Share

Chapter 5

Nakaupo ako sa public chair habang may lumapit sa akin, iniabot ang isang pirasong rosas at mabilis na tumakbo ito palayo. Sumunod ay dalawang batang pulubi ang lumapit naman at ibinigay nila ang tig isang piraso ng rosas. Anong meron Valentine's day ba ngayon? "K-kanino galing ang mga ito?" takang tanong ko pa sa kanila.

"Pinabibigay ng lalaki. Naroon sa may nagtitinda ng kwek kwek." Wika niya sa at tumakbo ng mabilis.

Patuloy ako sa paglalakad nang makaramdaman ng gutom at napansin kong maraming tao sa may kariton. Nakipag siksikan talaga ako para malaman kung ano 'yon. Mabuti na lang ay naalala ko na buntis pala ako. Naisip kong tumayo na lang sa tabi habang hinihintay humupa ang tao.

"I'm here sa Baclaran, ate. May dinaanan lang ako. Don't worry mag iingat ako. Uuwi rin ako bye."

Halos hindi ako maka galaw ng marinig ko ang boses ng lalaking kulay asul ang damit. Si Ai-- namilog ang aking dalawang mata ng humarap na ito. Halos magulat din siya ng makita ako.

Halatang nag-iisip ng sasabihin. Huwag niyang sabihin na sa kanya galing ang bulaklak na ito?

"Ikaw pala."Sabay kamot niya sa ulo.

Tumango lang ako sa kanya pero ang tingin ko ay nasa kwek kwek na kinakain ni kuya.

"You like it. It's dirty, it's not good for you. Uuwi kana ba? Ihahatid na kita."

Nalungkot naman ako ng hindi makatikim ng kwek kwek. Niyaya na ako ni Sir, sumabay eh! pumayag na rin ako sayang din iyon tipid pamasahe. Nang makapasok sa loob ng kaniyang kotse ay nakatitig lang ako sa itsura niya.

Kung minsan ay nakikita niya akong nakatingin sa kanya pero ginagantihan niya lang ako ng ngiti. Kahit minsan galit siya pero ang gwapo niya talaga sa paningin ko.

"Can we eat at your house?"

Halos mapa-ubo ako sa kaniyang tanong dahil baka mapagalitan na naman ako ni mama.

"Hindi pwede Sir." Nakita ko naman na biglang na lungkot ang kanyang mukha. "Gusto mong kumain sa bahay.” Nakita ko naman na biglang lumawak ang kaniyang ngiti sa labi. Kinuha niya ang mga pagkaing dala niya sa loob ng sasakyan.

"Mama si ate may kasamang lalaki." Narinig kong malakas na sigaw ni Aiza. Sumalubong sa amin ang nakapamewang na si Mama.

"Maupo kana, kukuha lang ako ng plato.” Pero nagulat ako ng tumayo siya at siya mismo ang kumuha ng plato.

Nang nakaupo na kami sa sofa ay nakita ko si Mama na taas baba ang tingin kay Aiden. Mukhang sinusuri niya itong mabuti. Mas lalo tuloy akong kinabahan ng nilagyan ni Aiden ang aking plato ng pagkain. Kalmado lang ito at parang walang pakialam sa paligid. Parang pagsisihan ko na dinala ko siya rito sa bahay.

"Ikaw ba ang naka buntis sa anak ko?" diretsong na tanong Mama.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mama. Mabilis akong tumayo at nag stay muna sa kusina. Ayokong marinig ang pag uusapan nila. Masyadong komplikado baka mamaya kung ano ang gawin ni Mama sa boss ko. Napagdesisyonan kong bumalik dahil parang narinig kong tumatawa si Mama.

"Ma, boss ko si Sir Aiden." pakilala ko. Hindi naman niya ako pinansin. Sumubo lang ito at naging seryoso ang itsura. Si Aiden naman ay hawak ang prutas na hinimay himay at nilagay sa aking plato. Hindi ko inaasahan na magiging close sila nito. Ang ini-expect ko ay sasampalin ito ni Mama at ipagtatabuyan gaya na lang ng napapanood ko sa pelikula. Napansin kong humikab siya at medyo mapungay na rin ang mata.

" Inaantok ka ba iho, pwede ka mahiga diyan sa sofa."

"Okay lang po ba?"

Tumango lang si mama. "Okay lang basta tutupad ka sa pinag usapan natin iho. Maging good boy ka muna dahil nasa pamamahay kita."

Parang nahulog ang panga ko sa sinabi ni Mama. Naguguluhan ako ano yung pinag usapan nila. Bakit wala akong alam. Alam na ba ni mama na si Aiden ang nakabuntis sa akin. Alam na ba niya? Paano niya nalaman? Anong gagawin ko? Ang daming mga tanong ang pumapasok sa aking isipan. Napansin ko na lang na nakapikit na si Aiden sa sofa.

"Uy si ate inlove sa boyfriend niya."

"Boss ko yan, luka luka ka."

"Talaga ba ate. Eh! sabi niya kay mama siya daw ang boyfriend mo hihi. Bakit namumula ka kung hindi kayo? "

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil naiinis na akong kausapin siya. Ang bata pa lang ang dami nang alam. Kakapanood niya yan ng Korean drama eh!. Kumuha ako ng kumot sa aking kwarto saka ikinumot ito kay Aiden na mahimbing na natutulog itinutok ko na rin ang electric fan. Syempre mayaman ang lalaking ito baka masira ang kutis.

Umakyat na rin ako sa aking kwarto at nahiga sa aking malambot na kutson. Sobrang daming nangyari sa akin sa araw na to parang pagod na pagod ako. Alam kong galit parin sa'kin si mama. Pero umaasa pa rin ako na bukas maging okay na kami.

Nang nakarinig ako ng ingay ay madali akong tumayo para bumaba. Hawak ang aking ulo dahil sa bigla kong pagtayo. Nang makababa ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Aiden. Nakakainis! Kahit bagong gising siya ay gwapo pa rin. Ang swerte ko naman kung ikaw ang magiging kamukha ni baby.

"Gusto mo bang ipagtimpala kita ng kape?" Hindi siya nagsalita siguro ay hindi ako narinig.

Inabot ko ang kanyang kape sa hindi inaasahan ay nahawakan niya ang aking kamay. Para akong nakaramdam ng kuryente ng dumikit ang kanyang palad.

"Sorry.” sambit niya. "Pupunta na ako sa opisina, gusto mong sumabay?”

"Huwag na." Tanggi ko pa sa kaniya. Masyado pa kasing maaga kung aalis na ako saka maliligo pa ko baka ma bored lang siya pag hinintay ako.

Ngayon ay araw ng lunes kailangan pumasok dahil matatanggap ko na ang unang sahod ko. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng maging secretary ako ni Aiden. Excited na akong makuha ang aking bonus.

Pagkapasok ko sa building ay narinig ko ang bulungan ng ibang mga babae.

"Alam mo ba na may napupusuan daw si Mr Monteverde rito sa company natin," saad ng isang babae.

"Ang swerte naman ng babae na iyon! hindi ba may girlfriend 'yon na nasa Paris?" Napansin nilang nakatitig ako sa kanila kaya lumapit sa akin ang isang babae.

" Oy! di ba ikaw ang secretary ng CEO. Parang ikaw lang yata ang pinaka matagal na secretary."

Umiling lang ako sa kanila. Mga babae talaga puro kwento roon kwento rito. Babae rin naman ako pero hindi ako ganon no! Wala akong pakialam sa babae ni Sir Aiden ang gusto ko lang ay mag trabaho.

Itinapat ko agad ang aking thumbmark para makapasok sa opisina ni Sir. Pero nagulat ako ng makita siyang natutulog sa kanyang swivel chair. Napansin kong nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang polo kaya napalunok ako. Dahan dahan ko ulit isinara ang glassdoor para hindi siya magising.

"Ms Alyssa pinapatawag ka ni Mr Ramon," sabi ni Ma'am Macey.

Sumunod na ako sa kaniya at bumungad sa akin ang ama ni Aiden. Hinding maikakaila na kahit matanda na ito ay gwapo pa rin sa totoo lang ay may pagkahawig sila ni David. Naupo na lang ako sa tabi.

"How's your first month working with my son?" seryosong tanong nito.

"Maayos naman."

"Here's your salary for one month. Inaasahan ko na tatagal ka pa sa kumpanya ko. Sa totoo lang ikaw lang ang pinaka tumagal na secretary ng anak ko. Karamihan kasi ay nagreresign sa hindi ko malaman ang dahilan."

"Salamat po." Bumalik na ako sa opisina ni Sir sakto naman at tumunog ang telepono. "What is my schedule today?"

"May meeting ka po ng three pm kay Mr. Can--" Binaba niya agad ang telepono. Naku! Magpinsan nga sila ni Kian, hindi pa nga ako tapos magsalita.

"Bakit kaya masungit si Aiden may ginawa na naman ba akong masama?" tanong ko sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status