako dito, sa isa sa kanila—para kasing tanga kung titig lang ako. “ Molte grazie ai volontari messi a diventare un medico qui nella nostra zona. .” [Maraming salamat sa mga boluntaryo na inilagay para maging doktor sa aming lugar.] Sabi sa amin ng isa sa kanila, na nakatingin pa rin sa akin. Naiilang na naman ako dahil hindi pa rin siya titigil sa pagtitig. Nandito na kami sa opisina ng director ng ospital. Hay, nakakainis dahil sa akin pa talaga tumabi ang lalaking ito. Nakakatakot naman! Gwapo siya talaga. Kung titignan mo, kahawig siya ni Kuya Vince, pero parang engot lang. “Uy girl, ikaw na!

  • Spare Love    Chapter 9

    Spare Love Dianne POV "Girl! Nakatunganga ka pa dyan?" tanong ni Van sa akin na nakabusangot. "Maiiwan na tayo ng eroplano na naman," hila niya sa akin, saka tumango-tango ako. "H-hindi na ba talaga tayo makakapaghintay kahit saglit lang?" sabi ko kay Van. Nagkatinginan silang dalawa ni Zandro, na parang naiinis ngunit naawa na rin sa akin. "Bakla, anim na oras na tayong naghihintay dito. Halos tatlong eroplano na ang nilagpasan natin," sabi ni Zandro, medyo umaangal. "B-baka kasi…" hinabaan ko ang leeg ko. Sana matanaw ko siya. "Na-traffic lang yun." "Traffic? Haler, hindi ito Pilipinas, Dianne! Dito, walang ganun," sabi ni Van, halatang naiinis. "Kung gusto mong maging tanga forever, bahala ka. Pero wag ngayon, dahil kanina pa tawag ng tawag ang director ng hospital sa atin. Hindi na dadating si Pinsan," dagdag niya na naka-pamewang. Bigla kong nakita si Jerome na papalapit sa amin. "Ayan na siya!" sigaw ko na sobrang tuwa. "Sabi ko sa inyo, dadating siya eh!" Umiling-il

  • Spare Love    Chapter 8

    Spare Love Dianne POV Sabi ni Jerome one week lang siyang mawawala. Pero two weeks nang mahigit, wala pa rin siya. Text ako nang text sa kaniya, wala man lang reply. Kapag tumatawag naman ako, hindi niya man lang din sinasagot. Sobrang busy lang ang peg! Gusto ko pa naman siyang makita bago kami pumunta ng probinsya dito sa Italy. Doon kasi kami naka-assign nila Zandro na mag-volunteer. Ayoko sanang sumama sa kanila para mahintay ko na lang dito si Jerome sa Rome, kaso mapilit ang mga gaga. Nag-duty muna ako dito sa hospital malapit sa unit ni Jerome dahil naboboring na ako! Wala pa naman ang bebe ko sa tabi ko. Umuuwi muna ako sa condo ni Jerome para naman ma-feel kong kunyari asawa niya ako, at siya ay isang OFW na kailangang magtrabaho para sa aming mga anak. Kinabukasan, eto na naman ako sa dating gawi—call on duty. Namimiss ko nang maging pasyente ang mga Pilipino. Kapag talaga naging akin na siya, iuuwi ko siya sa unit ko at itatali ko siya sa kama. Habang naglalakad ak

  • Spare Love    Chapter 7

    Spare Love Dianne POV Tatlong araw na akong nakatira kasama si Jerome. Maayos naman kami—katulad pa rin ng dati. Pero ramdam kong pormal pa rin siya sa akin, parang may invisible na pader sa pagitan naming dalawa. "Good morning!" masigla kong bati sa kaniya. Tahimik siyang umupo sa mesa para mag-almusal. "Anong oras ka umalis kagabi?" tanong ko habang inaayos ang pagkain sa mesa. "Kasi pagkatapos nating… magkasama kagabi, nakatulog agad ako. Hindi ko na namalayan kung kailan ka umalis." Tumingin siya sa akin, nakataas ang isang kilay. "N-natanong ko lang naman," dagdag ko agad. "Okay lang kahit hindi mo sagutin." Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng almusal. "Gusto mo bang malaman talaga?" tanong niya. Napakunot ang noo ko ngunit tumango pa rin ako. "Nagkita kami ni Janine kahapon sa Milan. Pinasyal namin ang mga anak namin." Ngumiti ako kahit may kumurot sa dibdib ko. Hindi ako pwedeng magreklamo. Sila ang unang priority niya. Sila ang pamilya niya. Ako… parang pangala

  • Spare Love     Chapter 6

    Spare Love Dianne POV SPG Alert Inalis niya ako mula sa pagkakadikit ko sa pader habang patuloy pa rin niyang hinahalikan ang aking leeg. Parang unti-unting nawawala ang lakas ko sa bawat dampi ng labi niya. Maya-maya ay binuhat niya ako at dinala papunta sa kwarto. Pagdating namin sa kama ay marahan niya akong ibinaba roon. Ako na mismo ang naghubad ng suot niyang t-shirt. Saglit siyang napatitig sa akin bago niya rin hinubad ang suot kong damit kasama ang panloob ko. “Wow…” bulong niya habang nakatitig sa akin. Agad akong nahiya at tinakpan ang dibdib ko, ngunit mabilis niyang inalis ang kamay ko. “Wala nang atrasan,” mahina niyang sabi. “You’re mine.” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking katawan. Hindi ko mapigilan ang mahinang ungol na lumabas sa aking labi habang dahan-dahan niyang hinahalikan ang aking balat. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kakaibang sensasyon na iyon—bago, nakakakaba, pero may halong sarap. Maya-maya ay naramdaman ko

  • Spare Love    Chapter 5

    Spare Love Dianne POV Naging busy ako buong linggo dahil sa dami ng ginagawa ko, pero hindi ko pa rin nakakalimutang kamustahin si Jerome. Araw-araw ko siyang minemessage—kung kumain na ba siya, kung kumusta ang buong araw niya sa trabaho, at kung nakatulog ba siya nang maayos. Pero wala man lang kahit isang reply. “Pakiayos na lang ang operating room.” utos ko sa mga naka-duty doon. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, si Jerome ang tumatawag. “Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag-aalala ako.” inis kong sabi habang napapadyak pa ang kanang paa ko. “Si Janine kasi… sobrang sakit ng ulo niya. Kailangan ko na ba siyang isugod sa hospital?” Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Bakit ganito palagi? Tatawag siya, pero para lang pala kay Janine. “Please… anong gagawin ko?” tanong niya ulit. “Natanggap mo ang mga message ko, ’di ba?” tanong ko. Bigla siyang tumahimik sa kabilang linya. “Diba?” “Yeah.” Tumango na lang ako kahit hindi naman niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status