Share

Chapter 4

Author: Wind lyn
last update Huling Na-update: 2023-07-19 15:13:45

"Anak kamusta ang trabaho?"

"Okay lang naman po Ma."

"Ipaghahanda na kita ng makakain anak."

Nakita ko na nilapag ni Mama ang plato sa mesa. Nilagay niya sa mangkok ang sopas. Umupo na ako at sinunggaban agad ito.

"Mukang nagustuhan mo anak."

"Masarap po eh!" Nang matapos ay umakyat na agad ako sa aking kwarto. Umupo ako sa aking kutson. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag.

"Hello Bessy kamusta kana? Labas tayo bukas."

"Busy ako."

"Bakit ang sungit mo? May dalaw ka ba? Hayaan mo bukas magdadala ako ng pampers mo hahaha." Magsasalita pa sana ako kaso pinatayan niya agad ako.

Kahit kailan talaga, sa tuwing kausap ko sa phone laging one minute lang. Akala mo laging may hinahabol eh! Matagal na kaming mag kaibigan ni Kian since high school yata kaibigan ko na tong mokong na to.

Matagal na rin niyang kasintahan si Emily kaya hindi na ako magtataka kung wala na siyang time sa akin. Ganoon talaga, maghihiwalay din sila.

"Wala kasing forever," sabi ko sa sarili. Nakaramdam ako ng antok kaya napahiga ako sa aking kutson. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mata. Mag alas otso na ng umaga ng tingnan ko ang orasan. Napatayo ako ng maramdaman ko na naduwal na naman ako ay mabilis akong bumaba patungo sa cr. Halos halikan ko na ang kubeta sa aking sitwasyon. Ilang minuto pa ay nakaupo pa rin ako sa sahig. Nang nakatayo ako ay nakita ko ang mukha ni mama na nakakunot ang dalawang kilay.

"M-ma," nauutal kong wika. Naghilamos na lang ako dahil parang galit sa akin si mama.

"Alyssa. Magbihis ka ngayon na. Huwag mo akong pag antayin."

Nanginig ang buo kong katawan ng marinig si mama. Alam kong galit siya kasi tinawag niya ang buo kong pangalan. Kahit palaisipan sa akin kung saan kami pupunta ay nagbihis agad ako. Nagsuot lang ako ng bestida na kulay dilaw, pinuyod ko ang aking buhok at isinuot ang malaki kong salamin.

"Alyssa! Bilisan mo," narinig kong sigaw ni Mama.

Nang marinig ko ang boses ni Mama ay madali akong bumaba. Nakatingin lang siya sa akin.

Nang makalabas kami sa gate ay pumara agad si mama ng tricycle. Kinakabahan ako sa kinikilos ni mama. Pumasok na kami sa loob at pinaharurot na ito ni manong. Tahimik lang kami sa loob habang ako ay kinakabahan pa rin sa isip ko ay baka masampal ako ni mama. Masakit kaya 'yon. Sa takot ko ay ay di ko napansin na may munting tubig na sa aking pisngi.

"May dapat ka bang sabihin sa akin?" tanong ni mama habang ang kanyang tingin ay nasa kawalan.

"Pababa kami sa maternity hospital. Eto ang bayad ko, sayo na ang sukli," wika ni Mama sa driver.

"Salamat." Nakita ko na malaki ng ngiti ni manong.

"Nandito na po tayo. Mag ingat kayo." Sabay pinaharurot ni manong agad ang tricycle.

Nang makababa na kami ni mama ay hinawakan niya ang aking pala pulsuhan.

"Hoy, Elizabeth ikaw pala. Ang tagal na natin hindi nagkikita. Anak mo ba 'yan?" tanong ng doctor kay mama saka siya yumapos at nag beso.

Nakita kong tumango si mama at iniwan ako sa loob. Inabutan ako ng doctor ng test kit sinamahan niya ako sa loob at nakita ko na naman ang dalawang kulay pula na linya. Lumabas na ang doctor, si mama naman ay umupo sa tabi ko.

"Congrats your eight weeks pregnant." Nakita kong kalmado pa rin si mama. Nagpaalam na ito at nag beso. Nang malapit na kami sa bahay ay natanaw ko si Kian na nasa labas ng gate.

"Magandang umaga tita." Hindi siya pinansin ni mama at pumasok na agad sa loob ng bahay.

"Galit ba si tita? Kamusta kana?" Niyakap naman ako ni Kian. "I miss you," bulong niya sa tenga ko. Siya si Kian Monteverde, gwapo, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Sa totoo lang gwapo sana itong bestfriend ko. Kung hindi ko ito naging kaibigan baka matagal na akong nagkagusto dito.

Humagulgol na lang ako ng iyak sa kanya dahil nag aalala ako kay mama. Iyak lang ako ng iyak hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Bestfriend ko siya pero mas lalo akong takot na malaman na si Aiden na pinsan niya ang nakabuntis sa akin. Panay hagulgol lang ako sa kanya. Naramdaman ko na lang na tinapik niya ang aking likod.

Pumasok na kami sa loob. Nakita ko si mama na nakatungo sa lamesa. Naiiyak na naman ako dahil alam kong galit sa'kin si mama. Umupo na lang ako sa sofa habang patuloy pa rin sa paglandas ang aking luha.

"Sinong ama?" kalmado na tanong ni mama.

Umiiyak parin ako dahil takot akong malaman ni Kian.

"Sinong ama!" sigaw ni mama na umiiyak na rin. "Ilang taon kita ginapang sa pag aaral ngayon ka pa lang nagta-trabaho, nagpabuntis ka agad! Kahit kailan hindi kita pinalaki na pariwara. Tiniis ko ang hirap para pag aralin ka tapos ito lang ang isusukli mo sa akin."

Sobrang nasasaktan ako dahil nakita kong ako ang dahilan kung bakit umiiyak si mama. Ang sakit sakit na makita na umiiyak ang magulang mo. Alam ko naman na mataas ang expectation sa akin ni mama. Parehas na kaming humagulgol pati si Kian ay nakita kong umiiyak na rin. "Sorry ma," bulong ko sa hangin.

Walang tigil ang pag tagas ng tubig sa aking mata. Halos malabo na ang aking mata dahil sa tubig na lumalabas dito. Tumayo na ako para umakyat sa aking kwarto pero nagdilim ang aking paningin. Nagising na lang ako ng makitang nakahiga ako sa sofa.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Kian na nasa tabi ng ulo ko nakaupo.

"Okay ka na ba? Nawalan ka ng malay kanina. Sinabi na sa akin ni tita."

"Sorry," sambit ko. Sinilip ko ang kanyang mukha na nakatingin sa kung saan. Alam ko na nagtatampo siya sa'kin. Pero anong magagawa ko. Pinsan niya ang nakabuntis. Pinili ko 'yon at wala akong pagsisihan. Gagawin ko ang lahat para mabigay ang lahat sa aking anak. Mag iingat ako para hindi malaman ni Aiden.

Nasa mesa kami ni Kian habang kumakain. Dumating si mama na may dala dalang dalandan at sunkist. Inilapag niya ito sa mesa. Kinuha ko naman saka binalatan. Nakita ko naman na nakatitig lang sa'kin ang bestfriend kong gwapo habang ako ay masayang kumakain. Sinasayaw ko ang aking ulo sa saya dahil tuwang tuwa ako sa dalandan kong hawak.

"Ilang buwan ka ng buntis?" seryosong tanong niya.

"Two months."

"Kung itatanong mo kung sino ang ama hindi ko alam. Nangyari to nang araw na pumunta ako sa resort. Hindi ko alam kung sino. Sinabi ko na baka itanong mo pa sakin." Kinurot niya lang ako sa pisngi, hindi na siya muli pang nagtanong mukang nakumbinsi ko naman siya.

Alas nuwebe na rin ng gabi nang magpaalam na si Kian. Dadalaw na lang daw siya sa sunod na linggo. Hinalikan niya lang ako sa aking ulo. Nang maka alis na siya ay naiwan akong naka halumbaba sa lamesa

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Spending the night of my Boss    Chapter 16

    Alyssa's POV"Anak kamusta ang buhay may asawa?" tanong ni mama sa kabilang linya. "Ma, naman hindi ko nga siya asawa. Hindi siya ang ama ng anak ko?!" "Lahat ng bagay anak ay napag uusapan, galit ka lang or nalulungkot dahil sa namimiss mo siya."Napatikom ang bibig ko tama si mama kung tutuusin ay nagagalit ako dahil bigla kasing umalis si Aiden at hindi na ito nagparamdam pa sa akin. Naiisip ko tuloy bigla na hindi talaga kami mahalaga kay Aiden. Ang buong akala ko pa noon ay seryoso ang sinabi niya kay mama na papakasalan niya ako. Umasa pa ako na magkakaroon ng buong pamilya kasama siya. Ilang buwan na rin at malapit na kong manganak pero hindi ko pa rin kaya sabihin ang totoo sa kanya."Anak, nariyan ka pa ba?" Habang nakikinig kay Mama ito na naman ang biglang pag bagsak ng aking mga luha. Mga luha na pilit kong pinipigilan. Bakit ko ba sinasayang ang tubig sa mga mata ko? Tumigil na kayo please.. pero kahit anong pigil ko kusa parin silang bumabagsak."Mag ingat kayo riya

  • Spending the night of my Boss    Chapter 15

    "Sorry baby." Mga salita na gustong sabihin ni Aiden kay Alyssa. Ayaw niya itong masaktan pero kailangan niya muna ulit itong iwan dahil kapag hindi siya umalis ng mga oras na 'yon ay hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili. "Ang aga mo namang mag drama ng malala brother," wika ni David habang pabagsak na umupo sa couch kaya napatingin si Aiden dahil tumalbog ang kinauupuan niya. Tinitigan ito ng masama ni Aiden para maisip ni David na badtrip siya. "Tinatakot mo na naman ako brother," pabirong sabi pa nito. Natawa tuloy si Aiden bigla sa sinabi ng kapatid. Paano ba na hindi siya tatawa eh! yung itsura ni David ay may kilos pa na parang batang natatakot talaga. "Ano ba kasing iniisip mo?" Sabay siko sa kanya ni David. Hindi niya ito pinansin kaya kinuha niya ang phone nag-iisip kung tatawagan pa ba niya si Alyssa. "Ay naku! huwag ka

  • Spending the night of my Boss    Chapter 14

    Nagising si Alyssa na mabigat ang kanyang katawan, ramdam niya na parang may gumagapang sa kanyang hita pataas kaya mabilis niya tuloy minulat ang dalawang mata at nakita niya na katabi si Aiden. Hindi tuloy maiwasan ni Alyssa na mapangiti lalo na at hindi pala panaginip ang naramdaman niyang pagpapaligaya sa kanya kagabi. Tinitigan niya ang kabuuan ng gwapong mukha nito. Nang malapit ng marating ni Aiden ang kanyang pagkababae ay mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. "Your awake babe," anya ni Aiden na medyo paos pa ang boses habang nakapikit. Napasinghap pa tuloy siya ng maramdam ang pagyapos sa kanya ni Aiden. "Sir kailangan ko ng bumangon." Hindi siya pinansin ni Aiden kaya pilit niyang tinatanggal ang kamay nito. "Babe," bulong ni Aiden sa kanyang tainga kaya hindi na niya tinangkang tanggalin pa ang pagkakayakap sa kanya ni Aiden."My manhood." Namilog ang mata ni Alyssa dahil sa narinig. "Ha?!" "Need you." Napaubo tuloy si Alyssa dahil sa narinig. Nang subukan niyang m

  • Spending the night of my Boss    Chapter 13

    Third Person POV'sPagkatapos ito yakapin ni Aiden noong isang gabi ay hindi na siya ito pinansin. Ilang araw na rin itong hindi pumupunta sa bahay pero paminsan minsan ay may nakikita si Alyssa na sasakyan sa tapat ng bahay nila. "Hi baby." Nagulat si Alyssa sa nagsalita.Si David lang pala na biglang sumulpot sa harapan ng pinto nila. "Huwag ka ng magtaka kung bakit nandito ako." na ngingiti pa si David habang palapit sa kanya.Pang tatlong araw na rin kasi ni Alyssa na hindi pumapasok sa opisina dahil madalas sumakit ang kanyang tiyan kaya nag file ito ng leave kahit mga one week lang. "May gusto kang kamustahin?" tanong ni David habang malaki ang ngiti. Ibinaba niya ang mga bitbit na pagkain na binili niya sa restaurant bago niya naisipan na bumisita rito."Kamusta sa office?" Sabay higop ni Alyssa sa ice tea. "What do you mean kamusta si Kuya." Tumayo pa ito na parang nag eemote. "Ako ang nandito tapos si Kuya yung hinahanap mo. So unfair baby."Totoo naman ang sinabi niya na

  • Spending the night of my Boss    Chapter 12

    "Anak! Aalis na kami ng kapatid mo," wika ni Mama at naramdaman ko na lang na may humalik sa aking noo kaya napadilat ang mata ko."Ma, sasama a--" "Anak, huwag ng matigas ang ulo. Sasamahan ka naman ng asawa mo rito.""A-asawa!" gulat na tanong ko."Huwag maarte anak hindi ka maganda." pabirong sabi ni Mama sabay ngiti sa akin. "Pero ayaw ko siyang kasama." Pagmamaktol ko pa."Ayaw ka rin naman niyang kasama eh!""Ma naman, hindi ako nakikipag biruan," saad ko sa kanya."Mapapagod ka lang kung sasama ka at saka may trabaho ka di'ba? baka hindi ka payagan ng boss mo.""Sama ako Ma." Pagpupumilit ko sa kanya habang inaalog ang kanyang braso."Oh! siya aalis na kami. Ang apo ko alagaan mo." paalam ni Mama kaya wala na'ko nagawa. "Huwag ka ng bumaba pa at Ihahatid naman kami ni Aiden."Ilang oras pa lang simula ng umalis sila Mama at Aiza sa bahay ay hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil dalawa na lang kami ni Aiden. Sobrang nalulungkot ako na hindi sila makakasama ng matagal pero

  • Spending the night of my Boss    Chapter 11

    Ganon ba siya ka gwapo sa paningin ni Mama. Ayos ha! Sa oras na malaman niya na siya talaga ang ama ng pinagbubuntis ko, baka hindi na siya pumunta sa bahay. Nasa higaan pa rin ako habang ang isipan ko ay na sa kung saan. Ano kayang buhay ang magkaroon kami ni baby kung sinabi ko agad ito sa kanya.Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakaramdam ako ng gutom kaya mabilis akong nagtungo sa kusina at nakita ko si Aiden na nakaupo habang hawak ang tasa na may lamang kape.Mabilis kong kinuha ang plato at nagtimpla ng gatas, sinunggaban ko rin ang nakahain sa lamesa. Sarap akong kumain habang naka kamay. Wala akong paki kahit nasa harapan ko pa si Aiden basta makakain lang ako. "Are you done ?" tanong niya sa akin. "Anak! magbihis kana at sasama ako mamili ng damit ng apo ko." Matagal pa akong nakatingin kay Mama tepong hindi pa pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. "Bilisan mo at huwag mo kami pag hintayin." Nanlaki ang aking mata at napatingin kay Aiden. Na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status